THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Anghel ng Panginoon

Pakikipagtalakayan sa isang naniniwala sa "Oneness Doctrine"

Ayon sa naniniwala sa oneness doctrine, ang nasa Isaias 9:6 ay pagpapatunay na si Jesus ang Ama at siya na rin ang Anak, kaya lumalabas na walang Anak ng Dios, at sa iba pa nating pag-aaral, batay sa paniniwala nila ay dalawa ang Ama. Basahin natin ang Isaias 9:6 na ibinigay niyang talata.

Isaias 9:6 For to us a child is born,
to us a son is given,
and the government will be on his shoulders.
And he will be called
Wonderful Counselor, Mighty God,
Everlasting Father, Prince of Peace.

Paano naging si Jesus ito? Ito ba ang sinasabi mong Dios Ama?

Alamin natin.

Isaias 9:2-6
2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.
3 Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.
4 Sapagka't ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian.
5 Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

Nang salitain ito ng Panginoon kay Isaias, sila ay nasasakop ng Asiria. Pansinin ang nasa verse 4 para malaman kung pareho ba ito sa ating babasahing mga talata.

Isaias 10:24-27
24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Oh bayan kong tumatahan sa Sion, huwag kang matakot sa taga Asiria: bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo, ayon sa paraan ng Egipto.
25 Sapagka't sangdali pa, at ang pagkagalit ay magaganap, at ang aking galit, sa kanilang ikamamatay.
26 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa Madian sa bato ng Oreb: at ang kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto.
27 At mangyayari sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran.

Paano iniligtas ng Panginoon ang Israel mula sa kamay ng Asiria?

Isaias 37:36 At ang anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria nang isang daan at walongpu't limang libo:
image link
at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, ang lahat ay mga katawang bangkay.
Balik sa Isaias 9:6, sa panahong ang Israel ay nabihag ng Asiria, ibigay ang ISANG ANAK na lalake upang sila ay palayain, sino ito? Sagot: Ang anghel ng Panginoon bilang simbulo (Isaias 37:36)

Ang Isaias 37:36 ay mababasa rin sa 2 Kings 19:35. Ito ay katuparan ng sinalita ng Panginoon kay Isaias. Basahin natin ang iba pang mga hula na may kaugnayan sa pangyayaring ito at ang magiging ganap na katuparan.
 
Isaias 31: 8  Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga Asiria sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao: at ang tabak, na hindi sa mga tao, lalamon sa kaniya: at kaniyang tatakasan ang tabak, at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis.

Isaias 14:24 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo:
25 Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.
26 Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.

At paano natupad itong propesiya ni Isaias? Ayon sa ating mga binasa ay isinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel.

Isaias 46:11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

Natipon natin ang kailangan upang patunayan kung sino ang nasa Isaias 9:6, una: ipanganganak; pangalawa: anghel ng Panginoon; pangatlo: pinanukala ng Panginoon.

Ang malapit na katuparan nito ay si Ciro na kumakatawan bilang "sugo at pinahiran" na magpapalaya sa bayang Israel mula sa pagkatapon sa Babilonia at magtatayo ng templo ng Panginoong Dios.

Isaias 45:1 Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
13 Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Mga Awit 139:10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.

Isaias 41:13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
14 Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.

Isaias 42:6 Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, na pinakaliwanag sa mga bansa;
7 Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.

Isaias 44:2 Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili. 
28 Na nagsasabi tungkol kay Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

Tungkol sa mga bagay na ito, sundan sa: Pagtatayo ng Templo
------------------------------
Ang halimbawa nga ay ang anghel na nakipagbuno kay Jacob. Sinabi niya na nakita niya ang Dios. Genesis 32:30

Kung may nakakita sa Ama, paano magiging tama ang sinabi niya na walang taong nakita sa Ama? Kaya sino ang Dios na nakita nina Moises at Jacob? Si Cristo dahil si Cristo ay Dios. Dahil ang nakakita sa Anak ng Dios ay nakakita sa Ama, ayon kay Jesus.

