THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Oneness - Iisang Personang Dios Nagpapatotoo sa Sarili

Oneness said:

makikita mo dito na hindi sila hiwalay.

pero kung dito mo lang kukunin ang pagkakaintindi mo, di mo pa lubos maintindihan ito.


kaya nga establish muna natin kung ilan ang Dios mo.


at ituloy natin sa verse 19:

19 "Then they asked him, “Where is your father?”


“You do not know 
me or my Father,” Jesus replied. “If you knew me, you would know my Father also.”

dito, di ginamit ni JESUS ang "and" but "or". meaning either He or the Father are one and the same. singular ang effect.


at kung itutuloy pa natin:

“If you knew me, you would know my Father also.”


thus, they are One as what JESUS said the "I and the Father are one".

Ang sinasabi mo na sinabi ni Jesus na "Ako at ang Ama ay iisa" ay hindi nangangahulugang iisang persona sila. Dahil sa panalangin ni Jesus ay ganito ang sinabi niya:

Juan 17:21,22,23
21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.

Malinaw na ang pagiging isa ng Ama at ng Anak ay sa ganito rin pinag-iisa ni Cristo ang mga tao, iisang persona lang ba ang mga tao na pinag-iisa ni Jesus? Hindi kundi maarami na iisa tulad ng pagiging isa ng Ama at ng Anak. Kaya ang sinabi ni Jesus na: "Ako at ang Ama ay iisa" ay pareho sa pagiging isa ng mga sumasampalataya kay Cristo.

22 At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa

23 Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.

Juan 8:16,17,18,29
16 Oo, at kung ako'y humahatol, ang hatol ko'y totoo; sapagka't hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin
17 Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. 
18 Ako ang nagpapatotoo sa akin din, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin.
29 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; hindi niya ako binayaang nagiisa; sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.

Dito ay sinabi ni Jesus na dalawa silang nagpapatotoo at sinabi ni Jesus ng tungkol sa nasusulat na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. Kaya paano magiging tama ang sinabi ni Jesus na dalawa silang nagpapatotoo? Paano magiging tama ang sinabi ni Jesus? At isa pa, sinabi ni Jesus na hindi siya nagiisa na nangangahulugang na may iba pa bukod sa kanya at may kasama siya at magkaibang persona ang Ama at ang Anak.

Juan 16:32 Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.

Ilang beses na sinabi ni Jesus na hindi siya nagiisa kaya paanong magiging tama ang paniniwala ng tungkol sa pagiging isang persona ng Ama at ng Anak?

Juan 5:31 Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan. 

Malinaw na sinabi ni Jesus na kung siya ang nagpapatotoo sa kanyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan. Kung iisang personal na Dios ay siya rin ang nagkatawang tao at siya rin ang Ama, hindi magiging tama ang sinabi niya na kung nagpapatotoo siya sa kanyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan.

Malinaw na sinabi ni Jesus na hindi siya nag-iisa na nagpapatoo. At malinaw na iba pang persona ang Ama at iba pa ang Anak sapagkat sinabi ni Jesus na hindi siya nagiisa na nagpapatotoo.

Sinabi ni Jesus na kung siya ang nagpapatotoo sa kaniyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan.

Paano yon? Ang iisang persona na Dios na nasa kay Cristo ay siya ring iisang personang Dios na Ama. Ang iisang personang Dios (Ama at Anak isama na ang patotoo ng Espiritu Santo na nagpapatotoo kay Cristo) ay nagpapatotoo sa sarili niya. kung ganoon, ang patotoo ng iisang personang Dios ay hindi totoo sapagkat nagpapatotoo siya sa kaniyang sarili Juan 5:31
Oneness said:
hindi ibig sabihin yan na hindi totoo yan kung hindi ito ay magiging hindi katanggap tanggap ng nakakarinig. kasi kung ganun na lang ang pagkakaintindi mo, magiging hindi na rin katotohanan ang lahat na sasabihin Nya, di ba?


kagaya ng nangyayari sa sarili mo ngayon jeps. you cannot accept it. lalo na kung dito ka lang mag babase sa iyong pag-aaral sa Kanya.


kagaya nga ng sinabi Nya dito rin sa John 5 na (39) "You diligently study the Scriptures because you think that by them you possess eternal life. 
These are the Scriptures that testify about me, 40 yet you refuse to come to me to have life."

kasi ang Scriptures na tinutukoy ni JESUS ay hindi ang New Testament. It is the Old Testament. And JESUS is referring to the whole Scriptures that testified about Him. Who is He that the Scriptures is talking about, anyway? Is it not talking only about God?


Thus, when JESUS said that "These are the Scriptures that testify about me(JESUS)", it means that JESUS is God that the Old Testament refers to as the Father.


Indeed, "The sheep really hears the voice of the Shepherd". At nakakalungkot na merong akong mga kapatirang mga Filipino na hindi nakikinig sa Kanyang Boses.
Ke Old Testament Ke New Testament iisang persona ang pinanggalingan... At sino ang pinatototohanan? ang sarili niyang iisang persona at siya na rin ang nagsabing kung pinatototohanan niya ang kaniyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan.

Kanino nanggaling ang patotoo sa Old Testament hindi ba sa iisang personang nagsabing kung nagpapatotoo siya sa sarili ay hindi katototohanan ang kaniyang patotoo. Iyan ang Dios ng Oneness, nagpapatotoo sa sarili kaya hindi katototohanan ang kaniyang patotoo.

At kapag walang katotohanan sa kaniyang patotoo, ibig sabihin ay kasinungalingan ang sinasabi niya.

Juan 7:17,18
17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, okung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. 18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

Juan 8:44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

Iyan ang dios ninyo, iyan ang ama ninyo, nagsasalita sa ganang kaniya.

Juan 17:22 At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;

Ang mga tao na pinag-iisa ni Cristo tulad niya at ng Ama ay marami. Kung ang mga tao ay pinag-iisa ni Jesus tulad niya at ang Ama, iisang personang tao ang matitira kung pagbabatayan ay ang doktrinang oneness. Dahil ang paniniwala na pagiging isa ng Ama at ng Anak ay pagiging isang persona, kung gagawing isa ang mga tao tulad ng Ama at ng Anak, iisang tao ang matitirang tagasunod ng Dios.


 Ulitin ang John 7:18

John 7:18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

Cristo = humahanap ng kaluwalhatian ng nagsugo = iisang Dios
Ama na nagsugo = binibigyan ng kaluwalhatian = siya din ang iisang Dios.

So, malinaw na si Jesus na iisang Dios (ang Ama daw ang nagsasalita at gumagawa ayon sa oneness) ay humahanap ng kaluwalhatian ng walang iba kundi ng iisang Dios na siya din, samakatuwid, ang iisang Dios (jesus) ay humahanap ng kaluwalahatian ng sarili (iisang Dios)

Sino daw ayon sa Panginoon ang humahanap ng SARILING KALUWALHATIAN, maliwanag sa na ang nagsasalita (o nagpapatotoo) sa kaniyang sarili.

Ulitin natin ang John 8:44

John 8:44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

Maliwanag po ba?

No comments:

Post a Comment