THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Pagkamatay ng 1/3 ng Sangkatauhan

Paano ba namatay ang 1/3 ng sangkatauhan na sinasabi sa Apocalipsis 9:15?

Apocalipsis 9:15
15 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.

Ang oras at araw at buwan at taon na sinasabi dito ay noong 9/11/01 tragedy sa New York.

Ang 1/3 ng mga tao ay namatay o nawalan ng pag asa na malaman ang katotohanan ng ginawa ng Diyos noong 9/11.

Hindi nila nalaman na ito ang katuparan ng sinabi ng Panginoong Jesus sa Mateo 24:2

Mateo 24:2
2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.

Talagang madaming namatay na litiral noong 9/11 ngunit mas maraming namatay sa di pagkaalam ng katotohanan at ito ang mas nakakalungkot. Kasamang namatay ang Roman Catholic Church at iba pang sektang Cristiano sa di pagkaalam ng katotohanan.

As of 1999, 6 billion ang populasyon ng buong mundo (source: United Nation Population Division) at ang Christians ay may bilang na 2.1 billion (source: Encyclopaedia Britannica) Ang impormasyon na ito ay mula sa Time (For Kids) Almanac 2008. Sa makatuwid 1/3 ng populasyon sa buong mundo ay mga Kristiano.


Pie-chart



Image from: U.S. Center for World Mission
http://www.religioustolerance.org/worldrel.htm

Ang 1/3 ng sangkatauhan ay inilalarawan sa aklat ng Apocalipsis na mga bituin.

Apocalipsis 12:4
4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.

At ang mga bituin na ito ay siya ring mga bituin sa aklat ni Daniel.

Daniel 8:10
10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.

At ang 1/3 ng sangkatauhan na ito ang dadalisayin.

Zacarias 13:8,9
8 At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.
9 At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

Pero baka isipin ng ilan na yung nasa verse 8 ay sinasabing 2/3 ang mamamatay na kontra sa Apocalipisis 9:15 na 1/3 ang mamamatay. Hindi ito magkakontra dahil mga simbolo lamang ang mga ito. Sa Zacarias 13:8 ay ipinahihiwatig na ang mahihiwalay o mamamatay ay hindi kabilang sa mga dadalisayin sa apoy. Sa Apocalipsis 9:15, sila ang kabilang sa hula at hindi nakaalam ng katotohanan sa kaarawan ng pagdalaw, sa kaarawan ng Panginoon.

Lucas 19:44
44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.

Ezekiel 5:2,12
2 Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at susugatan mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin, at ako'y magbubunot ng tabak sa likuran nila.
12 Ang ikatlong bahagi mo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo; at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako, at magbubunot ako ng tabak sa likuran.

Tiniyak ang panahon, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa bagay na ito?

Lucas 21:20-22
20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.
21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

Ano ang nasa hula sa Apocalipsis tungkol sa taong mamamatay sa tabak, kagutom at salot?

Apocalipsis 6:7,8
7 At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.
8 At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Ituloy natin ang pagbasa hanggang sa ika 6 na tatak.

Apocalipsis 6:9,10
9 At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:
10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?

Ang paghihiganti sa dugo ng mga banal ang dahilan kaya sasapit ang tabak, kagutom, salot at mga mababangis na hayop sa ika 5 tatak. Ang dugo ng mga Martir ay natagpuan sa Babilonia.

Apocalipsis 18:24
24 At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.

At ito ay paghihiganti rin dahil sa kanilang mga kasuklamsuklam na diosdiosan.

Apocalipsis 9:20,21
20 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.
21 At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.

No comments:

Post a Comment