THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Argumento ng Pilosopo

Ito ay tungkol sa argumento ng tagasunod ni Eli Soriano at tinututulan niya ang sinasabi ko na ang armagedon at kasuklamsuklam na paninira. Pilosopo ang tanong niya. Nai-post ko ito upang kung makipagtalo ang isa sa inyo na ganito ang tanong, ang sagot ko ang isasagot ninyo.
 Ang Dating Daan member said:
Apokalipsis 16:16-19
"At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.

At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na: At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot. At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan. At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan. ."

Sinabi niya pareho ang nangyari sa Armagedon at kasuklamsuklam na paninira? Eh paano naging pareho yun kung nagbigay ng advise ang Anak ng DIos na tumakas ang nasa Judea sa mga bundok, eh HINDI NA NGA MASUMPUNGAN YUNG MGA BUNDOK! See? BASA!

Mateo 24:15-16
"Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea
"
Lalagyan ko ng color code para talagang bibliya ang mag-iinterpret. Pareho ba ang kasuklamsuklam na paninira at ang armagedon?

Isaias 13:9 ,10,13,19 Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon. 10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag. 13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,
19 At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.

Luke 21: 22,25,26 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; 26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

Isaias 34:4 At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
8 Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.

Apocalipsis 6: 12-17 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; 13 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin. 14 At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. 15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; 16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: 17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

At marami pang verse na magagamit upang maitugma ang mga ito sa propesiya ng Panginoon sa Mateo 24, Marcos 13 at Lucas 21 na doon ay mababasa din ang tungkol sa pagdilim ng araw buwan at mga bituin.
Sabi ng Panginoon sa Luke 21 "upang maganap ang lahat ng bagay na nangasusulat." At ayon sa Panginoon, mararanasan ito ng isang salinlahi.

Ang Tampalasan

2 Mga Taga Tesalonica 2:3 Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.

Iisa lang ang alam kong nagtatanyag ng kaniyang sarili tulad ng Dios. Ito ang binabanggit ng Panginoon na: luklukan ni Satanas Revelation 2:13 Pero marami ang sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios at sinasamba. Mabuting malaman kung kailan ang paglitaw ng anticristo.

2 Mga Taga Tesalonica 2:6-12
6 At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan. 
7 Sapagka't ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito. 
8 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin; 
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, 
10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. 
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: 
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.

Ang "tampalasan" ay ang ikaapat na hayop (Daniel 7) at ikaapat na hari sa Daniel 11 at kambing sa Daniel 8, at ito nga ay madaya. Ito rin ang may bilang 666, na ayon sa hula ay ibinigay ni satanas ang kaniyang kapangyarihan sa halimaw. Hindi sasablay kung sasabihin kong aabutan ng Panginoong Jesus (2 Mga Taga Tesalonica 2:8) ang paghahari ng tampalasan. Mahirap pagtugma-tugmain ito sa iisang panahon, ngunit walang imposible sa Panginoon. Hindi imposible, sapagkat iisang pangyayari, iisang panahon na katutuparan at iisa ang tinutukoy.

Ang kapangyarihan ni Satanas ay ibinigay (2 Mga Taga Tesalonica 2:9) sa tampalasan, na siyang may bilang 666.

Apocalipsis 13:1 4,5,11 - 1 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagatna may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.
4 At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya? 5 At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan. 11 At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.

Tungkol sa apat na pu't dalawang buwan na paghahari ng unang hayop ay pareho sa sinabi sa aklat ni Daniel (7:25, 9:27) na mababasa natin mamaya. Ang propesiya ni Daniel ay magkakapareho, ang ikaapat na hari sa Daniel 11 ay siya ring kambing ayon sa pangitain sa Daniel 8. Pansinin ang pagkakatulad ng Daniel 11:31 at Daniel 8:11 tungkol sa mangyayari. 

Daniel 11:31,32 At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga'y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira. 32At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan, ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya; nguni't ang bayan na nakakakilala ng kanilang dios ay magiging matibay, at gagawa ng kabayanihan.

Daniel 8:11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.

