THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Ang Alamat ng Ginebra San Miguel

Isang alamat... Isang kwento... Isang kasaysayan...

Disclaimer: Ang gumawa ng kwento ay hindi nag-iindorso ng nasabing produkto at walang intensyon na makasira o makabuti sa nasabing produkto (Ginebra San Miguel) At ang layunin ng nagsulat ay upang makalikha para sa mga makakabasa ng isang kwento na bunga ng malayang pag-iisip na maaaring kapulutan ng mga aral na mapapakinabangan para sa kanilang moral at espiritual na pamumuhay sa araw-araw. Ang kwento ay inuuri ko na isang sining sa pagsusulat. Ang idea ng kwento ay hinango mula sa biblia. Ngunit ang kwento at ang mga tauhan ay kathang isip lang. Pero sila ay pwedeng maging ikaw at ako at tayong lahat na lumalabas ang pagiging tunay na tayo kapag dumarating ang mga pagkakataong katulad nito. 

(Ang Sugatang Puso ni Michael)
Panalo sa labanan ngunit sugatan ang puso. Mahapdi at masakit na sugat. Kaya naghanap siya sa iba't-ibang lugar na taong magaling gumawa ng pinakamasarap na alak para magamot ang kaniyang sugat. Matapos ang matagal na paghahanap, may natagpuan siya. Masarap, matamis na alak, nahihilom ang sugat, napapawi ang hapdi, nawawala ang sakit. Ngunit nang siya ay malasing, nag-ibayo ang hapdi lumala ang sakit. Kaya unti-unting tumulo ang kanyang luha. Natikman, masarap, matamis. Nahihilom ang sugat,napapawi ang hapdi, nawawala ang sakit. Kaya naisip niyang gumawa ng pinakamasarap na alak... mula sa luha. At pinangalanan niya itong... *Jinn Michael. Lumipas ang panahon... naging Ginebra San Miguel. 

*The jinn (also djinn or genies, Arabic: الجن‎ al-jinn, singular الجني al-jinnī) are supernatural creatures in Islamic and Arabic folklore. They are mentioned frequently in the Qur'an (the 72nd sura is titled Sūrat al-Jinn) and other Islamic texts and inhabit an unseen world in dimensions beyond the visible universe of humans. The Qur'an mentions that the jinn are made of a smokeless and "scorching fire",[1] but are also physical in nature, being able to interfere physically with people and objects and likewise be acted upon.[2][clarification needed]Together, the jinn, humans and angels make up the three sapient creations of God. Like human beings, the jinn can be good, evil, or neutrally benevolent and hence have free will like humans and unlike angels.[3]
http://en.wikipedia.org/wiki/Jinn

(Ang Mensahe)
Matagal na ring panahon makaraan ang labanan. Ang Arkanghel na si Miguel ay nasa langit na noon. Sinugo siya ng Panginoon sa daigdig, sa isang tao. Nang nakita siya ng tao, natakot ito, "Bakit ang Anghel ng Panginoon ay dinalaw ako na isang hamak na tao?" sabi niya. Sumagot ang Arkanghel, "May mensahe mula sa Panginoon, ibibigay ko sa iyo ang isang boteng alak na ito. Makagagamot ito ng malulubhang sugat na laganap ngayon sa buong daigdig, tikman mo" Inabot ng lalake ang alak, binuksan at tinikman. "Mapait po ito Panginoon" sabi niya. Sumagot ang Anghel ng Panginoon, "sa gitna ng mapait ay may matamis, sa gitna ng kasamaan ay may kabutihan, sa gitna ng kadiliman ay may liwanag" Sumagot ang lalaki, "Ano po ang ibig sabihin nito?" Sinabi ng Anghel ng Panginoon, "Darating siya na may may karapatan, darating na hindi inaasahan, ihahayag niya sa inyo ang lihim na kahulugan, may dalang kaligtasan" At sinabi pa, "Tandaan mo ito, ang alak na iyan ay magagamit sa kabutihan ngunit magagamit rin sa kasamaan kapag natikman ng taong masasama." Biglang nawala ang Anghel ng Panginoon at ang lalake ay nawalan ng malay. Nang magising siya ay nasa kanyang bahay na siya at hawak ang isang boteng alak. Kumalat sa bayan ang nangyari at lumipas ang mahabang panahon at kwento na nangyari sa tao ay bulong-bulongan pa rin hanggang sa kasalukuyan at mayroon pa ring Ginebra San Miguel.

