THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Ilang Mga Bagay Sa Aklat Ni Daniel at Apocalipsis




Makikita sa watawat ng ating bansang Pilipinas ang mga simbulo ng mga hula sa Daniel at Apocalipsis.

Daniel 7:7,20,24
7 Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya'y may sangpung sungay.
20 At tungkol sa sampung sungay na nangasa kaniyang ulo at sa isa na sumibol at sa harap niyao’y nabuwal ang tatlo sa makatuwid baga’y yaong sungay na may mga mata at bibig na nagasasalita ng dakilang mga bagay na ang anyo ay lalong dakila sa kay kaniyang mga kasama.
24 At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari.

Apocalipsis 17:8-14
8 At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
9 Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:
10 At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.
11 At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.
12 At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.
13 Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.
14 Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.

Ang tatsulok ng watawat ng Pilipinas ay sumisimbulo sa bilang na 10 (sampu) sa Daniel 7:20 at Apocalipsis 17:12. At ang tatlong nabuwal (Daniel 7:20) ay isinisimbulo ng tatlong bituin. Tatlong nabuwal at paglitaw ng ikaapat (Daniel 7:7). Ang ikaapat na hayop (sa Daniel 7:7) ay sinisimbulo ng araw. Ang walong sinag ay simbulo ng walong hari (Apocalipsis 17:11) kung saan ang ikawalo ay ang hayop na isa sa pito.

Image from: http://en.wikipedia.org/wiki/Seal_of_the_President_of_the_Philippines

Dirigmain nila ang Cordero (Apocalipsis 17:14) na sinasabi rin sa aklat ni Daniel.

Pansinin ninyo ang Daniel 7:9-14, ang kaharian ng Diyos ay dumating sa panahon ng ika-4 na hayop na ito. At ang ito rin ang panahong ibinigay sa Mesias ang kapangyarihan at kaluwalhatian at isang kaharian.

Daniel 7:9-14
9 Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo at ang kanyang suot ay maputing parang niebe at ang buhok ng kanyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liyab ng apoy.
10 Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kanya, at makasampung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.
11 Ako’y tumingin nang oras na yaon dahil sa tinig ng mga dakilang salita na sinasalita ng sungay; ako’y tumingin hanggang sa ang hayop ay napatay at ang kanyang katawan ay nagiba at siya’y nabigay upang sunigin sa apoy.
12 At tungkol sa mga nalabi sa mga hayop, ang kanilang kapangyarihan ay naalis: gayon ma’y ang kanilang buhay ay humaba sa isang kapanahunan at isang panahon.
13 Ako’y nakakita sa pangitain sa gabi at narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao at siya’y naparoon sa matanda sa mga araw at inilapit nila siya sa harap niya.
14 At binigyan siya ng kapangyarihan at kaluwalhatian at isang kaharian upang lahat ng mga bayan, bansa at mga wika ay mangaglingkod sa kanya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan na hindi lilipas at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.

Mapapansin na ang ika-apat na hayop na ito ay siya ring bulugang kambing sa Daniel 8:8

Daniel 8:8
8 At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam at nang siya’y lumakas, ang malaking sungay ay nabali at kahalili niyao’y lumitaw ang apat na marangal na sungay sa dako ng apat na hangin ng langit.

Bilang katibayan ay basahin natin sa talata 25 ng Daniel 8.

25 At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal hindi ng kamay.

Ipinakikita dito na ang prinsipe ay lalabanan niya na ang ibig sabihin ay nandoon na ang prinsipe ng mga prinsipe o dumating na.

Kung ganon, ang haring ito ay siya ring masamang hari na sinasabi sa Daniel 11:21.

Daniel 11:21
21 At kahalili niya na tatayo ang isang hamak na tao, na hindi nila pinagbigyan ng karangalan ng kaharian: nguni’t siya’y darating sa panahong katiwasayan at magtatamo ng kaharian sa pamamagitan ng daya.

22 At sa pamamagitan ng pulutong na huhugos ay mapapalis sila sa harap niya, at mabubuwal; oo, pati ng prinsipe ng tipan.

Kung itutuloy ang pagbasa sa Daniel 12:1 ay malalaman natin na sa panahon ng haring ito ang panahon ng pagdating ni Miguel.

Daniel 12:1
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa’t isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

Ang haring ito (Daniel 11:21) ay ang ika-4 na hari sa pagdating ng arkanghel.

Daniel 11:1,2
1 At tungkol sa akin, nang unang taon ni Dario na taga Media, ako'y tumayo upang patibayin at palakasin siya.
2 At ngayo'y aking ipatatalastas sa iyo ang katotohanan. Narito, tatayo pa ang tatlong hari sa Persia; at ang ikaapat ay magiging totoong mayaman kay sa kanilang lahat: at pagka siya'y lumakas sa kaniyang mga yaman, ay kaniyang kikilusin ang lahat laban sa kaharian ng Grecia.

At ang isa pang maiuugnay ay ang rebulto sa panaginip ng hari.

Daniel 2:1,31-35,40,44

1 At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.

31 Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot.
32 Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso,
33 Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto.
34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag.
35 Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.

40 At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.

44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.

Ang ika apat na hayop na ito sa Daniel ay ang hayop sa Apocalipsis 13.

Daniel 7:25
25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

Apocalipsis 13:5,6
5 At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan.
6 At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.

Ang isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon sa Daniel 7:25 ay pareho sa apat na pu't dalawang buwan. Katumbas ito ng tatlo at kalahating taon. Ang pangalawang hayop sa Apocalipsis ay nagbigay ng hininga sa larawan ng unang hayop. Sino siya?

Apocalipsis 13:14,15
14 At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.
15 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.

Kailan ba magaganap ang pangitain tungkol sa kambing at ikaapat na hari?

Daniel 8:19 (kambing)
19 At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan.


Daniel 11:31,40 (ikaapat na hari)
31 At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga'y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira.40 At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.

Ayon sa ating binasa, sa aklat ni Daniel, ang kasuklamsuklam na paninira sa panahon ng ikaapat na hari ay magaganap sa panahon ng kawakasan. Kailan ba ang panahon ng kawakasan?

Zefanias 1:14,15,16
14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,
16 Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.

Kaya ang pagdating ni Miguel sa panahon ng kabagabagan ay tumutugma sa panahon ng kawakasan at ito ang sabi (Zefanias 1:14) ay sa kaarawan ng Panginoon. Basahin nating muli ang Daniel 12:1

Daniel 12:1
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

Ang "panahong yaon" ay tumutukoy sa panahon ng ikaapat na hari (o maaaring sa apat) sa panahon ng kawakasan.

Kailan ang panahon ng kahapisan (Zefanias 1:15) ayon sa Panginoong Jesus?

Lacas 21:22,23
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

Ang hayop na ito ay ang anak ng kapahamakan o ang Suwail.

2 Tesalonica 2:2,3,4,8,9
2 Upang huwag kayong madaling makilos sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon;
3 Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.
8 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,

1Timoteo 2:14
14 At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;

Kaya natitiyak natin na ang babae ang may bilang 666 dahil siya (ang babae) ang sumalansang sa Diyos at hindi ang lalake.

Sa Daniel 9 ay sinasabi ang tungkol sa 490 taon. Nakapaloob dito ang pagdating ng prinsipeng pinahiran. Sinasabi rin dito ang tungkol sa tatlong taon at kalahati (42 buwan o sanglinggo, mga sangglinggo at kalahati ng sanglinggo)

Daniel 9:24,25,26,27
24 Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalbanalan.
25 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag.
26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.
27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

No comments:

Post a Comment