THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Sagot ng Kaanib sa Iglesia ni Felix Manalo Sa Filipos 2:6-8 (FACEBOOK)

by Michael Espiritu on Saturday, January 22, 2011 at 7:15am




Pasugo, August 1969, page 16




Pasugo, April 1977, page 9



Tanong:
Filipos 2:6,7
6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

Ayon sa mga ministro ninyo (inc) ang "anyong Dios" ay ang tao na ginawa ayon sa larawan ng Dios, tao na larawan (ng Dios) sa kabanalan, at si Cristo na larawan ng Dios, tanong, paano hinubad ni Jesus ang pagiging, tao na ginawa ayon sa larawan ng Dios,ang pagiging larawan sa kabanalan, (Cristo) larawan ng Dios? Naging masamang tao ba siya? Paano niya hinubad ang anyong ng Dios? Hindi ba kapag hinubad ang anyong Dios ay mahuhubad ang pagiging tao na ginawa ayon sa larawan ng Dios, ang pagiging larawan sa kabanalan at ang pagiging larawan ni Cristo ng Dios?

Filipos 2:9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;

  • Sagot ng iglesia ni Felix Manalo member

  • Binasa ko lahat ng naka-post, wala akong nabasa mula sa ibang contributors kung papaano ang wastong pagsamba sa tunay na Dios- sang-ayon sa nakasulat sa Biblia? Halos lahat ay sariling opinion at hindi sang-ayon sa nasusulat sa Biblia. Tulad ng mga sagot ni Juan Felipe sa mga tanong ni Michael Espiritu. Sinagot ni Juan Felipe ang mga katanungan na hinango lamang niya sa sarili niyang pananaw at hindi sinupurtahan ng mga talata ng Biblia. Ang mga tanong ni Michael Espiritu ay..." tanong, paano hinubad ni Jesus ang pagiging, tao na ginawa ayon sa larawan ng Dios,ang pagiging larawan sa kabanalan, (Cristo) larawan ng Dios? Sang-ayon sa nasusulat, basahin natin. 6. Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios. Philippians 2:6 Isa sa mga katangian ni Jesus ay ang "Banal na kalagayan"... sa kabanalan ay pantay sila ng Dios. Kaya sinabi na siya ay nasa "anyong Dios" ..means, Ang Dios ay banal, si Jesus ay banal din. Ang Dios ay immortal .... Si Jesus ay banal na tao at hindi nagkasala ng anoman. Ang taong hindi nagkasala ng anoman ay hindi mamatay (immortal for being no single sin) ... dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, walang dapat na bayaran kasalanan si Jesus, dahil hindi nga siya nagkasala.

  • Ang hinubad ni Jesus ay ang kanyang pagiging-banal o' walang kasalanan at ang kanyang pagiging "immortal for being not committing single sin". Basahin ang tetmony ng banal ng kasulatan.

  • 21. Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios. (11 Cor. 5:21) 21. For He made Him who knew no sin to be sin for us, that we might become the righteousness of God in Him. (NKJV)

  • I Peter 1:18-22 NASB

  • 18. knowing that you were not redeemed with perishable things like silver or gold from your futile way of life inherited from your forefathers,19. but with precious blood, as of a lamb unblemished and spotless, the blood of Christ.
    20. For He was foreknown before the foundation of the world, but has appeared in these last times for the sake of you 21. who through Him are believers in God, who raised Him from the dead and gave Him glory, so that your faith and hope are in God. 22. Since you have in obedience to the truth purified your souls for a sincere love of the brethren, fervently love one another from the heart, sundan......

Reply:

Namatay si Cristo na walang kasalanan, kaya sinabing ibinilang siyang makasalanan ay dahil ang ipinapako sa krus at hinahatulan ng kamatayan ay ang makasalanan. Hindi niya hinubad ang pagiging walang kasalanan at pagiging banal dahil hanggang kamatayan sa krus siya ay banal at masunurin.

Nagpakababa siya hanggang kamatayan, dahil pumayag siyang mamatay na walang kasalanan,

I-po-post ko na lang sa note ko ang sagot mo para masagot isa-isa.

