THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Mga Maling Aral ng Iba Ibang Relihiyon

By jeproks21

Kailan ba nanaisin ng mga tao na magpatabon sa mga bundok?

Lucas 23:29,30
29 Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.
30 Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

Sa mga araw pala na sasabihin ng mga babae na: "mapalad ang mga baog at mga tiyang kailan ma'y hindi nagdalantao at mga dibdib na hindi nagpasuso" ay magpapasimulang sabihin ng mga tao sa mga bundok "tabunan ninyo kami"

Bakit ba darating ang araw na sasabihin ng mga babae na mapalad ang mga baog at mga tiyang hindi at nagdalantao at dibdib na hindi nagpasuso"? Basahin natin sa Mateo 24:19 tuloy sa 21
19 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
20 At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Kaya pala sasabihin ng mga babae na mapalad ang mga baog at tiyang hindi nagdalan tao at dibdib na hindi nagpasuso dahil ang mga ito ay magiging kawawa at magkakaroon ng malaking kapighatian.

Bakit magkakaroon ng malaking kapighatian?
Mateo 24:15
15 Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
16 Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:

Dahil pala sa kasuklamsuklam na paninira kaya magkakaroon ng malaking kapighatian.

----------

Nice try, pero ang sabi sa Mateo 24:29 ay PAGKATAPOS NG KAPIGHATIAN (pertaining sa malaking kapighatian sa Mateo 24:21) ay magkakaroon ng tanda sa langit at pagkatapos ay makikita na ang tanda ng Anak ng tao. Wala nang digmaang magaganap pagkatapos ng tanda sa langit at ang magiging kasunod ay makikita na ang Anak ng tao.

Kung sa Lucas at Marcos babasahin ang tanong na: kailan mangyayari ang mga bagay na ito at ANO ANG TANDA BAGO ITO MAGAGANAP? na tumutukoy sa walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Ano ang ibig kong sabihin? Ang sinasabi ni Jesus na mga digmaan, lindol, kagutom at salot ay mga TANDA BAGO MAGANAP ANG WALANG MAIIWANG BATO SA IBABAW NG KAPWA BATO...

Ang sinagot ni Jesus ay ANO ANG MAGIGING TANDA BAGO ITO MAGANAP?

Yung sinasabi mong hindi si Miguel ang darating, tingnan natin kung sino ang David.

Jeremias 30:7,8,9
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
8 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa: 9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Daniel 12:1,2
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Ang panahon ng pagdating ni Miguel at ni David ay sa panahon ng kabagabagan. Ni David sa dakilang araw Jer 30:7 at ni Miguel sa panahon ng kabagabagan na hindi nangyari kailan man (Dan 12:1) ay tugma sa sinasabi sa Mateo 24:21 at sa Jer 30:7 (wala pang gaya niyaon).

Malinaw na ang David ay si Miguel.

--------

Di ba pagkatapos pa ng KAPIGHATIAN sa Mateo 24 sinasabi magaganap ang pagdilim ng araw, buwan at mga bituin o mga tanda sa langit? Pero bakit sa inc o iglesia ni cristo ay nauna ang mga tanda sa langit bago ang digmaan (WW1) sinasabi ni Jesus sa Mateo 24 na pagkatapos ng kapighatian (magdidilim ang araw, buwan at bituin) ay tanda ng Anak ng tao ang makikita at hindi tanda ni Felix Manalo?

Wala nang tandang magaganap pagkatapos ng mga tanda sa langit kundi kasunod ay tanda na ng Anak ng tao at wala ng mga digmaan pagkatapos ng mga tanda sa langit.

Ang sabi ni Jesus ay pagkatapos ng kapighatian o yung sinasabi sa Mateo 24:21 na malaking kapighatian na hindi pa nangyayari kailan man na sanhi noong Mateo 24:15. Kailan naman kaya naganap yung nasa Mateo 24:15?

Pakisagot nga ng isa-isa at klarong klaro.

Apocalipsis 6:12-17

12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; 13 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin. 14 At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. 15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; 16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: 17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Kailan ba magaganap ang mga tanda sa araw, buwan at mga bituin?

Ito ay may kaugnayan sa sinasabi nila ng mga iglesia ni cristo (ministro) tungkol sa Apocalipsis 6:12-17 na yung pagdilim ng araw daw ay naganap noong:
The Opening of the sixth seal is followed by a great earthquake, the darkening of the sun and the moon and the falling of the stars (cf. Rev. 6:12-13). These events occurred in the 18th and 19th centuries. The great earthquake occurred in Lisbon in 1755, the darkening of the sun and the moon in 1780 and the falling of the stars in 1833.

God's Message ¡V INTERNATIONAL EDITION April 1997
By: Bienvenido C Santiago

http://www.geocities.com/truthfinder_inc/pasugo_article1.htm
Sinasabi ni Jesus sa Mateo 24:29 Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

Kung itutuloy sa Mateo 24:30 ay sinasabi doon na ang makikitang tanda ay sa Anak ng tao at hindi kay Manalo.

Wala nang magaganap na digmaan PAGKATAPOS NG KAPIGHATIAN sa Lucas ay may sinabing daluyong ng mga dagat pero hindi ito digmaan.

Bakit sa iglesia ni cristo ay nauna ang mga tanda sa langit kaysa digmaan?

Kaya daw nagtago sa mga bato yung mga hari ay dahil sa digmaan. Dahil ba sa digmaan o ayaw nilang makita ang nakaupo sa luklukan at ang galit ng cordero?

--------

Sabi nga ni Jesus sa Mateo 24 pagkatapos ng mga tanda sa langit ay makikita na ang tanda ng Anak ng tao at makikita na ang tanda ng Anak ng tao.

Kung sa Marcos at Lucas babasahin
ang katulad na tanong sa Mateo 24:3, ang sinasagot ni Jesus ay ang mga tanda bago maganap ang walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato, ibig sabihin, ang mga lindol, digmaan atbp ay mga tanda bago maganap ang walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Mateo 24:15

Walang sinabi si Jesus na magkakaroon pa ng digmaan pagkatapos ng mga tanda sa langit. Ang kasunod ng pagdilim ng araw buwan at bituin ay makikita na ang Anak ng tao. Mateo 24:29,30

Sabi sa Mateo 24:29 PAGKATAPOS NG KAPIGHATIAN sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw...

So, lumalabas sa sinasabi ng mga inc, na ang malaking kapighatian ay naganap noon bago ang pagdilim ng araw at buwan kung ibabase sa sinabi ni Jesus sa Mateo 24.

Sino ba ang dapat paniwalaan? Si Jesus ba o si Manalo?

Ang katumbas ng apat na anghel sa Apocalipsis 7:1 ay ang pagsusugo ni Jesus sa kanyang mga anghel sa apat na sulok ng langit upang tipunin ang mga hinirang.

Mateo 24:31
31 At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.

Sa Pahayag 7:9,14 ay ipinakikita na ang mga hinirang mula sa lahat ng bansa ay nagkakatipon at sa talata 14 ay kinumpirma na ang mga taong ito ay ang nanggaling sa MALAKING KAPIGHATIAN na sinasabi sa Mateo 24:21.

Pahayag 7:9,14
9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;
14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

Pwede ko bang malaman kung kailan yung sinasabi sa Mateo 24:21 na MALAKING KAPIGHATIAN? na sa sabi sa Mateo 24:29 PAGKATAPOS NG KAPIGHATIAN sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw buwan at bituin..

Saan nakasulat yung sagot ni Jesus sa tanong sa Mateo 24:3 na KAILAN MANGYAYARI ANG MGA BAGAY NA ITO pertaining sa Mateo 24:2 na walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato? Sigurado ako na sinagot ang tanong na ito sa Marcos at Lucas, therefore, nasagot din ito sa Mateo 24.

