THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Felix Manalo Hindi Nabautismuhan

Ang pagbabautismo ayon sa inyo ay paglulubog sa tubig na paglilibing sa dating pagkataong makasalanan at pagkabuhay muli ayon sa inyo.

Hindi nabautismuhan si Felix Manalo, samakatuwid, hindi namatay ang kaniyang dating pagkataong makasalanan.

Galacians 3:27 27 Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.

Lahat ng binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo, si Felix Manalo hindi. Kaya nga po hindi siya sugo sapagkat hindi niya ibinihis si Cristo

Romans 6:1-7
1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? 2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? 3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? 4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. 5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli; 6 Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; 7 Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.

Samakatuwid, si Felix Manalo ay hindi namatay at nabuhay kasama ni Cristo.

1 Mga Taga Corinto 1:21-22 Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa atin, ay ang Dios, Na siyang nagtatak naman sa atin, at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso.

Ang Espiritu Santo ay itinatatak ng Dios sa puso at hindi sa noo. Ibang-iba sa mga nasa mga Manalista na ang Espiritu Santo ay nasa noo.

Efeso 1:13,14 13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, 14 Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.

Tandaan: Sa Apocalipsis 7:2,3 ay walang sinabi na Espiritu Santo ang itatatak ng anghel at sa Efeso 1:13,14 ay walang sinabi na sa noo itinatatak ang Espiritu Santo.

Ano at para saan ba ang tatak o pantatak?

Original Word: σφραγίς, ῖδος, ἡ
Part of Speech: Noun, Feminine
Transliteration: sphragis
Phonetic Spelling: (sfrag-ece')
Short Definition: a signet-ring, impression of a seal, the proof
Definition: a seal, signet ring, the impression of a seal, that which the seal attests, the proof.
http://strongsnumbers.com/greek/4973.htm

4972 sphragízō (from 4973 /sphragís, "a seal") – properly, to seal (affix) with a signet ring or other instrument to stamp (a roller or seal), i.e. to attest ownership, authorizing (validating) what is sealed.

4972 /sphragízō ("to seal") signifies ownership and the full security carried by the backing (full authority) of the owner. "Sealing" in the ancient world served as a "legal signature" which guaranteed the promise (contents) of what was sealed.

[Sealing was sometimes done in antiquity by the use of religious tattoos – again signifying "belonging to."
http://strongsnumbers.com/greek/4972.htm

Samakatuwid, ay pagaari ni Felix Manalo ang kaniyang mga tinatakan o nilagdaan. Lumagda si Felix Manalo sa noo ng kaniyang mga tagasunod tanda ng pagmamay-ari at pagtupad sa kasunduan. Kaninong pangalan po ba dapat ang ilalagda sa noo ng mga hinirang taliwas sa mga tinatakan ni Felix Manalo?

Ang dapat pong ilagda o itatak ay ang pangalan ni Cristo at ng Ama. Rev 14:1

Apocalipsis 14:1 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.

Apocalipsis 22:4 4 At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.

Sino ba ang magsusulat o magtatatak o lalagda sa mga hinirang?

Pahayag 3:12 12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

Ngayon, ayon sa isang Manalista, ay nilinis ng Dios ang kasalanan ni Felix Manalo, bisa lamang po ng laway at hindi ng hula. Wala silang katibayan na pinatawad o hinugasan ng Dios ang kasalanan ni Felix Manalo. Ano ba ang paraan ng Dios sa paghuhugas ng kasalanan?

Acts 22:16 At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.

Efeso 5:26,27 26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, 27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.

Acts 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Samakatuwid po, hindi natanggap ni Felix Manalo ang kapatawaran ng kasalanan at hindi niya rin tinanggap ang Espiritu Santo, dahil ipinagkakaloob ito sa mga nahugasan o nabautismuhan at naalis ang kasalanan. Iba po ang bautismo ni Juan Bautista kaysa bautismo ng mga alagad at apostol. Katibayan?

Acts 19:1-7 1 At nangyari, na, samantalang si Apolos ay nasa Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad: 2 At sa kanila'y sinabi niya, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo. 3 At sinabi niya, Kung gayo'y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, Sa bautismo ni Juan. 4 At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na sila'y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga'y kay Jesus. 5 At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6 At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila'y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula. 7 At silang lahat ay may labingdalawang lalake.

Juan 4:1,2 1 Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan 2 (Bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad),

Ang mga nabaustismuhan kay Juan ay muling binautismuhan sa pangalan ni Jesus dahil nga po magkaibang bautismo ang kay Juan at kay Cristo. At hindi rin nila natanggap ang Espiritu Santo matapos na sumampalataya. Sapagkat ang Espiritu Santo ay ipinagkakaloob sa mga nabautismuhan kay Cristo. Pero sa talata, hindi si Pablo ang nagkaloob ng Espiritu Santo kundi sinabi ni Pablo ang Dios ang nagkakaloob ng Espiritu Santo.

1 Thessalonians 4:8  Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

Iba po ang ibinabautismo ni Cristo:

Mateo 3:11 Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy:

Mga Gawa 1:5 Sapagka't tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.