(Ang Paghahayag)
 Libong taon ang lumipas at ang mundo ay puno ng karahasan. Ang mga tao ay lasing sa Ginebra San Miguel at ginamit nila ito sa kasamaan. Ang matandang kwento tungkol sa tao at ang pagpapakita rito ng Arkanghel ay halos limot na at nagkaroon ng mali-maling pagkaunawa tungkol sa kahulugan ng mensahe at marami ding hindi naniniwala dito at may nagsasabing ang tao ay lasing na lasing kaya nag-akala na nakakita siya ng pangitain at ang ebidensya ay ang alak na hawak nito nang magising.

Sa isang bayan ay may isang lalake roon na pinagtatawanan at kinukutya ng mga tao, sabi nila, "Isang sugo kang mula sa Diyos? Kilala ka namin, hindi ba ikaw ay mula sa kabilang bayan? Hindi ba ikaw ang lalake na gumagawa ng kaguluhan? Kilala ka namin kung taga saan ka at ang iyong mga magulang at mga kapatid ay kilala namin!" At sila ay tumatawa at nangungutya.

Habang sa langit ay tinitingnan ang mga nangyayari sa daigdig, sinabi ng Dios, "Labis ang kasamaan sa daigdig, gumagawa sila ng mga karahasan upang tumangis ang mga tao para makagawa ng mas maraming alak dahil sa pagiging gahaman sa salapi." Dahil sa labis na kasamaan ng mga tao, ipinadala ng Dios ang kaniyang mga anghel upang wasakin ang daigdig sa pamumuno ni Gabriel. At si Miguel naman ay nauna nang sinugo ng Dios upang magbigay babala sa mga tao at upang tatakan sa noo ang mga pinili ng Dios.

Dumating sila sa lugar kung saan naroon ang lalake at ang mga taong kumukutya at tumatawa. Sinabi ni Gabriel, "Ako si Gabriel. Naparito kami upang wasakin ang daigdig dahil sa labis na kasamaan, kapag nasagot ninyo ang lihim na kahulugan ng mensahe libong taon na ang lumipas, hindi namin wawasakin ang daigdig, ngunit kapag mali ang sagot ninyo, papatayin namin ang mangangahas." Idinagdag pa niya, "At kung hindi siya ang may karapatan na sumagot ng kahulugan ng mensahe, mamamatay siya." At nagbulong-bulongan ang mga tao. "Totoo pala ang pangitain." sabi nila. Tumahimik ng halos 10 minuto. Sa mga nangyayaring iyon ay may mga mata ng mga anino ang lihim na nagmamatyag ng mga nangyayari at nakikinig ng mga sinasabi.

Biglang may sumigaw! Nagtinginan ang mga tao sa pinanggalingan ng sigaw. May naglakas-loob!!! Palapit nang palapit kay Gabriel, nagbulong-bulongan ulit ang mga tao at mga ilang hakbang pa ang layo ay may sumigaw na: "Tigil!" Ang mga taong tumatawa at kumukutya sa lalake pala ang gustong sumagot ng kahulugan ng mensahe. Kinikilala sila sa bayang iyon na mga pantas at matatalino. Sinagot nila ang kahulugan ng mensahe, ngunit mali ang sagot nila at sila ay pinagpapatay ng mga anghel. Natakot ang mga tao, wala nang maglakas ng loob. Sumigaw si Gabriel, "sino pa ang gustong matulad sa mga hangal na ito?" Nagbulong-bulongan ulit ang mga tao, "Sino pa ang aasahan natin, ang ating mga pantas at marurunong ay pinagpapatay nila?" At sila ay nalumbay.

