THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Michael The Archangel



Daniel 8:10,11,25
10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon. 11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.
25 At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal hindi ng kamay.

Revelation 12:4,7
4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
7 At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;

Daniel 10:20,21 20 Nang magkagayo'y sinabi niya, Talastas mo baga kung bakit ako'y naparito sa iyo? at ngayo'y babalik ako upang makipaglaban sa prinsipe sa Persia: at pagka ako'y lumabas, narito, ang prinsipe sa Grecia ay darating. 21Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si Miguel na inyong prinsipe.

Jeremiah 30
7Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.

8At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa: 9Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
21At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Daniel 11:31 At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga'y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira.

Balikan ang nasa itaas sa Daniel 8:10,11,25 at itugma sa Daniel 11:31, sinasabi dyan ang tungkol sa paglapastangan sa santuario at pag-aalis ng handog na susunugin. At tugma naman sa Revelation 12:4,7 ang Daniel 8:10,11,25

At itong nasa ibaba ay pareho sa nasa Daniel 11:31. 

Matthew 24:15,21
15 Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man
29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
30 At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Daniel 12:1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

Sa panahon ng pagdating ni Miguel, iyan ang panahon sinasabi sa Daniel 8, kaya malinaw na siya ang Prinsipe ng mga prinsipe. Ang "panahon iyon" ay sa panahon ng kasuklamsuklam na paninira sa Daniel 11:31. Ito ang sinabi ng Panginoon sa Mathhew 24.

\-arch\ [Gr. 'archo`s chief, commander, 'a`rchein to rule.
See {Arch}, a.]
A suffix meaning a ruler, as in monarch (a sole ruler).

www.hyperdictionary.com/dictionary/arch

Archangel = chief/commander of angels
Angels = Heavenly hosts
archangel = Chief/commander of the heavenly hosts
Michael the archangel = chief/commander of the heavenly hosts

Ang pagbagsak ng Babilonia (Isaiah 14:12) ay ang pagpapalayas kay Satanas mula sa langit (Rev 12:9) At ang paghatol sa sanlibutan ay sa pagpapalayas kay satanas mula sa langit (John 12:31) At sa paghatol sa sanlibutan ay sa pagbagsak ng Babilonia (balik sa Isaiah 14:12) Pakisimulan sa Isaiah 13:1 at bigyan diin sa verse 11.


1 Thessalonians 5:1-3
1 Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman. 2 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. 3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

Malinaw na iyan ang nasa Rev 12 na babaing manganganak, at ang araw, buwan at mga bituin sa babae ay ang pagdilim ng araw, buwan at mga bituin sa Mateo 24 at sa iba pang hula ng mga propeta tulad sa Isaiah chapter 13 at Joel chapter 2

Kaninong tinig ang maririnig sa pagkabuhay ng mga patay, sa Anak ba o sa arkanghel?

Sa Anak?

John 5:25-29
25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay. 26 Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili: 27 At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao. 28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, 29 At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.

O sa arkanghel?

1 Thessalonians 4:15-17
15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. 16 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; 17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

Daniel 12:1,2
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat. 2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Kanino ba, sa Anak o sa arkanghel? O Pareho dahil iisa?

Di ba ang nasa Daniel 12:1 ay iyan din ang panahon ng pagdating ni Cristo, pansinin ang mga salitang "sa mga araw na yaon" sa Mateo 24.

At ang sinasabi sa Daniel 12:1 na "sa panahong yaon" ito ay tumutukoy sa nasa chapter 11, baka madaya kayo at ihiwalay ang panahon ng nasa Daniel 11 sa panahong tinutukoy sa Daniel 12:1, parehong panahon yan, sa panahon ng malaking kapighatian.

Yung iba kasi ay nandadaya, inihihiwalay yung "sa panahong yaon" sa Daniel 12:1 sa mga kaganapan at panahon sa Daniel 11 na tinutukoy na panahon.

Rev 11:15
15 At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man. 16 At ang dalawangpu't apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, 17 Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari. 18 At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.

Sa mga trumpeta ay mapapansin na panahon na ng paghuhukom ng Dios, sa Rev 11, binanggit ang magaganap na pagyurak sa Jerusalem.

Sa pagdating ng arkanghel ay mabubuhay ang mga patay, ang panahon ng pagdating niya sa panahon ng kasuklamsuklam na na paninira.

Pareho din ang pahayag sa Rev 12 na nang si Satanas ay itapon sa lupa ay ito ang panahon ng paghatol sa sanlibutan (balikan ang mga post ko sa itaas) dumating ang paghahari ng Dios at ang kaligtasan

So, ang paghatol sa mga patay, ay ito rin ang tinatawag na paghatol sa sanlibutan na magaganap sa pagdating ng arkanghel na panahon naman ng pagkabuhay ng mga namatay. Magkakatugma.

Isipin ninyong mabuti.

2 comments:

  1. wala sa bible na dalawa ang posibleng sagot, pareho. walang malinaw na mababasa sa bible na dalawang tinig ang maririnig sa pagkabuhay ng mga namatay. magkakaroon ng kalituhan, dapat ay kongkreto, hindi dalawang akala. isang oo, isang hindi.

    ReplyDelete
  2. Magtinda ka na lang ng gas hahahaha

    ReplyDelete