THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.


arabic arabic 1 of 2 arabic 2 of 2 belarusian belarusian 1 of 2 belarusian 2 of 2 bulgarian bulgarian 1 of 2 bulgarian 2 of 2 chinese chinese 1 of 2 chinese 2 of 2 greek greek 1 of 2 greek 2 of 2 hebrew hebrew 1 of 2 hebrew 2 of 2 hindi hindi 1 of 2 hindi 2 of 2 japanese japanese 1 of 2 japanese 2 of 2 korean korean 1 of 2 korean 2 of 2 macedonian macedonian 1 of 2 macedonian 2 of 2 russian russian 1 of 2 russian 2 of 2 serbian serbian 1 of 2 serbian 2 of 2 thai thai 1 of 2 thai 2 of 2 ukrainian ukrainian 1 of 2 ukrainian 2 of 2 yiddish yiddish 1 of 2 yiddish 2 of 2

Deluge? (Translation List)


(Re) Building of the Temple (Translation List)


Isaiah 9:6 Against Oneness Belief (Translation List)


Deuteronomy 18:18, Muhammad or Jesus? (Translation List)




Tatlong Anghel (Rev 14:6-12)

Ayon sa iglesia ni Felix Manalo, ang tatlong anghel sa Revelation 14:6-12 ay si Pablo (una) at si Martin Luther (pangalawa) at ang pangatlo, ayon sa kanila ay si Felix Manalo. Kaya alamin natin kung tama ba ang kanilang interpretasyon, basahin natin ang mga talata.

Rev 14:6,7
6 At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan;
7 At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.

Malinaw na hindi si Pablo ang unang anghel, sapagkat ang anghel ay magbabalita sa bawat bansa at angkan at wika at bayan, o sa buong sanlibutan.

Balikan natin ang nakita ni Juan bago niya nakita ang tatlong anghel. Nakita ni Juan ang 144,000 at ang Cordero na nakatayo sa bundok ng Sion. Kaya malinaw na ang panahong tinutukoy ay sa panahon ng pagdating ni Cristo. Ang tatlong anghel ay nakita matapos na makita ang Cordero na nakatayo sa bundok ng Sion.

Ayon sa Rev 14:6,7, ang unang anghel ay mabuting balita upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at ang sinasabi ...DUMATING ANG PANAHON NG KANIYANG PAGHATOL... kaya malinaw na ang ibinabalita ng unang anghel ay tungkol sa pagdating ng paghatol ng Dios. Kaya ang anghel ay hindi si Pablo, sapagkat ang anghel ay nakita matapos makita ang Cordero na nakatayo sa bundok ng Sion, at ang ibinabalita ng unang anghel ay tungkol sa panahon ng paghatol ng Dios.

At ang ibinabalita ng unang anghel ay tugma sa ibinabalita ng pangalawang anghel, basahin natin.

Rev 14:8
8 At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.

Ang panahon ng paghatol ng Dios, sa sanlibutan, ayon sa aklat ni Isaias ay sa panahon hahatulan niya ang dakilang Babilonia. Nasa Isaias chapter 13 at aklat ni Joel chapter 1 hanggang 3 mababasa yan.

At ang panahon ng paghatol ng Dios ay sa panahong ang araw, buwan at bituin ay nagdidilim. Nasa Revelation 6 din yan, ayon sa Rev 6, "dumating na ang dakilang araw... araw ng mabangis na galit ng Dios at ng Cordero..." kaya ang mga tao ay nagtatago sa mga bato at bundok. At nasa Rev 7 ang tungkol sa pagtatatak sa 144,000, na ang mga tinatakan, ayon sa Rev 9:4, nilampasan ng parusa ang mga may tatak ng Dios, na pareho din sa Ezekiel 9.

Malinaw na hindi si Martin Luther ang ikalawang anghel, sapagkat ang paghatol sa dakilang Babilonia ay hindi nangyari sa panahon ni Martin Luther.

Rev 14:9-12
9 At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, 10  Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: 11 At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. 12 Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.