---------

Mateo 24:34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

Ang mga nakaranas ng lindol sa Lisbon at nakakita ng pagdilim ng buwan at araw at paglaglag ng mga bituin at nakaranas digmaan ba ay naranasan ang malaking kapighatian?

Mali si Jesus tama si Manalo? Dahil yung sinabi ni Jesus na hindi lilipas ang isang lahi hanggang maganap ang lahat ng bagay ay hindi pala tama. Ganun ba yon?

---------

Marcor 13:19,24
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
 24 Nguni't sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,

Pareho lang naman ang Mateo 24:21 at Marcos 13:19 kaya pareho ang kapighatian at malaking kapighatian. Hindi mo ba alam yon? Hindi ka na nahiyang itanong yon.

Kailan ba ang mga araw na yaon?

Marcos 13:14
14 Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:

Heto ang sinasabi ng hula ng propeta sa parehong panahon.

Joel 2:2,9,10
2 Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.

9 Kanilang nilulukso ang bayan; kanilang tinatakbo ang kuta; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay; sila'y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw.

10 Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:

---------

Mga Wakas ng Lupa

Isaias 41:8,9,10
8 Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan;
9 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;
10 Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Ang Isaias 41:8,9,10 ay madalas gamitin ng mga ministro ng iglesia ni (Felix Manalo) cristo sa panlilinlang nila na ang kanilang sugo ay tinawag sa mga wakas ng lupa na panahon ng unang digmaang pandaigdig. Ang kadalasang kasunod nito ay babasahin nila ang Mateo 24:3 at babasahin ang tungkol sa digmaan. Sinasabi nila ang simula "mga wakas ng lupa" na nangangahulygan ayon sa kanila na "malapit na ang wakas" nang maganap ang unang digmaang pandaigdig.  Alamin natin mula sa Panginoon kung ang digmaang pandaigdig ay mga wakas ng lupa. Sa Lucas natin basahin.

Lucas 21:9
9 At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi pa malapit ang wakas

---------------

Isaias 49:6
6 Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa

Sino po ang naging katuparan? Si Pablo at ang kanyang mga kasama!

Mga Gawa 14:47
47 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
Ang ating unang binasa ay sa Isaias 49:6, ituloy

Isaias 49:8,9
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;
9 Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.

Ang Arkanghel Miguel po ang katuparan niyan sa gitna ng mga Gentil. Pagtatayo ng Templo

-------

Mateo 24:7 Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. 29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

Ano ba ang pagkakaintindi mo dito sa sinabi ni Jesus?

Sinasabi ng mga ministro nyo na naganap ang malakas na lindol sa Lisbon noong 1755 at pagdilim ng araw at buwan noong 1780 at paglaglag ng mga bituin noong 1833 at ang unang digmaang pandaigdig noong 1914. Ang mga ito ba ay dapat maganap sa isang henerasyon?

Ano ba yung sinabi ni Jesus na: lahat ng mga bagay na ito? Anu-anong mga bagay ito?

 ---------

Ito ay may kaugnayan doon sa sinasabi ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo. Naganap daw ito noong Unang Digmaang Pandaigdig.

Revelation 6:17
17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Lucas 21:22,23
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat. 23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

Zefanias 1
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,

Isaias 13:13
13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

Lucas 21:25,26
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;
26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

---------

2 Pedro 3:7,10,12
7 Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
12 Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?

2 Tesalonica 1:7
7 At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,

Awit 50:3
3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.

--------------

Pahayag 22:12
12 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.
13 Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.
16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

Isaias 40:10
10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

--------------

1 Tesalonica 3:13
13 Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.

Zacarias 14:1-9
1 Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.
2 Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
3 Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
4 At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran.
5 At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya.


Pinalitan ng taong alabok ang Diyos?


----------

Ayon sa mga ministro ng iglesia ni cristo, kaya nagtago ang mga tao sa mga yungib upang magpatabon ay dahil sa digmaan noong 1914. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa digmaan?

Marcos 13:7,8
7 At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.
8 Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.

Sabi ng Panginoon ay huwag mangagulumihanan o huwag mabagabag at ang mga ito (Digmaan at Kagutom) ay PASIMULA ng kahirapan. Pero kapag nakita na ang kasuklamsuklam na paninira ay dapat nang magsitakas.

Marcos 13:14
14 Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:

Natitiyak natin na mas mauuna ang digmaan kaysa kasuklamsuklam na paninira dahil ang digmaan ay PASIMULA ng kahirapan.

Kaya nagtago ang mga tao sa yungib ay hindi dahil sa digmaang pandaigdig (World War 1) kundi dahil sa tabak, kagutom, salot at mabangis na hayop. Ang apat na ito ang susuguin ng Diyos sa araw ng kasuklamsuklam na paninira. (Ezekiel 5:9,12,13)

Apocalipsis 6:8
8 At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Ang salitang SILA ay hindi tumutukoy sa Kamatayan at Hades sa ikaapat na tatak lamang kundi sa lahat na APAT NA MANGANGABAYO.

---------

Simula ng Unang Digmaang Pandaigdig

Nagsimula ang sigalot noong 1908 nang sakupin ng Austria ang Bosnia-Herzegovia, mga lalawigan ng Balkan. Mga Slav ang taguri sa mga mamamayan nito. Tumutol ang Serbia sapagkat naniniwala ito na dapat mapasakamay nito ang nasabing mga lalawigan. Lumubha ang krisis nang patayin sa Sarajevo, Bosnia ang tagapagmana ng trono ng Austria, si Archduke Francis Ferdinand at ang asawa nito noong ika-28 ng Hunyo 1914. Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon) SD Publications, Inc.

The assassination on 28 June 1914 of Archduke Franz Ferdinand of Austria, the heir to the throne of Austria-Hungary, is seen as the immediate trigger of the war, though long-term causes, such as imperialistic foreign policies of the great powers of Europe such as the German Empire, the Austro-Hungarian Empire, the Ottoman Empire, the Russian Empire, the British Empire, France, and Italy played a major role. Ferdinand's assassination at the hands of a Yugoslav nationalist resulted in Habsburg ultimatum against the Kingdom of Serbia.[6][7] Several alliances that had been formed over the past decades were invoked, so within weeks the major powers were at war; as all had colonies, the conflict soon spread around the world

http://en.wikipedia.org/wiki/World_War_I

Marcos 13:7,8
7 At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.
8 Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.

Nagsimula ang sigalot (ng World War 1) noong 1908. Sabi ng Panginoon ay mangakakarinig ng digmaan ang mga tao. Noong 1908 pa nagsimula ang sigalot kaya nabalita na ito.

Nang mabalita ni Manalo na magsisimula ang unang digmaang pandaigdig noong 1914  sa araw na iyon ay nagpatala siya ng kanyang iglesia. Kaya tumama ang pagpaparehistro niya sa pagsiklab ng digmaang pandaigdig.

Ito ay hindi haka-haka dahil ang Panginoon ang nagsabi na mangakakarinig kayo ng digmaan at alingawngaw ng digmaan Mateo 24:6. At hindi imposible dahil maraming mga sundalong Amerikano dito sa Pilipinas noong panahong iyon.

THE FIRST INTERNATIONAL TELEGRAM LINK

In 1878, the Spanish Government in Madrid, recognizing the need for a communications system that will interconnect the Philippines with the rest of the world invited tenders (bids) for the establishment of a telecommunications link between this country and Hong Kong. The British firm, Eastern Extension Australasia and China Telegraph Company (now Cable and Wireless) won the bid obtaining, in the process, a 40-year concession to lay down and operate a submarine telegraph cable between Luzon and the British Grown Colony.

