THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Tabak, Kagutom at Salot

Ito ay para doon sa nagsasabing ang ika-4 na tatak ay nangyari sa isang panahon. Sila yung mga naniniwala na ang Cristo ay taong tao lang talaga. Hindi katakataka na magpaliwanag sila ng mali sa mga hula sa biblia dahil ang espiritu nila ay sa tao at hindi sa Diyos.

Apocalipsis 6:7,8
7 At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.
8 At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Jeremias 16:4,6
4 Sila'y mangamamatay ng mga mabigat na pagkamatay: hindi sila pananaghuyan, o ililibing man sila; sila'y magiging parang dumi sa ibabaw ng lupa; at sila'y mangalilipol ng tabak, at ng kagutom; at ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.
6 Ang malaki at gayon din ang maliit ay mangamamatay sa lupaing ito; sila'y hindi mangalilibing, o tataghuyan man sila ng mga tao, o magkukudlit man o mangagpapakakalbo man dahil sa kanila;

Jeremias 25:33
33 At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa.

Jeremias 24:10
10 At aking pararatingin ang tabak, ang kagutom, at ang salot, sa gitna nila, hanggang sa sila'y mangalipol sa lupain na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga magulang.

Jeremias 21:5-9
5 At ako sa aking sarili ay lalaban sa inyo na may unat na kamay at may malakas na bisig, sa galit, at sa kapusukan, at sa malaking poot.
6 At aking susugatan ang mga mananahan sa bayang ito, ang tao at gayon din ang hayop: sila'y mangamamatay sa malaking pagkasalot.
7 At pagkatapos, sabi ng Panginoon, aking ibibigay si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga lingkod, at ang bayan, at yaong nangaiwan sa bayang ito na mula sa pagkasalot, mula sa tabak, at mula sa gutom, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: at kaniyang susugatan sila ng talim ng tabak; hindi niya patatawarin sila, o panghihinayangan man, o kaaawaan man.
8 At sa bayang ito ay sasabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng kabuhayan at ang daan ng kamatayan,
9 Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng tabak at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas at kumakampi sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo, siya'y mabubuhay, at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakahuli.

Jeremias 27:13
13 Bakit kayo'y mangamamatay, ikaw, at ang iyong bayan, sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia?

Jeremias 38:2,3
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas sa mga Caldeo ay mabubuhay, at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakasamsam, at siya'y mabubuhay.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon, Tunay na ang bayang ito ay mabibigay sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia, at sasakupin niya.

Jeremias 11:22,23
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;
23 At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila.

Jeremias 23:12
12 Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon.

Jeremias 15:2
2 At mangyayari, pagka kanilang sinabi sa iyo, Saan kami magsisilabas? sasaysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang sa kamatayan, ay sa kamatayan; at ang sa tabak, ay sa tabak; at ang sa kagutom, ay sa kagutom; at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag.

Jeremias 43:11
11 At siya'y paririto, at kaniyang sasaktan ang lupain ng Egipto; na yaong sa pagkamatay ay mabibigay sa kamatayan, at yaong sa pagkabihag ay sa pagkabihag, at yaong sa tabak ay sa tabak.

Jeremias 44:28
28 At ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto, na kaunti sa bilang; at ang buong nalabi sa Juda, na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makakaalam kung kaninong salita ang mananayo, kung akin, o kanila.

Ezekiel 5:2,9,11,12,13,14,16,17
2 Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at susugatan mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin, at ako'y magbubunot ng tabak sa likuran nila.
9 At aking gagawin sa iyo ang hindi ko ginawa, at hindi ko na gagawin pa ang kaparis, dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam.

11 Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala, na sapagka't iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay, at ng lahat mong karumaldumal, kaya't akin namang babawasan ka; ni hindi magpapatawad ang aking mata, at ako nama'y hindi mahahabag.
12 Ang ikatlong bahagi mo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo; at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako, at magbubunot ako ng tabak sa likuran.
13 Ganito magaganap ang aking galit, at aking lulubusin ang aking kapusukan sa kanila, at ako'y maaaliw: at kanilang malalaman na akong Panginoon ay nagsalita sa aking pagsisikap, pagka aking naganap ang aking kapusukan sa kanila.

14 Bukod dito'y gagawin kitang kasiraan at kapulaan, sa gitna ng mga bansa na nangasa palibot mo, sa paningin ng lahat na nagsisidaan.
16 Pagka ako'y magpapasapit sa kanila ng mga masamang pana ng kagutom na ikasisira nila, na siyang aking pasasapitin upang sirain kayo. At aking palalalain ang kagutom sa inyo, at aking babaliin ang inyong tungkod ng tinapay;
17 At ako'y magpapasapit sa inyo ng kagutom at mga masamang hayop, at kanilang aalisan ka ng anak; at salot at dugo ay daraan sa iyo; at aking pararatingin ang tabak sa iyo; ako ang Panginoon na nagsalita.

Hindi na gagawin ng Diyos ang kaparis (verse 9) ngunit mababasa natin sa Apocalipsis na gagawin ito ng Panginoon. Kung ganon, ang nasa Ezekiel 5:12 ay kapareho ng nasa Apocalipsis 6:8
Ezekiel 6:3,4,8,9,11-13
3 At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako.
4 At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan.
8 Gayon ma'y magiiwan ako ng nalabi, upang magkaroon sa inyo ng ilan na nakatanan sa tabak sa gitna ng mga bansa, pagka kayo'y mangangalat sa mga lupain.
9 At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag, kung paanong ako'y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin, at sa kanilang mga mata, na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam.
11 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Saktan mo ng iyong kamay, at sikaran mo ng iyong paa, at iyong sabihin, Sa aba nila! dahil sa lahat na masamang kasuklamsuklam ng sangbahayan ni Israel; sapagka't sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot.
12 Ang malayo ay mamamatay sa salot; at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang malabi at makubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom: ganito ko gaganapin ang aking kapusukan sa kanila.
13 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana, sa ibabaw ng bawa't mataas na burol, sa lahat na taluktok ng mga bundok, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at sa ilalim ng bawa't mayabong na encina, na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan.
14 At aking iuunat ang kamay ko laban sa kanila, at gagawin kong sira at giba ang lupa, mula sa ilang hanggang sa Diblah, sa lahat nilang tahanan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Sa talata 2 ng Ezekiel 5 ay sinasabi na ang araw ng kaganapan ay sa araw ng pagkubkob at ang sinasabihan ang nasa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis. Bakit? Dahil nandoon ang mga diosdiosan. Bukod sa tabak, kagutom, salot at mabangis na hayop na pasasapitin ng Panginoon, gagawa rin siya ng kasiraan at kagibaan. Ezekiel 5:14 at Ezekiel 6:14


Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa araw ng pagkubkob?