Ang ipinahahayag naman ng ikatlong anghel ay tungkol sa kahatulan, kung ano ang sentensya sa mga nahatulan.

Malinaw na hindi si Felix Manalo ang ikatlong anghel, sapagkat ang naunang dalawang anghel ay nagpapahayag ng tungkol sa panahon ng paghatol ng Dios sa sanlibutan at sa panahon niya (ni Felix Manalo) ay wala pa ang anticristo na magtatatak ng bilang 666. Ang may bilang 666, ito ang "son of perdition" na ang pamumuno ay aabutan ni Cristo sa kaniyang pagdating.

At kung itutuloy sa Rev 14:14-20, binabanggit doon ang tungkol sa pag-aani, ang tungkol sa pag-aani ay ipinahayag din sa aklat ni Joel.

13 Gamitin ninyo ang karit; sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.
14 Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya.
15 Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.

Malinaw na ang panahon ng pag-aani ay sa kaarawan ng Panginoon, na sa panahong iyon, ang araw, buwan at mga bituin ay nagdidilim.

Kung hindi si Pablo at si Martin Luther at si Felix Manalo ang tatlong anghel, sino sila?

Mahirap alamin kung ano ang kahulugan ng tatlong anghel, ang tatlong anghel ay nagpapatotoo o tatlong nagpapatotoo.

Walang binabanggit sa aklat ng mga propeta na tungkol sa tatlong anghel na yan, pero ang mga pahayag nila ay mababasa sa aklat ng mga propeta.

May apat pang anghel na kasunod, naroon sa pag-aani, bale pitong anghel, maaaring pitong espiritu ng Cordero, o siya din, dahil ang credit ay sa kaniya.

Ang panahon na lang ang unawain nating mabuti

Pangangaral - Matitigil

Tanong:
Ang pangangaral ba tungkol sa mabuting balita ay matitigil sa pagdating ni Cristo gaya ng sinasabi ng mga bulaang mangangaral?

Sagot:
Hindi.
1 Pedro 1:25 Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.

Hindi matatapos ang pangangaral tungkol sa mabuting balita dahil ayon sa talata ng biblia na ating binasa, ang salita ng Dios ay namamalagi magpakailan pa man at ayon kay Pedro, ang salita ng Dios na namamalagi magpakailan man ay ang mabubuting balita na ipinangangaral.

Ang tipan ng Dios ay hindi malilimutan

Jeremiah 50:5 Kanilang ipagtatanong ang daan ng Sion, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa dakong yaon, na magsasabi, Magsiparito kayo, at lumakip kayo sa Panginoon sa walang hanggang tipan na hindi malilimutan.

Ang pangangaral tungkol sa mabuting balita ay hindi matitigil. Ang pangangaral at panghuhula ng mga bulaang mangaral ay ang siyang matitigil.

Ezekiel 34:7-10 7 Kaya't kayong mga pastor, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: 8 Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala na dahil sa ang aking mga tupa ay naging samsam, at ang aking mga tupa ay naging pagkain sa lahat na hayop sa parang, sapagka't walang pastor, o hinanap man ng aking mga pastor ang aking mga tupa, kundi ang mga pastor ay nagsikain, at hindi pinakain ang aking mga tupa; 9 Kaya't, Oh kayong mga pastor, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: 10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa mga pastor; at aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa; at hindi na naman pakakanin ng mga pastor ang kanilang sarili; at aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang bibig, upang huwag maging pagkain sa kanila.

Psalm 63:11  Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.

Matitigil nga ang pangangaral... ng mga bulaang guro at bulaang propeta. Tama! Kaya todo pagkontra nyang mga iyan sa katotohanan dahil mawawalan sila ng hanapbuhay... Tingnan natin...

Ang Digmaang Pandaigdig Ba ay ang Apat na Hangin sa Revelation 7:1?

Basahin natin ang talata.

1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy. 2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, 3 Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

Ang aral na ang apat na hangin ay digmaan pandaigdig ay nagmula sa Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo. Anila, ito daw ang nakasulat sa Mateo 24, basahin natin.