Yung sagot, sa pagiging larawan ni Cristo ng Dios, at ang taong nilalang ayon sa larawan ng Dios ay iyon na rin ba ang sagot mo, eh tao na nga siya ay bakit nag-anyong tao pa, hindi ba ang tao ay nilalang na nga ayon sa larawan ng Dios, ang tao (anyong tao) ay nangangahulugang ginawa ang tao na makasalanan?
  • Sagot ng iglesia ni Felix Manalo member

  •  Hindi tayo matutubos ng isang makasalanan, kailangan ang "manunubos" ay isang taong banal at hindi kinasumpungan ng anoman kasalanan. Si Jesus ay pinabanal ng Dios, upang ihanda sa isang gawain banal at dakila, na bago pa lamang lalangin ang sanlibutan ay itinalaga na ang isang taga-pagligtas na siyang magbabayad ng atin mga kasalanan. Bagamat si Jesus ay hindi papanaigan ng kapangyarihan ng kamatayan (immortal) dahil sa kanyang pagiging walang-sala ay hindi niya pinanghawakan ang pagiging "immortal" na dulot ng pagiging walang-sala, bagkus hinubad niya ito (ang pagiging immortal bunga ng kanyang pagiging banal) pumayag siyang maging isang taong makasalanan (nasumpungan sa anyong tao) nagpakababa at nag-masunurin sa kalooban ng Dios hanggang sa kamatayan, o'o hanggang sa kamatayan sa krus. Na katuparan ng mga kalooban ng Dios na napasulat sa mga banal na kasulatan kung ano ang dapat mangyari sa taga-pagligtas na isusugo ng Dios.

  • 44. Then He said to them, "These are the words which I spoke to you while I was still with you, that all things must be fulfilled which were written in the Law of Moses and the Prophets and the Psalms concerning Me." (Luke 24:44 NKJV)

  • Efeso 1:7 MB7. Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at sa gayo'y pinatawad na ang ating mga kasalanan. Gayon kadakila ang pag-ibig. (Efeso 1:7 MB) 7. For by the sacrificial death of Christ we are set free, that is, our sins are forgiven. How great is the grace of God, (TEV) Hindi pinanghawakan ni Jesus ang kanyang mga katangian na siya ay hindi dapat makatitikim ng hapdi ng kamatayan dahil siya ay walang kasalanan, bagkus, pumayag siyang ariin may sala alang-alang sa atin kaligtasan at pumayag siyang pagtagumpayan ng kamatayan upang tubusin tayo sa ilalim ng hatol ng Dios. Kaya dahil sa ginawang yaon ni Jesus ay itinampok siya ng Dios at inilagay sa mataas na kalagayan, gaya ng nasusulat sa Philippians 2:9-11 MB.

  • Filipos 2:9-11 MB9. Kaya naman, siya'y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 10. Anupat ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod At sasamba sa kanya. 11. At ipapahayag ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama. Minarapat ng Dios na Ama at Dios ni Jesus na siya ay sambahin, binigyan siya ng pangalan higit sa pangalan ng lahat at ginawa siyang Panginoon.... sa ikaluluwalhati ng Dios.


Reply:
So, nang hinubad ni Cristo ang pagiging banal, ibig bang sabihin ay hindi na siya banal at makasalanan nang ipako sa krus?

Filipos 2:8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

Nang masumpungan sa anyong tao si Jesus ay mula sa pagsilang, kaya ayon sa sagot mo, hinubad ni Cristo ang pagiging banal at pagiging walang kasalanan mula nang siya ay isilang. Kaya ayon sa sagot mo, si Cristo ay makasalanan at hindi banal hanggang kamatayan mula nang isinilang dahil mula nang isilang si Cristo siya ay nasumpungan sa anyong tao.
  •  Sagot ng iglesia ni Felix Manalo member

    Post by Michael Espiritu
    Filipos 2:8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.Nang masumpungang tao si Jesus ay mula sa pagsilang, kaya ayon sa sagot ni mo, hinubad ni Cristo ang pagiging banal at pagiging walang kasalanan mula nang siya ay isilang. Kaya ayon sa sagot mo, si Cristo ay makasalanan at hindi banal dahil mula nang isilang si Cristo siya ay nasumpungan sa anyong tao.
    ______________________________________________________________________ Please Michael, wala akong isinulat na ganyan. "na mula ng isilang si Jesus ay hinubad ang pagiging walang kasalanan" ikaw lang ang may gawa niyan.Matthew 22:29 NIV
    "Jesus replied, "You are in error because you do not know the Scriptures or the power of God." Please lang... alamin mo muna ang mga kasulatan

  • Michael Espiritu
    Nang hinubad ni Jesus ang anyong Dios, nasa anyong Dios pa ba siya? kung ang sagot mo ay "hindi," nangangahulugan, nang hinubad ni Jesus ang pagiging banal ay hindi na siya banal.z
    Dahil ayon sa iyo, ang anyong Dios na hinubad ni Jesus ay ang pagiging banal. Tatanungin kita, nang hinubad ni Jesus ang anyong Dios, nasa anyong Dios pa ba siya nang masumpungan siya sa anyong tao?