Alamin natin kung sino ang prinsipe na tinutukoy sa talata (Daniel 8:11) Ating binasa ay Daniel 11:31,32, basahin natin sa Daniel 11:22 At sa pamamagitan ng pulutong na huhugos ay mapapalis sila sa harap niya, at mabubuwal; oo, pati ng prinsipe ng tipan.

Hindi ko nga alam kung bakit ang arkanghel pa ang kailangang tumulong upang matalo ang pwersang ito. Marahil ay mga totoong diablo ang mga ito. Ang Panginoong Jesus sa 2 Mga Taga Tesalonica 2:8 ay tumutukoy sa arkanghel, sapagkat ang pangalan ng Panginoon ay isa. (Zechariah 14:9 At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

Si Pablo po ay hindi humigit sa mga isinulat ng mga propeta. Kung ano ang turo ng mga propeta ay iyon din ang itinuro nina Pablo at iba pang apostol.

Ano ang sinabi ng Panginoon, sa pamamagitan ni anghel Gabriel, kay Daniel tungkol sa anak ng kapahamakan? Ito ay katulad ng sinasabi sa 2 Mga Taga Tesalonica 2:4. Ang sagot ay mababasa sa Daniel 11:36,37, na ito ay ang ika-4 na hari ayon sa sinabi ni Gabriel kay Daniel.

Daniel 11:36,37- 36 At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; atsiya'y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin. 37 Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka't siya'y magmamalaki sa lahat. 

Sa panahong iyan ay darating ang arkanghel na si Miguel. Daniel 12:1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel ,na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat

Ang ama at ang anak ay iisa, at ang pangalan ng ama ay ibinigay sa anak. Kaya nga, (mga) anak ng diablo laban sa (mga) anak ng dios, ang cristo na tumanggap ng kapangyarihan sa daniel 7, ay nangangahulugang bayan ng dios ayon sa paliwanag ni Gabriel. Ang mga ito ang sinasabi nina Pablo na mga kasamang magiging tagapagmana ni Cristo.


Daniel 7:14,18 14 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.
18 Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man.

Ang binigyan ng kapangyarihan (Daniel 7:14) ay ang prinsipe ng tipan at prinsipe ng hukbo na nakasulat sa Daniel 11:22 at Daniel 8:11 na atin nang nabasa. Ang mga ito ay pareho rin sa Daniel 9:25:26. 

Daniel 9:25 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag. 26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na. 27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

Alamin pa natin ang katulad ni Pablo sa 2 Mga Taga Tesalonica 2:4 sa aklat ni Daniel pa rin at ito naman ay ang ika-apat na hayop sa pangitain ni Daniel. 

Daniel 7:21 Ako'y tumingin, at ang sungay ding yaon ay nakipagdigma sa mga banal, at nanaig laban sa kanila:
25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.


Ang ikaapat na hayop ay nanaig (Daniel 7:21) laban sa kanila na pareho sa Apocalipsis 13:11, pinagtagumpayan sila ng first beast. Katulad din ito ng nakasaad sa Daniel 11:22 na pati ang prinsipe ng tipan ay mabubuwal.

Tungkol isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon ay tumutukoy sa nakasulat sa Daniel 11:31,32 na kasuklamsuklam na naninira at ito rin sa panahon ng paghahari ng unang hayop na binanggit sa Apocalipsis 13:5. 

Sa unang kalahati ng 7 taon (Daniel 9:27) ay magaganap ang kasuklamsuklam na paninira, at sa natitirang 42 na buwan (na bubuo ng 7 taon) ay ang pagtatatak ng 666. Ang unang 42 buwan ay ang pagiging unang hayop sa Apocalipsis 13. Ang sumunod na 42 buwan ay sa bulaang propeta (pangalawang hayop) na gagawa ng larawan, at tatatakan ng 666 ang kaniyang mga tagasunod. Larawan na lang ang hayop ng itinatak niya ang mark of the beast. Sino ang pumalit sa kaniya? Siya rin. 7 taon bilang hayop tulad ng nangyari kay Nabucodonosor. Ang hayop na nakita ni Juan ay ang hayop na nakita ni Daniel na umahon sa dagat, ang ibig sabihin nito ay umahon sa kalaliman. Daniel 7:3 At apat na malaking hayop na magkakaiba ay nagsiahon mula sa dagatAng ikaapat na hayop sa Daniel 7 ay ang hayop sa Apocalipsis 17.

