THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Felix Manalo Nagtatak ng Espiritu Santo: Pasugo

image by: retro one
Mula sa maliit na debate sa Iglesia ni Cristo aka Iglesia ni Felix Manalo. Isa ito sa kanilang mga maling doktrina. Isa ito sa mga tinatakasan at iniiwasang pag-usapan ng mga kaanib sa kanilang iglesia,


Original Word: σφραγίς, ῖδος, ἡ
Part of Speech: Noun, Feminine
Transliteration: sphragis
Phonetic Spelling: (sfrag-ece')
Short Definition: a signet-ring, impression of a seal, the proof
Definition: a seal, signet ring, the impression of a seal, that which the seal attests, the proof.

Espiritu Santo bilang tatak at patotoo. Dios ang nagtatak ng Espiritu Santo bilang patotoo,

Balikan natin ang pinagsimulan ng usapan:

----------------------
So, nagtatak ba ng Espiritu Santo si Felix Manalo? FYI hindi sa noo itinatatak ang Espiritu Santo, ulitin natin ang mga talata. Si Felix Manalo daw di umano ay nagtatak ng Espiritu Santo gaya ng sinasabi sa Efeso 1:12-14.

Ephesians 1:12-14
12 Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo: 
13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, 
14 Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.

2 Corinthians 1:21-22
21 Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa atin, ay ang Dios, 22 Na siyang nagtatak naman sa atin, at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso.

Malinaw na Espiritu Santo ang itinatak ng Dios, sapagkat ang Dios ang nagtatatak ng Espiritu Santo.


Galatians 4:6 At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.

Espiritu ng Anak pala ang inilagay ng Dios sa puso ng mga tao, malinaw na ito ang itinatak ng Dios.


2 Corinthians 5:5
5 Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu.


Ano daw ba ang itinatak ng Dios? Hindi ba ang Espiritu Santo? Maging ang Panginoong Jesus ay tinatakan ng Dios.



Juan 6:27 Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios.

Kaninong Espiritu ang ibinigay sa Anak? Ang Espiritu ng Ama.

Isaiah 42:1 Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa.

Ang Ama at Anak ay iisa sa Espiritu. Ang mga tao naman na binigyan ng Espiritu ng Anak ay kaisa ni Cristo sa Espiritu.

John 17:21,22 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo. At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa; Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.

So, ang pagkakaisa ng Ama at ng Anak sa Espiritu ay ibinahagi ni Cristo sa mga tao upang sila ay maging isa. Si Cristo sa mga tao at ang Dios sa Anak ay iisa sa Espiritu. Espiritu ni Cristo na siyang Espiritu ng Dios. (unawain)

1 Corinthians 6:16,17 O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot, ay kaisang katawan niya? sapagka't sinasabi niya, Ang dalawa ay magiging isang laman. Nguni't ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu niya.
Ang Dios ang nagbibigay o nagtatatak ng Espiritu Santo bilang patotoo. 


Mga Gawa 15:8 At ang Dios, na nakatataho ng puso, ay nagpatotoo sa kanila, na sa kanila'y ibinigay ang Espiritu Santo, na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin;

Tama ang conclusion, hindi sila kumikilala ng ibang Dios maliban sa iisang tunay na Dios. Sino ang tunay na Dios ng Iglesia ni Felix Manalo? Si Felix Manalo ang kanilang iisa at tunay na Dios.


---------------------

Ito ang Espiritu Santo na itinatak ng Dios na nakasulat sa Efeso 1:13, ang Espiritu na ipinangako.

1 Juan 14:16-17, 16 At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
Juan 16:13-15, 13 Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. 14 Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag. 15 Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag. 1 Juan 5:7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.
Juan 15:26-27 26 Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin.
27  At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko buhat pa nang una.



Malinaw na ang Dios ang nagtatak ng Espiritu Santo bilang patotoo at hindi si Felix Manalo, dahil hindi si Felix Manalo ang Dios na magtatatak ng Espiritu Santo bilang patotoo. Kung sinasabi nilang tama ang aral nila, na si Felix manalo ay nagtatak ng Espiritu Santo, si Felix Manalo ang nag-iisa at tunay na Dios, kaya sila ay wala nang kinikilalang iba pang Dios, maliban kay Felix Manalo. Hindi pwede magpatotoo si Felix Manalo kay Jesus sapagkat hindi siya nakasama ni Cristo buhat pa nang una. At lalong hindi si Felix Manalo ang Espiritu Santo.