Laying of the undersea cable for the proposed system was undertaken by the company’s cable ship CALABRIA which completed the work on May 2,1880 with the Philippine end of the 535-nautical mile cable landing at Bolinao, then a part of Zambales and now part of Pangasinan. From that point an overland cable was laid all the way to Manila, 160 miles away. Six days later cable communications between Manila and Hong Kong was officially opened to the public.

In 1898, however, during the height of the Filipino revolt against Spanish colonial rule, the company converted the Bolinao. Manila aerial cable to submarine to avoid the frequent cuttings that It suffered from the Revolutionary Forces- During the naval engagement between the Spanish and American Forces in Manila Bay on May 1,1898, however, the undersea cable was again cut disrupting once wore the Manila-Hong Kong telegraph line. Finally restored after sometime the line continued to be in operation for many more years until it was again interrupted when the Japanese invaded the Philippines during World War ll.

During the period of the Japanese Occupation (1942-1945) Eastern Extension suspended its operation in the resuming it only after the end of the war. In 1952.Philippine Congress granted the company a franchise to continue its operation as a local corporation.

http://www.angelfire.com/pq/telecommunications/

Heto pa isang link.

http://en.wikipedia.org/wiki/Telegraphy#Wireless_telegraphy

Pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig 1918

Humingi ang Germany ng armistice. Nilagdaan ito sa loob ng isang tren sa kagubatan ng Campiege sa ganap na ikalima ng umaga noong ika-11 ng Nobyembre 1918. Sa ilalim ng armistice, titigil ang lahat ng labanan sa ganap na ika-11 ng umaga sa araw na iyon. Nagtagumpay ang mga Alyado at biglang naging matahimik at mapayapa ang daigdig nang matigil ang putukan.

Big Four

Mga Kasunduang Pangkapayapaan. Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang muling pagsiklab ng digmaan na siyang nagiging salot sa kapayapaan ng mundo. Bumalangkas sila ng mga kasunduan ng pangkapayapaan sa iba't ibang pagpupulong na ito ng tinatawag na Big Four na kinabibilangan nina Pangulong Woodrow Wilson ng United States, Punong Ministro Lloyd George ng England, Punong Ministro George Clemenceau ng France at Punong Ministro Vittorio Orlando ng Italy.

Kasaysayan ng Daigdig
Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon
Copyright 2000 SD Publications Inc.
Teofista L. Vivar Ed. D
Nieva Discipulo
Pricilla H. Rillo
Zenaida M. de Leon
page 247-248

Sinasabi ng Iglesia ni cristo-Felix (Felicristo) na ang Big Four ay ang apat na anghel sa Apocalipsis 7. Ayon sa ating binasa, ang Big Four ay lumitaw noong tapos na ang Unang Digmaang Pandaigdig na natapos noong taong 1918. Basahin po nating muli:
Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang muling pagsiklab ng digmaan na siyang nagiging salot sa kapayapaan ng mundo.

Kung may digmaan man pong pinipigil ang Big Four, ito ang ikalawang digmaang pandaigdig dahil tapos na ang una, kaya ang kasunod ay ang pangalawa. Kaya ang aral nilang ito ay isang kasinungalingan.

Kaya mali ang sinasabi ng iglesia ni felix manalo alyas cristo (o ng kanyang mga ministro) na ang pinipigil ng Big Four ay ang Unang Digmaang Pandaigdig na sinasabi nilang kasabay ng pagpapatala ng kanilang iglesia sa SEC. Mali ang sinasabi nila dahil tapos na ang Unang Digmaang Pandaigdig ng lumabas ang Big Four.

World War I (WWI) or First World War (called at the time the Great War) was a major war centred on Europe that began in the summer of 1914. The fighting ended in November 1918.
http://en.wikipedia.org/wiki/World_War_I

The armistice between the Allies and Germany was signed in a railway carriage in Compiègne Forest on 11 November 1918, and marked the end of fighting in the First World War on the Western Front. Principal signatories were Marshal Ferdinand Foch, the Allied Commander-in-chief, and Matthias Erzberger, Germany's representative. It was an agreement that marked a complete defeat for Germany, but was neither an unconditional surrender nor a treaty.
http://en.wikipedia.org/wiki/Armistice_with_Germany
link

World War 1 ended 1918 Yahoo Search

World War 1 ended 1918 Google Search

Big Four 1919 Yahoo Search

Big Four 1919 Google Search


Quote from: iglesia ni Manalo
It was officially signed and implemented here, in 1919......... 
The Treaty of Versailles was an agreement between Germany and the Allied forces to end World War I. Known as the Big Four , there were four leaders of major Allied nations at the Treaty of Versailles. Initiated in January 1919 , the Treaty of Versailles was crafted to settle the populace and maintain peace. The Treaty of Versailles marked the end of World War I, and the beginning of the economic depression in Germany.
http://www.usa-people-search.com/con...ersailles.aspx
Pano na yan, hindi nyo talaga mailulusot e.......
Ano ba ang pinag-usapan sa Treaty of Versailles?

Hindi naman pinag-usapan doon ang pagtigil ng digmaan, kundi pinag-usapan ang tungkol sa kapayapaan.

Dahil tapos na ang digmaan noong 1918, wala nang putukan noon.

On November 11, 1918 an armistice was signed at Compiegne, France. The armistice was the end of the war, but the Treaties of Versailles, St. Germain, Trianon, Neuilly and Serves established the post-war status of the lands taken by the Germans.

http://wiki.answers.com/Q/What_was_t..._war_1_in_1918

HIndi sinasabi sa ibinigay mong pahayag: WAS THE END... Kundi MARKED THE END.,, Yung ibinigay kong pahayag ang tama: WAS THE END OF THE WAR.


Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong 28 Hulyo, 1914 at nagtapos noong 11 Nobyembre, 1918 nang ipag-utos ang tigil-putukan samantalang isa namang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan sa Versailles, Pransiya noong 28 Hunyo, 1919.

http://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Digmaang_Pandaigdig

Mali sa sinasabi mo ang sinasabi ng mga opsiyal ninyo sa Pasugo na ang digmaan ay natapos noong 1918.


http://emilyjordan.wordpress.com/

Hindi ba malinaw na sinabi sa Pasugo ninyo na ang digmaang pandaigdig ay natapos noong 1918?
Quote from: Iglesia ni Manalo
Kailangan ko pa bang irepost how it went to be.....

TECHNICALLY YES

OFFICIALLY NO
O eto ulit para sayo............... 
Armistice Day 
Armistice Day (also known as Remembrance Day) is on 11 November and commemorates the armistice signed between the Allies of World War I and Germany at Compiègne, France, for the cessation of hostilities on the Western Front, which took effect at eleven o'clock in the morning—the "eleventh hour of the eleventh day of the eleventh month" of 1918. While this official date to mark the end of the war reflects the cease fire on the Western Front, hostilities continued in other regions, especially across the former Russian Empire and in parts of the old Ottoman Empire.
Nasan ngayon ang sinasabi mong tigil putukan dyan?........ remember, pag may putukan, may giyera pa..... yun ang sabi mo......... 
Definition of hostility 

1a : deep-seated usually mutual ill will b (1) : hostile action (2) plural : overt acts of warfare : war 

2: conflict, opposition, or resistance in thought or principle 

http://www.merriam-webster.com/dictionary/hostility
http://en.wikipedia.org/wiki/Armistice_Day
Itinigil ang putukan majority. Kasi ang sinasabi mong may naganap pang putukan ay hindi putukan o labanang pandaigdig. Ang pinag-uusapan natin ay ang pagtigil ng digmaang pandaigdig di ba? Ilang bansa lang naman ang may natirang putukan at hindi na pandaigdig. hehehe
Quote from: Iglesia Manalo
Aba wala akong problema sa Pasugo brad.......... Technically yes nga kako diba?..........