Nagsidatingan ang mga tao mula sa mga kalapit-bayan. Mayroon ding mga nagmula sa bayan ng lalake at nang makita siya ng isa sa mga ito ay tiningnan siya ng isang makahulugang tingin. Padami ng padami ang mga tao. Ang kababayan ng lalake at ang mga kasama nito ay walang alam sa kahulugan ng mensahe. Ang kahulugan ng tingin ng kababayan ng lalake ay isang tingin na pamamaalam. Pumunta sila doon upang subukang sagutin ang kahulugan ng mensahe ngunit sila ay nasawi. Sinubukan nila dahil marami ang manganganib. May mga iba naman na dumating na sobrang haba ng mga sinabi ngunit walang kaugnayan sa mensahe, kaya sinabi ng mga anghel "Mga hangal!!!" At sila ay pinagpapatay din.

Marami pang sumubok na pantas at marurunong, ngunit sila'y nabigo at pinagpapatay rin ng mga anghel. Ang mga nakikilalang matatapang sa panahong iyon ay nagsipagtago kung saan sila hindi makikita dahil sa takot. Kung maaari lang na humukay sila sa lupa ay ginawa nila upang magtago dito. May mga tao na dala-dala ang mga ninakaw patakas sa lugar. May mga nagwalang-bahala. May mga nagdasal.

Tatlong oras na ang lumipas at noon ay mag-iika-tatlo na ng hapon. Nagdidilim ang mga ulap sa panahong iyon na para bang uulan nang malakas. Tila babagyo. Ang lalake ay lumapit. Tinanong siya ni Gabriel, "ano ang pangalan mo?" "Bakit mo itinatanong?" sabi niya. "Sasagutin ko ang kahulugan ng mensahe, ang mensahe ay ito: sa gitna ng mapait ay may matamis, sa gitna ng kasamaan ay may kabutihan, sa gitna ng kadiliman ay may liwanag" Ang sagot ay "AKO NGA" "Tama ang kanyang sagot!" bulalas ni Gabriel. At biglang mula sa kung saan ay may palaso na matulis na mabilis na humilagpos sa puso ng lalake. Nagimbal ang mga nakakakita.

Bakit ang lalake ay namatay sa kabila ng tamang kasagutan? Kaya't ang kanilang mga mata ay namanglaw at ang mga puso ay nalumbay. Tuluyang nawalan ng pag-asa. At bumalik sa kanilang mga alaala ang masasayang nakaraan. Ang mga bundok at gubat, ang mga puno, ang mga halaman at ang mga bulaklak. Ang dagat, ang mga isda at ang dalampasigan. Ang mga ulap, ang buwan, at ang mga bituin at ang paglubog at pagsikat na araw. Ang mga hayop at ang mga ibon. Mga kasiyahan at mga pamamasyal, ang mga paglalambingan, ang mga tawanan at iyakan, mga kwentuhan at inuman, ang mga kantahan at awitan, ang mga bata sa lansangan, tila ba ang mga ito'y magkakaroon ng katapusan. Kaya't sila'y nanangis, nanangis nang buong ng pait! At biglang humihip ang malamig na simoy ng hangin mula sa silanganan na humuhugong na tila ba nananaghoy, na para bang may ibinubulong.

Isa sa mga naroon na nananangis ay isang magnanakaw at kawatan na katabi ng babae na hindi mapigilan ang pag-iyak nang nakita ang mga pangyayari mula sa ilalim ng isang madahong puno ng narra. Sumigaw ang magnanakaw, "Ako na lamang ang patayin ninyo, isa akong magnanakaw, inaari ko ang hindi sa akin, makasalanan ako buhat pa sa tiyan ng aking ina, karapat-dapat akong mamatay, huwag na ninyong idamay ang mga walang kasalanan!" Ang magnanakaw at kawatang ito ay nakitang kausap ng lalake nang umagang iyon na kasisikat pa lang ng araw.

At isa namang lasinggero ang nagpalinga-linga sa paligid ang naroon din, sumigaw rin at nagsabing: "Isama na ninyo ako sa kanya, isa akong lasenggo at isang magnanakaw. Kagabi lamang ay nagnakaw ako ng inahing manok sa kapit-bahay namin para may pulutan, patayin na rin ninyo ako!" Ang dahilan ng lasenggo ay madalas siyang maglasing dahil lagi siyang binubulyawan ng asawa. Ngunit ang asawa naman nito ay lagi siyang binubulyawan dahil madalas siyang maglasing. Nang gabing iyon ay nag-away sila ng kanyang asawa, kaya sa lansangan siya natulog nang gabing iyon, kaya marahil ay gusto na rin niyang mamatay.

