THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Katuwiran ng Oneness Believer

So Oneness, yung naniniwala na ang Ama ay iyon din ang Anak?

Sino kaya ang nakaluklok sa trono sa Revelation 5:1-10 at sino naman ang kumuha ng aklat? Ganon din sa Daniel 7 sino ang nakaluklok sa trono at sino ang nakasakay sa ulap?
Oneness: Correction pls.. Ang Oneness ay hindi naniwala na ang Ama ay siya rin ang Anak, kagaya sa pag-intindi namin na ang Diyos ay hindi ang Tao. Kundi ang paniwala namin ang Diyos ay naging Tao sa persona ni Hesus.

Napakasimply lang sagotin ang tanong mo jeproks21, ang nakaupo sa trono sa Rev. 5:1-10 ay ang colored Light exalted GOD(the deity of Jesus), at ang kumuha sa aklat ay ang nakatayong slained animal Lamb(the humanity of Jesus).
Ganon rin ang nasa Daniel 7, ang nakitang Ancient of Days ay ang exalted deity form of God who is sitting in the throne, and the human form powerless Son of Man came to the Ancient of Days to receive power and authority from God(Ancient of Days).
All this things happened and put it into vision as a result of the beginning of INCARNATION of God, and not from eternity without beginning.
Katuwiran mo lang iyan. Ilang persona yan? Paghiwalayin ba ang deity at humanity? Hindi na oneness yan bro.
Oneness: Tingnan mo nga naman, sa inilahad ko na paliwanag na turo ng Oneness ay kayo/ikaw na rin nagsabi na pinag-hiwalay namin ang Diyos Ama sa Taong Anak, kaya mali ang paratang ninyo sa amin na ang Diyos(Ama) siya ring Tao(Anak).
Kasi sa inyong turong trinidad, ang purong magkaparehong Diyos ay magkahiwalay. 
Isang persona ng Tao(Anak) at persona ng buong Diyos(Ama) na buong napaloob sa isang kataohan ni Hesus, bilang Hypostatic union.

Isang persona ng Tao(Anak) at persona ng buong Diyos(hindi 1/3 kundi buo) na buong napaloob sa isang kataohan ni Hesus, bilang Hypostatic union.
nakapaloob pala sa katauhan ni Jesus ang persona ng buong Dios ngunit bakit magkahiwalay at dalawang persona ang nakita sa Revelation 5:1-10 at Daniel 7? Bigyan mo ako ng talata sa bibia ng paliwanag, ayoko ng haka-haka at kuro-kuro.

Sa langit, ano ngayon si Jesus? Ama o Anak? Kung Ama? Nasaan ang Anak? Wala? Ayun, iyon ang aral ninyo, WALANG ANAK NG DIOS.

Wala naman palang pinagkaiba sa aral ni Felix Manalo ang aral ninyo, nagkaroon lang ng Anak ng Dios nang maging tao si Jesus, ayon sa aral ninyo.
Oneness: Ayaw mo yata maniwala sa sinabi ni Hesus na ang Ama ay nasa loob sa kanya, at ayaw mo rin maniwala sa sinabi ng Bibliya sa Colosas na ang buong Diyos ay bodily na nanahan kay Kristo.

Bakit ang VISION ba na nakikita sa Revelation at Daniel ay ang maging actual nating makikita natin sa langit na palaging nakatayo lang na mukhang hayop na Kordero at ang nakaupong Diyos??
Ang VISION ay hindi ang actual na realidad sa totoong makikita, dahil ang Esperitong Diyos Ama ay hindi nakikita at ang kanyang Verbo lang ang nakikita sa Diyos bilang pagpahayag sa kanyang Sarili.
Sa Revelation 5:1-10 at Daniel 7 ay walang makitang na si Hesus ay nakaupo sa trono bilang Diyos. Pero kung makita na natin mismo na si Hesus ang nakaupo sa trono siya na yong Ancient of Days na magmukhang tao sa Daniel 7 at Revelation 5:1-10 na hitsurang tao na may aninag na great colored Lights shining stones.