Ikaw ang may problema......... Dahil after Armistice day, war is unofficially over........ Only until it was ended by the "Big Four"...... 
Alin ang malakas na hangin na pinigilan ng Big Four noong 1919? Yung maliliit na putukan na natira sa maliit na rehiyon? Yun ba ang malakas na hangin?

At mula 1914, walang natatakan si Felix Manalo hanggang 1919, dahil nang lumabas ang Big Four noong 1919 nagtatak si Felix Manalo kung ibabase sa hula ay nagtatak ang anghel habang pinipigil ang apat na hangin,. At ang mga punong kahoy, dagat at lupa ay nasalanta na ng digmaan, pero sa hula ay hindi muna napinsala habang nagtatatak ang anghel. Pero nang lumitaw si Felix Manalo noong 1914 ay kasalukuyan nang napipinsala ang lupa, dagat at mga punong kahoy. Nang lumabas naman noon ang Big Four noong 1919 ay wasak na ang lupa, dagat at mga punong kahoy. Paano nangyari na ang Big Four ay ang apat na anghel na pumigil sa apat na hangin upang huwag mapinsala ang lupa, dagat at mga punong kahoy, gayong ng lumabas sila ay wasak na ang mga ito?

Revelation 7:1-3
1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy. 2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, 3 Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

Hindi lumabas ang Big Four noong 1914 at hindi nila napigilan ang digmaan noong 1914. Wala ding malakas na hangin na pinigil ang Big Four dahil ang natitirang labanan noong 1919 ay maliliit na putukan, ito ba ang malakas na hangin?

link
---------
Kwentong Bata

May mga batang nagkukwentuhan tungkol sa mahal na araw. Pinag-uusapan nila ang mga paniniwala ng matatanda. At sinasabi nila "patay ang diyos" isang batang kasali sa usapan na nakikinig lang sa kanila ay nagsabi: "kung totoo ang sinasabi ninyo, patay din tayo kapag namatay ang Dios" sabi niya na pautal-utal pa dahil sa kamusmusan.

Ang bata ay isang matalinong bata. Alam niya na kapag ang Dios ay namatay, ang lahat ay mamamatay.

2 Corinto 5:14
Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay;
---------

Huling Sugo

Marcos 12:6
6 Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak.

Positive! Inaangkin nga ni Felix Manalo na siya ang Cristo!

Kaya ayos lang na tawaging Iglesia ni Felix Manalo ang inyong iglesia.

Tawagin na rin siyang "Arkanghel Felix Ysagun Manalo"

Basahin pa natin ang mga hula tungkol sa pagiging Cristo at tagapagligtas ni Felix Manalo.


Isaias 43:5,6,7
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
6 Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;
7 Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.

Marcos 13:27
27 At kung magkagayo'y susuguin niya ang mga anghel, at titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa wakas ng lupa hanggang sa dulo ng langit.

Ayon sa mga ministro ng iglesia ni (felix manalo na siyang) cristo, ay natipon na ang mga hirang mula sa silangan hanggang kanluran ng kanilang maitayo ang kanilang iglesia sa Hawaii.


Basahin natin ang iba pang hula na inaangkin ni Felix Manalo at pagtatago sa hiwaga na siya ang Cristo. Hiwaga po ni Satanas.

Ayon sa mga ministro ng iglesia ni cristo (Felix Manalo) ang cristo ay panukala lang ng dios.

Isaias 46:11
11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

Panukala ng dios niya na si Satanas.



-------

Galacia 1:11,12
1 Si Pablo, na Apostol (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniya'y muling bumuhay;)
11 Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.
12 Sapagka't hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.

---------

Tunay na anghel ba si Felix Manalo?

Ezekiel 9:3,4
3 At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan, hanggang sa pintuan ng bahay: at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran.
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.

Tunay na anghel si Felix Ysagun Manalo?

Ang anghel sa Revelation 7:2,3 at ang lalaking nakapanamit ng kayong lino sa Ezekiel 9 ay iisa. Ang panahon ng pagtatatak ng nasa Ezekiel 9 ay pareho sa Revelation 7. Kung babasahin mula chapter 4 hanggang chapter 7 ng Ezekiel. Sa panahon ng pagkubkob mangyayari gaya ng sinabi ni Jesus sa Lucas 21 na dahilan ng pagdilim ng araw, buwan at bituin na mababasa rin sa Apocalipsis 6 bago nakita ni Juan ang anghel na magtatatak.

Ang lalaking nakapanamit ng kayong lino sa pangitain ni Ezekiel ay tunay na anghel, kaya lumalabas na ang claim ng iglesia ni manalo ay tunay na anghel si Felix Manalo. Wow!

Ang anghel sa pangitain ay ang Cristo. Sa pangitain ay isa siyang anghel upang manatili ang hiwaga at iniwangis sa espiritual na paraan. Ang anghel na nagtatak, sa pangitain, sa Apocalipsis 7:2,3,4 ay ang Cristo.

Apocalipsis 7:2,3,4
2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,
3 Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.
4 At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:

Ano ang itinatak ng Cristo sa 144,00 sa mga pinili?

Apocalipsis 14:1
1 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.

Sino ang maglalagay ng pangalan ng Ama at ng Cristo sa noo ng 144,000 na mga pinili? Ang Cristo ba?

Apocalipsis 3:12
12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

Oo nga at sinabi: "hanggang sa AMING matatakan" ngunit bakit ang credit ay kay Felix Manalo? Para naman sa tutol sa pagsamba sa iba bukod sa Diyos:

Apocalipsis 3:9
9 Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.

2 Mga Taga Corinto 11:14,15
14  At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
--------

Mga Iba Pang Bagay (kasuklamsuklam na paninira)
Forum sa Member ng Dating Daan

Tingnan po ninyo kung paano nandaya siya sa kanyang aral. Sabi po niya ay 70 AD daw ang ibig sabihin ng 70 years sa Daniel 9:2 na ayon kay Daniel ay sinalita ni propeta Jeremias, kaya basahin natin sa aklat ni Jeremias kung ano ang sinasabi nya sa 70 years.

Jeremias 25:11,12
11 At ang buong lupaing ito ay magiging sira, at katigilan; at ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na pitong pung taon.
12 At mangyayari, pagkaganap ng pitong pung taon, na aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasamaan, at ang lupain ng mga Caldeo; at aking gagawing sira magpakailan man.

Jeremias 29:10
10 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.

Kita na ninyo kung paano nandaya siya, sabi po niya ay 70 AD ang ibig sabihin ng 70 years sa Daniel 9:2 na sinalita ni Jeremias. Pero ayon kay Jeremias ay 70 taon mabibihag ang mga Israelita ng Babilonya.

---------

Apocalipsis 11:2
2 At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

Lucas 21:24
24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.

Daniel 12:11
11 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.

Mateo 24:15
15 Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),

Apocalipsis 11:2 ay tugma sa Lucas 21:24 na tugma sa Daniel 12:11 na tugma sa Mateo 24:15 na tugma sa Lucas 21:24 and so on. Iisa lang po ang pinag-uusapan dito.

Ngayon, mula ng sinulat ni Juan ang aklat ng Apocalipsis, ano naman po ang mga naging katuparan ng mga trumpeta mula unang trumpeta hanggang ikaanim na trumpeta? di ba dapat ang isasagot niya ay mula ng panahong isulat ang aklat ng Apocalipsis, mga (approximately or between) 30 AD hanggang 70 AD? dahil nasa Apocalipsis 11:2 ay inihuhula din ng Panginoon sa Mateo 24:15 na sinasabi nilang naganap noong 70 AD? Ano po ba ang mga naging katuparan mula 30 hanggang 70 AD ng mga trumpeta?
Plus, kailan ang ORAS, ARAW, BUWAN, AT TAON, sa ikaanim na trumpeta na siyang ikalawang pagkaaba

Apocalipsis 9:12
12 Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na: narito, darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin.