Ayon sa mga ministro ng Iglesia ni Felix Manalo na siya na ang Cristo ay siya pa ang Ama (tulad ng oneness) ay nagtatak si Felix Manalo ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo. Kung ganon ang katuwiran, kailan nangaral ng ebanghelyo ang Dios Ama para makapagtatak siya ng Espiritu Santo?


Malinaw na ang mga tagapangaral ng ebanghelyo ay hindi nagtatatak ng Espiritu Santo dahil ang Dios ang siyang nagtatatak ng Espiritu Santo. Pagkatapos na ang tao ay pangaralan ng ebanghelyo at sumampalataya ay tatatakan siya ng Dios ng Espiritu Santo bilang patotoo. Hindi nagtatak ng Espiritu Santo sina Pablo at ang ibang apostol at walang pahayag mula sa kanila na sila ay nagtatatak ng Espiritu Santo kundi itinuro nila na ang Dios ang siyang nagtatatak ng Espiritu Santo.

Revelation 7:2,3 2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, 3 Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

Ano ang itinatak ng anghel? Hindi Espiritu Santo, bagamat ang anghel na iyan ay tumutukoy kay Cristo. Alam mo kung ano ang isinulat? Pangalan ni Cristo. Revelation 3:12 Ano ang ginamit na tinta ng anghel (siya si Cristo) Ezekiel 9:3-4 na may tintero ng manunulat sa tagiliran upang itatak o isulat kaniyang pangalan sa noo bilang SIGNATURE Revelation 3:12 ng mga tao na lalampasan ng parusa? Passover Exodus 12:13,Revelation 9:4 at Ezekiel 9:6. Sirit? Ito ang ginamit niya bilang signature sa bagong tipan bilang patotoo.

Hindi Holy Spirit ang itinatak ng anghel dyan, at ang magtatatak ay isa, Ezekiel 9:3-4, bakit sinabing "namin" dahil si Cristo ay tinutulungan ng kaniyang mga anghel sa pagtatatak, inilalapit nila ang mga tatatakan ni Cristo,

Ang mga alagad ba ni Jesus, nagtatak ba sila ng Espiritu Santo? Pagkaalam ko ay itinatak sa noo ay ang pangalan ni Cristo at ng kaniyang Ama at hindi Espiritu Santo.

Rev 14:1 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.

Si Cristo kasi ang magsusulat o magtatatak niyan.

Revelation 3:12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

 

Isa lang ang magtatatak ayon kay Ezekiel, at ang anghel sa Revelation 7:2 ay si Cristo, sabi niya sa Revelation 3:12 isusulat "ko" ang aking pangalan, (sa noo revelation 14:1).

Bakit sinabing "aming" matatakan? Dahil tinutulungan ng mga anghel niya si Jesus na mailapit sa kaniya ang (tatatakan na) maliligtas. Pero hindi ibig sabihin ay maraming magtatatak, tumutulong lamang kay Jesus ang mga anghel niya para matatatakan ni Cristo.

Sa chapter 7, sinabi doon na ang tinatakan ay ang 144,000 na ang sabi ay "nakasulat" sa noo ang pangalan ng Dios at ni Cristo, na ang sabi naman ni Cristo ay "isusulat niya" ang kaniyang pangalan at pangalan ng Dios,


4972 sphragízō (from 4973 /sphragís, "a seal") – properly, to seal (affix) with a signet ring or other instrument to stamp (a roller or seal), i.e. to attest ownership, authorizing (validating) what is sealed.

4972 /sphragízō ("to seal") signifies ownership and the full security carried by the backing (full authority) of the owner. "Sealing" in the ancient world served as a "legal signature" which guaranteed the promise (contents) of what was sealed.

[Sealing was sometimes done in antiquity by the use of religious tattoos – again signifying "belonging to."]


GOD'S WORD® Translation (©1995)
In addition, he has put his seal of ownership on us and has given us the Spirit as his guarantee2 Corinthians 1:22


Balikan natin ang Efeso 1:13,14  
Ephesians 1:13,14
13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, 14 Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.
Kaya itinatak ni Cristo ang kaniyang pangalan sa noo ng 144,000 dahil iyon ang kaniyang signature, pagmamay-ari sila ni Cristo kaya ang pangalan ni Cristo at ng Dios ang nakasulat sa noo bilang signature. Ang tatak ay tanda ng pagmamay-ari. At ang pantatak ay ginagamit upang tatakan bilang patotoo ang isang kasunduan o tipan.

Ikaw ba may patunay na ang itinatak ng anghel sa chapter 7 ay hindi ang pangalan ni Cristo, at may patunay ka ba na hindi si Cristo ang magtatatak at magsusulat ng pangalan sa noo ng 144,000?

