THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Anghel sa Revelation 7:2,3

May color code akong ginawa para mas maintindihan ng bumabasa at may mga talata akong idinagdag:

Mula sa Bereans Forum:
__________________________________
2 Peter 3:7,10,12 10 Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
12
Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?

Nahum 1:5,6 5 Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito. 6 Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya.
________________________________

Revelation 6:14 At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.

Iyan din ang sinasabi sa aklat ni Isaias

Isaiah 34:4-10, 4,5,6,7,8,9,10 (Simulan ninyo sa Isaiah 34:1-3)
4 At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
5 Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.
6 Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.
7 At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.
8 Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.
9 At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.
10 Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.


Kailan ang kaarawan ng paghihiganti (Isaiah 34:8) ayon sa Panginoong Jesus?

Luke 21:22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

Di ba magkakatugma ang sagot ko, sa araw ng paghihiganti ay mababalumbon o malululon o scroll ang langit.

Isaiah 13:5-13
5 Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.
6 Magsiangal kayo; sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.
7 Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo:
8 At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab.
9 Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.
10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
11 At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan,at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.
12 At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.
13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

Kailan daw ang mabangis na galit ng Panginoon verse 13 (Isaiah 13:13) at kailan ang pagdilim ng araw at buwan (Isaiah 13:10) sa Revelation?

Revelation 6:12,13,17
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; 13 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Ayon sa Panginoong Jesus kailan magkakaroon ng kagalitan? Ang binasa natin kanina ay Luke 21:22, basahin natin sa Lucas 21:23

Luke 21:23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

Luke 23:29,30 29 Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso. 30 Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

Sa Luke 23:29 ay sinabi na mapapalad ang mga baog at mga tiyang kailan ma'y hindi nagdalang-tao at mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpasuso, bakit daw? Dahil magiging aba sila sa mga araw na yaon Luke 21:23

At sa Luke 29:30 magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin at sa mga burol, Takpan ninyo kami. Kailan ito mangyayari? Ang binasa natin sa simula ay Revelation 6:14, basahin natin sa Revelation 6:15,16,17

Revelation 6:15,16,17 15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; 16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: 17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Ang panahong ito ay nasa Luke 21, tungkol sa kasuklamsuklam na paninira. Ang apat na mangangabayo ang magsasagawa ng kasuklamsuklam na paninira na mababasa sa Mattew 24:15 Mark 13:14 at sa Luke 21 na kinuhanan natin ng talata.

#102
Malachi 3:1,2 Behold, I am going to send My messenger, and he will clear the way before Me. And the Lord, whom you seek, will suddenly come to His temple; and the messenger of the covenant, in whom you delight, behold, He is coming," says the LORD of hosts. 2“But who can endure the day of His coming? And who can stand when He appears? For He is like a refiner’s fire and like fullers’ soap.

Basahin natin sa Revelation 6:16,17 na pareho ang sinasabi sa Malachi 3:2

Revelation 6:16,17 16 and they said to the mountains and to the rocks, “Fall on us and hide us from the presence of Him who sits on the throne, and from the wrath of the Lamb; 17 for the great day of their wrath has come, and who is able to stand?”

Si Cristo yan, pagkatapos ng pagdilim ng araw, pagpula ng buwan at paglaglag ng mga bituin sa ikaanim na tatak ay darating si Cristo gaya ng sinasabi sa Matthew 24:29,30,31 At ang apat na anghel ay simbulo ng pagsusugo niya sa apat na sulok ng lupa. Kung tutol ka, paano ba naging magkaiba ang tungkol sa pagdilim ng araw, buwan at paglaglag ng mga bituin sa Matthew 24:29 at Revelation 6:12,13?

Isaiah 2:19,220,21 19 At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
20 Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diosdiosang pilak, at ang kanilang mga diosdiosang ginto, na kanilang ginawa upang sambahin, sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki;
21 Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.