Daniel 7:24 At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari. 
25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

Apocalipsis 17:At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusongna may pitong ulo at sangpung sungay.
8 At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
11 At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito atsiya'y patungo sa kapahamakan.
12 At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.

Kaya paanong naging tama ang sinasabi ng relihiyong Seventh Day Adventist na ang Roma ay ang Dakilang Babilonia na siyang ikaapat na hayop sa Daniel 7? Ang ikaapat na hayop ay ang kaparehong sa hayop sa Apocalipsis 17 na napoot sa Dakilang Babilonia, kaya paano naging tama ang kanilang akala? Babilonia laban sa Babilonia? Hindi ba ito ay patunay na sila at ang mga katulad nila na nagbibintang ay mga bulaang propeta?

Apocalipsis 17:16,17
16 At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy.
17 Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios. 18 At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.


Ating basahin ang katulad na propesiya.

Ezekiel 16:37,38,39
37 Kaya't, narito, aking pipisanin ang lahat na mangingibig sa iyo, na iyong pinagkaroonan ng kalayawan, at lahat ng iyong inibig, sangpu ng lahat na iyong kinapuotan; akin ngang pipisanin sila laban sa iyo sa bawa't dako, at aking ililitaw ang iyong kahubaran sa kanila, upang kanilang makita ang iyong buong kahubaran.
38 At aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho.
39 Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay, at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako, at igigiba ang iyong mga mataas na dako, at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong magandang mga hiyas; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad.
41 At susunugin nila ng apoy ang iyong mga bahay, at maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa paningin ng maraming babae; at aking patitigilin ka sa pagpapapatutot, at ikaw naman ay hindi na magbibigay pa ng upa.


Basahin natin ang Apocalipsis 18:20

Apocalipsis 18:20 Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.

Pagkatapos na bumagsak ang Babilonia ay sinabi: inihatol ng Dios ang hatol (ng mga propeta) sa Babilonia. Mababasa sa aklat ng mga propeta ang hatol nila sa Babilonia. Ang mga aklat na nabuksan sa judgement day ay ang mga aklat ng mga propeta. Naroon ang mga hatol at ang dahilan kung bakit hinatulan, na ang halimbawa nga ay ang ating binasa sa Ezekiel 16.



Revelation 17:12 At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.

Ano tinutukoy na "isang oras" na gagawin niya (hayop) sa Dakilang Babilonia?

Revelation 18:17,19
17 Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
19 At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.

Kung ano ang naganap sa loob ng isang oras...

Revelation 18:2 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.

Dakilang Babilonia.



Gagawin sa kaniya ng hayop ay ang abomination of desolation. Ang Jerusalem ang pumatay sa mga propeta at mga banal. Ang katuparan ng "Jerusalem" ay ang US, na sa kaniya tinupad ang tungkol sa kasuklamsuklam na paninira. Pumatay ba ng mga banal ang US? hindi, ngunit inalis niya ang susi ng karunungan at sinasansala ang nagsisipasok. Hindi ba sa kanila nagmula ang mga bulaang propeta tulad nina Joseph Smith, Ellen G. White, Charles Russel at iba pa? Sila ang nag-alis ng susi ng karunungan at nagligaw sa mga tao. Sa kanila hihingin ang dugo ng mga banal at mga propeta.

Luke 11:47-52
47 Sa aba ninyo! sapagka't inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta, atang mga yao'y pinatay ng inyong mga magulang. 48 Kayo nga'y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang: sapagka't pinatay ng mga ito ang mga yaon, at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan. 49 Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin; 50Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan51 Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito. 52 Sa aba ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inalis ninyo ang susi ng karunungan: hindi kayo nagsipasok, at inyong sinasansala ang nagsisipasok.

