THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Mga Maling Aral ng Seventh Day Adventist

Mula sa isang forum

Umpisahan natin sa kasuklamsuklam na paninira dahil iyan ang panahong tinutukoy sa Daniel 8:11 at Daniel 11:31 dahil iyan ang panahon ng pagdating ng arkanghel at lalabanan siya ng anticristo. Kailan naganap ang kasuklamsuklam na paninira?

Nandyan na lahat iyan, dahil sinabi ng Panginoong Jesus ay magaganap ang lahat ng nasusulat Luke 21:22 at sinabi din niya ang tungkol sa aklat ni Daniel Matthew 24:15.

Malinaw naman sa aral ninyo na turo ni Satanas na sinasabing ang nasa Revelation 11:2,3 ay naganap noong 538 AD hanggang 1798 AD dahil taliwas ito sa katotohanan dahil ang nasa Revelation 11:2,3 ay pareho sa Daniel 11:31 at Daniel 8:11 at Daniel 12:7 at ito rin ang hinulaan ng Panginoon sa Matthew 24, Marcos 13 at Lucas 21 na kasuklamsuklam na paninira.

At isa pa, ang babae sa Revelation 12 ayon sa aral ninyo ay ang inyong iglesia na tumakas sa ilang. Taliwas sa katotohanan dahil magaganap ang pangyayaring iyon matapos ang Digmaan Sa Langit na pareho din sa sinasabi sa Daniel 8:9,10,11,14 a iyon din ang kasuklamsuklam na paninira.

Kaya saan dito sa larawang ito ang tungkol sa kasuklamsuklam na paninira?



Kailan naganap ang kasuklamsuklam na paninira na panahon ng pagdating ng arkanghel ayon sa larawan upang labanan siya ng anticristo?

Pagkaalam ko ay ipinangangaral ng SDA na ang digmaan sa langit ay naganap noon bago ang paglalang, pero alamin natin sa aklat ni Daniel kung kailan ang pagpagwawaksi ng anticristo sa mga bituin ng langit.


Daniel 8:9,10,11,14
9 At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain. 10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon. 11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak. 25 At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal hindi ng kamay. 14 At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario.

At sinasabi sa aral ninyo na ang nasa Daniel 8:14 ay nangyari mula 457 BC hanggang 1844 AD. Kaya lumalabas na ang digmaan sa langit ayon sa aral ng SDA ay naganap (sa pagitan) mula 457 BC hanggang 1844 AD.

Ang digmaan sa langit ang panahon ng pagwawaksi ni Satanas ng 1/3 ng mga bituin sa langit na pareho sa sinasabi sa Daniel 8:10.

Revelation 12:4,7
4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
7 At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;

At ang nasa Daniel 8:9,10,11,14 ay pareho sa Daniel 11:31

Daniel 11:31 At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga'y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira.

At sa panahong iyan ang pagdating ng arkanghel.

Daniel 12:1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

Malinaw na si Miguel ay darating sa panahon ng nasa Daniel 8:9,10,11,14 at Daniel 11:31 o sa panahon ng kasuklamsuklam na paninira na iyan din ang sinasabi sa Revelation 11:2,3 at Daniel 12:7at iyan din ang nasa Lucas 21 na panahon ng pagyurak sa Jerusalem.

At malinaw na si Satanas ay hindi pa naitatapon sa lupa at hindi pa nagaganap ang digmaan sa langit sapagkat sa aklat ni Job, si Satanas ay nagpaparoo't-parito sa harapan ng Dios at sa lupa. Job 2:2

Kaya ang aral ng SDA ay aral ng demonyo sapagkat kasinungalingan.

Ginamit nilang talata sa year 1798 ay Daniel 12:7

Daniel 12:7 At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.

Ito (Daniel 12:7) ay tungkol sa kasuklamsuklam na paninira na magaganap sa loob ng 1260 days o 3 1/2 na taon. Hindi naunawaan ito ni Daniel kaya inulit ni Gabriel. Ano ang paliwanag?

Daniel 12:11 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naniniraay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.

Revelation 11:2 At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

At ang Revelation 11:2,3 ay tungkol din sa kasuklamsuklam na paninira na mababasa Luke 21:20,24 Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.
24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.

At ikonekta sa Luke 19:43,44 ang nasa Luke 21:20,24 at sinabi naman ng Panginoon na ito ang nakasulat sa aklat ni Daniel Matthew 24:15

At sa panahon na iyan ay darating na rin ang Anak ng tao...

Darating ang arkanghel Daniel 12:1 na sabi ay "AT THAT TIME"



Base sa larawan na kinumpirma mo na aral nga ito ng relihiyon ninyo na Seventh Day Adventist, ang nasa Daniel 8:14 ay natapos noong 1844 AD.