Mateo 24:4-8 4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. 5 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. 6 At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. 7 Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. 8 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

Ang itinatanong ng mga alagad ay kung ano ang magiging tanda ng katapusan ng sanlibutan at ang tanda ng pagparito ni Cristo. Sa kaparehong senario, mababasa sa aklat ni Lucas at Marcos na itinatanong ng mga alagad kung "ano ang magiging tanda bago maganap" ang inihula ni Cristo na "walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato."

Mateo 24:1 At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. 2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.

Basahin natin mula sa aklat ni Lucas at Marcos kung ano ang itinatanong ng mga alagad.

Lucas 21:6 Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak. 7 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito? 

Marcos 13:3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres, 4 Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?

At sinagot sila ng Panginoon tungkol sa tanong nila, na kung ano ang magiging tanda bago maganap ang inihula ng Panginoon tungkol sa templo na walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Kaya sinagot sila ayon sa tanong, magkakaroon ng digma, lindol, salot at kagutom na mga pasimula ng kahirapan.

Kaya malinaw na ang digmaang pandaigdig ay tanda bago maganap ang inuhula ng Panginoon tungkol sa templo. Ngayon, kung ang digmaang pandaigdig ay tanda bago maganap ang mangyayari sa templo, hindi digmaang pandaigdig ang apat na hangin sa Revelation 7:1, bakit? Dahil ang apat na hangin ay nasa ika-6 na tatak. At ang aklat na natatatakan ay ang aklat ni Daniel. Daniel 12:4 Sinabi ng Panginoon sa Mateo 24:15 na magaganap ang hula ni Daniel. So, ang digmaang pandaigdig ay tanda bago maganap ang nasa aklat ni Daniel, bago maganap ang kasuklamsuklam na paninira. Kaya hindi nasasakop ng aklat ni Daniel ang tungkol sa digmaang pandaigdig, na apat na hangin ayon sa mga ministro ni Felix Manalo, dahil ang digmaan ay tanda lamang bago maganap ang nasusulat sa aklat ni Daniel. At ang aklat ni Daniel ay ang aklat na natatatakan kung saan nakasulat ang tungkol sa apat na hangin (ika-6 na tatak). Ngayon, kung ang aklat ni Daniel ang aklat na natatakan, saan nandoon ang tungkol sa kasuklamsuklam na paninira? Ang sagot: Ito ang gagawin ng apat na hangin, sila ang apat na mangangabayo (una hanggang ikaapat na tatak). At ang anghel na may dalang pantatak ng Dios ay ang Panginoong Jesus na tanging tagapagligtas mula sa galit ng Dios. At ang mga tinatakan ay maliligtas. Rev 9:4 Basahin ang tungkol sa pagdating ng Anak ng tao sa mateo 24, lucas 21 at marcos 13 at itugma sa sinabi sa Revelation 6 at 7. Nakita ang anghel matapos ang tanda sa araw, buwan at mga bituin, ito ang mga tanda bago dumating ang Anak ng tao, sa mga araw na yaon, sa isang salinlahi.

At ayon sa Panginoong Jesus, kapag naganap ang kasuklamsuklam na paninira, magaganap ang lahat ng nasusulat sa isang salinlahi.

Lucas 21:22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

Tandaan na ang tungkol sa anghel sa Rev 7:2,3 ay nasa aklat na natatatakan, at ang aklat na natatakan ay ang aklat ni Daniel, walang mababasa sa aklat ni Daniel na tungkol kay Felix Manalo.

At ipinaliwanag ng Panginoon ang tungkol sa nasa aklat ni Daniel sa Mateo 24, kaya ang paliwanag sa aklat na may tatak sa revelation ay mababasa rin sa Mateo 24.

Ang isa sa pinagbabatayang talata ng mga Manalista ay ang nasa aklat ni Jeremias, mainit na hangin, anila ito daw ay digmaan.

Walang mababasa sa biblia na ang ibig sabihin ng apat na hangin ay digmaang pandaigdig, haka-haka lamang ito ng mga ministro ni Felix Manalo.