  • Sagot ng iglesia ni Felix Manalo member
    Post by Michael Espiritu
    Filipos 2:8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.Nang masumpungang tao si Jesus ay mula sa pagsilang, kaya ayon sa sagot mo, hinubad ni Cristo ang pagiging banal at pagiging walang kasalanan mula nang siya ay isilang. Kaya ayon sa sagot mo, si Cristo ay makasalanan at hindi banal dahil mula nang isilang si Cristo siya ay nasumpungan sa anyong tao.
    ______________________________________________________________________ 

  • Please Michael, wala akong isinulat na ganyan. "na mula ng isilang si Jesus ay hinubad ang pagiging walang kasalanan" ikaw lang ang may gawa niyan.
    Matthew 22:29 NIV
    "Jesus replied, "You are in error because you do not know the Scriptures or the power of God." Please lang... alamin mo muna ang mga kasulatan48 minutes ago · Report

  • Michael Espiritu
    Nang hinubad ni Jesus ang anyong Dios, nasa anyong Dios pa ba siya? kung ang sagot mo ay "hindi," nangangahulugan, nang hinubad ni Jesus ang pagiging banal ay hindi na siya banal.
    Dahil ayon sa iyo, ang anyong Dios na hinubad ni Jesus ay ang pagiging banal. Tatanungin kita, nang hinubad ni Jesus ang anyong Dios, nasa anyong Dios pa ba siya nang masumpungan siya sa anyong tao?

  • Sagot ng iglesia ni Felix Manalo member
    Michael Espiritu, ipaliwanag mo muna kung ano ang pag-kakaintindi mo sa salitang "hinubad ang kanyang anyong pagka-Dios at ang salitang "anyong tao?

    Bago kita sagutin.

  • Michael Espiritu
    Ikaw ang sumagot, wala akong dapat sagutin, kailan ba siya nasumpungan sa anyong tao? At kailan niya hinubad ang anyong Dios?

  • Michael Espiritu
    Anyong tao na siya nang isilang, anong anyo ba siya noon sa akala mo? Ang anyong Dios niya na hinubad ay noong hindi pa siya anyong tao. Na hinubad nang mag-anyong tao. Nang isilang siya ay anyong tao na. Anong anyo ba siya nang isilang?


Basahin natin ang talatang pinagmulan ng tanong sa umpisa.

Efeso 2:6,7,8,9
6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:  
8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;

Kung ang pagpapakababa ni Jesus at pagiging anyong alipin ay noon lamang ipapako na siya sa krus (kung pagbabatayan ang aral ng iglesia ni Felix Manalo) nasumpungan lang si Jesus sa anyong tao (verse 8) at nagpakababa sa kaniyang sarili nang ipapako na siya sa krus. Mali ang sinasabi nila, sapagkat mula pa sa pagkabata ng Panginoon, siya ay mapakumbaba at masunurin sa Dios. At hinubad pa raw ang pagiging banal (balikan ang tanong ko sa umpisa), kung ganon ay hindi banal ang tumubos sa ating mga kasalanan (batay sa sinasabi ng mga ministro ni taning), sapagkat ang pagkahubad ay nangangahulugang pag-alis, pagtanggal, pag-iwan. Bumasa tayo ng isang halimbawa:

Mga Taga Colosas 3:9,10
9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,  
10 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya:

Greek
ἐκένωσεν ekenōsen 2758 V-AAI-3S he emptied http://biblos.com/philippians/2-7.htm

Basahin pa natin ang iba pang halimbawa.

Mga Taga Efeso 4:22,23,24
22 At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;  
23 At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,
24 At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Pinagbibihis pa nga ng bagong pagkatao (na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.) Sa iglesia ni Felix Manalo, baligtad, hinubad daw ni Jesus ang kabanalan.

Ang hinubad ni Jesus ay ang kaniyang anyong Dios bago siya magkatawang tao. Nang magkatawang-tao, siya ay nasumpungan sa anyong tao, sapagkat sanggol pa lang siya, siya ay nasa anyong tao na.

