THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Natupad Ang Hula

Tingnan natin kung ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa dalawang talata ng biblia (Daniel 12:7 at Pahayag 10:7) na may kinalaman pareho sa Kasuklamsuklam na Paninira.

Lucas 21:22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

Ang talata sa Lucas 21:22 ay tungkol sa Kasuklamsuklam na Paninira na sinasalita ni Jesus.

Pahayag 10:7 Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.

Daniel 12:7 At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.

Paghambing hambingin, ito ay tumutukoy sa isang pangyayari, ang Kasuklam suklam na Paninira.

*Kasuklamsuklam na Paninira- kaya mababasa na "Paninira" dahil ang sinasabi dito ay ang "paninira" na magreresulta ng "walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato"

Ang nasa ibaba ay mga pangyayari na mag uugnay sa sinabi ni Jesus at ng mga anghel sa Daniel at Pahayag.




Ito ang interpretasyon ko sa Mateo 1:17 na tungkol sa 14 na salinlahi. Kapag in-add pababa o pakanan ang mga numero ang sagot ay 14. At kapag in-add naman ang nasa parehong side ng apat na grupo, ang sagot pa rin ay 14. Sa Ezekiel 10:13 ay may binanggit na 4 na gulong at iyon ay parang 88. Ang 88 ay bilang ng konstelasyon (88 Constellations). Ang 88 ay pwedeng X X o 2 hourglass. Ang X X ay makikita sa magkabilang gilid ng Star of David. Ang isang X (hourglass) ay may 12 oras katulad ng nakikita ninyo sa larawan sa itaas. Magkaiba sila ng ikot dahil sila ay liwanag at dilim 12:00AM-6:00AM sa dilim sa "AM" 6:00AM-12:00PM para sa liwanag sa "AM"
Para hindi kayo malito eh heto ang isa pang larawan.



Magkaiba ang liwanag ng "AM" at "PM" at mapapansin iyon sa mga tatsulok nila. ang mga bilang 1,3 at 5 ng "AM" (clockwise) ay may tatsulok na pataas samantalang ang 1,3 at 5 ng "PM" (clockwise) ay may tatsulok na pababa. Tingnan natin ang araw na ilaw ng sanlibutan, sa umaga ay pataas at sa hapon ay pababa.

Ito ay base pa rin sa Mateo 1:17 kung saan ay nabigyan ko na ng maayos na interpretasyon sa aking mga naunang pahayag. Tinutukoy dito na ang Babilonya ay nasa ika-14 na salinlahi. Sa ngayon at sa nagdaan ay hindi na sakop ng Babilonya (Iraq) ang Israel. Pero sa biblia ay tinatawag na Babilonya ang kaaway ng Diyos. Bakit tinawag na Babilonya (Revelation 17) ang dakilang patutot? At sino o ano siya?

Ang pagkakakilala ko sa kanya ay isa siyang babae dahil ang planetang Venus na tala sa umaga ay pangalan ng babae kung saan ang Babilonya ay tinawag na "tala sa umaga" (Isaias 14:12). Ang babae sa loob ng efa (Zacarias 5:7-11) ay dadalhin sa lupain ng Shinar o Babilonya sa Magandang Balita Biblia at ang Reyna ng Kahalayan sa Pahayag 17 ay pawang mga babae. Ang sinasabi sa Mateo 1:17 tungkol sa Babilonya ay naganap na ngunit ang Babilonya sa Pahayag ay sa mga katapusan ng panahon.

Ganito ang sinasabi sa Ecclesiastes 3:15
15 Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.

Ang mangyayari pa ay nangyari na rin, malinaw. Kaya ang 14 salinlahi ng Babilonya (Mateo 1:17) ay uulit lamang. Kaya sino ang kinatuparan nito sa panahong ito?