Apocalipsis 11:14
14 Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.

So, ang pangalawang pagkaaba ay sumasakop sa Apocalipsis 9:13 Hanggang Apocalipsis 11:14.

Pansinin po ninyo ang mga ginamit kong talata sa itaas.

Heto po ang patunay na mali ang sinasabi niya na ang Apocalipsis 11:2 ay iba sa Lucas 21:24.

Lucas 21:22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

Ang talata sa Lucas 21:22 ay tungkol sa Kasuklamsuklam na Paninira na sinasalita ni Jesus.

Pahayag 10:7 Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.

Daniel 12:7 At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.

Sabi po ni Jesus sa Lucas 21:22 magaganap na po ang lahat ng bagay na nasusulat. Ngunit sa aral ng walang unawa (masama) ay iba daw po ang nasa Apocalipsis 11:2, pero sabi po ng anghel sa Pahayag 10:7 ay magaganap po ang lahat ng sinulat ng mga propeta.

Kung naganap po noong 70 AD ang pagyurak ng mga Hentil ibig pong sabihin ay naganap na ang lahat ng nasusulat ayon kay Jesus, kung iba po ito sa Pahayag 11:2, lalabas po na mali ang sinabi ng Panginoong Jesus na magaganap na ang lahat ng bagay na nasusulat, dahil sabi po ng anghel ay magaganap pa lang ang mga sinulat ng mga propeta kapag po hihipan na ang ikapitong trumpeta.

At tungkol sa sinasabi niya na naganap na ang kasuklamsuklam na paninira, sinabi po ng Panginoong Jesus na isang lahing o henerasyon lang po ang katutuparan ng lahat ng sinabi niya.

Mateo 13:30
30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

Ngayon po kung sinasabi niya natupad ang kasuklamsuklam na paninira noong 70 AD dapat po ay magpakita siya ng katunayan na naganap nga sa isang lahi ang lahat ng sinabi ng Panginoon, gaya ng digmaan, kagutom, lindol, salot at maging ang malaking kapighatian. Pero mahirap po yata patunayan iyon dahil wala nang mga buhay na tao mula noong 70 AD sa ngayon sa mundong ito.

Alam mo bang kung bakit magiging kawawa ang mga buntis sa araw na yan? Basa:

Marcos 13:14-24
14 Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
15 At ang nasa bubungan ay huwag bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay:
16 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
17 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
18 At magsipanalangin kayo na ito'y huwag mangyari sa panahong taginaw.
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. ( pareho sa Mateo 24:21 na malaking kapighatian)
20 At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw, ay walang laman na makaliligtas; datapuwa't dahil sa mga hirang, na kaniyang hinirang, ay pinaikli niya ang mga araw.
21 At kung magkagayon kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito, ang Cristo; o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan:
22 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung mangyayari, ang mga hirang.
23 Datapuwa't mangagingat kayo: narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay.
24 Nguni't sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,
25 At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.
26 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.

Sagot kaanib ng Ang Dating Daan: Nagtanong ka kung natupad na yung kasuklamsuklam na paninira at sinagot kita ng Oo naganap na.. nagtanong ka kung kelan natupad? 70AD ang sinaagot ko.. at final na yan.. tinanong mo ako ulit kung naganap na rin ba yung malaking kapighatian at sinagot kit ng HINDI PA! ayan ha.. sinagot ko na mga tanong mo.. at di ko kinakambyo ang usapan.. di ba't pinabasa mo yung link sakin at ipinagtangol mo ang kasinungalingan na nakasulat dun? ngayon ako naman magtatanong.. lalake akong kausap at di ako duwag na katulad mo kaya ako naman magtatanong.. ilang beses ko ng tinatanong to ha.. please lang huwag kang DUWAG sagutin mo ko ng maayos at tigilan mo kakapost mo ng pagkahaba-haba ng mensahe.. simple lang tatlong tanong ko.. at uulitin ko na naman ang pagpupost ng tanong..

jeproks21 said:
70 AD ng Gregorian calendar na ginagamit natin ngayon ang sinasabi ni larrius. Ang sinasabi sa aklat ni Jeremias na tinukoy ni Daniel sa Daniel 9:2 ay 70 taon sa simula ng wasakin ang Jerusalem ay 70 taon silang bibihagin ng Babilonya. At ito ay tumutukoy sa taon ng pagkabihag, samantalang ang 70 AD ay bilang ng taon ng Gregorian calendar. Ito po y date/petsa.

Kung sinasabi niya na naulit ang hula ni Jeremias na tinukoy ni Daniel (9:2) ay malayo sa tunay na pangyayari dahil hindi lang 70 taon sinakop ng Roma ang Jerusalem. Sa Jeremias, giniba muna ang Jerusalem bago sila bihagin. Samantalang ang Roma ay humigit kumulang 100 taon nang nasasakop ang Jerusalem bago ang 70 AD na date o petsa sa sinasabi niya na pagkagiba ng Jerusalem. Ang 70 years sa sinasabi ni Jeremias na tinukoy ni Daniel ay bilang ng taon ng pagkabihag samantalang ang 70 AD ay date.

Ang aral niya ay panlilinlang, na aral ng demonyo, na sinasabing ang 70 taon ng pagkabihag ay 70 AD na isang petsa, na parang si Satanas ay nag-anyong anghel. Nag-anyong totoo ngunit huwad.
---------------
Sino ba ang Anak ng tao, sabi nyo si Jesus. Sino ba ang darating sa panahon ng kasuklamsuklam na paninira? Basahin mo kung saang panahon tumutukoy ang nasa Daniel 12:1

Sabi ni Jesus, sa Lucas 21:22 "upang maganap ang lahat ng bagay na nangasusulat" Hindi ba ang aklat ni Daniel ay isa sa mga sinasabing nasusulat? Ngayon kung sinasabi nyo na naganap na ang kasuklamsuklam na paninira, dapat ay dumating na rin ang arkanghel. Dumating na, nga ba?

Darating ang Anak taglay ang kapangyarihan ng kanyang Ama, hindi mo ba nabasa iyon?

Ang nasa Daniel 8:10,11 ay pareho sa Apocalipsis 12:4,7

Daniel 8:10,11
10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.
11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.

Ngayon, kung may iba pang prinsipe ng hukbo ng Dios, bakit wala nang ibang tutulong kay Gabriel kundi si Miguel? Daniel 10:21

---------

Sabbath

Hebreo 4:9,10,11
9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.
10 Sapagka't ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa.
11 Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.

Paano papasok sa kapahingahan gaya ng Diyos na nagpahinga sa kanyang gawa?

Hebreo 4:3,4,5
3 Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.
4 Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa;
5 At sa dakong ito ay muling sinabi, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.

Ang pagdiriwang ng Sabbath ay ang pananampalataya, na kapag sumasampalataya sa Diyos, ay naipagdiriwang ito at ito ang katuparan ng hinihingi ng Diyos na ipagdiwang ang kanyang Sabbath na sinasabi ng mga propeta. Isang araw lang ba ito ipagdiriwang? Hindi ba maganda kung araw-araw ay ipinagdiriwang ito at araw-araw ay may sumasampalataya sa Diyos? Eh baka naman ang iba ay tuwing Sabado lang sumasampalataya, di kaya?

At wala akong nabasa na kautusan ni Moises upang ang tao ay sumampalataya.

Halimbawa, araw ng Martes, makakapasok ba sa kapahingahan gaya ng Diyos na nagpahinga sa kanyang paggawa?

Hebreo 4:7
7 Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit ni David (ayon sa sinabi na ng una), Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.