Basahin natin sa aklat ni Daniel kung ano ang magaganap sa loob ng 2300 days.

Daniel 8:9,11,12,13,14
9 At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain. 10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon. 11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak. 12 At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa. 13 Nang magkagayo'y narinig ko ang isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa? 14 At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario.

Tinatanong sa Daniel 8:13 kung gaano tatagal ang ang pangitain tungkol sa palagiang handog na susunugin at hukbo upang yapakan ng paa. At sinagot ito ng isa sa dalawang nag-uusap. 2300 days and nights ang isinagot.

Kaya malinaw na ang tungkol sa palagiang handog na susunugin at ng hukbo upang mayapakan ng paa ay tatagal at matatapos sa loob ng 2300 days and nights.

Kung ganon, sa aral ng SDA, ay naganap na hanggang 1844 AD ang tungkol sa paglaban sa Prinsipe ng mga prinsipe at pag-aalis ng handog na susunugin at ng hukbo upang mayapakan ng paa.

Ang aral nila ay kasinungalingan sapagkat ang pangyayaring ito ay sa panahon ng kasuklamsuklam na paninira kung saan ang pagbibigay sa kaniya ng hukbo upang yapakan ng paa ay tungkol sa Jerusalem na yuyurakan ng mga Hentil.

Sa aral ng SDA, sinasabi nila na ang nasa Revelation 11:2-3 ay naganap noong 538 AD hanggang 1798 AD, ang Revelation 11:2,3 ay nakapaloob sa 6th trumpet, Ngayon, pwede ko bang malaman kung kailan naganap ang pagpatay sa 1/3 ng sangkatauhan na nasa 6th trumpet din at ang iba pang trumpeta mula una hanggang ikaanim na trumpeta at ano ang mga katuparan nito?
http://www.thebereans.net/forum2/showthread.php?t=52601&page=4


3. Ayon sa aral ninyo, ang Revelation 11:2-3 ay ginamit ninyo at sinasabing naganap ito mula 538 AD hanggang 1798 AD. Ang Revelation 11:2,3 ay nasasakop ng ikalawang pagkaaba (Revelation 9:12 at Revelation 11:14) ng ikaanim na trumpeta, so, para malaman natin kung totoo na naganap ang nasa Revelation 11:2,3 noong 538 AD hanggang 1798 AD, kailan naganap ang una hanggang ikaanim na trumpeta BAGO ANG YEAR 538 AD? Paki summarize.
Sagot ng isang SDA:
Mali ang pundasyon ng tanong. Wala kaming sinasabi na ang Rev. 11:1-3 ay bahagi ng IKALAWA o IKATLONG pagkaaba. Wala akong sinasabing ganyan. Ang Rev. 11 ay isang panibagong hula. (Rev. 10:11) Hindi ito bahagi ng tatlong KAABAHAN. Kaya bakit ko ipapaliwanag yung mga trumpeta eh wala namang kinalaman yung Rev.11:1-3 dun. Ang Una at Ikalwang pagkaaba ay isinasalaysay sa Rev. 9, at pagkatapos ng pahayag sa IKALAWANG pagkaaba eh nagkaroon ng GAP sa Rev.10 at doon ay sinabi kay Juan na dapat siyang manghulang muli. So, separate prophecy ito. Pero tama ka, dahil yung Rev.11:1-3 ay patungkol sa MALIIT NA SUNGAY pero hindi nga yan kasama sa mga kaabahan.

Ang hirap kasi sa yo, nagtatanong ka ayon sa premise mo eh hindi naman namin aral yung premise mo. Dapat magtatanong ka doon sa premise na sinasabi ko. Hindi dun sa pagkakaintindi mo sa mga sitas. (Rule #4)
Iyan ang sagot ng isang SDA na nakadebate ko sa tanong ko. Panibagong hula daw ang Revelation 11:2,3 at hindi kasama sa ikalawang pagkaaba ng ikaanim na trumpeta. Mali po siya dito, sapagkat ang panahong tinutukoy dyan ay panahon ng dalawang saksi na ginamit nilang talata verse 3. Tandaan ninyo, DALAWANG SAKSI. Mula verse 1 hanggang verse 14 ay mababasa na walang pinaguusapan dito kundi ang dawalang saksi at pagdating sa verse 14 ay isinara na ang hangganan ng ikalawang pagkaaba. Samakatuwid, ang panahon ng dalawang saksi ay panahon ng ikalawang pagkaaba. Malinaw na ang aral ng SDA ay mali, taliwas sa katotohanan, aral ng mga bulaan at manlilinlang at mga mandaraya. Sapagkat, walang nangyaring paghihip ng una hanggang ikaanim na trumpeta bago ang 538 AD. Ang kanilang aral ay pawang haka-haka.