Siya ay babae. Ang pangalan niya ay may 6 na letra, ang apelyido niya noong dalaga ay may 9 na letra at ang apelyido niya ngayon ay 6 na letra. May bilang siyang 696 kung ganon! Ang 666 sa biblia ay simbolo lang at di litiral.

Siya ay lider ng isang bansa na naupo bilang presidente noong (January 20) 2001. Sa Daniel 9:20-27 ay may binangit na 490 taon kung ito ay mauulit din gaya ng sinabi sa Ecclesiastes 3:15 sa Pilipinas ay nagsimula ito noong 1521 nang dalhin ni Magellan ang kristianismo dito sa bansa. At ang ika 490 taon nito ay sa 2011 kung kailan ang ika 10 taon nitong may bilang 696 ay matatapos. Hanggang 2010 lang siya pero pumasok na siya sa bitag nang ang dalawang hari sa Daniel 8 (sungay ng tupa) ay inagawan niya ng kapangyarihan. Sina Fernando Poe Jr  at  Joseph Estrada.

Meron siyang 24 na mga senador na itinulad sa 24 elders sa harap ng Diyos. Naging 24 ito simula noong 1986 (Saligang Batas ng 1987) nang maupo ang unang babaeng lider ng bansang iyon. Kaya nga sa Daniel 7 ay tinawag silang 4 na hayop. Ang 10 hari (Revelation 17) ay naghari na simula kay Emilio Aguinaldo hanggang kay Ferdinand Marcos. At siyang paglitaw ng 4 na halimaw na buhay pa hanggang ngayong November 2008.

Ang babaeng ito ay nakapagtatak ng kanyang bilang 696 sa pagitan ng araw ng kamatayan at libing ni Pope John Paul II na siyang ika 3 1/2 na taon simula noong 9/11 na simula ng pagbibilang ng 1290 araw sa Daniel 12.

Ngayon, sinasabi sa Ecclesiastes 3:15 na ang mangyayari pa ay nangyari na kaya ibig sabihin ay tama ang kasabihan na "history repeats itself"

Ngayon, sa Mateo 1:17 ay malalaman natin na ang Babilonya ay dumating sa ika 14 na salinlahi mula kay David. Kung ganon ay makikilala ang Babilonya (dakilang patutot) ng Pahayag 17 sa ika 14 na bilang.

Itinatak ng babaeng ito ang kanyang tatak 696, na katuparan ng 666, sa pagitan ng araw ng kamatayan ni Pope John Paul II kung kailan walang tanglaw ang mga bansa. Ang 696 ay mula sa kanyang araw ng kapanganakan noong April 5, 1947 hanggang April 2-8, 2005 (kamatayan at libing ni Pope John Paul II). 58years multiply by 12 is equal to 696 months. Bukod sa bilang ito ng kanyang pangalan Gloria(6) Macapagal(9) Arroyo(6).

Ang araw ng libing ni Pope John Paul II noong April 8, 2005 ay isang dakilang araw dahil ito ay katuparan ng pangako ng anghel sa Daniel 12:11

Daniel 12:11 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.

Kaya maliwanag na ang simula ng pagbibilang ng 1290 araw o 3 1/2 taon ay simula pagtayo ng kasuklamsuklam na naninira. Kailan ito nagsimula? Ito ay nagsimula noong 9/11 terror attack sa New York at nagtapos noong 4/8/05 na araw ng libing ni PJP2. Kung bibilangin natin ang mga araw mula 9/11 hanggang 4/8/05 ay magkakaroon tayo ng 1305 na araw. Ang 1290 ay 43 buwan. 9/11/01 to 4/8/05 ay 43 buwan din. Sa Revelation 11:3 ay may binanggit na 1260 na araw, kaya 1305-1260=45 na araw na gaya naman ng nasa Daniel 12:11,12 na 1335-1290=45 na araw din. Ang naganap noong 9/11 ay katuparan ng hula ni Jesus sa Mateo 24:2 na walang maiiwang bato... At ang 4 na eruplano noong 9/11 ay katumbas ng 4 na anghel sa Revelation 9:14,15 at ang ORAS, ARAW, BUWAN at TAON sa Revelation 9:15 ay walang iba kundi 9/11/01. Inilibing si Pope John Paul II nang 2:30 PM, sa oras na iyon ay 8:30 AM sa New York sa parehong araw na malapit sa 8:45 AM noong 9/11 nang salpukin ng unang eruplano ang building ng WTC.