Si Hesus sa langit ngayon siya ang Diyos, kapag sinabi na siya ang Diyos ibig sabihin siya ang Ama, Anak at Esperito Santo. Kung sa tatlo na may kulang iyan kay Hesus ay hindi na siya maituring na Diyos!
Nagkaroon lang ba ng Anak ng Dios nang magkatawang tao si Jesus?
Kulang sila ng Anak ng hindi pa nagkakatawang tao si Jesus, kaya lumalabas sa aral ninyo na ang Dios ay hindi Dios bago ang paglalang ng sanlibutan, sapagkat ayon sa aral ninyo ay nagkaroon lang ng Anak nang magkatawang tao si Jesus at ayon sa iyo ay kulang sila kapag wala ang isa hehe
Oneness: Hindi ako nagriresearch, palagi akong nakalog-out dahil busy sa work ko.

Oo, nagkaroon lang ng actual na Anak ng nagkatawang tao si Hesus.
Kung nang magkatawang tao si Jesus ay saka lang nagkaroon ng Anak ng Dios paano magiging tama ang sinabi mo?
Oneness: Si Hesus sa langit ngayon siya ang Diyos, kapag sinabi na siya ang Diyos ibig sabihin siya ang Ama, Anak at Esperito Santo. Kung sa tatlo na may kulang iyan kay Hesus ay hindi na siya maituring na Diyos
So mula nang hindi pa nalalalang ang sanlibutan hanggang ipanganak si Jesus, naging kumpleto ang tatlo at noon lang siya naging Dios? Naging kumpleto sila nang magkatawang tao si Jesus, kaya noon lang siya naging Dios sapagkat sabi mo, kapag kulang ang tatlo ay hindi siya maaaring tawaging Dios.
Oneness: San po sa biblia na meron ng Son of God ng pasimula? God the Son mas lalong wala.
Nakita na ninyo ang sinabi? Lumalabas sa sinabi niya na walang Anak ng Dios sa pasimula at nagkaroon lang ng Anak ng Dios nang magkatawang tao si Jesus. Walang persona na Anak. Ayon sa kanilang turo ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay iisang persona. Lumalabas na mga titulo lang ng Dios ang Ama, Anak at Espiritu Santo.

Kaya ayon sa turo nila, ang Dios ay walang Anak. Para magkaroon ng Anak, nagkatawang tao ang Diyos at tinawag na Anak ng Dios (na title) ayon sa turo nila.

At lumalabas din sa kanilang doktrina na nagkaroon lang ng Anak ng Dios nang magkatawang tao si Jesus parang Iglesia ni Manalo.
 Oneness: San po sa biblia na meron ng Son of God ng pasimula? God the Son mas lalong wala.
Col 2:9 1 John 2:23 andyan na lhat yan.
 Hindi ba ang Anak ay ang laman, saan napapunta ang Anak na laman sa langit? Kung walang laman, walang Anak, tama? Sa langit, ano ngayon ang kalagayan ng Anak na nasa langit? Laman pa ba? 
Oneness: Ispiritu bkit? dmo ba alam bago siya umakyat sa langit eh pwede siya mawala at magpakita?
 Espiritu? Akala ko ba ay ang laman ang tinatawag na Anak? Wala nang laman, kaya wala nang Anak di ba? Ngayon wala na ang laman, may Anak pa ba ng Dios?

Tayo na po ang anak ng Dios si Jesus ang Ama

Anong tayo na ang anak talaga naman tinatawag na ang tao noon pa man na anak ng Dios. Kay Adan pa lang anak na ng Dios.

Ang tanong ko, may Anak pa ba ng Dios?

May Jesus pa bang Anak ng Dios?
Oneness: Tayo nga ang anak eh si Cristo ang Ama bkit may gusto kang ibang maging anak
Romans 8:14 For as many as are led by the Spirit of God, they are the sons of God.
 Sinong may sabing wala? Pagiging anak nya nun nagkatawang tao siya 2000 years ako. Ngaun Word na siya Verbo hindi Anak. Tayo ang mga anak
 May Jesus pa ba na Anak ng Dios, sa kasalukuyan? Kaya nga tinatanong ko kung may Anak pa ba ng Dios, ngayon ang tinatanong ko, kung ngayon ba ay may Jesus pa Anak ng Dios?
Heto ang signature mo, kontra sa paniniwala mo.
"Jesus Christ the same yesterday, and today, and forever
 Oneness: Pag sinabing Anak na sa anyong tao SI Jesus ngayon ay nasa anyong Ispiritu na ang kulit mo eh Word nga po siya ngayon dahil siya ang Salita kung ano any iyong isalita sa kanyang pangalan ay mangyayari.
 Hindi naman kasi sagot sa tanong ko ang sagot mo. Ang tanong ko, may Jesus na Anak ng Dios sa kasalukuyan? May Anak pa ba ng Dios? Sasagutin mo lang kung meron o wala.
Oneness: Nasagot ka na po confuse ka lang ata eh?
Anak ang Word? Laman ba ang Word para maging Anak sa kasalukuyan? Maituturing mo bang Anak ang Verbo kung hindi na siya nasa katawang tao?