Revelation 11:2,3 2 At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad. 3 At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.
Sagot ng isang SDA:

e di patunayan mo na kasama sa IKALAWA or IKATLONG KAABAHAN yung REv.11:1-3. Mamimilipit ka ng kakabasa sa Biblia hindi mo mapapatunayang sakop ng 2nd or 3rd Woes yan.

Ang KAABAHAN (WOE) ay pagpaparusa ng Dios sa mga tao ng salibutan ( Rev. 8:13). Eh yung REv.11:1-3 hindi naman parusa pinag-uusapan dyan kundi yung mangyayari sa BAYAN NG DIOS sa kamay ng mga masasama. Kaabahan ba yan? Basa ka lang kasi ng basa hindi mo naman inaanalisa yung binabasa mo. 
Revelation 11:1-14
1 At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon. 2 At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad. 3 At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo. 4 Ang mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa. 5 At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan. 6 Ang mga ito'y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain. 7 At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin. 8 At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila. 9 At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing. 10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.
11
At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila. 12 At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway. 13 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit.
14
Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.

Malinaw na ang panahon ng dalawang saksi ay sa panahon ng ikalawang pagkaaba (ng ikaanim na trumpeta) at hindi panibagong hula. Mababasa na ang pansaradong salita sa verse 14 na maliwanag na nagpapatunay na ang Revelation 11:1-13 ay nasa panahon ng ikalawang pagkaaba. Hindi ito panibagong hula na hiwalay sa ikalawang pagkaaba sapagkat ang pansaradong pangungusap ay nasa verse 14 ng Revelation 11

Sagot ng isang SDA:
3. Sinong may sabi sa yo na walang batayan? Yung Ikalawang pagkaaba ay inilarawan sa Chapter 9, pagdating sa Chapter 10 huminto ang pangitain ni Juan tungkol sa pagkaaba, dahil may dumating na anghel at binigyan siya ng aklat na kinain naman niya. Pagkatapos ay sinabi sa kanya na "DAPAT SIYANG MANGHULANG MULI". Panibago na ito brad. Ano katunayan? Sa original Greek text, ang “AGAIN” sa Revelation 10:11 ay nangangahulugang “palin” (πάλιν) o “panibago”, “anew”. Mali ba yan? Tutol ka ba dyan? Panibagong hula yan na hiwalay sa pangitain ng PAGKAABA. Hindi naman kasi kaabahan yan eh. Yan ay pagyurak ng mga masasama sa bayan ng Dios. Ang kaabahan ay para sa mga masasama at hindi para sa bayan ng Dios. Alangan naman bigyan Niya ng KAABAHAN yung Bayan Niya? Mag-isip ka nga.
Original Word: πάλιν
Part of Speech: Adverb
Transliteration: palin
Phonetic Spelling: (pal'-in)
Short Definition: again, further, on the other hand
Definition: again, back, once more, further, on the other hand.
http://biblos.com/revelation/10-11.htm
http://strongsnumbers.com/greek/3825.htm

Pinanghula po muli (back) si Juan para doon sa pagpapatuloy ng ikalawang pagkaaba na natapos sa Revelation 9:21 dahil dumating anghel at inihayag ang tungkol sa ikapitong trumpeta, so, ang anghel ay bahagi ng ikaanim na trumpeta dahil inihayag niya ang tungkol sa ikapitong trumpeta at pinanghula "back" "further" si Juan tungkol sa ika-2 pagkaaba ng ika-6 na trumpeta. At kung ipagpapatuloy ang pagbabasa mula Revelation 11:1, ang pagtatapos ay mababasa sa Revelation 11:14 na ipinaiintindi ni Juan na iyon ang katapusan ng ikalawang pagkaaba.

Kaya sinabi kay Juan na manghula muli ay dahil naudlot o natigil ang kaniyang panghuhula tungkol sa ikaanim na trumpeta kaya pinanghula siya muli at ang kaniyang panghuhula muli ay pagpapatuloy ng ikaanim na trumpeta at ipinahayag ang pagtatapos sa talata 14. (Revelation 11:14)

Ayon sa SDA, magkaibang persona daw ang ikaapat na hari sa Daniel 11 at ang haring makikipagdigma sa Prinsipe ng mga prinsipe (Daniel 8) mali sila sapagkat ang nasa Daniel 8 at Daniel 11 ay parehong magaganap sa panahon ng kawakasan. Walang sinabi sa biblia tungkol sa dalawang persona na mag-aalis ng palagiang handog na susunugin at magbabagsak ng santuario sa iisang panahon, panahon pa man din ng kawakasan.

No comments:

Post a Comment