Lucas 19:43,44
43 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila,
44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.

Tuloy sa Lucas 21:20-25
20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.
21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.
24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.

Ituloy ang pagbasa sa talata
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;

Itong nasa talata 25 ang sinasabi naman ika-6 na tatak. Natatandaan ba ninyo na nagsimula tayo sa ika-4 na tatak?

Heto ang paliwanag nila sa ika apat na tatak.
The horsemen, seen as the fourth seal was opened, indicates the continued spread and expansion of the Catholic Church the extent of whose power had reached over a fourth of the earth.
Malayo ang kahulugan at walang katiyakan dahil ang mga papatayin sa tabak, kagutom at salot ay ang mga sumasamba sa diosdiosan. (Ezekiel 5:11)

Panahon ng Pagdalaw...

Alamin natin kung ang pagdalaw ba ni Jesus sa panahon niya ang sinabi niya sa Lucas 19:44.

Lucas 19:43,44
43 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila,
44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.

Alamin muna natin ang mga mangyayari na may kaugnayan sa panahon ng pagdalaw.

Jeremias 11:22,23
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;
23 At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila.

Jeremias 23:12
12 Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon.

Jeremias 48:43,44
43 Pagkatakot, at hukay, at silo, ay sasa iyo, Oh nananahan sa Moab, sabi ng Panginoon.
44 Siyang tumatakas sa pagkatakot ay mahuhulog sa hukay; at siyang umahon sa hukay ay mahuhuli ng silo: sapagka't dadalhin ko sa kaniya, sa Moab, ang taon ng pagdalaw sa kaniya, sabi ng Panginoon.

Isaias 24:17-23
17 Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.
18 At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga.
19 Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.
20 Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.
21 At mangyayari, sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.
22 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.
23 Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.

Jeremias 50:27-32
27 Inyong patayin ang lahat niyang mga toro; pababain sila sa patayan: sa aba nila! sapagka't ang kanilang araw ay dumating, ang araw ng pagdalaw sa kanila.
28 Inyong dinggin ang tinig nila na nagsisitakas at nagsisitahan mula sa lupain ng Babilonia, upang maghayag sa Sion ng kagantihan ng Panginoon nating Dios, ng kagantihan ng kaniyang templo.
29 Inyong pisanin ang mga mamamana laban sa Babilonia, silang lahat na nangagaakma ng busog; magsitayo kayo laban sa kaniya sa palibot; huwag bayaang mangakatanan: inyong gantihin siya ayon sa kaniyang gawa; ayon sa lahat niyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya; sapagka't siya'y naging palalo laban sa Panginoon, laban sa Banal ng Israel.
30 Kaya't mabubuwal ang kaniyang mga binata sa kaniyang mga lansangan, at ang lahat niyang lalaking mangdidigma ay madadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.
31 Narito, ako'y laban sa iyo, Oh ikaw na palalo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo; sapagka't ang iyong kaarawan ay dumating, ang panahon na dadalawin kita.
32 At ang palalo ay matitisod at mabubuwal, at walang magbabangon sa kaniya; at ako'y magpapaningas ng apoy sa kaniyang mga bayan, at pupugnawin niyaon ang lahat na nangasa palibot niya.

Ezekiel 20:47,48
47 At sabihin mo sa gubat ng Timugan, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking papagniningasin ang isang apoy sa iyo, at susupukin ang bawa't sariwang punong kahoy sa iyo, at ang bawa't tuyong punong kahoy: ang maalab na liyab at hindi mapapatay, at ang lahat na mukha na mula sa timugan hanggang sa hilagaan ay masusunog sa liyab.
48 At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon; hindi mapapatay.

Lucas 12:49,52,53
49 Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na?
52 Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.
53 Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.

Mikas 7:4,6
4 Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.
6 Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay.

Balikan ang (Ezekiel 20:47,48)

Mateo 3:10-12
10 At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy.
11 Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy:
12 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay.

Jeremias 8:12
12 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, ni nangamula man sila: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon ng pagdalaw sa kanila ay mahahagis sila, sabi ng Panginoon.

Ang mga talata sa ibaba ay malalaman ninyo na may kaugayan sa panahon ng pagdalaw.

Isaias 34:4-10
4 At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
5 Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.
6 Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.
7 At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.
8 Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.
9 At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.
10 Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.

Isaias 61:1,2
1 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
2 Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;

Isaias 63:1-5
1 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.
2 Bakit ka mapula sa iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?
3 Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.
4 Sapagka't ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating.
5 At ako'y lumingap, at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.

Jeremias 46:10
10 Sapagka't ang araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.

May kinalaman ba ang mga ito sa panahon ng pagdalaw?

Oseas 9:7
7 Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.

Tandaan ang nasa Oseas 9:7. Basahin ulit natin ang nasa Lucas 19:43,44 na nasa unahan.

Lucas 19:43,44
43 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila,
44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.

Lucas 21:20,21,22,28
20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.
21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.

Ayon sa Oseas 9:7, ang kaarawan ng pagdalaw ay sa kaarawan ng kagantihan at ayon sa Lucas 21:20,22 ang araw ng kagantihan ay sa hinaharap pa mangyayari. Kung ganon, ang araw ng pagdalaw ay mangyayari sa hinaharap, ayon na rin sa iba pang sinulat ng mga propeta.

