(mula sa pakikipagtalakayan sa isang kaanib sa Iglesia ni Felix Manalo)
Efeso 4:3-6
3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.
5 Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,
6 Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
Ilan ba ang Panginoon?
Marcos 12: 29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang PANGINOON AY IISA:
1 Corinto 8: 6 Nguni't sa ganang ...atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at ISA LAMANG PANGINOON, SI JESUCRISTO, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.
2 Corinto 3:17,18
17 Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.
18 Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa PANGINOON NA ESPIRITU.
Tatanungin uli kita, ilan ba ang Panginoon?
Paano iyan? sabi ni Jesus, ang Panginoon ay iisa, pero sabi ni Pablo, isa lamang ang Panginoon, si Jesucristo. Ang Espiritu din ay Panginoon, ilan ba ang Panginoon? Isa? bakit tatlo?
Ganon din ang Trinity, isa lang pero tatlo. O tatlo pero iisa.
Zacarias 14:9 At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
Ang Iglesia ni Felix Manalo ay nangangatuwiran na iisa ang Dios, kaya ang Panginoong Jesus, ayon sa kanila ay hindi Dios. Kung ang katuwiran nila ang paiiralin, lalabas na hindi Panginoon si Jesus at hindi rin Panginoon ang Espiritu. At lalabas sa sinabi ni Pablo na ang Panginoong Dios at ang Espiritu ay hindi Panginoon, dahil sabi ni Pablo ay isa lang ang Panginoon, si Jesucristo, kung ang pagbabatayan ay karunungan lang ng mga ministro ni Felix Manalo.
Ilan ang Panginoon? tatlo ang sinasabi sa biblia, ang Dios Ama, Anak at Espiritu Santo, lahat ay mababasa na mga Panginoon. Iisa lang ang Dios, kaya isa lang ang Panginoon. Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay iisang Panginoon, sapagkat iisa ang Dios. Kung ganoon, tama ang aral at konsepto na iisang Dios na may tatlong persona (Panginoon).
Ibabatay natin sa matematika ng mga ministro ng Iglesia ni Felix Manalo ang computation natin.
1 Panginoon + 1 Panginoon + 1 Panginoon = 3 Panginoon. Mali ito, sapagkat ayon sa Panginoong Jesus at kay Pablo ay iisa ang Panginoon. Tama ang 1x1x1=1.
Kung si Cristo ay tao, kung ganon ay espiritu ng tao ang sumasa ministro ng iglesia ni Felix Manalo.
Roma 8:9 Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya.
Ang Espiritu ng Dios na tumitira sa tao ay nilinaw kung kaninong Espiritu, kay Cristo. Kaya ang Panginoong Jesus ay Dios. Ilang espiritu ba ang ibinigay sa atin? Sagot: isa
Mga Taga Efeso 2:18 Sapagka't sa pamamagitan niya tayo'y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama.
1 Mga Taga Corinto 12:13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.
Lumalabas na dalawa ang Espiritu na nasa ministro ng Iglesia ni Felix Manalo, sapagkat may Espiritu ng Dios at Espiritu ng tao (Jesus) batay sa mali nilang paniniwala. Isang Espiritu lang ang ipinagkaloob sa tao, at iyon ay Espiritu ng Dios, na siyang Espiritu ni Cristo sapagkat siya ay Dios.
Ang Espiritu Santo ay nananahan o tumitira sa atin na mababasa sa 2 Timoteo 1:14 tulad ng sinabi sa Mga Taga Roma 8:9 na atin nang binasa.
2 Timoteo 1:14 Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na nananahan sa atin.
1 Mga Taga Corinto 3:16 Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?
1 Mga Taga Corinto 6:19 O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;
Mga Taga Filipos 1:19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Cristo,
Mga Taga Galacia 4:6 At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
Juan 14:23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
Image from: http://en.wikipedia.org/wiki/Trinity
No comments:
Post a Comment