THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Ang Dios ay Magbabalik (FACEBOOK)

by Michael Espiritu on Saturday, January 22, 2011 at 6:44pm
(Mula sa pakikipagtalakayan sa isang kaanib ng Iglesia ni Felix Manalo)

Ezekiel 39:9 Sapagka't, narito, ako'y sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y mabubukid at mahahasikan;

Dios ang babalik. Si Jesus, sabi niya, gaganapin niya ang mga nakasulat tungkol sa kaniya:

Ano ang nasusulat na tungkol sa Panginoon ang isasakatuparan niya?

Isaias 40:10
10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

Paano matutupad?

Pahayag 22:12,13,16
12 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.
13 Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.
16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

O nakita mo na, nasusulat pala tungkol kay Jesus ay siya ang Dios. Bakit siya ang tutupad kung hindi naman ito nauukol sa kaniya?

Bakit sa Isaias 40:10 ay Dios ang darating, ngunit sa Apocalipsis 22:12,13,16 ay si Jesus ang darating na ayon sa inyo (inm) ay tao at hindi Dios, binago ba ng Dios ang kaniyang salita?

Kaninong pahayag ba ang dapat tanggapin, kay Isaias o kay Juan?

Hindi ba inihayag ng Panginoong Jesus, na siya ang Panginoong Dios na sinasabi ni Isaias? Kaya nga "Revelation" di ba?

Oo. Inihayag ng Panginoon na siya (Jesus) ang Panginoong Dios sa hula ni Isaias.

Basahin natin ang sinundan at sumunod na talata ng Isaias 40:9,10,11

Isaias 40:9,10,11
9 Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!
10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
11 Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.

Ang anghel sa sikatan ng araw ay ang Panginoong Jesus, kaya sinasabi sa aklat ng Apocalipsis o Pahayag 7:2 na ang anghel ay umaakyat mula sa sikatan ng araw ay dahil magmumula ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa sikatan ng araw.

Isaias 59:19 Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at *ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw* sapagka't siya'y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.

Lumalabas na si Felix Manalo ay ang Panginoong Dios (Isaias 40:10 at Apocalipsis 22:12) na may dalang ganting-pala.

Isaias 62:11,12
11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 
12 At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.

Pansinin ang kasagutan ng isang kasapi sa Iglesia ni Felix Manalo. Sinabi niya na ang nasa Isaias 40:10 ay sa Panginoong Dios tumutukoy.
Sagot ng isang kaanib sa Iglesia ni Felix Manalo (thedigitalpinoy): Hoy! iglesia ni miguiguel, ang Is. 40:10 ay sa Panginoong Diyos tumutukoy. Ang Apokalipsis 22:12 ay sa Panginoong Hesus tumutukoy. Pinagrambol mo yung mga talata at pinalilitaw na diyos ang Panginoong Hesus. Maliwanag naman ang sinasabi sa mga talata. Pinapalabo mo lang.
Katugunan: Oo nga tumutukoy iyan sa Dios, dahil Dios si Cristo,

Aasa-asa ang mga tao sa lumang tipan na Dios ang may dalang gantimpala, ngunit nang dumating ang mga anak ng diablo ay pinalitan ng TAO ang Dios.

Sino ba ang ipaghahanda ni Juan ng daraanan? Ang argumento ay Isaias 40:10 basahin natin sa talata 3. Dios ba ang ipaghahanda ni Juan ng daraanan?

Isaias 40:3 Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.



Juan 1:23 Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.


Malinaw na sa Dios tumutukoy ang pahayag ng propeta Isaias na ang naging katuparan nga ay ang Panginoong Jesus na ang katuparan ng maghahanda ng daraanan ay si Juan Bautista. Kung sa Dios ito tumutukoy, bakit sinasabi nila na ang Panginoong Jesus ay tao na walang pre-eksistensya at hindi Dios? Kaya malinaw na ang Panginoong Jesus ay Dios, sapagkat Dios ang tinutukoy ni propeta Isaias. Baka naman sa TAO tumutukoy ang Isaias 40:3, sa Dios ba o sa tao? Ayon sa kaanib sa Iglesia ni Felix Manalo, tumutukoy sa Dios ang Isaias 40:10, pero kanino tumutukoy ang nasa Isaias 40:3? Sa TAO?

Roma 1:25 Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa

Sino ang ipinalit nila sa Dios? Sagot: Si Felix Manalo, na siya nilang sinamba. Pinalitan nila ang Panginoong Jesus, na siyang anghel sa sikatan ng araw na mababasa sa Apocalipsis 7:2, pinalitan ni Felix Manalo. Diablo ba si Felix Manalo? Kapag kalaban ng arkanghel, malamang!



Malinaw sa sagot niya na ang Isaias 40:10 ay tumutukoy sa Dios, ngunit nang ating binasa ang nasa Isaias 40:3 na ang Panginoon na ipaghahanda ni Juan (Bautista) ng daraanan ay ang Dios, na ang katuparan ay ang Panginoong Jesus. Ang propesiya sa Isaias 40:3 ay tumutukoy sa Dios gaya nang nasusulat sa Isaias 40:10. Ngunit mahigpit niyang tinututulan na ang nasa Isaias 40:10 at Apocalipsis 22:12 at sinabing sa Dios tumutukoy ang nasa Isaias 40:10 at ang Apocalipsis 22:12 ay tumutukoy sa tao na walang pre-eksistensya. Ano sa palagay ninyo?


No comments:

Post a Comment