Paikot-ikot ka lang kasi, direktahin mo ang sagot, may Jesus pa bang Anak nasa laman ngayon sa kasalukuyan?
Oneness: Wala ng Hesus na nasa laman sa kasalukuyan kundi Espiritu. Mali kasi ang tanong mo kung may anak ang Dios dahil tayo ay anak din.
Meron po bang laman na makakasama ng mga apostol sa talatang yan? Spirit na po siya
John 14:18 I will not leave you comfortless: I will come to you.
Anong mali sa tanong ko? Malinaw na sinasabi mo na ang katawang tao ay ang Anak. Ngayon sinabi mo Espiritu siya, Matatawag pa ba siyang Anak sa kasalukuyan?

Heto pa ang hindi mo direktang sinasagot at paikot-ikot ka lang: May Jesus pa bang Anak ng Dios sa kasalukuyan? Nakakaintidi ka ba? Sasagutin mo lang ng meron o wala.
Oneness: Read back ka muna at intindihin maigi o sadyang wala kang pang intindi parang bata lang eh di nakakaintindi 
Oo binasa ko ulit, ang sagot mo ay walang nang Jesus na Anak ng Dios. 

Oneness: Wala ng Hesus na nasa laman sa kasalukuyan kundi Espiritu. Mali kasi ang tanong mo kung may anak ang Dios dahil tayo ay anak din.
Meron po bang laman na makakasama ng mga apostol sa talatang yan? Spirit na po siya
John 14:18 I will not leave you comfortless: I will come to you.

Malinaw sa sagot mo, oo nga.  Wala nang Jesus na Anak ng Dios sapagkat ang sinasabi nila Anak ng Dios ay ang nasa laman. Therefore, wala nang Jesus na Anak ng Dios. 
Nakuha mo rin  tandaan mo lang ako iba ako sa oneness na ganito sumagot dito kung papaikotin mo ako try and try lang ha.
Salamat, wala kasi akong masyadong alam sa oneness, ngayon ay medyo alam ko na ang aral nila.
Oneness: Ok bka gusto mo rin itanong kung ano un kanan ng Dios? Kung sino un Us at our sa Genesis at iba pa magtanong ka lang post mo dito.
Hindi. Okay na. Salamat na lang.

source
Source 2
Oneness: ===Ang bilis mo namang mag-conclude. Hindi pa tapos ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Meron pang Son of God. Sa future pa ang Final Judgment. Pagtapos na, ang role ni Jesus bilang tigapagligtas ay matatapos na rin. At Kanyang isusuko ang lahat sa Ama.
1 Corinthians 15:28 And when all things shall be subdued unto him, then shall the Son also himself be subject unto him that put all things under him, that God may be all in all.
Wow! Matatapos ang role ni Jesus bilang tagapagligtas saan yon nakasulat?

2 Peter 1:11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.

Si Jesucristo (tumutukoy sa katawang tao) ay maghahari magpakailan man. Ibig sabihin TAO AT LAMAN siya MAGPAKAILAN MAN.

Meron pang Anak ng Dios? Ibig sabihin may laman pa ang Anak ng Dios hanggang ngayon? Di ba paniniwala ninyo ay ang katawang tao ni Jesus ang Anak ng Dios?

Oneness: Sino naman sabi sayo na hindi na Saviour ang Diyos namin na si Hesus? Our God is always a Saviour... ang ibig sabihin ni Acts ay hindi na siya maging mediator/tagadalangin sa atin. Sa pangalan pa lang na JESUS ay Jehovah Saviour na!
Ang pisikal na Laman ang hindi sanhi na naging Anak si Hesus, kundi ang estado ng Kanyang pagiging Lamang tao. Bakit ikaw ba maging anak ng Diyos dahil sa pisikal na laman mo??