Zorobabel Ang Anghel Sa Silangan

Si Zorobabel ba ang tunay na anghel sa sikatan ng araw? Ito ang ating aalamin natin. Basahin natin ang pagpapakilala sa kanya ng mga isinulat ng mga propeta.

Hagai 2:21,22,23
21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa;
22 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.
23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Malinaw na susuguin ng Panginoon si Zorobalel sa araw na uugain ng Diyos ang langit at ang lupa. Ang pag uga sa langit at lupa ay ipinahihiwatig sa bagong tipan na magaganap pa sa hinaharap.

Hebreo 12:27,28,29
27 At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig.
28 Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios:
29 Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw.

Sinasabi ni Pablo na aalisin ang mga nayayanig at mananatili ang mga hindi nayayanig. Basahin natin sa aklat ng Apocalipsis kung kailan mawawala ang mga nayayanig.

Apocalipsis 6:12-17
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
13 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
14 At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:
17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Ang malakas na lindol sa verse 12 ay ang pag uga sa langit at sa lupa. Sa verse 14 ay sinasabing nalulon o nabalumbon ang langit at nawala ang mga bundok at ito ay katumbas ng nawala na ang langit at lupa. Kapag nayanig, ibig sabihin ay papalitan na ito ng hindi nayayanig ayon kay Pablo. Ano naman ang sinulat ng ibang propeta kung kailan magtatago ang mga tao sa mga yungib gaya ng sinasabi sa verse 16? Basahin natin ang sinulat ni Isaias.

Isaias 2:10,19,21
10 Pumasok ka sa malaking bato, at magkubli ka sa alabok, sa kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan.
19 At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
21 Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.

Magtatago ang mga tao sa mga puwang ng malalaking bato at sa mga bitak ng malaking bato sa araw na pagbangon ng Panginoon upang yanigin ang lupa. Walang pinagkaiba sa sinabi sinasabi sa Apocalipsis.

Ano pa ang ibang sinulat ni Isaias na tumutugma sa aklat ng Apocalipsis?

Isaias 13:10,13
10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

Ito ay kapareho ng nasa Apocalipsis 6:12,13 at ang nasa verse 13 ng Isaias 13 ay makikita sa Apocalipsis 6:17 na tungkol sa kaarawan ng poot o galit ng Panginoon.

Ang nasa ibaba ay tumutugma sa Apocalipsis 6:14

Isaias 34:4,8
4 At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
8 Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.

2 Pedro 3:10
10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

Maaari ninyong basahin ang sinundan at sumunod na talata para matiyak kung kailan at paano ito magaganap.

Ngayon, kung babalikan natin ang talata sa Hagai 2:21-23 sa unahan, sa verse 23 ay sinasabi na si Zorobabel ay gagawing panatak. At binasa na rin natin ang nasa Apocalipsis 6:12-17 kaya ituloy natin ang pagbasa sa Apocalipsis 7:1,2

Apocalipsis 7:1,2
1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.
2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,

Alamin muna natin kung sino ang darating ayon sa sinabi ni Jesus pagkatapos ng pagdilim ng araw, buwan at bituin at pagyanig sa langit at sa lupa dahil itong Apocalipsis 7:1,2 ay kasunod na nangyari ng Apocalipsis 6:12-17. Sinasabi sa verse 1 ng Apocalipsis 7 ang "At pagkatapos nito" Basahin natin ang katulad na pangyayari sa Mateo 24:29,30

Mateo 24:29,30
29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
30 At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Ayon kay Jesus, ang darating pagkatapos ng pagdilim ng araw, buwan at bituin at pagyanig o pangangatal ng langit at sa lupa ay ang Anak ng tao. Kung ganon, ang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw (Apocalipsis 7:2) ay ang Anak ng tao. At ang Anak ng tao rin ang Zorobabel na kukunin ng Diyos (Hagai 2:23) sa araw na yayanigin o pangangatalin ng Diyos ang langit at lupa (Mateo 24:29)

Alamin natin kung ano pa ang patunay na ang Zorobabel na susuguin ay ang Cristo.

Zacarias 4:6-10
6 Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7 Sino ka, Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.
8 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
9 Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.
10 Sapagka't sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa.

Zacarias 3:8,9
8 Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga.
9 Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may pitong mata: narito, aking iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon sa isang araw.

Ayon sa Zacarias 4:10 ay makikita ang mga pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel. Ang pabatong tingga ayon sa Zacarias 3:9 ay may pitong mata. Ano naman ang sinasabi ng bagong tipan tungkol dito?

Apocalipsis 1:16,21
16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.
20 Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.

Amos 7:7
7 Ganito siya nagpakita sa akin: at, narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga, na may pabatong tingga sa kaniyang kamay.
Kaninong kamay nakita ang pitong anghel o pabatong tingga? Kanino sa palagay ninyo?

Ezekiel 9:2-7,11
2 At narito, anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan, na nalalagay sa dako ng hilagaan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. At sila'y nagsipasok, at nagsitayo sa siping ng tansong dambana.
3 At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan, hanggang sa pintuan ng bahay: at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran.  
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon. 
5 At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag;  
6 Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.  
7 At sinabi niya sa kanila, Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo. At sila'y nagsilabas, at nanakit sa bayan.
11 At, narito, ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran, nagbalita ng bagay; na sinabi, Aking ginawa na gaya ng iniutos mo sa akin.

Kung napansin ninyo, ang lalaking nakapanamit ng kayong lino ay may tintero ng manunulat sa kanyang tagiliran sa halip na tabak. Tinatakan niya ang mga taong tumatangis dahil sa lahat na kasuklamsuklam. Ano ang mga kasuklamsuklam? Mababasa sa Ezekiel 8. Ang lalaking nakapanamit ng kayong lino ay simbulo ng Anak ng Diyos na siyang Cristo.