Mateo1:18
18 Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Nabasa po ba ninyo? Tao na po ang dinadala ni Maria.

Alamin natin ang sinabi ng Panginoon tungkol sa kaniyang sarili.

Juan 8:40
40 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

Hindi na po siya nagpilit pumantay sa Dios kundi hinubad na niya ito noon pa man at sinabi niya na siya ay tao tulad ng ating binasa. Kaya kung ang sasabihin ng mga ministro ng Iglesia ni Felix Manalo na hinubad lang ng Panginoon ang anyong Dios noong ipapako na siya sa krus ay nagkakamali sila. Tandaan na ang pagkahubad (ng anyong Dios) ay nangangahulugang pag-alis, pagtanggal, pag-iwan. Hindi po ang pagiging larawan ng Dios ni Cristo at hindi rin ang pagiging tao na nilalang ayon sa larawan ng Dios at lalong hindi ang pagiging larawan ng Dios sa kabanalan ang hinubad ni Cristo.  Dahil ang mga ito ay nangangahulugan ng anyong Dios na hinubad ng Panginoon kundi ang kaniyang panlabas na anyo. Paano hinubad ang anyong Dios? Ayon sa talata, Efeso 2:6,7,8,9 siya ay nag-anyong alipin. Hinubad niya ang anyong Dios sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Kaniyang hinubad ang anyong Dios sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin at nakitulad sa mga tao.

Na-delete ang Discussion Board na pinagtalakayan sa hindi malamang dahilan. Ngunit ang aking mga paliwanag ay magagamit ninyo sa inyong mga pag-aaral at pagpapamali sa mga maling aral ng mga tusong kaaway.
----------------------

another iglesia ni Felix Manalo member wrote:
hehe pag SINABI BANG ANYONG DIOS e TUNAY NA DIOS narin. . ayon sa FIL. 2:6 kay KRISTO jan?? GUMANA NANAMAN ang PAG KAKA MAHINANG UTAK mo. . alalahanin mo na ang TAO AY NILALANG DIN sa ANYONG DIOS ayon sa GENESIS. sabihin mong HINDI mo alam yan TANDA??. . ibig ba sabihin nun e TUNAY NA DIOS DIN tayo??o ano ka ngayon?? kaya nga ang mga JUDIO ay tinawag DING DIOS ni JESUS e hehehe. . sige takbo ulit
--------------------------------------

Michael Espiritu:
So lumalabas na ang hinubad ni Jesus ay pagiging TAO na "NILALANG SA ANYONG DIOS" ayon sa sinabi niya. Nang hinubad ang pagiging TAO na "NILALANG SA ANYONG DIOS," naging ano siya? TAO pa rin. Hinubad na nga ang pagiging TAO, TAO pa rin ng hinubad ang ANYONG DIOS? TAO NA NILALANG SA "ANYO NG DIOS" (sabi niya) NAGING ANYONG TAO PA NA NILALANG SA "ANYO NG DIOS" Imagine, TAO na naging TAO pa! wow!!! Hintayin natin ang sagot nila: Ano naman ang ibig sabihin ng "ANYONG TAO" at "ANYONG ALIPIN"? (na naging anyo ni Jesus nang hinubad ang anyong Dios)

Maaaring isagot niya ay ang nasa Roma 8:3 (Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:)

Tama ang sinasabi ng talata, ang NAGANYONG ALIPIN ay tugma sa "NAGANYONG ALIPIN at ANYONG TAO" pero pansinin natin kung ano ang pinag-uusapan. Ang pinag-uusapan ay tungkol sa kautusan. Basahin natin ang sinundang talata upang malaman kung bakit nag-anyong lamang salarin ang Panginoong Jesus at kailan ito naganap.

Roma 8:2 Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
 4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.

Kaya "naganyong lamang salarin" ang Panginoong Jesus ay sapagkat ang kautusan ay para sa mga makasalanan.

1 Timoteo 1:9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,

Nang sinugo ng Panginoon Dios ang Panginoong Jesus (balikan ang Roma 8:3) ay nasa ilalim na siya ng kautusan. Nang siya ay ipinanganak ay nasa ilalim na siya (ang Panginoong Jesus) ng kautusan. Basahin natin sa Galacia 4:4.

Mga Taga Galacia 4:4 Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan, 5 Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak. 6 At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama. 7 Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.