Ang paglalagay ng tatak na 696 ay naisagawa ng hindi napigilan kundi at natupad ang hula. Kung kailan walang lider ang simbahan ay saka naisagawa ang pagtatatak.

Naganap ang paghihip sa ika 6 na trumpeta sa panahon ni Pope John Paul II.

Sa Daniel 12:7 ay may isang lalaki na nanunumpa at sa kanyang sumpa ay sinabi niya na pagkatapos ng 3 1/2 na taon, pagkatapos mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ANG LAHAT NA BAGAY NA ITO AY MATATAPOS. Ang anghel sa Revelation 10 ay nanumpa ring gaya ng nasa Daniel 12 at heto po ang talata Revelation 10:7 "Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta". Tamang tama po ito nang higit sa aking inaasahan. Balikan po natin ang Daniel 12:7 sabi po ay pagkatapos ng 3 1/2 na taon, ngayon, sabi ko eh sa panahon ni Pope John Paul II naganap ang paghihip ng ika-6 na trumpeta. Kung ganon, ang paghihip sa ika-6 na trumpeta ay nagsimula noong 9/11 terror attack (Rev 9:14,15) at nagtapos noong April 8, 2005 na araw ng libing ni Pope John Paul II. Kung sasabihin kong si Pope John Paul II ang ika-6 na anghel na humihip ng trumpeta ay lalong tatama ang sinasabi ko. Sapagkat kapag malapit nang humihip ang ika 7 trumpeta (Pope Benedict XVI) ay ganap na ang hiwaga (Rev 10:7) na sabi sa Daniel 12:7 ay pagkatapos ng 3 1/2 na taon. Sa Daniel 12:11 ay sinasabi na ang simula ng pagbilang ng 1290 araw o 3 1/2 taon ay simula sa pagtayo ng Kasuklamsuklam na Paninira (Kalapastanganang Walang Kapantay) at ito ay naganap noong 9/11/01 terror attack sa New York.

Sino ba talaga ang makapangyarihang anghel sa Pahayag 10:1? Siya si Miguel arkanghel. Darating si Miguel sa "panahong iyon" o "pagkakataon iyon" na gaya ng sinasabi sa Daniel 12:1

At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

Darating si Miguel sa "panahong yaon" (hindi sinasabi kung habang nagaganap o bago o pagkatapos ng Kasuklamsuklam na Paninira) pero ang sabi ay sa panahon yaon. Ito ay sa panahon ng apat na hari sa Daniel 11. Ang panahong sakop ng ikaapat na hari ay panahon ng kawakasan. At sakop din niya (ng ikaapat na hari sa Daniel 11) ang panahon ng kasuklamsuklam na paninira.

Daniel 11:31,40
31 At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga'y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira.
40 At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.

Tugma ito sa hula ni st Malachy. Kung sasabihin kong si Pope John Paul II  ang ika-6 na anghel na humihip ng trumpeta, siempre, si Pope Benedict XVI naman marahil ang ika-7 anghel na hihihip ng trumpeta. Kung ang trumpeta ay hanggang kay Pope Benedict XVI at sino naman si Petrus Romanus? Siya si arkanghel Miguel.

