THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Bautismo

Ang bautismo sa tubig at espiritu  ay muling kapanganakan...

1 Peter 1:3 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,

Ang mga nabautismuhan kay Cristo (sa tubig) ay nabautismuhan sa kamatayan ni Cristo, at kasamang napako at namatay at kasama rin na muling binuhay. At ang mga muling binuhay ay nangangahulugang muling kapanganakan...

1 Peter 3:20,21 20 Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig: 21 Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

Romans 6:1-7 1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? 2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? 3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? 4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. 5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli; 6 Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; 7 Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.

At sinabi rin ni Cristo na may isang bautismo pa siyang dapat tanggapin.

Luke 12:50 Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking kagipitan hanggang sa ito'y maganap?

Mark 10:38,39 38 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin? 39 At sinabi nila sa kaniya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Jesus, Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo;

At nang siya'y muling nabuhay ay natupad ang sinalita ng Dios na ipanganganak (muli) si Cristo.

Acts 13:33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.

Psalm 2:7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.

Maliwanag na ipinanganak ng Dios si Cristo nang muling buhayin mula sa mga patay. At ayon kay Cristo, may isang bautismo pa na dapat ibautismo sa kaniya.

At ang mga ipinanganak ng Dios ay naging mga anak ng Dios.

1 John 3:9 Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala, sapagka't ang kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya: at siya'y hindi maaaring magkasala, sapagka't siya'y ipinanganak ng Dios. 10 Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.

So, ang mga nabautismuhan (sa tubig) kay Cristo (Romans 6:1-7) ay nabautismuhan sa kaniyang kamatayan. Sinabi niya na sa bautismo na ibabautismo sa kaniya ay babautismuhan kayo. At ang mga kasama sa kamatayan at muling pagkabuhay ay ipinanganak ng Dios at nagkaroon ng muling kapanganakan.

Ano ba ang isang dahilan kung bakit binabautismuhan ang sumasampalataya sa Panginoong Jesucristo?

Matthew 28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

John 4:1,2 1 Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan 2 (Bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad)

Malinaw sa mga nakasulat sa talata, ang mga binabautismuhan ay ginagawang alagad.

Acts 22:16 At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.

Acts 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. qq 

Ayon sa mga protestante, hindi daw bautismo sa tubig ang ipanganak sa tubig ang nasa Juan 3:5 (ipanganak ng tubig at espiritu) at ayon din sa kanila. At ito ang isinagot ko sa kanila:

Kasi ang sinabi ni Cristo ay "muling kapanganakan" sa verse 3. At maliban daw na ipangananak muli ay hindi makakakita ng kaharian ng Dios.

3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.

4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?

Malinaw na "again" ang pinag-uusapan. Tinanong si Jesus ni Nicodemo kung paano maipanganganak muli, so, ang sagot dapat ay "muli" Kaya niliwanag ni Cristo ang sinabi niya noong una ang tungkol sa muling kapanganakan, dahil tinanong siya ni Nicodemo tungkol dito sa sinabi niya sa verse 3.

5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.

Ayon kay Jesus, ang muling kapanganakan, ayon sa sagot niya sa tanong ni Nicodemo kung paano maipanganganak muli ay ipanganak sa tubig at espiritu. Tandaan na ang itinatanong ni Nicodemo ay tungkol sa pangalawang kapanganakan, kaya sinagot siya ni Jesus kung paano maipanganganak muli. Verse 5

6 Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.

7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.

At sinabi ni Cristo, kinakailangang ipanganak muli ang isang tao, verse 7, saan ipanganak muli? Base sa tanong ni Nicodemo na paano daw maipanganganak muli at sa sagot ng Panginoon, ipanganak ng tubig at espiritu. At ang "ipinanganak ng laman" ay doon tumutukoy sa sinabi ni Nicodemo na pagpasok sa tiyan ng ina para maipanganak muli at hindi doon sa "ipanganak ng tubig"

Ngayon, kung muling kapanganakan ang itinatanong ni Nicodemo, bakit isasama pa niya (Jesus) sa sagot niya ang tungkol sa unang kapanganakan na ayon kay Tagapaglingkod ay kapanganakan sa tubig o laman gayong ang tinatanong ni Nicodemo ay kung paano maipanganak muli? Naging PILOSOPO TASYO po ba ang Panginoong Jesus at sinagot niyang dapat munang ipanganak ng laman para ipanganak muli? Ika ng mga tagasunod ni Tasyo, "hindi ka ipanganganak muli kung wala kang unang kapanganakan."
------------------

At ayon sa mga protestante, hindi daw bautismo sa tubig at hindi daw muling kapanganakan ang nasa aklat ng Mga Taga Roma 6:1-7 (pero meron sa kanilang nagsasabi na bautismo ito sa tubig) at ito ang isinagot ko sa kanila:

Romans 6:3,4 3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? 4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.

Ang sabi sa talata, KAY CRISTO, hindi NI CRISTO, samakatuwid, bautismo sa tubig ang tinutukoy sa talata. Sa mga isinulat ng mga apostol, kapag "bautismo" lamang ang nakalagay ay naiintindihan na nilang ito ay bautismo sa tubig, isang halimbawa:

Acts 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Iyan ang bautismo "KAY" CRISTO o sa pangalan ni Cristo.

Galacians 3:27 Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.

At heto ang kapareho ng nasa Romans 6:3,4:

Colossians 2:11-13 11 Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo; 12 Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay. 13 At nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan:

At ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, hindi sumampalataya lang, hindi mabautismuhan lang, kundi sumampalataya at mabautismuhan.

Mark 16:16 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

Malinaw naman sa Romans 6:1-7, na ang mga nabautismuhan kay Cristo ay nalibing at nabuhay kalakip niya. Ang dating pagkatao ay kasamang namatay, at nakasama ni Cristo sa muling pagkabuhay bilang bagong pagkatao o panibagong buhay o born again sa ibang diwa.

Sa paglakad sa panibagong buhay, kasabay nito, doon nagkakaroon renewal of spirit.

Ephesians 4:23,24 23 At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, 24 At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Ang bagong pagkatao, ito si Cristo na ibibihis, ito ang walang kasiraan na ibibihis, ito ang bagong nilalang, ito ang walang kamatayan... lahat ng ito ay iisa lang.

No comments:

Post a Comment