Malinaw na sinasabi ay: "Ngayon" at hindi na kailangan pang maghintay ng araw ng Sabado upang makapasok sa kapahingahan gaya ng Diyos na nagpahinga sa kanyang gawa.

Sina Pablo ay nangangaral tuwing sabado dahil iyon ang panahon na nagkakatipon ang marami at pagkakataon na marami ang matuturuan sapagkat wala sila sa trabaho.

Ang sabbath kasi ay hindi tumutukoy sa pangalan ng araw sa calendario kundi sa okasyon. Dahil may sabbath ng taon na tumutukoy sa occasion. Ipinagdiriwang ba ninyo ang sabbath ng taon?

Ginawa ang sabbath upang ang tao ay makapahinga na gaya ng Dios na nagpahinga sa kanyang gawa. Paano pumapasok ang tao sa kapahingahan ng Dios. Ayon kay Pablo ay sasampalataya.

Sina Pablo ay nangangaral tuwing sabado dahil iyon ang panahon na nagkakatipon ang marami at pagkakataon na marami ang matuturuan sapagkat wala sila sa trabaho.

Hindi naman pala kayo nangingilin ng Sabbath ng taon, akala ko ba ay nangingilin kayo ng sabbath?

Ang sabbath ba ng taon ay Saturday? Buong taon Saturday?

Mga Katuwiran

Isinulat iyon sa hiwaga hindi letra por letra. Kung isusulat iyon letra por letra, pati mga bulaang guro ay malalaman iyon. Pero malinaw na ang sinasabi ni Jesus sa Mateo 24 Marcos 13 at Lucas 21 sa pamamagitan ng espiritu na ang Anak ng tao na darating ay si Miguel. Halos lahat ng mga propeta ay nagsulat tungkol sa panahon ng pagdating ng arkanghel. Sa Jeremias 31:7-10 halimbawa ay sinasabi na si Miguel ay ibabangon pa lang ng Dios at kung itutuloy sa bandang ibaba pa ay sinasabi na "magmumula sa gitna nila" hindi directly na sinabi na si Miguel ang prinsipeng iyon pero kung tutukuyin ang panahon, tugma sa panahon ng pagdating ni Miguel (Daniel 12:1). Malinaw na ang panahon ng pagdating ni Miguel ayon kay Daniel ayon sa pahayag ni Gabriel ay tumutugma sa sinasabi ni Jesus sa Mateo 24 Marcos 13 at Lucas 21.

Maraming sinasabi ang mga propeta tungkol sa pagdating ng Mesias at kung pagtutuunan ng pansin ay ang panahon ng pagdating niya lahat ay tumutukoy sa iisang panahon.

-------

Sa ibang salin sa ingles ang pagkabanggit ay "commander" of host Daniel 8:11 pero sa mga salin na gumamit ng pantukoy na commander ay gumamit ng prince of princes pagdating sa verse 25 (paliwanag ni Gabriel). Ibig sabihin, ang commander of host/army ay prince of princes. Pareho naman ang nasa Daniel 8:10 sa Apocalipsis 12:4 at nagdigmaan sa langit at magkapareho sila ng panahon ng kaganapan. Samakatuwid, si Miguel ang commander of army at prince of princes na lalabanan ng ika-apat na hayop sa Daniel 8 na siyang diablo naman sa Apocalipsis 12.

Ngayon kung ang gagamiting salin ay God's Word ay dapat basahin sa Daniel 11:22 na prince ang tinutukoy. Alamin ang panahon, sa panahon ito ng pagdating ni Miguel. Pareho lang ang panahon ng nasa Daniel 11 (verse 22) sa Daniel 8.

-------

Jeremiah 30:7-10
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
8 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
10 Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.

9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
Review lang po tayo.

Si David po ay hindi talaga si David na ibabangon. Marami pong mga pangalan na ibinigay ngunit hindi naman talaga sila gaya ng Zorobabel, Elias at Ciro.

Patunayan po nila na si david ay si david talaga, patutunayan ko naman po na si Jesus ay hindi talaga si Jesus.

-------

Si Jesus po ang pattern ni Miguel. Check po natin.

Juan 5:19
19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.

-------

Walang sinasabi sa biblia na kapag ang Ama ay naparito ay dapat na sasabihin niya "Ako ay Dios" hindi ba marapat na tayo ang magsabi sa kanya "Ikaw ang Dios"?

Hindi talaga alam ng Anak ang panahon ng kanyang pagparito, pero hindi ba niya malalaman kapag naparito na siya? At malalaman rin niya kung kailan magaganap ang paghuhukom. Wala naman sinasabi na hindi niya malalaman di ba?

May purpose kung bakit nagpakilalang Anak si Jesus, pero hindi naman iyon ang tanong mo kaya hindi ko sasabihin.

Halimbawa, isang mangangaral ay nagsasabi, nang bautismuhan si Jesus, bumaba ang espiritu sa kanya (Jesus), sabi ng mangangaral na bulaan: "Bakit hindi sinabi ng Ama, ako rin iyan." Ngayon, itanong sa kanya, saan nakasulat na dapat sabihin ng Ama na: 'ako rin iyan'?

Ang isipan ng mangangaral na iyon ay hindi gaya ng isipan ng Dios. Kaya mag-iingat sa mangangaral na nagsasabi sa kanyang sariling katuwiran ng ganito: "dapat sinabi ng Ama ay ganito"... o kaya... "hindi sinabi ng Ama na ganito"... Ang mga katulad ng mga mangangaral na ganito ba ay dapat magturo sa Dios ng sasabihin?

-------
Dating Daan

Ayon ka Eli Soriano, ang dating daan sa Jeremias 6:16 ay si Crsito, alamin natin. Ang dating daan sa Jeremias 6:16 ay ang kautusan. Ngunit binago na ito ni Jesus at binigyan sila ng bagong kautusan.

Jeremias 6:16
16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.

Matthew 11:29,30
29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. 
30 Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

Ang "pamatok" ay tumutukoy sa kautusan. At maraming mababasa sa sinulat ni Pablo na ang pamatok ay kautusan. Saan daw makakasumpong ng kapahingahan ng mga kaluluwa ayon sa Panginoong Jesus? Sa pamatok ng Panginoon, sa kautusan ng Panginoong Jesus. Kaya ang dating daan sa Jeremias 6:16 ay ang dating kautusan na pinalitan na ng Panginoon ng bagong kautusan.

Si david ay lumakad sa kautusan ng Panginoon Mga Awit 119.


------------

Ang mga anghel ay nanambahan sa langit, sumasamba sila sa Dios na hindi nakikita. Paano ko nasabi? Dahil iyon ang itinuro ni Jesus sa lupa, na sumamba sa Dios na hindi nakikita at sinabi niya, gawin ang iyong kalooban kung paano sa langit ay gayon din sa lupa. Sinong Diyos na hindi nakikita ang sinasamba ng mga anghel sa langit? Walang iba kundi ang Holy Spirit.

At kapag ang mga anghel ay bumababa sa lupa, ang Dios pa rin na hindi nakikita ang sinasamba nila. Sa gayon, ang Hari ng langit at ang Banal na Espiritu ay nagiging isa.

Sa Anak ay ibinigay ng Ama ang kapangyarihan. Kung paano kinikilala ang Ama ay gayon kikilalanin ang Anak.

Naging iisa na sila. Gaya ng sinabi ko na dati, alin man ang sambahin, ang Ama, ang Anak, ang Espiritu Santo ay iisa lang ang sinasamba, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

-------

Philippians 2:6,7 NASB
6who, although He existed in the form of God, did not regard equality with God a thing to be grasped,
7 but emptied Himself, taking the form of a bond-servant, and being made in the likeness of men.

Meron bang tao na ay tumulad pa sa tao?