Sinabi dito, ba babautismuhan pa lamang ng Espiritu Santo at ito nga po ang Espiritu Santo na dumapo sa kanila na wangis ng dilang apoy noong pentecostes. At nang si Pedro ay nangaral sa mga Gentil ay ganito ang nangyari at sinabi ni Pedro:

Mga Gawa 11:15-17 15 At nang ako'y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya naman ng pagbaba sa atin nang una. 16 At naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya, Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo. 17 Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios?

Sa Panginoong Jesus po sumampalataya at hindi mismong sa ebanghelyo kaya sila ay pinagkalooban Espiritu Santo. At ang Espiritu Santo na ipinangako ni Jesucristo ay ito bautismo sa Espiritu na tinanggap ng mga Judio at ng mga Hentil.

Iba ang bautismo ni Juan kaya sinabi ni Cristo ang ganito:

Lucas 12:49-50 49 Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na? 50 Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking kagipitan hanggang sa ito'y maganap?

May bautismo pa siyang dapat tanggapin at iyon ay ang kaniyang kamatayan na doon ay nakasama ang mga nabautismuhan kay Jesucristo at sa kaniyang muling pagkabuhay. Sinabi rin ni Cristo na siya ay nagpaningas ng apoy at ito ang bilang katuparan ng sinalita ng Panginoon na sinasabi sa aklat ni Jeremias.

Jeremias 50:31-32 31 Narito, ako'y laban sa iyo, Oh ikaw na palalo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo; sapagka't ang iyong kaarawan ay dumating, ang panahon na dadalawin kita. 32 At ang palalo ay matitisod at mabubuwal, at walang magbabangon sa kaniya; at ako'y magpapaningas ng apoy sa kaniyang mga bayan, at pupugnawin niyaon ang lahat na nangasa palibot niya.

Ibang topic naman ito, pero ang gusto kong ipunto ay ang apoy na pinagningas ng Panginoon Jesus ay hindi literal na apoy na ayon sa sinabi sa aklat ni Jeremias, ay pupugnawin ang lahat ng nasa palibot.

Si Juan Bautista ay may karapatang mangaral at magbautismo sapagkat, sinugo siya ng Dios, kinumpirma ni Gabriel at ni Jesus ang pagiging sugo ni Juan, bago siya ipanganak ay ipinagpauna ng Dios sa pamamagitan ni Gabriel ang pagiging sugo ni Juan Bautista at siya, ayon sa biblia ay isang propeta. Basahin natin ang usapan nina Jesus at ng mga saserdote at mga eskriba.

Marcos 11:27-33
27 At sila'y nagsiparoong muli sa Jerusalem: at samantalang lumalakad siya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang matatanda; 28 At sinabi nila sa kaniya, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito? 29 At sa kanila'y sinabi ni Jesus, Tatanungin ko kayo ng isang tanong, at sagutin ninyo ako, at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito. 30 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao? sagutin ninyo ako. 31 At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na sinasabi. Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan? 32 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao-ay nangatatakot sila sa bayan: sapagka't kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta. 33 At sila'y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi, Hindi namin nalalaman. At sinabi ni Jesus sa kanila, Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.

Kanino nga ba galing ang bautismo ni Juan?

26 At sila'y nagparoon kay Juan, at sa kaniya'y sinabi, Rabi, yaong kasama mo sa dako pa roon ng Jordan, na binigyan mong patotoo, narito, siya'y bumabautismo, at ang lahat ng mga tao'y nagsisiparoon sa kaniya. 27 Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit. 28 Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, Hindi ako ang Cristo, kundi, na ako'y sinugo sa unahan niya. 29 Ang nagtatangkilik sa kasintahang babae ay ang kasintahang lalake: datapuwa't ang kaibigan ng kasintahang lalake, na nakatayo at nakikinig sa kaniya, ay nagagalak na lubos dahil sa tinig ng kasintahang lalake: ito ngang aking kaligayahan ay naganap. 30 Siya'y kinakailangang dumakila, nguni't ako'y kinakailangang bumaba.

Juan 1:33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa
Malinaw, ang kapangyarihan ni Juan na mangaral at magbautismo ay sa langit nanggaling, sa Dios. Basahin natin ang nasa aklat ni Juan. Alamin natin kung sino ang nagtatatak.

Juan 3:31-35
31 Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat. 32 At kaniyang nakita at narinig, ay siyang pinatototohanan niya; at walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo. 33 Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak, na ang Dios ay totoo. 34 Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat. 35 Sinisinta ng Ama ang Anak, at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay.

Basahin natin sa ingles ang talata 33 ng aklat ni Juan chapter 3.

Juan 3:33 NASB "He who has received His testimony has set his seal to this, that God is true.

So, si Cristo pala ang naglalagay ng tatak o patotoo sa mga sumasampalataya sa kaniya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinangako, na ayon kay Jesus ay magpapatotoo magtuturo at magpapaalala ng lahat ng bagay na sinalita niya. Juan chapter 14 hanggang 16. Juan 14:26; Juan 15:26; Juan 16:7-15

2 Corinthians 1:21-22 NIV Now it is God who makes both us and you stand firm in Christ. He anointed us, set his seal of ownership on us, and put his Spirit in our hearts as a deposit, guaranteeing what is to come.