Luke 13:33-34
33 Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem. 34 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo!

Mateo 23:37,38
37 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo! 38 Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.


Revelation 18:24 At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.

Jeremiah 51:49 Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel, gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain.


Ngayon, alamin natin ang katulad na hula ni Isaias tungkol sa sinabi ni Pablo sa 2 Mga Taga Tesalonica 2:8.

Isaias 11:1-5
At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:
2 At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;
3 At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:
Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.
At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang.

Ngayon ay nalaman din natin na ang sinasabi sa Isaias 11:1-5 ay matutupad sa muling pagparito ng Panginoong Jesus. Sino ang anak ng kapahamakan sa 2 Thessalonians 2? Sagot: Siya ay papasok sa templo ng Dios at magpapahayag na siya ay Dios, na ibig sabihin, siya ay diosdiosan. Ezekiel 5:11 diosdiosan sa loob ng templo ng Dios, na sanhi upang wasakin ng Dios ang kaniyang santuario. Siya ay diosdiosan kaya sa Revelation 13:14,15 ay iginawa siya ng larawan ng bulaang propeta.

Ezekiel 24:21 Salitain mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking lalapastanganin ang aking santuario, na kapalaluan ng inyong kapangyarihan, na nasa ng inyong mga mata, at kinahihinayangan ng inyong kalooban, at ang inyong mga anak na lalake at babae na inyong iniwan sa hulihan ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak.

Ezekiel 7:22 Ang aking mukha ay aking itatalikod naman sa kanila, at kanilang lalapastanganin ang aking lihim na dako: at mga magnanakaw ay magsisipasok doon, at lalapastangan..

Israel Flag

Oneness - Iisang Personang Dios Nagpapatotoo sa Sarili

Oneness said:

makikita mo dito na hindi sila hiwalay.

pero kung dito mo lang kukunin ang pagkakaintindi mo, di mo pa lubos maintindihan ito.


kaya nga establish muna natin kung ilan ang Dios mo.


at ituloy natin sa verse 19:

19 "Then they asked him, “Where is your father?”


“You do not know 
me or my Father,” Jesus replied. “If you knew me, you would know my Father also.”

dito, di ginamit ni JESUS ang "and" but "or". meaning either He or the Father are one and the same. singular ang effect.


at kung itutuloy pa natin:

“If you knew me, you would know my Father also.”


thus, they are One as what JESUS said the "I and the Father are one".

Ang sinasabi mo na sinabi ni Jesus na "Ako at ang Ama ay iisa" ay hindi nangangahulugang iisang persona sila. Dahil sa panalangin ni Jesus ay ganito ang sinabi niya:

Juan 17:21,22,23
21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.

Malinaw na ang pagiging isa ng Ama at ng Anak ay sa ganito rin pinag-iisa ni Cristo ang mga tao, iisang persona lang ba ang mga tao na pinag-iisa ni Jesus? Hindi kundi maarami na iisa tulad ng pagiging isa ng Ama at ng Anak. Kaya ang sinabi ni Jesus na: "Ako at ang Ama ay iisa" ay pareho sa pagiging isa ng mga sumasampalataya kay Cristo.

22 At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa

23 Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.

Juan 8:16,17,18,29
16 Oo, at kung ako'y humahatol, ang hatol ko'y totoo; sapagka't hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin
17 Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. 
18 Ako ang nagpapatotoo sa akin din, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin.
29 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; hindi niya ako binayaang nagiisa; sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.

Dito ay sinabi ni Jesus na dalawa silang nagpapatotoo at sinabi ni Jesus ng tungkol sa nasusulat na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. Kaya paano magiging tama ang sinabi ni Jesus na dalawa silang nagpapatotoo? Paano magiging tama ang sinabi ni Jesus? At isa pa, sinabi ni Jesus na hindi siya nagiisa na nangangahulugang na may iba pa bukod sa kanya at may kasama siya at magkaibang persona ang Ama at ang Anak.

Juan 16:32 Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.