Filipos 2:6,7 google translation (from hebrew to filipino)
6 na bagaman ito ay sa anyo ng Dios ay hindi tingin sa kanya sa maraming pagiging patas sa Dios: 7 ngunit hubad ang kanyang sarili at ilagay ang tayahin isang nagtrabaho at pakiramdam bilang tao bilang isang tao kaugalian na natagpuan

Meron bang tao na kapantay ng Dios? Ipinahihiwating ni Pablo na noong nasa anyong Dios si Cristo ay kapantay siya ng Dios. Meron bang tao na nasa anyong Dios at kapantay ng Dios? Wala.

-------

Isinulat iyon sa hiwaga hindi letra por letra. Kung isusulat iyon letra por letra, pati mga bulaang guro ay malalaman iyon. Pero malinaw na ang sinasabi ni Jesus sa Mateo 24 Marcos 13 at Lucas 21 sa pamamagitan ng espiritu na ang Anak ng tao na darating ay si Miguel. Halos lahat ng mga propeta ay nagsulat tungkol sa panahon ng pagdating ng arkanghel. Sa Jeremias 31:7-10 halimbawa ay sinasabi na si Miguel ay ibabangon pa lang ng Dios at kung itutuloy sa bandang ibaba pa ay sinasabi na "magmumula sa gitna nila" hindi directly na sinabi na si Miguel ang prinsipeng iyon pero kung tutukuyin ang panahon, tugma sa panahon ng pagdating ni Miguel (Daniel 12:1). Malinaw na ang panahon ng pagdating ni Miguel ayon kay Daniel ayon sa pahayag ni Gabriel ay tumutugma sa sinasabi ni Jesus sa Mateo 24 Marcos 13 at Lucas 21.

Maraming sinasabi ang mga propeta tungkol sa pagdating ng Mesias at kung pagtutuunan ng pansin ay ang panahon ng pagdating niya lahat ay tumutukoy sa iisang panahon.

-------

Sa ibang salin sa ingles ang pagkabanggit ay "commander" of host Daniel 8:11 pero sa mga salin na gumamit ng pantukoy na commander ay gumamit ng prince of princes pagdating sa verse 25 (paliwanag ni Gabriel). Ibig sabihin, ang commander of host/army ay prince of princes. Pareho naman ang nasa Daniel 8:10 sa Apocalipsis 12:4 at nagdigmaan sa langit at magkapareho sila ng panahon ng kaganapan. Samakatuwid, si Miguel ang commander of army at prince of princes na lalabanan ng ika-apat na hayop sa Daniel 8 na siyang diablo naman sa Apocalipsis 12.

Ngayon kung ang gagamiting salin ay God's Word ay dapat basahin sa Daniel 11:22 na prince ang tinutukoy. Alamin ang panahon, sa panahon ito ng pagdating ni Miguel. Pareho lang ang panahon ng nasa Daniel 11 (verse 22) sa Daniel 8.

-------

Review lang po tayo.

Si David po ay hindi talaga si David na ibabangon. Marami pong mga pangalan na ibinigay ngunit hindi naman talaga sila gaya ng Zorobabel, Elias at Ciro.

Patunayan po nila na si david ay si david talaga, patutunayan ko naman po na si Jesus ay hindi talaga si Jesus.

-------

Si Jesus po ang pattern ni Miguel. Check po natin.

Juan 5:19
19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.

-------

Para maiba naman, paano napapunta sa malayong silangan ang Israel? Binihag ba ng Babilonya?

Parang hinahanap ko ang verse sa Isaias 5:26 pero parang bulag akong nagbabasa. Parang di ko nabasa na ang Israel ay binihag ng Babilonia kaya napunta sa malayong silangan, sa wakas ng lupa.

-------

Mga Gawa 13:33
33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.

1 Juan 5:1
1 Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.

Saan sinabi sa Scriptures na si Miguel ang Anak ng Dios?

Nag/magkakatawang tao nga. Ikaw, anak ka ba ng Dios? Eh baka hindi.

Nasagot ko na, ngayon, ako naman ang magtatanong. Bakit may "arch" ang word na archangel kung ang angel ay nature at hindi office? Kapag ba may "arch" ay tumutukoy ito sa kalagayan ng pinagkabitan (angel) o ito ba ay ikinakabit sa office gaya ng archduke, archbishop etc?

-------

John 3:19
19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.

Ang kahatulan ay ang pagparito niya.

Hindi ba sinabi na niya ito? Oo, pero...

Luke 21:33 Heaven and earth will pass away, but my words will never pass away.

Juan 14:3
3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

Tungkol sa kahatulan, maraming sinulat ang mga propeta kung ano ang hatol at kung bakit hahatulan. Isang araw lang iyan.

Gawa 17:31
31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.

Madaling malaman kung kailan ang araw na iyan. Paano? Eh di kapag naganap na ang mga hula ng mga propeta. Iisang araw lang naman ang tinutukoy nila.

Mikas 7:4
4 Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.

Ang araw ng pagdalaw ay araw ng panghihiganti.

Oseas 9:7
7 Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.

Ang paghihiganti ay magaganap sa pagdating ni Jesus.

2 Mga Taga-Tesalonica 1:7,8
7 At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,
8 Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:

Sa anong verse ako nagsimula? John 3:19? Babalik lang tayo sa John 3:19

Pero ang maghihiganti ay ang Ama mismo.

Hebreo 10:30
30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.

Deuteronomio 32:35,36
35 Ang panghihiganti ay akin, at gayon din ang gantingpala, Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa: Sapagka't ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit, At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali.
36 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, At magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod; Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala, At wala ng natitira na natatakpan o naiwan.

-------

Digmaan sa Langit...

Idadagdag ko lang po sa nasa itaas Ang nasa Pahayag 11:2 ay pareho sa Pahayag 20:9 Alamin natin ang panahon.

Pahayag 11:7
7 At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

Apocalipsis 20:3,7
3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,

Wala namang sinasabi na 2,520 years ang biblia tungkol sa panahon ng mga Hentil.

Daniel 9:27
27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

Kung ang sanglinggo na sinasabi sa Daniel 9:27 ay 2,520 ay mangangahulugang ang 490 taon ay magiging 490x360=n years

Daniel 12:11
11 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.

Revelation 11:2
2 At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

Wala pong kaugnayan o ipinahihiwatig man lang na ang 2,520 taon ay tumutukoy sa panahon ng mga hentil na mas kilala sa tinatawag na kasuklamsuklam na paninira.

-------

Tinutukoy mo siguro ay isang libong taon.

2 Pedro 3:8
8 Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.

Sa Panginoon, hindi sa tao. Dios ang nagsalita ng tungkol sa isang libong taon sa aklat ng Apocalipsis, hindi tao. 

-------

Ang sinasabi mong 7 panahon ( na si Nabucodonosor ay natulad sa hayop), ay panahon ng may bilang 666. Nagsimula ito noong september 2001 hanggang september 2008, ang unang kalahating taon ay ang nakasulat sa Daniel 9:27 na pagtatayo ng kasuklamsuklam na paninira.

-------

Tinatanong ng mga alagad si Jesus, kung ano ang magiging tanda bago maganap ang "walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato"

Marcos 13:4
4 Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?

Lucas 21:7
7 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?

Ngayon naganap ba ang lahat ng mga tanda gaya ng digmaan kagutom, lindol at salot bago ang sinasabi mong nangyari noong 70 AD? Hindi ba tinatanong kita noon kung saan mababasa na naganap ang lahat ng tandang iyan bago ang 70 AD?

Tungkol sa lahat ng bagay na magaganap sa isang salinlahi maraming binanggit si Jesus. Pero ang salinlahi na ito ang makararanas ng digmaan, salot, kagutom at lindol dahil ang mga ito ay tanda bago maganap ang "walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato" Saan nga mababasa (book of histories or websites) na naganap ang lahat ng tanda bago ang nangyari noong 70 AD?