Si Miguel ang Anak ng tao na ipinahihiwatig ni Jesus. Ang Mateo 24:15-21 (basahin din sa Lucas para higit na maunawaan) ay nagsasabi na makikitang nagaganap ang Kasuklam suklam na Paninira pero ang dapat pansinin ay kung ano pa ang meron sa panahong iyon. Ito rin ang panahong pagdating ni Miguel, hindi ba? Sa Mateo 24:21 ay sinasabi na ang matinding kahirapan ay HINDI PA NARARANASAN KAILANMAN at HINDI NA MAUULIT. Ngayon kung ang sinasabi sa Mateo 24:21 ay nangyari na, paano naman ang sinasabi sa Daniel 12:1 na "HINDI PA NANGYAYARI"? Ibig bang sabihin ay mali na ang nasa Daniel 12:1 kung nangyari na ito noong 70 AD kaya??? Hindi na nga daw mauulit ang sabi sa Mateo 24:21. Paalala lang po na hindi pwedeng paghiwalayin ang mga talata sa Mateo 24:15 hanggang 21.

Take Note: Kung sa Lucas po ninyo babasahin, mauunawaan ninyo na ang sinasabi sa Mateo 24:2 ay siya ring nasa Mateo 24:15.

Paano naging si Miguel ang Anak ng tao? Pahahabain ko pa ba? Siempre, ang kanyang Ama na si Jesus ay nagkatawang tao. Anak ng tao means Anak ni Jesus. Pero hindi "anak ng laman" anak sa pagiging mabuting halimbawa ang ibig kong sabihin. Kung paanong ang kay Cristo ay naging binhi ni Abraham ay ganon naging anak ni Jesus si Miguel. Si Miguel ang Anak ng tao na sinasabi ni Jesus lalo na sa Mateo 24.

Apocalipsis 13:5
5 At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan.
Ang nasa Apocalipsis 13:5 (iba sa Apocalipsis 11:2,3) ay pagkatapos ng unang 3 1/2 taon (Apocalipsis 11:2) Ang kasunod na 3 1/2 na taon (Apocalipsis 13:5) ay bubuo sa 7 taon o sanglinggo (Daniel 9:27)

Okey, heto ang eksaktong 1260 days na sinabi sa biblia. Sinabi ko na naitatak ng may bilang 696 (Gloria) sa pagitan ng araw ng kamatayan at libing ni Pope John Paul II. Naitatak ito sa araw ng kanyang kaarawan (April 5, 2005) kaya ang unang araw na may tatak ay April 5, 2005 na unang araw. April 6, 2005 ikalawa.... hanggang September 15, 2008 na ika 1260 na araw. Noong September 15, 2008 ay kinumpirma ang pagbagsak ng LEHMAN na nagtrigger sa World Financial Crisis.

Lehman Brothers filed for Chapter 11 bankruptcy protection on September 15, 2008. According to Bloomberg, reports filed with the U.S. Bankruptcy Court, Southern District of New York (Manhattan) on September 16th indicated that J.P. Morgan provided Lehman Brothers with a total of $138 billion dollars in "Federal Reserve-backed advances." The cash-advances by JPMorgan Chase were repaid by the Federal Reserve Bank of New York for $87 billion on September 15th and $51 billion on September 16th.[15]

http://en.wikipedia.org/wiki/Bankruptcy_of_Lehman_Brothers

Pagbilang ng mga Taon sa Daniel 9

1521 AD to 2011 AD (490 taon na nakasulat sa Daniel)

1521+434+49= 2004 AD (taon kung kailan "nandaya" si GMA)

1521 + 434= 1955 AD (pagkatapos ng 7 taon ng kalayaan ng Israel)

2008+10=2018 (10 taon bago ang 70th year Independence ng Israel)

2001 t0 2011 (10 taon mula 9/11 terror attack)

2011 to 2018 ay may 7 taong pagitan bago ang ika-70 taon ng kalayaan ng Israel.

2005-ang prinsipe ay nawalan ng anoman (naitatak ang 696)

2008 world financial crisis

2004-umpisa ng 7 huling taon ng 490 taon.