Ilang beses na sinabi ni Jesus na hindi siya nagiisa kaya paanong magiging tama ang paniniwala ng tungkol sa pagiging isang persona ng Ama at ng Anak?

Juan 5:31 Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan. 

Malinaw na sinabi ni Jesus na kung siya ang nagpapatotoo sa kanyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan. Kung iisang personal na Dios ay siya rin ang nagkatawang tao at siya rin ang Ama, hindi magiging tama ang sinabi niya na kung nagpapatotoo siya sa kanyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan.

Malinaw na sinabi ni Jesus na hindi siya nag-iisa na nagpapatoo. At malinaw na iba pang persona ang Ama at iba pa ang Anak sapagkat sinabi ni Jesus na hindi siya nagiisa na nagpapatotoo.

Sinabi ni Jesus na kung siya ang nagpapatotoo sa kaniyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan.

Paano yon? Ang iisang persona na Dios na nasa kay Cristo ay siya ring iisang personang Dios na Ama. Ang iisang personang Dios (Ama at Anak isama na ang patotoo ng Espiritu Santo na nagpapatotoo kay Cristo) ay nagpapatotoo sa sarili niya. kung ganoon, ang patotoo ng iisang personang Dios ay hindi totoo sapagkat nagpapatotoo siya sa kaniyang sarili Juan 5:31
Oneness said:
hindi ibig sabihin yan na hindi totoo yan kung hindi ito ay magiging hindi katanggap tanggap ng nakakarinig. kasi kung ganun na lang ang pagkakaintindi mo, magiging hindi na rin katotohanan ang lahat na sasabihin Nya, di ba?


kagaya ng nangyayari sa sarili mo ngayon jeps. you cannot accept it. lalo na kung dito ka lang mag babase sa iyong pag-aaral sa Kanya.


kagaya nga ng sinabi Nya dito rin sa John 5 na (39) "You diligently study the Scriptures because you think that by them you possess eternal life. 
These are the Scriptures that testify about me, 40 yet you refuse to come to me to have life."

kasi ang Scriptures na tinutukoy ni JESUS ay hindi ang New Testament. It is the Old Testament. And JESUS is referring to the whole Scriptures that testified about Him. Who is He that the Scriptures is talking about, anyway? Is it not talking only about God?


Thus, when JESUS said that "These are the Scriptures that testify about me(JESUS)", it means that JESUS is God that the Old Testament refers to as the Father.


Indeed, "The sheep really hears the voice of the Shepherd". At nakakalungkot na merong akong mga kapatirang mga Filipino na hindi nakikinig sa Kanyang Boses.
Ke Old Testament Ke New Testament iisang persona ang pinanggalingan... At sino ang pinatototohanan? ang sarili niyang iisang persona at siya na rin ang nagsabing kung pinatototohanan niya ang kaniyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan.

Kanino nanggaling ang patotoo sa Old Testament hindi ba sa iisang personang nagsabing kung nagpapatotoo siya sa sarili ay hindi katototohanan ang kaniyang patotoo. Iyan ang Dios ng Oneness, nagpapatotoo sa sarili kaya hindi katototohanan ang kaniyang patotoo.

At kapag walang katotohanan sa kaniyang patotoo, ibig sabihin ay kasinungalingan ang sinasabi niya.

Juan 7:17,18
17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, okung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. 18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

Juan 8:44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

Iyan ang dios ninyo, iyan ang ama ninyo, nagsasalita sa ganang kaniya.

Juan 17:22 At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;

Ang mga tao na pinag-iisa ni Cristo tulad niya at ng Ama ay marami. Kung ang mga tao ay pinag-iisa ni Jesus tulad niya at ang Ama, iisang personang tao ang matitira kung pagbabatayan ay ang doktrinang oneness. Dahil ang paniniwala na pagiging isa ng Ama at ng Anak ay pagiging isang persona, kung gagawing isa ang mga tao tulad ng Ama at ng Anak, iisang tao ang matitirang tagasunod ng Dios.


 Ulitin ang John 7:18

John 7:18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

Cristo = humahanap ng kaluwalhatian ng nagsugo = iisang Dios
Ama na nagsugo = binibigyan ng kaluwalhatian = siya din ang iisang Dios.