Panginoong Darating... Tao lang ba O Diyos?



Joel 2:1-3,9-11
1 Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;
2 Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.
3 Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila.
9 Kanilang nilulukso ang bayan; kanilang tinatakbo ang kuta; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay; sila'y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw.
10 Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:
11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan?

Joel 3:1,2,18
1 Sapagka't, narito, sa mga kaarawang yaon, at sa panahong yaon, pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem.
2 Aking pipisanin ang lahat na bansa, at aking ibababa sila sa libis ni Josaphat; at ako'y makikipagtanggol sa kanila roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel, na kanilang pinangalat sa mga bansa, at binahagi ang aking lupain,
18 At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Sittim.

Zacarias 1:16,17
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem.
17 Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at pipiliin pa ang Jerusalem.

Zacarias 2:10,12
10 Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't narito, ako'y naparirito, at ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.
12 At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain at pipiliin pa ang Jerusalem.

Zacarias 8:3
3 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok.

Isaias 30:25-27
25 At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig sa lahat na mataas na bundok, at sa lahat na matayog na burol, sa araw ng malaking patayan, pagka ang mga moog ay nabubuwal.
26 Bukod dito'y ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magpipito, na gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan, at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat.
27 Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:

Jeremias 33:6,7
6 Narito, ako'y magdadala ng kagalingan at kagamutan, aking gagamutin sila; at ako'y maghahayag sa kanila ng di kawasang kapayapaan at katotohanan.
7 At aking pababalikin ang nangabihag sa Juda, at ang nangabihag sa Israel, at aking itatayo sila na gaya nang una.

Isaias 25:9,12
9 At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.
12 At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay kaniyang ibinaba, giniba, at ibinagsak sa lupa, hanggang sa alabok.

Isaias 33:2,5
2 Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.
5 Ang Panginoon ay nahayag; sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.

Isaias 8:17
17 At aking hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob, at aking hahanapin siya.

--------------

2 Pedro 3:7,10,12
7 Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
12 Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?

2 Tesalonica 1:7
7 At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,

Awit 50:3
3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.

--------------

Pahayag 22:12
12 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.
13 Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.
16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

Isaias 40:10
10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

--------------

1 Tesalonica 3:13
13 Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.

Zacarias 14:1-9
1 Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.
2 Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
3 Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
4 At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran.
5 At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya.
6 At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong.
7 Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag.
8 At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.
9 At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

--------------

Batay sa mga talata sa itaas, si Jesus ay Diyos. Hindi naman pwedeng magkakontra ang isinulat ng mga propeta at ng mga apostol dahil nagsasalita sila ng katotohanan mula sa Diyos.

Isaias 31:4
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban.

Exodo 13:19
19 At dinala ni Moises ang mga buto ni Jose: sapagka't kaniyang ipinanumpang mahigpit sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios; at inyong isasampa ang aking mga buto mula rito na kasama ninyo.

pagdalaw

Kaarawan ng Panginoon


Image from: http://en.wikipedia.org/wiki/Day_of_the_Lord

* Mga Magaganap Sa Iisang Panahon (ang mga magaganap ay pinag-ugnay-ugnay ng mga talata ng biblia na ibig sabihin ay mayroon silang parehong paglalarawan at meron namang pinag-ugnay na nasa parehong kabanata)

* Walang Hanggang Tipan

Ezekiel 37:25,26
25 At sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man. 26 Bukod dito'y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man.

* Susuguing David

Ezekiel 37:24
24 At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.

Jeremias 30:9
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.

* Araw ng Panginoon (Dakila at Kakilakilabot)

Jeremias 30:7
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.

Joel 2:10,11
10 Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:
11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan?

image from: http://www.musarium.com/stories/america-attacked/

* Araw ng Kagalitan

Isaias 13:10,13
10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

* Kagibaan

Hagai 2:21,22
21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa; 22 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.

Image from: http://www.worldgolf.com/readers-review/reader-golf-september-11-2001-memories-3945.htm

* Paghihiganti

Jeremias 46:10
10 Sapagka't ang araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.

Lucas 21:22,25,26
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;
26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

* Tanda sa langit (pagdilim ng araw,buwan at bituin)

Apocalipsis 6:12,13
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
13 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.

* Yayanigin o Uugain ang Langit at Lupa


Isaias 13:10,13
10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

* Magtatago Sa Mga Yungib at Bato ang Mga Tao

Isaias 2:19
19 At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.

Kailan magsisimulang sabihin ng mga tao sa mga bundok at bato "tabunan ninyo kami"?

Lucas 23:29,30
29 Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.
30 Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

Ang sagot kung kailan magpapatabon ang mga tao ay sa panahon sasabihin ng mga tao (partikular ng mga babae) na mapalad ang mga baog at mga tiyang kailan ma'y hindi nagdalantao...

Bakit sasabihin ng mga babae na mapalad ang mga baog at mga tiyang kailan ma'y hindi nagdalantao...???

Dahil magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa at kagalitan sa bayang ito.

Lucas 23:23
23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

Bakit magkakaroon ng kahapisan sa ibabaw ng lupa?

Dahil kukubkubin ang Jerusalem at mawawasak.

Lucas 21:20,21
20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.
21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan. 22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

Anong klaseng pagkawasak ang mangyayari kapag nakubkob ng mga hukbo ang Jerusalem?

Lucas 19:43,44
43 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila, 44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.

Anong gusali sa Jerusalem ang tinutukoy na hindi maiiwan ang bato sa ibabaw ng kapwa bato?

Lucas 21:5,6
5 At samantalang sinasalita ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi,
6 Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.


Ang araw ng Panginoon ay araw ng kadiliman!

Amos 5:18,20
18 Sa aba ninyo na nangagnanasa ng kaarawan ng Panginoon! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng Panginoon? kadiliman nga, at hindi kaliwanagan.
20 Hindi baga magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon, at hindi kaliwanagan? na totoong madilim, at walang ningning?