Taong 2005: Taon ng Pagtubos

Ano ang katunayan na ang taong 2005 ay tugma sa sinasabi ng biblia?

Sa Levitico 25:9,10 ay ganito ang sinasabi:
9 Kung magkagayo'y maguutos ka na lumibot sa bayan ang pakakak na matunog sa ikasangpung araw ng ika pitong buwan; sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak sa buong lupain ninyo.
10 At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain
: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pag-aari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan.

1948-ito ang ika-50 taon ng kalayaan ng Pilipinas at ito rin ang taon ng ihayag ang kalayaan (1948) ng bansang Israel.

Balikan natin ang Daniel 9 tungkol sa 490 taon. Mapapansin na hinati ang 490 taon (434,49 at 7) sa tatlo. Para saan yung 49 na taon? Ito na nga ang sinasabi sa Levitico 25:9,10.

Nagsimula ang 490 taon simula 1521 ng dalhin ni Magellan ang Kristianismo sa ating bansa.

1521+434=1955

1955+49=2004

Kaya ang ika-50 taon mula 1955(7 taon mula sa kalayaan ng Israel) ay sa 2005.

Kung ganon, ang taong 2005 ang taon ng pagtubos (Lev 25:9,10) na sinasabi rin sa Isaias 61:1,2

Isaias 61:1,2
1 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
2 Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis

At ano naman ang sinasabi ni Jesus tungkol dito?

Lucas 21:22,28
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.

Katibayan na si Miguel ay si David sa Hula

Sino Si David?
Daniel 12:1
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula ng magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawat isa na masusumpungan sa aklat.

Jeremias 30:7,8,9,21
7 Ay! sapagkat ang araw na yaon ay dakila, na ano pa’t walang gaya niyaon: na siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob: ngunit siya’y maliligtas doon.
8 At mangyayari sa sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kanyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:

Heto ang sagot:

9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila; at aking palalapitin siya, at siya’y lalapit sa akin: sapagkat sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Kung pag-aaralan mong mabuti, si Jesus ay hindi si Miguel. Dahil si Miguel ay magmumula sa gitna nila sabi sa talata 21. Sinasabi sa Mateo 24 na hindi pa nangyayari kailanman ang malaking kapighatian, kung si Jesus ay si Miguel, mali yung sinabi ni Jesus na hindi pa nangyayari kailan man, idagdag pa na hindi na mauulit ang sabi.

Magmumula sa gitna nino si Miguel?


Sa gitna ng relihiyong kabilang sa lahi ni Abraham. May patotoo (prophecy of the Popes ni st Malachy) ang simbahang Katoliko. At pinatototohanan din ni Miguel.

Tatlong Pangunahing Bayan

Israel- na mula kay Abraham 2000 BC
*Espiritu- may patotoo ng Diyos

Simbahang Katoliko- mula sa Panginoon 2000 years ago
*Tubig- may bautismo at kaanib sa Roman Catholic Church

Pilipinas- handog (present) 2000 years pagkatapos kay Jesus
*Dugo- anak ng babae sa Pahayag 12

*ang tatlong nagkakaisa sa patotoo (kung hindi kumpleto ang tatlong ito huwag ninyong tanggapin kung ipakilala niya ang kanyang sarili bilang Miguel na siyang Anak ng Diyos)

1 Juan 5:8
8 Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.

Mga Magaganap sa Panahon ni Miguel

Apocalipsis 6:12-17
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
13 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
14 At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:
17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Kailan ba magaganap ang mga tanda sa araw, buwan at mga bituin?


Hagai 2:21-23 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa 22 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa at aking guguluhin ang mga karo at yaong nagsisisakay sa mga yaon at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog ang bawat isa’y sa pamamagitan ng tabak ng kanyang kapatid. 23 Sa araw na yaon sabi ng Panginoon ng mga hukbo kita’y kukunin oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon at gagawin kitang pinaka panatak; sapagkat pinili kita sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

“Aking uugain ang lupa at ang langit” Hagai 2:21 ay pareho lang sa: “aking panginginigin ang mga langit at ang lupa” sa Isaias 13:13.