-------

Kung sinasabi mo ay great harlot, mali, kasi ang great harlot ay building o structure. Babilonia ay Babel sa ibang wika, ano ang nasa Babel? eh di tore (tower). Ito ang dahilan kung bakit ang Babilonia ay sinasabing gustong umakyat sa langit. Genesis 11, gusto ng mga tao na abutin ang langit. Ito (tower) ang ibinagsak sa lupa sa aklat ni Isaias (chapter 14) at ng Revelation 17 at 18. Marami ring sinabi ang mga propeta tungkol sa gagawin ng Dios na pagwasak sa mga moog.

Ang pagbagsak ng Dakilang Patutot ay ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit sa Apocalipsis 12. Ito ay nangangahulugan ng pakikipagbaka ng Dios sa mga diosdiosan at pagpapatunay ng Kanyang Katotohanan.

-------

Sa langit ay may templo...

Apocalipsis 14:17
17 At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit, na may panggapas din namang matalas.

sa bagong Jerusalem ay wala...

Apocalipsis 21:22
22 At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.

Therefore, ang bagong Jerusalem ay hindi ang langit...

--------

Aklat na may tatak

Ang aklat na may tatak ay ang aklat ni Daniel.

Daniel 12:4,9
4 Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
9 At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.

Ngayon, ang nilalaman ng aklat ni Daniel ay tungkol sa kasuklamsuklam na paninira. Daniel 9:27; 11:31; 12:11 at ang iba ay tungkol sa kalaban ng Diyos at tungkol sa pagdating ng Mesias.

Ngayon, ang nilalaman ng aklat na may tatak sa Apocalipsis ay tungkol sa kasuklamsuklam na paninira. Ito ang dahilan kung bakit ang araw buwan at bituin ay nagdidilim.

Tingan nga natin kung si Miguel nga ba ang Cristo na mag-aalis ng mga tatak sa aklat.

American King James Version
But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21

Meron pa bang iba? Obvious naman sa tanong ng anghel.

American King James Version
And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2

Ang sagot sa tanong ng anghel ay siya. Siya ang makapagbubukas ng aklat na natatatakan.

---------
cult member said: ANG CHURCH OF CHRIST OR IGLESIA NI CRISTO ANG FOUNDED NI LORD JESUS NOONG 30-33 A.D. AT HINDI ANG HOLY ROMAN CATHOLIC and APOSTOLIC CHURCH.
EH SAAN NAKA REGISTRO ANG IGLESIA NI CRISTO? SAAN PA EH SA MGA BANAL NA KASULATAN O' BIBLE. ROMA 16:16 AT GAWA 20:28 (Lamsa Version). WALA SA BIBLIA ANG HOLY ROMAN CATHOLIC APOSTOLIC CHURCH- NASA AKLAT NG CATHESISMO AT YAN NAME NA YAN AY INIMBENTO LANG NILA NG WALA NA ANG MGA APOSTOL...

NATUPAD ANG HULA NI APOSTOL PABLO SA GAWA 20:29-30 / 1 TIMOTEO 4:1-3 KJV.... NA MAGKAKAROON NG PAGTALIKOD PAGKA-ALIS NILA ...
Sagot: Sa Mga Gawa 20:29-30, hindi sinasabi doon na matatalikod ang iglesia at lalo na ang buong iglesia, sinasabi doon na papasok ang mga ganid na lobo. Walang sinasabi na tatalikod ang iglesia lalo na ang kabuuan nito. Sa talinghaga ng Panginoon tungkol sa manghahasik, ito ang mga diablo (mga ganid na lobo) na inaagaw ang mga binhing itinanim. Pero may mga nalaglag sa mabuting lupa at ito nga ang iglesia na nagpatuloy, ang Catholic Church. At hindi maghahasik ang Panginoong ng binhi kung walang katuturan at walang tutubo at magbubunga. Lalabas na mahusay pang magtanim si Manalo kaysa Panginoon. Biruin mo, kay Manalo almost 100 years, sa Panginoon 30-40 years lang tumagal batay sa paratang.Sa 1 Timoteo 4:1-3, hindi sinasabi na "LAHAT" ay tatalikod kundi ang iba at hindi lahat. Kung lahat ay tumalikod, dapat puro protestante na lahat at wala nang Katoliko. Ang katuparan ng mga tatalikod ay ang mga hindi na Katoliko.

cult member said: WALA SA BIBLIA ANG HOLY ROMAN CATHOLIC APOSTOLIC CHURCH- NASA AKLAT NG CATHESISMO AT YAN NAME NA YAN AY INIMBENTO LANG NILA NG WALA NA ANG MGA APOSTOL
Sagot: Kung pangalan ang pag-uusapan, si Felix Manalo ay wala ang pangalan sa biblia. Ang katuwiran ng mga hindi Katoliko, si Pablo at Juan ay walang pangalan sa lumang tipan. Oo nga, pero mababasa sa biblia na sila ang mga katuparan ng hula na nauukol sa kanila.

Si Felix Manalo wala din sa biblia ang pangalan, si Pablo at Juan, mababasa sa biblia na sila ang katuparan. Payo ko, maglimbag sila ng biblia na nakasulat na si Felix manalo ay katuparan ng hula sapagkat ang mga walang pangalan sa lumang tipan ay mababasa sa bagong tipan na sila ang katuparan, si Manalo, hindi.

Sinasabi pa ninyo na si Juan, sa hula ay anghel, ngunit sino ang kumumpirma na si Juan ang anghel sa hula? Hindi ba ang Panginoong Jesus? Sino naman ang kumumpirma na si Felix Manalo ay anghel? Mga minisitro ninyo?
cult member said: IPAGBABAWAL ANG PAG-AASAWA - ANG MGA PARI AY BAWAL MAG-ASAWA MATAPOS NA SILA AY MAORDINAHAN BILANG PARI.
Sagot: Tungkol sa sinasabi ng kaanib sa iglesia ni Felix Manalo na siyang cristo, na ang Katoliko ang nagbabawal mag-asawa. Sabi ni Pablo, sa latter days magaganap. Sino ang mga iyan? Ito ang mga nagsusulong ng RH bill, bakit? Dahil ang pagbabawal mag-asawa ay katumbas ng pagpigil sa panganganak at pagpaparami. Hindi Katoliko iyan. Dahil maka-pagpaparami ang Katoliko. Ang iglesia ni Felix Manalo na siyang cristo, ay isang relihiyon na pro RH bill kaya sila ay kasama sa mga anticristo. Dahil sila ay nagtuturo na dapat supilin ang pagdami ng tao.

-----------

Read this:
by BS:
AYON SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION, ANG INC AY ISANG UNIPERSONAL CORPORATION NA ITINATAG NI GNG.FELIX MANALO NOONG JULY 27,1914 SA WIKA KASTILA NA NAGSASAAD NG UNIPERSONAL. IBIG SABIHIN, SILA LANG ANG HAHAWAK NG PANGKALAHATANG PAG-AARI NG CORPORATION AT WALANG SAY ANG MGA CONTRIBUTOR O CUSTOMER NITO. LUMALABAS NA HINDI SIMBAHAN!

ANG MGA KAANIB AY HINDI RIN EMPLEAYADO KUNDI CUSTOMER NA SYANG BUBUHAY SA CORPORATION! HUWAG MAKIPAG-AWAY SA AKIN. TUNGKULIN NYONG ALAMIN IYAN SA SEC! SABI NGA "SURIIN ANG LAHAT NG BAGAY AT PULUTIN ANG MABUTI"
Mamuhunan na kayo, business as usual!

No comments:

Post a Comment