Jeremias 4:11,12 11 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, ### Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man: 12 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila
Ang mainit na hangin sa Jeremias ay tumutukoy sa Babilonia na sasakop sa Jerusalem, hindi digmaan. Kaya may digmaan ay dahil sa mainit na hangin, ito ang manglilipol, ang Babilonia. Makikipagdigma ang Israel sa Babilonia, at ang Babilonia ang mainit na hangin, sila ang manglilipol. basahin ninyo ng buo ang buong chapter 4 sa aklat ni Jeremias. Ang hinuhulaan doon ay ang Jerusalem at natupad ito nang wasakin ng Babilonia ang Jerusalem.
Jeremias 4:6,7 6 *** Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa * hilagaan, at ng malaking paglipol. 7 Ang isang leon ay sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ** ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na walang mananahan.
Jeremias 4:19-21 19 Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.
20 Kagibaan at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali. 21 *** Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?
Sinabi dito ang naganap o magaganap sa Israel na sasakupin sila ng isang bansa sa Hilaga, ang Babilonia.
Basahin natin kung manglilipol ba talaga ang "mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang" sa Jeremias 12:12
Jeremias 12:12 Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.
Malinaw na manglilipol ang dumating mula sa luwal na kaitasan sa ilang. Malakas na hangin ang itinawag ng Panginoon sapagkat gigibain ng Babilonia ang Jerusalem.
Pansinin kung paano ikinumpara ng Panginoon ang isang sugo sa malakas na bagyo.
Isaias 28:2 Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at MALAKAS NA SUGO PARANG BAGYO ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.
At ang malakas na bagyo ay malakas na hangin upang gumiba. Balikan ang Jeremias 4:12.

Ano ang Una Hanggang Ika 5 Tatak?

Tanong ng isang kaibigan sa fb.

"ano nman michael ung unang tatak hanggang sa ika limang tatak?...ask ko lang bro" (Revelation 6:1-11)

Sagot:
Dahil ang aklat na may tatak sa aklat ng Apocalipsis (Revelation/Pahayag) ay ang aklat ni Daniel (12:4) nangangahulugan na ang mga paliwanag sa aklat na may tatak (sa Apocalipsis 5:1-4) ay mababasa sa aklat ni Daniel.

Ang panahon na kinuha ng Cordero ay mababasa sa Daniel chapter 7, iyan ang panahon ng ikaapat na hayop, iyan din ang panahon ng paghuhukom ng Dios batay sa paliwanag Daniel 7:19-22. At ayon sa Panginoong Jesus, nang ipinaliwanag niya ang nasa aklat ni Daniel, ang kaparusahan ay ang Kasuklamsuklam na Paninira, Abomination of Desolation sa ingles.

 Lucas 21:22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

Malinaw naman ang sinabi ng Panginoon na upang maganap ang lahat ng nasusulat. Pero mag-ingat tayo sa mga bulaan, baka sabihin nila ay ito ang panahon na dapat maganap ang lahat ng nasusulat, at pipili ng talata at isasakatuparan, kaya mag-ingat.

Iyan ang nasa Revelation 11:2,3 na bahagi pa rin ng aklat na may tatak, sa pitong trumpeta sa ikapitong tatak. Panahon na yuyurakan ang "Jerusalem" (hindi literal) batay na rin sa Lucas 21. Daniel 9:24-27 Mateo 24:15

Ang una hanggang ikaapat na tatak ay apat na mangangabayo ang lumabas nang sirain ang mga tatak. Basahin natin ang isang bahagi.

Pahayag 6:8 At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Ang pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa ay hindi lang ang ikaapat na mangangabayo, kundi ang lahat ng apat na mangangabayo. Ang tabak, at gutom at salot at mga ganid na hayop sa lupa ay ang APAT NA KAHATULAN ng Dios sa "Jerusalem" (hindi literal na Jerusalem)

Ezekiel 14:21  Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem, ang tabak, at ang kagutom, at ang mabangis na hayop, at ang salot, upang ihiwalay roon ang tao at hayop?