So, malinaw na si Jesus na iisang Dios (ang Ama daw ang nagsasalita at gumagawa ayon sa oneness) ay humahanap ng kaluwalhatian ng walang iba kundi ng iisang Dios na siya din, samakatuwid, ang iisang Dios (jesus) ay humahanap ng kaluwalahatian ng sarili (iisang Dios)

Sino daw ayon sa Panginoon ang humahanap ng SARILING KALUWALHATIAN, maliwanag sa na ang nagsasalita (o nagpapatotoo) sa kaniyang sarili.

Ulitin natin ang John 8:44

John 8:44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

Maliwanag po ba?

Pasugo: Iglesia ni Cristo

Halina at magbasa ng Pasugo:

Sino daw ang nagtatag ng INK? Si Manalo o Si Cristo? At kanino manggagaling ang aral?

PASUGO Setyembre 1940, p. 1:
Dapat malaman ng lahat, ayon sa Bagong Tipan, ang tunay na INK ay si Cristo ang nagtatag nito."

Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK -1914?

Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

1.PASUGO Mayo 1967, 9.14:
Sa panahong ito ng mga wakas na Lupa na nagsimula sa unang Digmaang Pandaigdig ay tatawag ang Dios ng kanyang huling sugo upang itatag ang kanyang Organisasyon. Kung gayon ang INK na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay siyang Organisasyong Pinangunahan o Pinamahalaan ni Felix Manalo."

2. PASUGO Hulyo 1955, nasa panakip:
Iyon ang Iglesia ni Cristo na dapat pasukan ng lahat ng tao; at ang tanging sugo'y si kapatid na Felix Manalo."

3. PASUGO Hulyo 1952, p. 4:
Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

PASUGO Mayo 1961, p. 4, ay gantio ang isang bahagi na nasusulat:
At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo"

Sabi ko na nga ba at si Felix Manalo ay nagpapanggap na Cristo --jeproks21
--------------------------------------
1. PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."

2. PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."

3. PASUGO Agosto 1962, p. 9:
Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na kampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko."

read more

Image link

Sinasabi dyan sa Pasugo nila na si Felix Manalo ang tinutukoy sa hula ni Isaias sa chapter 41:4, si Felix Manalo daw ang HULI. Si Felix Manalo ay Dios. Basahin natin ang Isaias 41:4 at ituloy hanggang talata 9 at 10

Isaias 41:4,9,10
4 Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,
8 Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan;
9 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;
10 Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Diyos si Felix Manalo. Basahin natin ang katulad na hula.

Isaias 44:2,6
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.

Isaias 48:12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: Ako nga; ako ang una, ako rin ang huli.

Dios si Felix Manloloko. Malinaw na sinasabi ng Dios na siya ang huli. At ang mga hula ay pareho, hindi magkaiba.

Malinaw po sa isa nilang Pasugo (sa mas nauna ko ng post) na sinasabi na hindi si Jacob ang kinakausap ng Dios dahil malaon na daw itong patay, ayon nga kay Pedro Reyes Villanueva. Yung Jacob daw ay isang sugo o lider na magmumula sa Malayong Silangan... Sinabi ba kay Jacob na kinakausap: ikaw ang huli?



Ang Huling Sugong Pantubos sa Israel na Naging Kay Cristo
(Pamagat)Pasugo 1956
Pedro Reyes Villanueva

"Kung gayon, sa talatang 5 (Isaias 43) ay hindi na si Jacob ang kausap ng Dios, sapagkat si Jacob ay malaon nang patay, nang isulat ni propeta Isaias ang kanyang hula kundi ang sugo o lider ng Dios na magbubuhat sa Malayong Silangan." 
Hindi daw si Jacob ang kinakausap ng Dios sa Isaias 43:5 ayon sa kanilang pasugo dahil si Jacob daw ay malaon nang patay. At si Felix Manalo daw ay huling sugong pantubos ayon sa sub-title.

Sino naman kaya ang Jacob ang kinakausap dito?
Jeremias 30:10 Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.