THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Ang Babae at Ang Sanggol


 Image from: www.christianscience.org/
Woman.html


Pagkatapos kong suriin ang kahulugan ng babae at ng sanggol sa Apocalipsis, sa gabay ng Espiritu Santo, ang biblia muli ang magpapaliwanag ng aking natutunan.

Apocalipsis 12:1,2,3,4
1 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin;  
2 At siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak. 
3 At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema. 
4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.

Ang kahulugan ng babae ay mababasa sa 1 Thessalonians 5:3

1 Thessalonians 5:2,3
2 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi.
3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

Ang babae ay tumutukoy sa malaking kapighatian, dahil sa pagkawasak. At anong sinabi ng Panginoong Jesus tungkol dito? Ang sagot ay mababasa sa Marcos 13:14,19.

Marcos 13:14,19
14 Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Ang araw, buwan at mga bituin sa babae (Apocalipsis 12:1) ay katulad ng sinasabi sa Marcos 13:24

Marcos 13:24
24 Nguni't sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,

Samakatuwid, ang babae ay pinagsamang propesiya tungkol sa pagkawasak (Marcos 13:14) malaking kapighatian (Marcos 13:19) at tanda sa araw, buwan at mga bituin (Marcos 13:24).

Ang kahulugan ng nasa Apocalipsis 12:4 ay mababasa sa Marcos 13:25

Marcos 13:25
25 At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

Daniel 8:10
10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.
Apocalipsis 12:5
5 At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.

 Ang kahulugan nito ay mababasa sa Marcos 13 din, ang talata ay 26.

Marcos 13:26
26 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.

Pagkatapos na ang sanggol ay maipanganak, dinala hanggang sa Diyos. Ang katumbas nito ay mababasa sa aklat ni Daniel.

Daniel 7:13,14
13 Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya.
14 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.

 Ang lalaking ipinanganak ng babae ay ang tatanggap ng pangako ng Panginoong Jesus.

Apocalipsis 2:26,27,28
26 At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:  
27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:  
28 At sa kaniya'y ibibigay ko ang tala sa umaga.

Apocalipsis 3:21
21 Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.

Si Jesus ay nagtagumpay. Kaya ang tatanggap mula kay Jesus ng paghahari ay ibang katauhan.

Apocalipsis 12:7
7 At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;
Ang katumbas ng Apocalipsis 12:7 ay sinasabi sa Daniel 8:10,11,12

Daniel 8:10,11,12
10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.  
11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.  
12 At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa.

Ito ay katunayan na si Miguel ay ang prinsipe ng hukbo. Basahin ang Prinsipe ng Hukbo Ilang Mga Bagay Sa Aklat Ni Daniel at Apocalipsis

Apocalipsis 12:6
6 At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw.
Ang hiwagang ng babae ay may kahulugan na ganito: Ang babae ay katumbas ng malaking kapighatian na naranasan noong taon 2005 na panganganak ng babae ng isang sanggol na lalake. Ang babae ay itinago sa loob ng 3 1/2 na taon at lumabas noong September 15, 2005 as global financial crisis. Basahin ang Natupad Ang Hula

No comments:

Post a Comment