Ilalapat ng Dios ang kaniyang apat na kahatulan, kailan? Basahin natin sa Ezekiel 5

8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay laban sa iyo; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa gitna mo sa paningin ng mga bansa. 9 At aking gagawin sa iyo ang hindi ko ginawa, at hindi ko na gagawin pa ang kaparis, dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam.
16 Pagka ako'y magpapasapit sa kanila ng mga masamang pana ng kagutom na ikasisira nila, na siyang aking pasasapitin upang sirain kayo. At aking palalalain ang kagutom sa inyo, at aking babaliin ang inyong tungkod ng tinapay; 17 At ako'y magpapasapit sa inyo ng kagutom at mga masamang hayop, at kanilang aalisan ka ng anak; at salot at dugo ay daraan sa iyo; at aking pararatingin ang tabak sa iyo; ako ang Panginoon na nagsalita.

Iyan ang panahon ng paghuhukom ng Dios, iyan sa sa panahon ng pagkubkob sa Jerusalem, basahin natin ang nasa verse 2

2 Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at susugatan mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin, at ako'y magbubunot ng tabak sa likuran nila.

Ang pagbabahagi sa tatlo ay mababasa sa pitong (o anim na) trumpeta  na bahagi pa rin ng aklat na may tatak.

Ano ang mangyayari sa panahon ng pagkubkob sa Jerusalem? (hindi literal na Jerusalem)

Lucas 19:42-44
42 Na sinasabi, Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana, sa iyong sarili, ang mga bagay na nauukol sa iyong kapayapaan! datapuwa't ngayo'y pawang nangatatago sa iyong mga mata. 43 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila, 44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.

Hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa mata nila ang nauukol sa kanilang kapayapaan.

Tungkol sa ikalimang tatak, ang mga tao ay dumadaing sa Panginoon tungkol sa dugo ng mga pinatay sa lupa. Ang ibig sabihin nito, ay iyon din ang panahon ng paghihiganti ng Dios para sa kaniyang mga banal.

Mateo 23:37,38
37 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo! 38 Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.

Sinalita ng Panginoon ang tungkol sa kanilang kahatulan.

At tungkol sa ikaanim na tatak ay tungkol pa rin sa nasa aklat ni Daniel, tungkol sa Mateo 24, ang apat na hangin ay ang UNOS NG PANGINOON o MALAKAS NA BAGYO upang gumiba. At ito rin ang APAT NA HANGIN sa ikaanim na tatak, gaya ng sinabi sa Zacarias 6:1-8

Jeremias 25
31Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa, siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao; tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak, sabi ng Panginoon.
32Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, kasamaan ay mangyayari sa bansa at bansa, at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi ng lupa.
33 At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa.

Sa araw ng patayan magaganap iyan, nasa ikaanim na trumpet sinabi ang tungkol dyan. 1/3 nang sangkatauhan ang mapapatay ng Panginoon, hindi tataghuyan o ililibing dahil hindi naman literal na mapapatay. Iba ang 1/4 bahagi ng lupa na nasa kapangyarihan ng apat na mangangabayo na tumutukoy sa bahagi ng lupa sa 1/3 ng sangkatauhan ng mga tao na mapapatay na tumutukoy sa mga tao.

Nasa Isaias 13 din ang tungkol sa nasa ikaanim na tatak, tandaan na malinaw naman ang sinabi ng Panginoon na lahat ng bagay na nasusulat ay magaganap.

At tungkol sa anghel na magtatatak ay nasa nasa Ezekiel 9 ang paliwanag dyan, at iyon pa rin ang panahon ng paghatol ng Dios sa Jerusalem. At kung itatanong nyo ay tungkol sa pitong lalake, hindi ko alam ang kahulugan, maaaring ito ay pitong pastor na sinasabi sa biblia, o kumakatawan sa mga trumpeta.

Tungkol sa mga trumpeta, sa araw pa rin ng paghuhukom ng Dios yan, ang tawag dyan ay kaarawan ng pakakak at hudyatan. Pakakak para sa digmaan.