2 Cor 5:5 ESV He who has prepared us for this very thing is God, who has given us the Spirit as a guarantee.
Ang gawa ng Ama ay ginagawa ni Jesus at ang lahat ng bagay ay nasa kaniyang kamay, kaya siya (Jesus) ang nagtatatak ng Espiritu Santo, batay sa mga talata na ating binasa. Ang Ama ay nagtatatak at ginagawa ng Anak ang mga gawa ng Ama kaya si Cristo ay nagtatatak (din) ng Espiritu Santo na kaniyang ipinangako.

At ang itinatanong ko ay kung may nagtatak ng Espiritu Santo kay Felix Manalo pero ang sinagot niya ay tungkol sa bautismo, pinalalabas ni Dyopri ang nangyari kay Juan at Felix Manalo ay pareho. Hindi na po ito kailangan sapagkat si Juan ay katulad ng mga propeta na kinakasihan ng Espiritu Santo ng Dios at siya ay namatay bago ipagkaloob ni Jesucristo ang Espiritu Santo na ipinangako. Si Juan po ay propeta at kinakasihan siya ng Espiritu ng Dios. Ang mga tao po na pagkakalooban o tatatakan pa lamang ay hindi pa kinakasihan ng Espiritu Santo.

Juan 7:38,39 38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay. 39 (Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: sapagka't hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.)

Ayon sa pahayag sa aklat ni Juan, tatanggapin ng "magsisisampalataya" kay Cristo ang Espiritu Santo.

Romans 10:13,14,15 13 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas. 14 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? 15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!

Sabi ng isang kasapi sa Iglesia ni Felix Manalo, hindi daw magkakaroon ng pananampalataya (ayon sa sulat Mga Taga Roma 10:14) kung hindi nakapakinig ng aral o salita ng Dios. Lumalabas na si Felix Manalo ay hindi nagkaroon ng pananampalataya, sapagkat hindi siya nakapakinig ng aral mula sa isang sugo. verse 15 At hindi rin siya napagkalooban ng Espiritu Santo sapagkat hindi nga siya sumampalataya. Kaya hindi siya isang sugo, sapagkat hindi siya sumampalataya (dahil hindi nakapakinig ng salita ng Dios mula sa isang sugo, ayon sa kanila) upang sumampalataya at mapagkalooban ng Espiritu Santo.

Efeso 1:13,14 13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, 14 Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.

Ang Espiritu Santo na itinatak ay ang ipinangako ni Jesus. Ang salitang "kaniya rin naman" ay tumutukoy kay Cristo, na sa kaniya narinig ang aral ng katotohanan, ang evanghelio ng kaligtasan, malinaw po na kay Cristo po narinig. At ang isa pang "kaniya rin naman" ay kay Cristo po sumampalataya at hindi po doon mismo sa evanghelio, at kay Cristo rin tinatakan ng Espiritu Santo, sapagkat si Cristo nga ang nangako tungkol sa Espiritu Santo (na ipinangako) basahin ninyo sa ibang salin sa ingles.

At ang Espiritu Santo po ay "patotoo ng ating mana" kaya si Felix Manalo po ay walang Espiritu Santo na "patotoo ng ating mana." Wala siyang Espiritu Santo, kaya nga po hindi siya maaaring maging sugo, o Cristo man lalong hindi siya Dios. Dios siya sa kaniyang mga tagasunod sapagkat siya daw ay nagtatak ng Espiritu Santo na ang Dios po ang may kakayahan gumawa at magkaloob nito.

Dahil nga po walang Espiritu Santo si Felix Manalo (sa isipan o noo daw) Hindi siya isang sugo ng Dios. Sugo ni Satanas oo.

Ayon sa aral ng mga Manalista, kailangang mabautismuhan upang maging miyembro ng iglesia, si Felix Manalo ay hindi nabautismuhan, kaya paano siya naging bahagi at kaanib ng iglesia ni Felix Manalo (Cristo)? 
 Ayon sa mga Manalista:
 Kailangang mabautismuhan ang pinangaralan ng mga sugo upang sila ay masangkap sa katawan ni Cristo. Ang katawang tinutukoy ay ang Iglesia (Col.1:18) na itinayo ni Cristo (Mat.16:18) na ang pangalan ay Iglesia ni Cristo(Gawa 20:28, Lamsa Translation).

http://www.facebook.com/note.php?note_id=129074897171164
Ayon din sa aral ng Iglesia ni Felix Manalo (na Cristo) hindi magkakaroon ng pananampalataya ang isang tao kapag hindi naaralan ng sugo, kaya paano nagkaroon ng pananampalataya si Felix Manalo?

Pinagbabatayan nilang talata:

Romans 10:13-15 13 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas. 14 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? 15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!

Paano tumawag si Felix Manalo sa pangalan ng Panginoon, paano siya tumawag sa hindi niya sinasampalatayanan, paano siya sumampalataya kung hindi niya napakinggan, PAANO SIYA NAKINIG NA WALANG TAGAPANGARAL??? Aber!!!

No comments:

Post a Comment