THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Apoy 2

Hindi ako naniniwala na masusunog ang buong mundo sa pagdating ni Cristo o ng kaarawan ng Panginoon. Ang apoy ay ang salita ng Dios,

Jeremiah 23:29 Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato?

Psalm 18:8 Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok: mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon.

Jeremias 5:14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.

At si Cristo naman ay makikipaglaban sa mga bansa sa pamamagitan ng salita ng Dios pa rin.

Revelation 19:15,21 15At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.
21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.

John 12:48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.

Apoy ba ang ginamit ni Jesus sa pakikipaglaban? Oo, sapagkat ang salita ng Dios ay apoy.

Ang salita ng Dios ay tabak.

Ephesians 6:17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

2 Corithians 10:4 (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);

Hebrews 4:12 Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

Mark 13:31 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

Idioma yata ang tawag dito sa nakasulat Mark 13:31, parang "dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay" idiom ba yon?

Hindi imposible na mawala ang langit at ang lupa ngunit ang salita ng Dios ay imposibleng hindi matupad. Ganon ang ibig sabihin niyan. Nakaugnay dyan ang sinalita ni Pedro. Ngayon, kung tutol ka, pwede ka bang magbigay ng talata mula sa isang propeta sa lumang tipan tungkol sa sinabi ni Pedro?


Isaiah 66:15,16 15 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.
16 Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.

No comments:

Post a Comment