Zefanias 1:14-16
14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,
16 Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.

Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay mababasa rin  sa ikaanim na tatak.

Revelation 6
16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: 17 Sapagka't dumating na ang DAKILANG ARAW ng kanilang
kagalitan; at sino ang makatatayo?

Kailan naman magpapatabon ang mga tao sa mga bundok?

Lucas 23
28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak. 29 Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso. 30 Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

Bakit darating ang mga araw na kanilang sasabihin na mapalad ang mga baog???

Dahil magiging kawawa sila sa araw na iyon, sinalita ito ng Panginoon upang ipaalam ang magiging ganti sa kanila.

Lucas 21
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat. 23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

Malinaw na ang mga nagdadalangtao at mga nagpapasuso ay magiging aba sa mga araw na yaon. At ang panahong iyon ay tungkol sa magaganap sa Jerusalem (hindi literal na Jerusalem).

Ang lahat ng nasusulat ay doon lang nauuwi sa Mateo 24, Lucas 21 at Marcos 13. At ang aklat ng Apocalipsis naman ay mga rebelasyon ng mga ng Panginoon tungkol sa hula niya sa Mateo 24, Lucas 21 at Marcos 13, mga rebelasyon niya ito tungkol sa lahat ng mga nasusulat, sa aklat ng mga propeta.

Uod, Ibon, Anghel at Pastol

Ang uod, ibon, anghel, pastol na mga hula DAW kay Manalo ay hindi magkakatugma.

Ni isang pahayag ng hula (DAW) kay Felix Manalo ay walang pagkakatugma. Kaya lang nagmukhang magkakatugma ay dahil pinalitaw na sa iisang panahon naganap, pero ang mismong mga hula ay hindi magkakatugma.

Uod:

Isaiah 41:13,14
13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
14 Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.

Ibon:

Isaiah 46:9,10,11,12,13
9 Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;
10 Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:
11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
12 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:
13 Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.

Anghel:

Revelation 7:2,3
2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,
3 Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

Pastol:

John 10:16
At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

Kung napansin ninyo ay walang magkakatugma dyan. Paano nila napagmukhang magkakatugma? Sa pamamagitan ng pagdaya sa mga tao at pinalabas na sa iisang panahon at lugar nangyari.

At sino ang nagpaliwag ng mga hula (DAW)? Ang mga HISTORIANS NA HINDI MGA PROPETA.

Tungkol sa pag-angkin nila na si Felix Manalo daw ang magiging pastor sa Juan 10:16, hindi ito si Felix Manalio kung ibabatay sa isa pa nilang pag-angkin sa hula sa Revelation 6 tungkol sa ikaanim na tatak, ang magiging pastor na sinasabi sa ikaanim na tatak ay si Cristo

Apocalipsis 7:17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang MAGIGING PASTOR NILA, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.

Kaya lumalabas na si Felix Manalo ay ang kanilang Cristo, bukod dyan ay Dios din nila si Felix Manalo sapagkat, nagtatak daw ang Espiritu Santo.

Rev 19:11-21

Tanong mula sa email:

Kailan magaganap ang nasa Revelation 19:11-21?

Sagot:
Basahin natin ang ilang bahagi ng mga talata.

Revelation 19:13-15
13 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.
14 At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay.  
15 At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

Ang sagot kung kailan ito magaganap ay nasa Isaias 63:1-6

Isaias 63:1-6
1 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.
2 Bakit ka mapula sa iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?
3 Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.
4 Sapagka't ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating.
5 At ako'y lumingap, at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.
6 At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.

(Rev 19:13 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: Isaias 63:3 ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko. At Rev 19:15, niyurakan niya ang pisaan ng ubas at Isaias 63:3, niyurakang magisa ang alilisan ng alak.)