Joel 2:2
2 Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.

Image from: http://www.september11news.com/AttackImages.htm

Mateo 24:21
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Hindi tanong kung kailan ang kaarawan ng Panginoon. Ang tanong ay kailan ka manunumbalik? Handa ka na ba?

Ginto't Pilak

 

Zefanias 1:2,3,18
2 Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
3 Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.

Ang paglipol sa lahat ng bagay sa ilalim ng lupa ay magaganap sa dakilang araw ng Panginoon. Sabi sa verse 3 ay kasamang malilipol ang mga katitisuran. Ang ginto at pilak ay mga katitisuran. Ang mga ito ay diosdiosan.

Ezekiel 7:19
19 Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan, at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon: hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa, o mabubusog man ang kanilang mga tiyan; sapagka't naging katitisuran ng kanilang kasamaan.

Ezekiel 14:3
3 Anak ng tao, tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso, at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha: dapat bagang sanggunian nila ako?

Ezekiel 44:12
12 Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan.

Isaias 31:4,7
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban.
7 Sapagka't sa araw na yaon ay itatapon ng bawa't tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak, at ang kaniyang mga diosdiosang ginto, na ginawa ng inyong sariling mga kamay, sa ganang inyo ay naging kasalanan,

Sabi sa verse 4 ng Isaias 31 ay bababa ang Panginoon ng mga hukbo at sa araw na yaon (verse 7) ay itatapon ng mga tao ang kanilang diosdiosang ginto at pilak na tumutugma sa ating mga talatang kababasa pa lamang.

Mateo 13:40,41,42,43
40 Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan.
41 Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan,
42 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
43 Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig.

Kailan ba magliliwanag ang mga matuwid ayon kay Daniel?

Daniel 12:1,2,3,4
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.
3 At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.
4 Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.

Magliliwanag ang mga matuwid sa panahon ng kawakasan at kabagabagan kung kailan malago na ang kaalaman. Ang una nating binasa ay Zefanias 1:2,3,18 basahin natin ang Zefanias 1:15.

Zefanias 1:15
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,

Biblia na po ang nagsasalita at matuwid ang kanyang sinasabi.

Isaias 46:6,7
6 Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba.
7 Pinapasan nila siya sa balikat, dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.

Awit 115:4
4 Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.

Pareho Lang Ba Ang Nasa Mateo 24:2 at Mateo 24:15?- Great Tribulation (Malaking Kapighatian)


Image from:http://www.jafi.org.il/geo/jerusalm/2/index.html

Ano ba ang katunayan na ang sinasabi sa Mateo 24:2 ay kaugnay o pareho sa sinasabi sa Mateo 24:15? Mabuti pa ay basahin natin pareho ang talata.

Mateo 24:2 Datapuwa’t siya’y sumagot at sa kanila’y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito’y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato na hindi ibabagsak

Mateo 24:15 Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa).

Sa unang tingin, hindi basta mapapansin na ang dalawang talata ay magkaugnay. Magkaugnay ba? Ang paraan para malaman ay magsaliksik pa tayo sa ibang kasulatan na pareho lang ang tema ng pinag-uusapan. Sa mga pamilyar na sa pagbabasa ng biblia, alam natin na ang tatlong ebanghelyo (ni Mateo, Marcos at Lucas) ay may mga magkakatulad na salaysay ukol sa mga ginawa o ministeryo ng ating Panginoon. Kaya babasahin din natin ang aklat ni Lucas dahil nandito ang sagot sa ating tanong. Tandaan na si Lucas ay nagsulat ng ayon sa pagkakasunod sunod. (Lucas 1:3) Basahin natin ang Lucas 21:20:

Lucas 21:20 Datapuwa’t pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo’y talastasin ninyo na ang kanyang pagkawasak ay malapit na.

Maaari rin ninyong basahin ang mga kasunod na talata ng Lucas 21:20 o di kaya ay ang mga sinundan. Malalaman natin na pareho lang ang sinasabi sa Lucas 21:20 at Mateo 24:15 batay sa mga sinundan at sumunod na mga talata. Pero nasagot ba nito ang tanong na pareho lang ang nasa Mateo 24:2 at Mateo 24:15? Alamin natin kung anong klaseng “pagkawasak” (Lucas 21:20) ang mangyayari kapag ang Jerusalem ay nakubkob ng mga hukbo. Basahin natin sa Lucas 19:43,44

Lucas 19:43,44 Sapagka’t darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo at kukubkubin ka at gigipitin ka sa magkabikabila 44 At ilulugso ka sa lupa at ang mga anak mo na nasa loob mo at sa iyo’y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka’t hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo’y pagdalaw.

Nasagot na ba ang katanungan kung pareho lang ang sinasabi sa Mateo 24:2 at Mateo 24:15? Nasagot na po. Dahil ang Mateo 24:15 ay parallel sa Lucas 21:20. Parallel naman ang Lucas 21:20 sa Lucas 19:43,44. At ang Lucas 19:43,44 ay parallel naman sa Mateo 24:2. Kaya parallel o magkatugma ang Mateo 24:2 at Mateo 24:15

Pero sa anong gusali ba sa Jerusalem tumutukoy ang “walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapuwa bato”?

Sa Templo. (Mateo 24:1,2; Lucas 21:5,6)

Ang templong iyon ang ginagamit ng mga kalaban ng Diyos upang iligaw nila ang mga tao sa kanilang maling aral. Hanggang ngayon ay inililigaw pa rin ng mga kalaban ng Diyos ang mga tao pamamagitan ng templong iyon.

Lucas 21:20 sa Lucas 19:43,44 sa Lucas 21:6

Lucas 21:20
20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.

Lucas 19:43,44
43 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila,
44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.

Lucas 21:6
6 Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.

Great Tribulation (Malaking Kapighatian)

Kailan magaganap ang Great Tribulation?