Isaiah 30:27,30,32 27 Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:
30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit,at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,
32 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,

Ang nasa verse 32 ay katulad ng sinalita sa Haggai 2:21 at Isaiah 2:21 na yayanigin ng Panginoon ang langit at ang lupa.

Haggai 2:6,21,22,23 6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Minsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;
21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa; 22 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid. 23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

At ang panghuli ang anghel na magtatatak, siya si Cristo,

Revelation 7:2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,

Kailan daw kukunin si Zorobabel upang gawing pinaka panatak? Sa panahong yayanigin ng Panginoong Dios ang langit at ang lupa. Gagawin siya pinaka panatak dahil ang pantatak ay patunay o patotoo ng Dios. Signature ng Dios, katibayan. Ang ang panahon ng anghel sa Revelation 7:2 ay sa kaarawan ng Panginoon batay sa mga talata na ating binasa. Si Zorobabel ay simbulo ni Cristo at si Cristo ang katuparan.
Si Cristo ay patotoo ng Dios, ang Espiritu ay patotoo ng Dios.
_____________________________
1 John 5:7,8,9,10
7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.
8
 Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.
9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.
10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.
Quote from: Iglesia ni Felix Manalo member:
Simpleng simpleng tanong di masagot ng derecho...

Kung sinasabi mong hindi mali 2 Peter 3:10

...eh NANINIWALA KA BA NA PAGDATING NI CHRIST....EH MASUSUNOG ANG LAHAT NG TAO?

"But the Day of the Lord will come like a thief...the heavenly bodies will burn up and be destroyed, and the earth with everything in it will vanish"

Masusunog ba o hindi ang lahat ng nasasanglibutan?
Reply: Hindi ako naniniwala na masusunog ang buong mundo sa pagdating ni Cristo o ng kaarawan ng Panginoon. Ang apoy ay ang salita ng Dios,

Jeremiah 23:29 Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato?

Psalm 18:8 Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok: mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon.

Jeremias 5:14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.

At si Cristo naman ay makikipaglaban sa mga bansa sa pamamagitan ng salita ng Dios pa rin.

Revelation 19:15,21 15At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.
21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.

John 12:48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.

Apoy ba ang ginamit ni Jesus sa pakikipaglaban? Oo, sapagkat ang salita ng Dios ay apoy. Ang salita ng Dios ay tabak.

Ephesians 6:17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

2 Corithians 10:4 (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);

Hebrews 4:12 Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

Mark 13:31 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

Idioma yata ang tawag dito sa nakasulat Mark 13:31, parang "dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay" idiom ba yon?

Hindi imposible na mawala ang langit at ang lupa ngunit ang salita ng Dios ay imposibleng hindi matupad. Ganon ang ibig sabihin niyan. Nakaugnay dyan ang sinalita ni Pedro. Ngayon, kung tutol ka, pwede ka bang magbigay ng talata mula sa isang propeta sa lumang tipan tungkol sa sinabi ni Pedro?
____________________

Mga tanong:

May talata ba akong ginamit na hindi kapanahon o hindi kapareho ng hula ng bawat isa?

Magkakakontra ba ang isinulat ng mga propeta?

Aling talata ang ginamit ko na hindi angkop na itugma sa isa?

At sa 2 Peter 3:7,10,12 tayo nagsimula, saan mababasa ang katulad na hula ni Pedro sa aklat ng mga propeta? http://www.thebereans.net/forum2/showthread.php?p=975954#post975954

Rev 14:1 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.

Luke 10:22 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at walang nakakakilala kung sino ang Anak, kundi ang Ama; at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.

Malinaw na walang nakakakila sa Anak kundi ang Ama at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at ang paghahayagan ng Anak. Ang Anak ang maghahayag kung sino ang Ama at Anak kaya malinaw na ang Anak ang magtatatak ng pangalan ng Ama at Anak sa noo ng mga maliligtas.

No comments:

Post a Comment