Kaya ang Panginoong Jesus ay naganyong alipin at naganyong makasalanan ay sapagkat siya ay nasa ilalim ng kautusan (pansinin ang sinasabi sa verse 7) Kaya malinaw na ang Panginoong Jesus, na siya ay nasa anyong Dios ay naganyong alipin (Filipos 2:6,7,8) at naging masunurin, dahil ang nasa ilalim ng kautusan ay nasa pagkaalipin. Balikan ang Galacia 4:4-7. Ang nasa ilalim ng kautusan ayon kay Pablo ay mga nasa  pagkaalipin.

Galacia 5:1 Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin. Ang Panginoong Jesus ay naging "MASUNURIN HANGGANG SA KAMATAYAN SA KRUS" saan naging masunurin? Sa KAUTUSAN naging masunurin sa kautusan. Ang KRUS bilang NAPAKABIGAT NA PAMATOK AY KANIYANG PINASAN.

Mateo 5:17 Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

Balikan natin ang nakasulat sa Mga Taga Galacia 4:4, nang sinugo ng Ama ang kaniyang Anak ay nasa ilalim na ito nang kautusan na nangangahulugang siya ay nasa "ANYONG TAO, ANYONG ALIPIN at ANYONG LAMANG SALARIN" Kaya kailan siya nasa anyong Dios? Sagot: Siya ay nasa "anyong Dios" bago siya maging "anyong tao, anyong alipin at anyong lamang salarin." Noong panahong siya ay hindi pa nasasakop ng kautusan, siya ay nasa anyong Dios. At naging anyong alipin, anyong tao at anyong lamang salarin nang siya ay NASA ILALIM NG KAUTUSAN.

Kailan siya nasakop ng kautusan? Malinaw na sinabi sa Mga Taga Galacia 4:4 na siya ay nasakop ng kautusan nang siya ipinanganak. Kaya siya, ang Panginoong Jesus ay nasa anyong Dios, noong hindi pa siya ipinanganganak, nang hindi pa siya nasasakop ng kautusan.


Kailan ba siya nasumpungan sa anyong tao? Aba, nasa tiyan palang siya ni Maria ay sinabi ng mga apostol ay sinabi nilang si Maria ay nagdadalang-TAO.

Mateo1:18 Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Samakatuwid, bago siya ipagdalang-tao ni Maria, si Cristo ay nasa anyong Dios at kapantay siya ng Dios. Hindi siya salita lamang dahil may anyo siya, anyong Dios.


Quote from: Iglesia ni Felix Manalo member
Tunog Soriano ang version mo ah....

Anyway, mali ang salin ng version na yan dahil ang pagiging anyong Diyos ay hindi nahuhubad. Kaya, kung susuriin mo ang mga ibang version, ang nakasulat ay "Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili..."

tingnan mo ang strong numbers na ginamit mo sa itaas:

"he emptied himself..."

"he humbled himself (NIV)"
Kaya, yung premise ng tanong mo ay mali.

Reply:
So, ano ang anyong Dios na doon ay "he emptied himself"?

Paano niya siya "lumayo" sa anyong Dios? Na ang anyong Dios ayon sa mga ministro ninyo, ang anyong Dios ay nangangahulugang 1) wangis ng Dios sa kabanalan 2) tao na nilalang ayon sa wangis ng Dios 3) Cristo larawan ng Dios, how "he emptied himsel" sa tatlong definition na ito?

Kasi kung "he emptied himself" sa pagiging wangis ng Dios sa kabanalan, tao na nilalang sa wangis ng Dios, Cristo larawan ng Dios, hindi niya pinanghawakan ang tatlong ito, di ba? Lumalabas na hindi pinanghawakan ni Cristo ang pagiging larawan ng Dios, batay sa paniniwala ng Iglesia ni Felix Manalo.

Nangangahulugan din na dati siyang kapantay ng Dios sa pagiging: wangis ng Diyos sa kabanalan, tao na nilalang ayon sa wangis ng Dios at Cristo na larawan ng Dios, dahil sinasabi sa talata (Philippians 2:6) na kapantay siya ng Dios nang siya (Cristo) ay nasa anyong Dios. Paano nangyari iyon? paano siya naging kapantay ng Dios sa pagiging: 1) wangis ng Dios sa kabanalan 2) tao na nilalang ayon sa wangis ng Dios 3) Cristo larawan ng Dios? (mga kahulugan daw ng anyong Dios)

No comments:

Post a Comment