Magaganap ito sa panahon ng kasuklamsuklam na paninira na sinalita ni propeta Daniel (Mateo 24:15)

Mateo 24:15,21
15 Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Kung babasahin ang Mateo 24:15 hanggang Mateo 24:21 ay mapapansin na hindi pwedeng paghiwalayin ang panahon ng kaganapan ng kasuklamsuklam na paninira at great tribulation dahil kapag naganap na ang kasuklamsuklam na paninira, sa panahong yaon ay magkakaroon ng malaking kapighatian.

Kung may mga mangangaral na itinuturo na ang kasuklamsuklam na paninira ay naganap na noong 70 AD at ang malaking kapighatian o great tribulation ay hindi pa nagaganap, huwag ninyong paniwalaan ang mangangaral na iyon.

May nagsasabi naman na ang great tribulation ay naganap na, pagkatapos wasakin ang templo sa Jerusalem ng mga Romano at ang great tribulation daw na naganap noong panahong 70 AD ay hindi pang buong mundo at ito lamang daw ay great tribulation ng mga Israelita dahil sa pagkasira ng templo. Pero bakit tinawag na "GREAT" tribulation ang mangyayari sa panahon ng kasuklamsuklam na paninira? At ano ang pinagkaiba nito sa matinding tag-gutom ng mga Israelita sa panahon ni Jacob na dahilan ng pagpunta nila sa Ehipto? At ano ang pinagkaiba nito sa mga nakaraang pananakop ng mga bansa gaya ng Babilonya at Greece? Itanong ninyo sa kanila yan.

Pero alamin natin kung ang sinasabi ba sa Mateo 24:21 ay pang buong mundo o sa mga Israelita lang mangyayari.

Ituloy natin ang pagbasa sa Mateo 24:29

Mateo 24:29
29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:

Sinasabi dito na pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at bituin. Pero magtatagal ba ang malaking kapighatian iyon?

Mateo 24:22
22 At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.

Balikan natin ang Mateo 24:29
Mateo 24:29
29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:

At basahin natin ang Lucas 21:25

Lucas 21:25
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;

Tandaan na ang sinasabi sa Lucas 21:25 ay tanda sa pagdating Anak ng tao (Lucas 21:27) at hindi nito pinamamalian ang nasa Mateo 24:29 sa sinasabing "pagkatapos ng kapighatian" kundi nililinaw nito na ang kapighatiang (Mateo 24:29) ito ay kasalatan sa mga bansa (Lucas 21:25) na siyang malaking kapighatian sa Mateo 24:21. Kaya ibig sabihin ay hindi lang sa Israel magaganap ang malaking kapighatian kundi pang buong mundo.

Pero baka sabihin nila na ang kapighatian sa Mateo 24:29 ay hindi tumutukoy sa malaking kapighatian sa Mateo 24:21. Mag ingat kayo sa kanila. Kung babasahin ng buo mula Mateo 24:15 hanggang Mateo 24:29 ay walang pinatutukuyan ang nasa verse 29 tungkol sa kapighatian kundi ang malaking kapighatian sa verse 21.

Ililigaw nila kayo, kaya mag ingat sa kanila. Maaaring basahin nila ang nasa Lucas 21:20-24. Basahin natin upang maging pamilyar kayo.

20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.
21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.
24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.

Ang sinasabi dito panahon ng mga Gentil ay ang sinasabi sa Mateo 24:15 at ito ang tinutukoy ni Daniel. Tandaan na hindi magkaibang pangyayari ang nasa Mateo 24 at Lucas 21.

Ano ba ang sinasabi ni Daniel tungkol sa panahon ng mga Gentil o kasuklamsuklam na paninira?

Daniel 9:27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

Daniel 11:31 At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga'y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira.

Daniel 12:11
11 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.
12 Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.

Ang mga ito ang sinasabi ni Daniel na tinutukoy sa Mateo 24:15. At ito rin ang isa sa magaganap na hula na sinasabi sa Lucas 21:22

Lucas 21:22
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

Hindi lang sa aklat ni Daniel ang mga bagay na magaganap kundi mula rin sa mga propeta na tumutukoy sa araw ng paghihiganti.

Pero talaga bang magkakaroon pa ng great tribulation kahit sinasabi nila naganap na ang great tribulation noong panahong wasakin ang templo?

Tandaan na pagkatapos ng kapighatian (Mateo 24:29) sa mga araw na yaon na tumutukoy sa malaking kapighatian sa Mateo 24:21 ay magkakaroon ng tanda sa araw, buwan at mga bituin at sa Mateo 24:30 ay sinasabi na makikita na ang Anak ng tao.

Mateo 24:30
30 At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Malinaw na sinabi ni Jesus na hindi na mangyayari o mauulit kailan man ang malaking kapighatian.

Mateo 24:21
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Dahil kung ang tinukoy lang niya (gaya ng sinasabi ng ilan) ay ang malaking kapighatian na dahilan lang ng pagkawasak ng templo ay parang hindi alam ni Jesus ang sinasabi niya dahil paano ngang hindi na mangyayari kailan man kung wala nang templo? At hindi lang naman ang pagkawasak ng templo ang posibleng maging dahilan ng great tribulation di ba?

Ang great tribulation sa Mateo 24:21 ay tanda ng pagparito ni Jesus. Kung itutuloy ang pagbasa Mateo 24:30 ay sa panahong iyon din darating ang Anak ng tao.

Sabi nga sa Daniel 12:11,12 ay mapalad ang aabutin ng 1335 araw mula pagtayo ng kasuklamsuklam na paninira. 1335 araw at hindi 1335 taon. Paiikliin ang araw di ba? Mateo 24:21

Daniel 12:11,12
11 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.
12 Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.


At maaaring lituhin kayo kapag binasa ang talata sa Mateo 24:34 tungkol sa lahing katutuparan ng lahat ng bagay na sinabi ni Jesus.