Wala ka pa lang alam kung saan sa book of John eh, kung parang sino kang nagmagalinggalingan reto...
Tinatanong ko nga sa iyo kung meron pang Jesus na Anak ng Dios sa langit. Dahil sinasabi sa Romans 8:34 na siya ay namamagitan sa tao at sa Dios.

Romans 8:34 Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Diosna siya namang namamagitan dahil sa atin.

Hindi siya pwedeng mamagitan kung iisa siya, sa kaniya na mamamagitan siya pa ang tagapamagitan, meron bang ganon?

Ngayon, meron bang Jesus na Anak ng Dios na nasa laman sa langit na namamagitan? Cristo Jesus ang binabanggit dyan kaya tumutukoy iyan sa laman, batay sa paniniwala ninyo.

Oneness: Ang tange mo talaga anoh! Bakit sinabi ba naming Oneness na wala na yong pagiging Anak ni Hesus ngayon?? Kaya nga turo nga naming Oneness na si Hesus ay both God(Father) and the Man(Son).
Tinatanong mo kung meron bang ang tagapamagitan at namamagitan ay iisa? Ang sagot ko pwedeng mangyari sa aming totoong iisang Diyos yon dahil hindi siya limitado tulad ng tao, bakit iyong iisang diyos mo ba ay hindi kaya at kailangan ng dalawang diyos mo o tatlo para mangyari iyon?
Ang iisang Diyos naming si Hesus ay makapangyarihan, kaya niyang maging High Priest at thesame time as Sacrificial Lamb kahit iisa siya!

At saka, sa tingin mo ba na mag-usap pa ang ang Diyos at Anak sa langit eh iisa lang ang bituka nila dahil undivided substance sila. Pero sa inyo yata Janus god ang diyos ninyo dahil gusto ninyong palabasin na mag-uusap pa ang Anak at Diyos sa langit.

Ano sabi mo? Pwedeng mamamagitan kahit iisa? Kasasabi mo lang na:
ang ibig sabihin ni Acts ay hindi na siya maging mediator/tagadalangin sa atin
Heto tanong ko: meron bang Jesus na Anak ng Dios na nasa laman sa langit na namamagitan?
Oneness: Oo nga pwede sa iisang Diyos na isang being/person! Sa inyo ba ay hindi pwede sa iisang diyos ninyo?
Meron nga sa langit na pisikal na glorified body, pero hindi katulad noong sa lupa pa siya ay kinakausap pa niya ang Diyos at nanalangin para sa atin, at hindi na sa langit dahil sa langit ay iisa na lang utak nila at bibig at tainga, eh kailangan pa bang hayagang tagapamagitan eh iisang substance na lang sila sa langit!
Heto nga ang patunay na ang Cristo Jesus na nasa kanan ng Dios ay namamagitan. 

Romans 8:34 Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Diosna siya namang namamagitan dahil sa atin.

Hindi ba malinaw na may namamagitan na Anakl ng Dios na nasa langit. Sinungaling ka ba?

Oneness: Ang inyong turo na Trinity ang sinungaling, dahil ang namamagitan ay ang estadong Taong laman doon sa Diyos, at hindi sa turo ninyo na ang Diyos Anak ang namagitan sa Diyos. 

Ang gusto kung palabasin ay one-way o authomatic na lahat ang maganap sa langit, parang isang machine na may receiver at furnisher. Kaya totoo ang sinabi ni Hesus ay darating ang panahon na hindi na Niya gagawin ang manalangin, eh sinungaling yata si Hesus para sayo. Sasagotin na kita ng OO na sinungaling si Hesus para sayo.

Saka hindi naman literal na magkatabi magka-upo ang Anak at Ama sa langit ah! Meron bang propeta o sugo ng Diyos na nakakita na magkatabi umupo sa langit ang Anak at Ama?? Sige nga ipakita mo sa akin...
Ikaw puro ka pagbibintang, sino nagsabi sa iyo na turo ng Trinitarian na taong laman si Jesus sa langit.