Malinaw na ang nakasulat bilang tatak sa noo ng mga (144,000) pinili ay ang pangalan ng Dios at ni Cristo at hindi Espiritu Santo. Lumalabas na magkaiba ang itinatak sa 144,000 at ang mga tinatakan ng Dios na si Felix Manalo. Sapagkat ang nasa noo ng 144,000 ay ang pangalan ng Dios at ni Cristo samantalang ang nasa noo ng mga tagasunod ng kanilang Dios at anghel na si Felix Manalo ay Espiritu Santo.

Walang may kakayahan na magtatak ng Espiritu Santo na ipinangako bilang patotoo sa mga tao, kundi ang Dios lamang. Ang Espiritu Santo ay patotoo ng Dios na ibinigay sa mga tao.

2 Mga Taga Corinto 5:5 Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu.


Sapagkat ang Espiritu ay nagpapatotoo.


1 Juan 5:7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.


At ang Espiritu na ito ang ipinangako ni Cristo. Ang Espiritu Santo ang magpapaalala ng mga bagay na sinabi ni Cristo. At hindi sa pamamagitan ng pangangaral itinatatak ang Espiritu Santo, sapagkat nang nangaral si Cristo ay hindi naman natatakan ang kanyang mga alagad, kundi sinugo niya ito nang siya ay umakyat sa langit. Ang Espiritu Santo, ayon sa Panginoong Jesus, ay buhat sa Ama.



Kaya kapag hinamon kayo ng debate ng INC, ito ang piliin ninyong topic pero kailangang alam kung paano mangangatuwiran na talagang si Jesus iyan.

Mula sa facebook:
hindi sinabi sa Rev 7:2,3 na Espiritu Santo ang itatatak at walang sinabi sa Efeso 1:13,14 na sa noo itinatatak ang Espiritu Santo na ipinangako ni Cristo.

Ang nagbigay at nagtatak ng Espiritu Santo ay ang Dios.

2 Cor 1:21,22 Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa atin, ay ANG DIOS, NA SIYANG NAGTATAK naman SA ATIN, at NAGBIGAY NG PATOTOO NG ESPIRITU, SA ATING MGA PUSO.

Ang Espiritu Santo ay sa puso itinatatak ng Dios, sapagkat sa puso nananahan ang Espiritu ng Dios na ipinagkaloob sa atin. Hindi sa noo, walang mababasa sa biblia na ang Espiritu ay nasa noo, kundi nasa puso. Ang Espiritu Santo ng Dios ay hindi tumatahan sa noo, kundi sa puso.

Mga Taga Galacia 4:6,7 At sapagka't kayo'y mga anak, ay SINUGO NG DIOS ANG ESPIRITU ng kaniyang Anak SA ATING MGA PUSO, na sumisigaw, Abba, Ama. 7 Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios. At ang Espiritu na ipinangako ni Cristo na kanyang sinugo mula sa Ama, ay siya ring Espiritu na itinatatak ng Dios bilang patotoo. Ang Espiritu ay patotoo ng Dios.

Efeso 1:13,14 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng ESPIRITU SANTO, NA IPINANGAKO, NA SIYANG PATOTOO sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian. At hindi mismo sa ebanghelyo sasampalataya, ayon sa talata, kundi "sa kaniya rin naman" at walang iba kundi kay Cristo. Sa kaniya narinig ang aral, ayon sa talata "sa kaniya kayo rin naman" o kay Cristo narinig ang aral ng katotohanan, ang ebanghelyo ng kaligtasan.

So, kino ang nagtatak kay Felix Manalo ng Espiritu Santo ng katotohanan na magtuturo at magpapaalala ng mga bagay ng sinabi ng Panginoon na ipinangako niya (Cristo) buhat sa Ama?

So, kung wala, si Felix Manalo ay hindi isang sugo, sapagkat walang nagtatak sa kaniya ng Espiritu Santo na ipinangako ni Cristo buhat sa Ama, na ito ang Espiritu ng katotohanan na magtuturo ng mga bagay na sinabi ng Panginoon.

Sabi ng Manalista ang pagtatatak ay pangangaral, ganito ang sinabi ko: "Hindi pangangaral yon brad, dahil hindi naman nangangaral ang Dios para makapagtatak ng Espiritu Santo. Tutol ka ba sa sinabi ni Pablo na ang Dios ang nagtatatak ng Espiritu Santo?"

No comments:

Post a Comment