THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Isang Araw Lang

John 3:19
19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.

Ang kahatulan ay ang pagparito niya. Hindi ba sinabi na niya ito? Oo, pero...

Luke 21:33 Heaven and earth will pass away, but my words will never pass away.

Juan 14:3
3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

Tungkol sa kahatulan, maraming sinulat ang mga propeta kung ano ang hatol at kung bakit hahatulan. Isang araw lang iyan.

Gawa 17:31
31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.

Madaling malaman kung kailan ang araw na iyan. Paano? Eh di kapag naganap na ang mga hula ng mga propeta. Iisang araw lang naman ang tinutukoy nila.

Mikas 7:4
4 Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.

Ang araw ng pagdalaw ay sa araw ng panghihiganti.

Oseas 9:7
7 Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.

Ang paghihiganti ay magaganap sa pagdating ni Jesus.

2 Mga Taga-Tesalonica 1:7,8
7 At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,
8 Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:

Sa anong verse ako nagsimula? John 3:19? Babalik lang tayo sa John 3:19

Pero ang maghihiganti ay ang Ama mismo.

Hebreo 10:30
30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.

Deuteronomio 32:35,36
35 Ang panghihiganti ay akin, at gayon din ang gantingpala, Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa: Sapagka't ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit, At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali.
36 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, At magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod; Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala, At wala ng natitira na natatakpan o naiwan.

Ang nasa ibaba ay karugtong ng may pamagat na: Digmaan sa Langit...

Ang nasa Pahayag 11:2 ay pareho sa Pahayag 20:9 Alamin natin ang panahon. Basahin natin sa Pahayag 11:7 at Pahayag 20:3,7.

Pahayag 11:7
7 At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

Apocalipsis 20:3,7
3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,

Ang ating binasa ay tumutukoy sa panahon na si Satanas ay umahon sa kalaliman. Ayon sa relihiyong Saksi ni Jehova, ang kasuklamsuklam na paninira o panahon ng mga Gentil ay tatagal ng 2,520 years at natapos noong 1914 CE. Ang biblia ay walang sinasabi na tatagal ng 2,520 years ang panahon ng mga Hentil.

Daniel 9:27
27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

Kung ang sanglinggo na sinasabi sa Daniel 9:27 ay 2,520 ay mangangahulugang ang 490 taon ay magiging 490x360 = n? years. Mali ang sinasabi nila, dahil ang kasuklamsuklam na paninira na panahon ng mga Gentil ay tatagal lang ng 1260 days na katumbas ng tatlo at kalahating taon.

Daniel 12:11
11 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.

Revelation 11:2
2 At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad. 

Halos lahat ay nangyari noong 9/11 sa New York kaya lamang naging 1260 o 1290 days ito ay dahil sa pagkamatay o libing ni Pope John Paul II. Lahat pati Armagedon. Parepareho kasi ang lahat ng iyan. 1260 days. Sa Daniel 12:11 ay sinabi na ang simula ng pagbilang ng 1290 days ay mula sa pagtayo ng kasuklamsuklam na paninira. Sabi naman sa Revelation 10:7 na magaganap ang lahat ng hiwaga bago hipan ang ikapitong trumpeta. Ang 6th trumpet ay sa panahon ni Pope John Paul II, na ang apat na anghel ay ang apat na eruplano noong 9/11. Kaya 1290 o 1260 days hanggang kay Pope Benedict XVI. Hindi ba may hula "daw" tungkol sa Papacy. Eksakto!

No comments:

Post a Comment