THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Bagong Tipan

Image Link

Deuteronomio 9:11
11 At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi, na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan.

Hebrews 8:13
13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.

Kung hindi ang tipan na nakasulat ng tapyas ng bato ang binago, ano?

Kung ano ang ipinalit?

Hebrews 8:10,11
10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko:
11 At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan, At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing, Kilalanin mo ang Panginoon: Sapagka't ako'y makikilala ng lahat, Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila.

Anong kautusan ang ilalagay sa isip at puso na sa ganito ay makikilala natin ang Dios?

1 Juan 4:7,8
7 Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.
8 Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig.

Ngayon, alamin natin kung ang pag-ibig ba ang tipan ng Panginoon.

Juan 15:12,13
12 Ito ang aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo.
13 Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.

Mateo 26:28
28 Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Upang patunayan ng Panginoon ang kaniyang pag-ibig at ang kaniyang tipan ay inialay niya ang kaniyang buhay. Kaya ang bagong tipan ay ang pag-ibig (Hebrews 8:10,11 at 1 Juan 4:7,8) na dito ay makikilala natin ang Panginoon. Mula sa Hebrews 8:10,11 ay ituloy natin hanggang sa Hebrews 8:12 at ating itugma sa nakasulat sa Mateo 26:28

Hebrews 8:12
12 Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.

Ngayon, masasabi ko na ang dapat sundin ay ang utos na pag-ibig. Dahil kapag umiibig, hindi ka makagagawa ng labag sa kautusan dahil umiibig nga.

Ano ba ang mabuti, hindi mo nalalabag ang kautusan dahil iniuutos at ayaw mong labagin o ang hindi mo nalalabag ang kautusan dahil ikaw ay umiibig at hindi dahil iniuutos na huwag lalabag?

Kaya ng sabi ni Pablo, ang umiibig sa kapwa ay nakaganap na ng kautusan.

Romans 13:8,10
8 Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.
10 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

Galatians 5:14
14 Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.

Kaya kapag umiibig ay hindi mo malalabag ang kautusan hindi dahil iniuutos at hindi dahil ayaw mong lumabag kundi dahil ikaw ay may pag-ibig. Sapagkat ang pag-ibig ay hindi dahil gusto mong sumunod sa kautusan kundi dahil ikaw ay umiibig sa kapwa. Kaya isang utos ang ibinigay ng Panginoon, ibigin ang kapwa.

Ang lumang tipan ay pagkakilala sa kasalanan, ngunit ang bagong tipan ay pagkakilala sa Panginoon.

Romans 3:20
20 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.

No comments:

Post a Comment