THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Ang Tampalasan

2 Mga Taga Tesalonica 2:3 Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.

Iisa lang ang alam kong nagtatanyag ng kaniyang sarili tulad ng Dios. Ito ang binabanggit ng Panginoon na: luklukan ni Satanas Revelation 2:13 Pero marami ang sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios at sinasamba. Mabuting malaman kung kailan ang paglitaw ng anticristo.

2 Mga Taga Tesalonica 2:6-12
6 At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan. 
7 Sapagka't ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito. 
8 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin; 
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, 
10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. 
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: 
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.

Ang "tampalasan" ay ang ikaapat na hayop (Daniel 7) at ikaapat na hari sa Daniel 11 at kambing sa Daniel 8, at ito nga ay madaya. Ito rin ang may bilang 666, na ayon sa hula ay ibinigay ni satanas ang kaniyang kapangyarihan sa halimaw. Hindi sasablay kung sasabihin kong aabutan ng Panginoong Jesus (2 Mga Taga Tesalonica 2:8) ang paghahari ng tampalasan. Mahirap pagtugma-tugmain ito sa iisang panahon, ngunit walang imposible sa Panginoon. Hindi imposible, sapagkat iisang pangyayari, iisang panahon na katutuparan at iisa ang tinutukoy.

Ang kapangyarihan ni Satanas ay ibinigay (2 Mga Taga Tesalonica 2:9) sa tampalasan, na siyang may bilang 666.

Apocalipsis 13:1 4,5,11 - 1 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagatna may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.
4 At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya? 5 At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan. 11 At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.

Tungkol sa apat na pu't dalawang buwan na paghahari ng unang hayop ay pareho sa sinabi sa aklat ni Daniel (7:25, 9:27) na mababasa natin mamaya. Ang propesiya ni Daniel ay magkakapareho, ang ikaapat na hari sa Daniel 11 ay siya ring kambing ayon sa pangitain sa Daniel 8. Pansinin ang pagkakatulad ng Daniel 11:31 at Daniel 8:11 tungkol sa mangyayari. 

Daniel 11:31,32 At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga'y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira. 32At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan, ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya; nguni't ang bayan na nakakakilala ng kanilang dios ay magiging matibay, at gagawa ng kabayanihan.

Daniel 8:11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.

Alamin natin kung sino ang prinsipe na tinutukoy sa talata (Daniel 8:11) Ating binasa ay Daniel 11:31,32, basahin natin sa Daniel 11:22 At sa pamamagitan ng pulutong na huhugos ay mapapalis sila sa harap niya, at mabubuwal; oo, pati ng prinsipe ng tipan.

Hindi ko nga alam kung bakit ang arkanghel pa ang kailangang tumulong upang matalo ang pwersang ito. Marahil ay mga totoong diablo ang mga ito. Ang Panginoong Jesus sa 2 Mga Taga Tesalonica 2:8 ay tumutukoy sa arkanghel, sapagkat ang pangalan ng Panginoon ay isa. (Zechariah 14:9 At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

Si Pablo po ay hindi humigit sa mga isinulat ng mga propeta. Kung ano ang turo ng mga propeta ay iyon din ang itinuro nina Pablo at iba pang apostol.

Ano ang sinabi ng Panginoon, sa pamamagitan ni anghel Gabriel, kay Daniel tungkol sa anak ng kapahamakan? Ito ay katulad ng sinasabi sa 2 Mga Taga Tesalonica 2:4. Ang sagot ay mababasa sa Daniel 11:36,37, na ito ay ang ika-4 na hari ayon sa sinabi ni Gabriel kay Daniel.

Daniel 11:36,37- 36 At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; atsiya'y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin. 37 Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka't siya'y magmamalaki sa lahat. 

Sa panahong iyan ay darating ang arkanghel na si Miguel. Daniel 12:1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel ,na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat

Ang ama at ang anak ay iisa, at ang pangalan ng ama ay ibinigay sa anak. Kaya nga, (mga) anak ng diablo laban sa (mga) anak ng dios, ang cristo na tumanggap ng kapangyarihan sa daniel 7, ay nangangahulugang bayan ng dios ayon sa paliwanag ni Gabriel. Ang mga ito ang sinasabi nina Pablo na mga kasamang magiging tagapagmana ni Cristo.