Mateo 24:34
34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

Tandaan na kasama sa "lahat ng mga bagay na ito" ang pagparito ng Anak ng tao. (Mateo 24:30)

Pansinin din ninyo ang nasa Apocalipsis 7:14. Ang mga tao ay nanggaling sa malaking kapighatian. Ang malaking kapighatiang ito sa Pahayag 7:14 ay siyang ding sinasabing malaking kapighatian sa Mateo 24:21.

Apocalipsis 7:14
14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

Bilang patunay na ang nasa Pahayag 7:14 at nasa Mateo 24:21 ay magkapareho ay itaas natin ang pagbasa sa Pahayag/Apocalipsis 6:12,13

Pahayag 6:12,13
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
13 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.

Tandaan na ang sinasabi dito sa Pahayag 6:12,13 ay pareho sa Mateo 24:29, sa Mateo 24:30 ay sinabing darating na ang Anak ng tao, kaya ang lahing (Mateo 24:34) daratnan ng Anak ng tao ay ang mga taong magdaranas ng malaking kapighatian o siyang great tribulation.

At napagtugma natin na magkatugma ang ika-6 na tatak (tanda sa langit sa Mateo 24:29) at ang ika-6 na trumpeta (9/11 tragedy na katuparan ng Mateo 24:2,15) sa aklat ng Pahayag. Kaya tama ang konklusyon natin (sa Natupad ang Hula) na ang anghel (sa pagitan ng ika-6 at ika-7 tatak) at ang makapangyarihang anghel (sa pagitan ng ika-6 at ika-7 trumpeta) sa aklat ng Pahayag ay ang Anak ng tao.

Ano ba ang katumbas ng apat na anghel sa Pahayag 7:1?

Pahayag 7:1
1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.

Ang katumbas ay nasa Mateo 24:31

Mateo 24:31
31 At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.

At makikita na ang mga hinirang mula sa lahat ng lipi sa buong mundo ay magkakasama.

Pahayag 7:9,14
9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;
14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

Ang malaking kapighatiang tinutukoy sa Pahayag 7:14 ay siya ring malaking kapighatian sa Mateo 24:21

Mateo 24:21
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

At para doon sa nagsasabing natupad na ang nasa Mateo 24:15 ngunit hindi naman natupad ang hula tungkol sa malaking kapighatian ay basahin natin sa Marcos 13:19,24

Marcos 13:19,24
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
24 Nguni't sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,

Magaganap din pala sa "mga araw na yaon" ang malaking kapighatian (Mateo 24:21) na dito sa Marcos 13:19 ay kapighatian.

Ano ang mangyayari bago ang malaking kapighatian bago magdilim ang araw, buwan at bituin?

Marcos 13:14,19,24,25,26
14 Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
24 Nguni't sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,  
25 At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.
26 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.
 
Magaganap pala ang malaking kapighatian sa pagkatapos na makita ang kasuklamsuklam na paninira na ang sabi sa sumunod na talata ay pagkatapos ng kapighatian SA MGA ARAW NA YAON ay magdidilim ang araw, buwan at bituin. Sa "mga araw na yaon" ay darating na ang Anak ng tao. Sinasabi sa verse 26 "AT" at kapag sinabing "AT" nangangahulugan kasama ito sa kanyang sinasabi.

Tandaan ninyo lagi ang sinabi ni Jesus sa na hindi lilipas ang isang henerasyon ay magaganap lahat ng mga sinabi ni Jesus. Ang pagdilim ng araw, buwan at bituin at malaking kapighatian at ang pagdating ng Anak ng tao ay magaganap sa iisang henerasyon.

Marcos 13:30
30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

tribulations

Pagdating ng Panginoon


May nagtanong sa akin sa pamamagitan ng email tungkol sa pagdating ng Anak ng tao. Ang tanong niya: Ano ang ibig sabihin ng salitang "sa panahong iyon" sa Lucas 21:27?

Ang ginamit niyang version ay Magandang Balita Biblia at ganito ang nakasulat: Sa panahong iyon, ang Anak ng Tao'y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Lucas 21:27 Magandang Balita Biblia

Ang "panahong iyon" ay tumutukoy sa pagdilim ng araw at buwan at paglaglag ng mga bituin sa unahang talata sa Lucas 21:26. Basahin natin ang katulad na pahayag ng Panginoon sa Mateo 24:30.

Mateo 24:30 (Magandang Balita Biblia)
30 Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng bansa. Makikita nila ang Anak ng tao na nasa mga alapaap, dumarating na may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan.

Saan tumutukoy ang salitang "pagkatapos"? Ito ay pagkatapos na magdilim ang araw at buwan at paglaglag ng mga bituin. Basahin natin ang Mateo 24:29 na sinunudang talata.

Mateo 24:29 Pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw at hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang kapangyarihan sa kalawakan. Magandang Balita Biblia

Kaya ang ibig sabihin ng salitang "sa panahong iyon" sa Lucas 21:27 ay "pagkatapos" (Mateo 24:30) na magdilim ang araw at buwan at paglaglag ng mga bituin sa langit.

Ano naman ang ibig sabihin ng salitang "pagkatapos ng kapighatiang iyon" bago magdilim ang araw at buwan at paglaglag ng mga bituin sa langit? Mateo 24:29

Basahin muna natin ang katulad na pahayag ng Panginoon sa Marcos 13:24 sa saling Ang Dating Biblia.

Marcos 13:24
24 Nguni't sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,
25 At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

Basahin din natin sa iba't ibang salin sa Ingles.
Mark 13:24
New International Version (©1984)
"But in those days, following that distress, "'the sun will be darkened, and the moon will not give its light;
New Living Translation (©2007)
"At that time, after the anguish of those days, the sun will be darkened, the moon will give no light,

English Standard Version (©2001)
“But in those days, after that tribulation, the sun will be darkened, and the moon will not give its light,

New American Standard Bible (©1995)
"But in those days, after that tribulation, THE SUN WILL BE DARKENED AND THE MOON WILL NOT GIVE ITS LIGHT,

International Standard Version (©2008)
"But after the suffering of those days, 'The sun will be darkened, the moon will not give its light,

GOD'S WORD® Translation (©1995)
"Now, after the misery of those days, the sun will turn dark, the moon will not give light,

King James Bible
But in those days, after that tribulation, the sun shall be darkened, and the moon shall not give her light,

American King James Version
But in those days, after that tribulation, the sun shall be darkened, and the moon shall not give her light,

American Standard Version
But in those days, after that tribulation, the sun shall be darkened, and the moon shall not give her light,

Bible in Basic English
But in those days, after that time of trouble, the sun will be made dark and the moon will not give her light,

Douay-Rheims Bible
But in those days, after that tribulation, the sun shall be darkened, and the moon shall not give her light.

