THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Purgatoryo


http://en.wikipedia.org/wiki/Purgatory
Sa Revelation 20 ay may sinabing ang mga patay ay iniluwa ng dagat at ng Hades. Ang Hades, malamang ay ang purgatoryo. Kasi, ang mga naroroon sa Hades ay hindi pa nahahatulan. Ang mga nahatulan ay sa dagat-dagatang apoy itinapon. Maitutumbas din sa kinaroroonan ng mga anghel, kulungan ng mga anghel, na inihahanda para sa paghuhukom Jude 1:6. Meaning, ang dakong kinaroroonan nila ay lugar para sa mga hindi pa nahahatulan. Si Jesus, ay nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, so, ibig sabihin ay binigyan niya ng pag-asa ang mga espiritu na nasa bilangguan at iyon, marahil ang (konsepto ng) purgatoryo. 1 Peter 3:19,20

Revelation 20:13,14,15
11 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. 12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. 13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. 14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. 15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

Malinaw na ang Hades ay isang lugar ng mga patay na hindi pa nahahatulan. Sapagkat ang mga nanggaling dito ay saka lamang hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.

Si Cristo man ay napunta sa Hades at ito ang pinuntahan niya upang mangaral sa mga espiritu nasa bilangguan. 1 Peter 3:19,20 Si Cristo ba ay pumunta sa lugar ng mga nahatulan ng Dios? Hindi.

Acts 2:25-27;31 25 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya, Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan; Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos: 26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila; Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa: 27 Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.

31 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.

Basahin natin kung saan napunta ang mayaman sa talinghaga.

Luke 16:23 At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.

Malinaw na si Jesus at ang mayaman ay napunta sa Hades. At nilinaw ni Pedro kung saan napunta ang Panginoong Jesus. Ito ay dako ng mga espiritu.

1 Peter 3:18,19,20
18 Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu; 19 Naiyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, 20 Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

Hinukuman na ba sila? Hindi pa!

Jude 1:6 At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.

So, malinaw din sa talinghaga ng Panginoong Jesus na ang Hades ay isang dako ng pagdurusa kung saan naroon ang mga HINDI PA NAHAHATULAN at buhay sila roon.



86 hádēs (from 1 /A "not" and idein/eidō, "see") – properly, the "unseen place," referring to the (invisible) realm in which all the dead reside, i.e. the present dwelling place of all the departed (deceased); Hades.  http://strongsnumbers.com/greek/86.htm

No comments:

Post a Comment