Back to topic na tayo, nagtatagpi-tagpi na ng kasinungalingan ang kausap ko.
Oneness: Hahaha... ang tange mo talaga hindi ka lang pala sinungaling! ginawa mo pa akong sinungaling. Basahin mo nga ulit ang post ko sayo tange! Ito ang post ko.."at hindi sa turo ninyo na ang Diyos Anak ang namagitan sa Diyos. "

Kaya nga sabi ko sayo na ang turo ng trinity ay puro Diyos ang namagitan at ang Ama.
Log-out muna ako tange... bye!
So inaamin mo na Taong laman ang Anak ng Dios na namamagitan sa Dios ayon sa paniniwala ninyo? haha hehe
Oneness: Oo nga taong laman nga ang Anak ng Diyos na namamagitan at iyan ang turo ng Bibliya at ng Oneness. Katulad ka rin ng demonyo na tinatawanan mo ang nakasulat sa Bibliya..."For there is one God and one mediator between God and men, the man Christ Jesus."

Sige demonyo tawa ka pa ng tawa mo na haha hehe...

So, di inamin mo na may laman ang Anak ng tao sa langit? Dahil ang paniniwala ninyo ay ang tinatawag na Anak ng Dios ay ang katawang tao. At kung hindi na siya nasa katawang tao, therefore, hindi na siya Anak ng Dios. Magsama kayo ng Iglesia ni Manalo. Pareho ang paniniwala ninyo na nagkaroon lang ng Anak ng Dios ng magkatawang tao si Jesus. Ngayon naman ay tila pareho kayong naniniwala na si Jesus ay tao kahit nasa langit.

Mga Taga Galacia 3:20 Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.

Siya na tagapamagitan, sa kaniya pa mamamagitan? 

Back to topic na.

source 3

So, bago magkalimutan, ang Dios ba sa kasalukuyan ay may laman at buto sa langit?
Oneness: 
Be believing, not doubting.
Read....
Luke 24:
36 And as they thus spake, Jesus himself stood in the midst of them, and saith unto them, Peace be unto you. 37 But they were terrified and affrighted, and supposed that they had seen a spirit. 38 And he said unto them, Why are ye troubled? and why do thoughts arise in your hearts? 39 Behold my hands and my feet, that it is I myself: handle me, and see; for a spirit hath not flesh and bones, as ye see me have. 40 And when he had thus spoken, he showed them his hands and his feet. 41 And while they yet believed not for joy, and wondered, he said unto them, Have ye here any meat? 42 And they gave him a piece of a broiled fish, and of an honeycomb. 43 And he took it, and did eat before them.
Acts 1:
9 And when he had spoken these things, while they beheld, he was taken up; and a cloud received him out of their sight. 10 And while they looked stedfastly toward heaven as he went up, behold, two men stood by them in white apparel; 11 Which also said, Ye men of Galilee, why stand ye gazing up into heaven? this same Jesuswhich is taken up from you into heaven, shall so come in like manner as ye have seen him go into heaven.
So, inaamin mo ba na ang iisang Dios sa langit sa kasalukuyan ay may laman at buto?
Oneness: 
===The Bible testifies it. At sa Kanya Siya nananahan ang buong Kadiosan.Ano ba ang punto mo? Puro ka lang tanong.
Colossians 2:9 For in him dwelleth all the fulness of the Godhead bodily.
So, malinaw na inamin mo na may laman at buto ang iisang tunay na Dios sa langit sa kasalukuyan. Malinaw na para sa akin.

So, inaamin mo rin ba na walang Anak ng Dios bago magkatawang tao si Jesus? at noong lang nagkaroon ng Anak ng Dios nang siya ay maging tao?

Ninilinaw lang natin, dahil ang paniniwalang oneness ay naniniwala na ang katawang laman ang tinatawag na "Anak ng Dios" at kung walang laman ay walang Anak ng Dios.
Oneness: ===That's right. Ngayon ano ang point mo?
Okay na, nililinaw lang natin sa mga nagsusuri ang paniniwalang Oneness.

Sa mga nagsusuri, ang paniniwala ng oneness ay ang mga sumusunod:

* Hindi naniniwalang may Anak ng Dios sa pasimula (bago ang paglalang) at nagkaroon lang ng Anak ng Dios ng magkatawang tao si Jesus.

* Ang iisa at tunay na Dios sa kasalukuyan ay may laman at buto.

* Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay iisang personang Dios.

Nililinaw natin na ang Anak ng Dios ay ang nagkatawang tao ng iisang personal na Dios.

http://www.thebereans.net/forum2/sho...t=52285&page=3 

No comments:

Post a Comment