Darby Bible Translation
But in those days, after that distress, the sun shall be darkened and the moon shall not give its light;

English Revised Version
But in those days, after that tribulation, the sun shall be darkened, and the moon shall not give her light,

Webster's Bible Translation
But in those days, after that tribulation, the sun shall be darkened, and the moon shall not give her light,

Weymouth New Testament
"At that time, however, after that distress, the sun will be darkened and the moon will not shed her light;

World English Bible
But in those days, after that oppression, the sun will be darkened, the moon will not give its light,

Young's Literal Translation
'But in those days, after that tribulation, the sun shall be darkened, and the moon shall not give her light,
Ang sinasabi palang salita na "pagkatapos ng kapighatiang iyon" sa Mateo 24:29 ng saling Magandang Balita Biblia ay "sa mga araw na yaon" (Marcos 13:24) pero saan naman tumutukoy ang salitang "sa mga araw na yaon"? Kung itataas ang pagbasa mula Marcos 13:24, ang sinasabing "kapighatiang yaon" (sa mga araw na yaon) ay kapighatiang di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang sa talata 19 ng Marcos 13 at babasahin natin sa saling Ang Dating Biblia.

Marcos 13:19
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
Mark 13:19
New American Standard Bible (©1995)
"For those days will be a time of tribulation such as has not occurred since the beginning of the creation which God created until now, and never will.
King James Bible
For in those days shall be affliction, such as was not from the beginning of the creation which God created unto this time, neither shall be.

American King James Version
For in those days shall be affliction, such as was not from the beginning of the creation which God created to this time, neither shall be.

American Standard Version
For those days shall be tribulation, such as there hath not been the like from the beginning of the creation which God created until now, and never shall be.

Douay-Rheims Bible
For in those days shall be such tribulations, as were not from the beginning of the creation which God created until now, neither shall be.

Darby Bible Translation
for those days shall be distress such as there has not been the like since the beginning of creation which God created, until now, and never shall be;

English Revised Version
For those days shall be tribulation, such as there hath not been the like from the beginning of the creation which God created until now, and never shall be.

Webster's Bible Translation
For in those days shall be affliction, such as hath not been from the beginning of the creation which God created to this time, neither shall be.

World English Bible
For in those days there will be oppression, such as there has not been the like from the beginning of the creation which God created until now, and never will be.

Young's Literal Translation
for those days shall be tribulation, such as hath not been from the beginning of the creation that God created, till now, and may not be;
Ano ang mangyayari "sa mga araw na yaon" ng kapighatian at ano ang sanhi ng pagiging kawawa ng mga tao? Itaas natin ang pagbasa sa Marcos 13:14-18

Marcos 13:14-18 Ang Dating Biblia
14 Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
15 At ang nasa bubungan ay huwag bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay:
16 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
17 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
18 At magsipanalangin kayo na ito'y huwag mangyari sa panahong taginaw.

Dahil pala sa kasuklamsuklam na paninira kaya ang mga tao ay magiging kawawa. Kung ganon, ang salitang "sa panahong iyon" sa Lucas 21:27 ng saling Magandang Balita Biblia ay pagkatapos ng pagdilim ng araw at buwan at paglaglag ng mga bituin, pagkatapos ng kapighatian sa panahon ng kasuklamsuklam na paninira.

Ang tanong na ito ng nag email sa akin ay sinagot na, ayon sa kaniya, ng isang mangangaral sa radyo. Ang sagot daw sa kaniya ay ang nasa Mateo 25:32 ng Magandang Balita Biblia.

Mateo 25:32 (Magandang Balita Biblia)
32 Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila'y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing.

Ang salitang "sa panahong iyon" sa Lucas 21:27, ayon sa mangangaral, ayon sa email ng nagtatanong, ay pareho ng nasa Mateo 25:32. Ito ay kasinungalingang malapit sa katotohanan. Dahil ang salitang "sa panahong iyon" sa Lucas 21:27 ay tumutukoy pagkatapos ng pagdilim ng araw at buwan at paglaglag ng mga bituin, samantalang ang salitang "sa panahong iyon" sa Mateo 25:32 ay tumutukoy sa pagdaing ng Anak ng tao sa Mateo 25:31 na sinundang talata ng ating kababasa pa lamang.

Mateo 25:31 (Magandang Balita Biblia)
31 Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kaniyang maringal na trono.

Kasinungalingang malapit sa katotohanan dahil sa iisang panahon ito magaganap, ganiyang magsinungaling si Satanas! At ayon sa nag email, sinabi ng mangangaral sa radyo na walang nakaaalam ng oras at araw ng pagdating ng Anak ng tao ayon sa nakasulat sa Mateo 24:36. Agree ako, hindi naman talaga nila alam kung kailan magaganap ang katuparan ng kasuklamsuklam na paninira na tanda ng pagparito ng Anak ng tao.

Marami talagang pansirang damo sa bukid. Sa isang palayan, habang hindi pa nabubunga, aalisin ang mga damo sa pananim. Ngunit kapag nagkauhay ay pinababayaan na lang ang mga damo hanggang sa anihan upang hindi malaglag ang mga butil ng palay. At sa anihan, ang mga damo ay kasamang nagagapas, ihihiwalay ang mga butil sa kinakapitang dayami. Isasama ang mga dayami sa mga damo upang sunugin sa apoy.