Daniel 7:14,18 14 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.
18 Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man.

Ang binigyan ng kapangyarihan (Daniel 7:14) ay ang prinsipe ng tipan at prinsipe ng hukbo na nakasulat sa Daniel 11:22 at Daniel 8:11 na atin nang nabasa. Ang mga ito ay pareho rin sa Daniel 9:25:26. 

Daniel 9:25 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag. 26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na. 27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

Alamin pa natin ang katulad ni Pablo sa 2 Mga Taga Tesalonica 2:4 sa aklat ni Daniel pa rin at ito naman ay ang ika-apat na hayop sa pangitain ni Daniel. 

Daniel 7:21 Ako'y tumingin, at ang sungay ding yaon ay nakipagdigma sa mga banal, at nanaig laban sa kanila:
25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.


Ang ikaapat na hayop ay nanaig (Daniel 7:21) laban sa kanila na pareho sa Apocalipsis 13:11, pinagtagumpayan sila ng first beast. Katulad din ito ng nakasaad sa Daniel 11:22 na pati ang prinsipe ng tipan ay mabubuwal.

Tungkol isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon ay tumutukoy sa nakasulat sa Daniel 11:31,32 na kasuklamsuklam na naninira at ito rin sa panahon ng paghahari ng unang hayop na binanggit sa Apocalipsis 13:5. 

Sa unang kalahati ng 7 taon (Daniel 9:27) ay magaganap ang kasuklamsuklam na paninira, at sa natitirang 42 na buwan (na bubuo ng 7 taon) ay ang pagtatatak ng 666. Ang unang 42 buwan ay ang pagiging unang hayop sa Apocalipsis 13. Ang sumunod na 42 buwan ay sa bulaang propeta (pangalawang hayop) na gagawa ng larawan, at tatatakan ng 666 ang kaniyang mga tagasunod. Larawan na lang ang hayop ng itinatak niya ang mark of the beast. Sino ang pumalit sa kaniya? Siya rin. 7 taon bilang hayop tulad ng nangyari kay Nabucodonosor. Ang hayop na nakita ni Juan ay ang hayop na nakita ni Daniel na umahon sa dagat, ang ibig sabihin nito ay umahon sa kalaliman. Daniel 7:3 At apat na malaking hayop na magkakaiba ay nagsiahon mula sa dagatAng ikaapat na hayop sa Daniel 7 ay ang hayop sa Apocalipsis 17.

Daniel 7:24 At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari. 
25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

Apocalipsis 17:At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusongna may pitong ulo at sangpung sungay.
8 At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
11 At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito atsiya'y patungo sa kapahamakan.
12 At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.

Kaya paanong naging tama ang sinasabi ng relihiyong Seventh Day Adventist na ang Roma ay ang Dakilang Babilonia na siyang ikaapat na hayop sa Daniel 7? Ang ikaapat na hayop ay ang kaparehong sa hayop sa Apocalipsis 17 na napoot sa Dakilang Babilonia, kaya paano naging tama ang kanilang akala? Babilonia laban sa Babilonia? Hindi ba ito ay patunay na sila at ang mga katulad nila na nagbibintang ay mga bulaang propeta?

Apocalipsis 17:16,17
16 At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy.
17 Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios. 18 At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.


Ating basahin ang katulad na propesiya.

Ezekiel 16:37,38,39
37 Kaya't, narito, aking pipisanin ang lahat na mangingibig sa iyo, na iyong pinagkaroonan ng kalayawan, at lahat ng iyong inibig, sangpu ng lahat na iyong kinapuotan; akin ngang pipisanin sila laban sa iyo sa bawa't dako, at aking ililitaw ang iyong kahubaran sa kanila, upang kanilang makita ang iyong buong kahubaran.
38 At aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho.
39 Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay, at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako, at igigiba ang iyong mga mataas na dako, at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong magandang mga hiyas; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad.
41 At susunugin nila ng apoy ang iyong mga bahay, at maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa paningin ng maraming babae; at aking patitigilin ka sa pagpapapatutot, at ikaw naman ay hindi na magbibigay pa ng upa.