At isa namang matanda na mahinang mahina na ang katawan ay nakiusap na ilapit siya kay Gabriel, at nang makalapit na ay kanyang sinabi: "Ginoo, ako ay matanda na, marami na akong karanasan. Marami na akong nakitang kasamaan at marami din akong nakitang kabutihan. Ang kahirapan sa buhay ang kadalasang nagtutulak sa tao upang gumawa ng kasamaan. Inaakala nilang kapag maraming kayamanan ay magiging ganap ang kanilang buhay. Ako ay ipinanganak na mahirap at tumanda ring mahirap ngunit nalaman ko ang tunay na kahulugan ng buhay, ang kahirapan ay hindi isang hadlang upang maunawaan at maintindihan ang kahulugan ng buhay. Marami ngayong mga kabataan ang maaaring makaranas ng mga dinanas ko upang malaman at maunawa ang kahulugan ng buhay. At ang kahulugan ng buhay ay ang pag-aalay ng sariling buhay, upang ang iba naman ay mabuhay. Kaya, patayin na rin ninyo ako, huwag ninyong idamay ang mga bata at ang mga walang kasalanan." Nagkatinginan ang mga tao. "Ako rin patayin ninyo!" sabi ng isa, "ako rin!" sabi naman ng isa pa. Hanggang dumami. Humugong na parang alon ang sigaw ng mga tao dahil sa dami ng mga taong makasalanan na sumang-ayon sa mga nauna.

Nag-isip si Gabriel. Biglang tumahimik ang mga tao nang may batang sumigaw. "Tingnan nyo!" Itinuro ang bangkay ng lalake. Mula sa puso ng lalake ay may lumalabas na nakasisilaw na liwanag at unti-unting nagbago ang kanyang anyo, gaya ng matinding sikat ng araw sa tanghaling-tapat. Nahawi ang madidilim na ulap. Lumaganap ang liwanag sa buong paligid hanggang lumiwanag ang daigdig. Nawala ang pagkalasing ng mga tao at kanilang kasamaan at kasalanan ay naalis dahil sa matinding liwanag.  At nabuhay ang mga namatay, pati na ang mga kumukutya at tumatawa ay bumangon at kanilang tiningnan ang pinagmumulan ng liwanag. At tumayo ang lalake. Sumigaw si Gabriel "LUMUHOD!" at nagluhuran ang mga anghel kaya't lumuhod rin ang mga tao. At may isang tao na nagtanong sa isang anghel, "Sino ang lalake?" Sumagot ang anghel, "siya ang..." Hindi na narinig ng tao ang kasunod na salita sapagkat biglang nag-awitan ang mga anghel.

Biglang lumindol nang malakas at dumagundong ang mga kulog at buhat sa langit ay isang makapangyarihang tinig na nagsabing "NAGANAP NA" Lahat ay nagpuri sa Dios at sumamba at umawit ng mga awiting nagbibigay puri sa Dios. Hallelujah! Hallelujah! Hallelujah! Dios na Makapangyarihan sa lahat! Dios sa nakaraan, Dios sa kasalukuyan, Dios hanggang sa walang hanggan. Amen.

Nagkaroon ng malaking handaan sa langit at mayroon ding inuman. At kung ano ang iniinom? Ano pa nga ba? Ikaw na! GINEBRA SAN MIGUEL!

  •  kababayan ng lalake na tumingin, kapatid siya ng lalake
  •  magnanakaw at kawatan, iniligtas ng lalake sa mga humahabol
  •  babae na umiiyak, kasintahan ng lalake
  •  lasenggo, nakita nya ang ginawang pagliligtas ng lalake sa magnanakaw noong gabing iyon
  •  matanda, lolo ng babaeng kasintahan ng lalake
  •  ang lalake,  nameless
(no copyright)
Michael Macha Reyes

No comments:

Post a Comment