Giniba ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa (Hagai 2:22) noong 9/11 terror attack sa New York.
Ganito ang sabi sa Isaias 13:9,10,13
9 Narito ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit upang gawing kagibaan ang lupa at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.
10 Sapagkat ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kanyang pagsikat at hindi pasisilangin ng buwan ang kanyang liwanag.
13 Kaya’t aking panginginigin ang mga langit at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.

Pansinin ang talata 13 “kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.”

Pareho lang sa sinasabi sa Pahayag 6 talata 17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?


Ano naman ang sinasabi ni Jesus tungkol dito?

Mateo 24:29 Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

Ito ay tugma sa Apocalipsis 6:12,13. Kung itutuloy ang pagbasa sa Mateo 24 talata 30, ang makikitang tanda sa langit ay sa Anak ng tao.

Mateo 24:30 At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng angkan sa lupa at mangakikita nila ang Anak ng tao na napariritong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Kung ganon ang anghel sa Apocalipsis 7:2-3 ay ang Anak ng tao.
At kung ganon, ang Zorobabel na sinasabi sa Hagai 2:23 na gagawin panatak ay ang Anak ng tao.

Wala nang iba pang magaganap pagkatapos ng tanda sa langit (Mateo 24:29 at Apoalipsis 6:12,13) at ang kasunod na ay ang tanda at pagpapakita ng Anak ng tao.

Nota:
Sa pagitan ng ika-6 na tatak, trumpeta at mangkok ng poot ay nandoon ang pahiwatig na pagdating ng Anak ng tao.


Ano ba ang katumbas ng apat na anghel sa Pahayag 7:1?

Pahayag 7:1
1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.

Ang katumbas ay nasa Mateo 24:31

Mateo 24:31
31 At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.

At makikita na ang mga hinirang mula sa lahat ng lipi sa buong mundo ay magkakasama.

Pahayag 7:9,14
9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;
14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

Ang malaking kapighatiang tinutukoy sa Pahayag 7:14 ay siya ring malaking kapighatian sa Mateo 24:21

Mateo 24:21
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Tingnan natin ang pagkakatugma ng mga talata sa ibaba.

Daniel 12:1
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

Jeremias 30:7-9,21
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
8 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Joel 2:2,10,11
2 Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.
10 Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap;
11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan?

Mateo 24:21,29,30
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
30 At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Sa Malakias 4:5,6 ay ganito ang sinasabi:
5 Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
6At kanyang papagbalikingloob ang puso ng mga ama sa mga anak at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang baka ako’y dumating at saktan ko ang lupa.

Malakias 3:1
1 Narito, aking sinusugo ang aking sugo at siya’y maghahanda ng daan sa harap ko at ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang paroroon sa kanyang templo at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya’y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
2 Ngunit sino ang makatatahan sa araw ng kanyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya’y pakikita? sapagkat siya’y parang apoy ng mangdadalisay at parang sabon ng mga tagapagpaputi.

Balikan natin:
Mal 3:2“sino ang tatayo” (pagka siya’y pakikita)
Apocalipsis 6:17 “sino ang makatatayo” (kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero)


Ang Elias na sinasabi sa Malakias 4:5 ay ang arkanghel sa
1 Tesalonica 4:16 Sapagkat ang Panginoon din ay bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel at may pakakak ng Diyos at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli.

Jeremias 30:7
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.

Jeremias 46:10
Sapagka't ang araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.

Ang mga talata sa itaas ay karaniwang mababasa na may kaugnayan sa "Araw ng Panginoon" at ito ay sinasabing "Dakila at Kakila kilabot na araw" gaya ng sinasabi sa Joel 2:31

© Copyright 2008

No comments:

Post a Comment