Basahin natin ang Apocalipsis 18:20

Apocalipsis 18:20 Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.

Pagkatapos na bumagsak ang Babilonia ay sinabi: inihatol ng Dios ang hatol (ng mga propeta) sa Babilonia. Mababasa sa aklat ng mga propeta ang hatol nila sa Babilonia. Ang mga aklat na nabuksan sa judgement day ay ang mga aklat ng mga propeta. Naroon ang mga hatol at ang dahilan kung bakit hinatulan, na ang halimbawa nga ay ang ating binasa sa Ezekiel 16.



Revelation 17:12 At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.

Ano tinutukoy na "isang oras" na gagawin niya (hayop) sa Dakilang Babilonia?

Revelation 18:17,19
17 Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
19 At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.

Kung ano ang naganap sa loob ng isang oras...

Revelation 18:2 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.

Dakilang Babilonia.



Gagawin sa kaniya ng hayop ay ang abomination of desolation. Ang Jerusalem ang pumatay sa mga propeta at mga banal. Ang katuparan ng "Jerusalem" ay ang US, na sa kaniya tinupad ang tungkol sa kasuklamsuklam na paninira. Pumatay ba ng mga banal ang US? hindi, ngunit inalis niya ang susi ng karunungan at sinasansala ang nagsisipasok. Hindi ba sa kanila nagmula ang mga bulaang propeta tulad nina Joseph Smith, Ellen G. White, Charles Russel at iba pa? Sila ang nag-alis ng susi ng karunungan at nagligaw sa mga tao. Sa kanila hihingin ang dugo ng mga banal at mga propeta.

Luke 11:47-52
47 Sa aba ninyo! sapagka't inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta, atang mga yao'y pinatay ng inyong mga magulang. 48 Kayo nga'y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang: sapagka't pinatay ng mga ito ang mga yaon, at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan. 49 Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin; 50Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan51 Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito. 52 Sa aba ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inalis ninyo ang susi ng karunungan: hindi kayo nagsipasok, at inyong sinasansala ang nagsisipasok.

Luke 13:33-34
33 Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem. 34 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo!

Mateo 23:37,38
37 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo! 38 Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.


Revelation 18:24 At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.

Jeremiah 51:49 Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel, gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain.


Ngayon, alamin natin ang katulad na hula ni Isaias tungkol sa sinabi ni Pablo sa 2 Mga Taga Tesalonica 2:8.

Isaias 11:1-5
At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:
2 At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;
3 At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:
Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.
At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang.

Ngayon ay nalaman din natin na ang sinasabi sa Isaias 11:1-5 ay matutupad sa muling pagparito ng Panginoong Jesus. Sino ang anak ng kapahamakan sa 2 Thessalonians 2? Sagot: Siya ay papasok sa templo ng Dios at magpapahayag na siya ay Dios, na ibig sabihin, siya ay diosdiosan. Ezekiel 5:11 diosdiosan sa loob ng templo ng Dios, na sanhi upang wasakin ng Dios ang kaniyang santuario. Siya ay diosdiosan kaya sa Revelation 13:14,15 ay iginawa siya ng larawan ng bulaang propeta.

Ezekiel 24:21 Salitain mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking lalapastanganin ang aking santuario, na kapalaluan ng inyong kapangyarihan, na nasa ng inyong mga mata, at kinahihinayangan ng inyong kalooban, at ang inyong mga anak na lalake at babae na inyong iniwan sa hulihan ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak.

Ezekiel 7:22 Ang aking mukha ay aking itatalikod naman sa kanila, at kanilang lalapastanganin ang aking lihim na dako: at mga magnanakaw ay magsisipasok doon, at lalapastangan..

No comments:

Post a Comment