Sino ang anghel ng Panginoon?

Ang nakakita kay Jesus ay nakakita sa Ama (Juan 14:9 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?) Kaya maliwanag na si Cristo ang anghel ng Panginoon, sapagkat nang makita siya ni Jacob at ni Manoa ay sinabi nilang nakita nila ang Dios. At nagpapatunay ito na si Cristo ay Dios.


Genesis 32:30 At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel; sapagka't aniya'y nakita ko ang Dios ng mukhaan, at naligtas ang aking buhay. (Sinabi ni Jacob matapos siyang makipagbuno sa anghel ng Panginoon.)


Judges 13:21,22 21 Nguni't hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa. Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon. 22 At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, Walang pagsalang tayo'y mamamataysapagka't ating nakita ang Dios.

Nalaman ni Manoa na anghel ng Panginoon ang nakita niya pero sa sumunod verse ay sinabi niyang nakita niya ang Dios.

So, ang anghel ng Panginoon ay Dios. Ang anghel ay tumutukoy sa tungkulin ng anghel at ang Dios ay tumutukoy sa kalagayan niya bilang Dios.


John 10:11 NIV
I will remain in the world no longer, but they are still in the world, and I am coming to you. Holy Father, protect them by the power of your name--the name you gave me--so that they may be one as we are one. 

Nasa anghel ng Panginoon ba ang pangalan ng Dios?

Exodus 23:20,21,22
20 Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo. 21 Magingat kayo sa kaniya, at dinggin ninyo ang kaniyang tinig; huwag ninyong mungkahiin siya: sapagka't hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang; sapagka't ang aking pangalan ay nasa kaniya. 22 Datapuwa't kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig, at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita; ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway, kaalit ng iyong mga kaalit.

1 Corinthians 10:4 At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.

Sino ang nasa batong ininuman ng mga anak ni Israel?

Exodus 17:6 Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom. At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel.
http://www.thebereans.net/forum2/showthread.php?p=957897&posted=1#post957897

-------------------------
By Bodick:
Malinaw na si Cristo ang anghel ng Panginoon na tinawag na Dios nina Manoa at Jacob.
Ano ang hinubad ni Jesus? Ang kanyang kapangyarihan! Kaya nyang tumawag ng 12 batalyong anghel sa isang iglap upang iligtas ng sya ay arestuhin sa getsemani.
Ilan ang kayang patayin ng 1 Anghel? 186,000 sa isang araw!

Summary:
1 batallion is 1000 angels
12 batallion is 12,000 angels
1 angel can kill 186,000 persons
12,000 angels can kill 2.22B (2,220,000,000) persons
Correction Bodick, 185,000 (isaias 37:36) at hindi yata 24 oras, sa loob lang yata ng magdamag iyan. Gabi naganap, sa umaga patay na lahat. 2 Mga Hari 19:35
12 batalyon ay kayang pumatay ng 2.22 billion na tao. Medyo hawig sa 4 na anghel na pumatay sa 2.1 billion (one third ng population) sa loob ng 1260 days. (base sa populasyon ng mga tao ngayon) Apocalipsis 9:15
Heto kalkulasyon ko, 2.1 billion / 1260 / 4 = 416666.6666666667 kayang patayin ng apat anghel sa loob ng 24 oras.
416666.6666666667 / 24 / 60 / 60 = 4.822530864197532 tao kayang patayin ng isang anghel per second (24 oras)
185,000 / 12 / 60 / 60 = 4.282407407407407 tao kayang patayin ng isang anghel per second (sa loob ng buong gabi) (12 oras)
Hindi ko alam kung tama ang formula ko at calculation, paki- check na lang.
http://ko-kr.facebook.com/topic.php?uid=228839851567&topic=14213&post=81792

No comments:

Post a Comment