Malinaw na sa panahong iyan ay walang isang sumasa Panginoon verse 3, malinaw na ang Panginoon ay lumingap at walang tumulong at siya'y namangha na walang umalalay verse 5. Kaya walang makakapagsinungaling sa Panginoon. At baka ibalik pa ang sisi sa kaniya, tulad ng isang pinagkatiwalaan ng salapi sa talinghaga ng Panginoon, na ibinalik pa ang sisi sa panginoon, basahin natin ang talata.

Mateo 25:24,25 24 At lumapit naman ang tumanggap ng isang talento at sinabi, Panginoon, nakikilala kita na ikaw ay taong mapagmatigas, na gumagapas ka doon sa hindi mo hinasikan, at nagaani ka doon sa hindi mo sinabugan; 25 At ako'y natakot, at ako'y yumaon at aking itinago sa lupa ang talento mo: narito, nasa iyo ang iyong sarili. 26 Datapuwa't sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, Ikaw na aliping masama at tamad, nalalaman mong ako'y gumagapas sa hindi ko hinasikan, at nagaani doon sa hindi ko sinabugan;

Malinaw na ang MASAMA at TAMAD na alipin ay ibinalik ang sisi sa kaniyang Panginoon.

Ngayon kumpletuhin na natin ang sagot kung kailan matutupad ang nasa Revelation 19:11-21, binasa na natin ang nasa Isaias 63:1-6, ngayon ay basahin natin ang nasa Lucas 21:22,28

Lucas 21:22,27,28
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
27 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.  
28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.

Ang nasa Lucas 21:22,28 ay pareho sa nasa Isaias 63:4.

Marcos 9:40 Sapagka't ang hindi laban sa atin ay sumasa atin.

Freestyle

Daniel 12:7 At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.

Daniel 2:31,44,45
31 Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot.
44 At [sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man], o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; *kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.
45 Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat.

Isaias 10:10 Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diosdiosan, na ang mga larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kay sa Jerusalem at sa Samaria;

Daniel 5:4 Sila'y nangaginuman ng alak, at nagsipuri sa mga dios na ginto, at pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.

Pahayag 9:20 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.

1 Mga Taga Corinto 15:24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; *pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.

Obadiah 1:3 The pride of your heart has deceived you, you that dwell in the clefts of the rock, whose habitation is high; that said in his heart, Who shall bring me down to the ground?

Daniel 2:34,35,42,43
34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag.  
35 Nang **magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa. 
42 At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok.
43 At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.

Mikas 1:2-5,7
2 Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.
3 Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.
4 At ang mga bundok ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.
5 Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang Samaria? at ano ang mga mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?
7 At ** lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.

Maikling paliwanag sa Mikas 1;2-5,7: Yayapakan ng Panginoon ang kaniyang mga kaaway, sila ang mga bundok, sila ay mga mapagmataas na tao kaya tinawag silang bundok. Ang mga bundok ay natunaw, ibig sabihin, ibinaba sila ng Panginoon.

Isaias 10:33 Narito, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, na kakilakilabot ang mga sanga: at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal, at ang mapagmataas ay ibababa.

Isaias 5:15,16
15 At ang taong hamak ay pinayuyukod, at ang makapangyarihang tao ay pinapagpapakumbaba, at ang mga mata ng nagmamataas ay pinapagpapakumbaba:
16 Nguni't ang Panginoon ng mga hukbo ay nabunyi sa kahatulan, at ang Dios na Banal ay inaring banal sa katuwiran.

Isaias 2:17 At ang kahambugan ng tao ay huhutukin, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa: at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.

Zacarias 4:7 Sino ka, Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.

Nahum 1:5 Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito.

Isaias 9:10-11
9 Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.
10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
11 At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.

Joel 2:1,10
1 Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;
10 Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:

Isaias 33:14 Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?

11-11-11

Luke 17:20-37
20 At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita:
21 Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo.
22 At sinabi niya sa mga alagad, Darating ang mga araw, na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, at hindi ninyo makikita.

23 At sasabihin nila sa inyo, Naririyan! Naririto! huwag kayong magsisiparoon, ni magsisisisunod man sa kanila:
24 Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan.
25 Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.
26 At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.
27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.
28 Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay.
29 Datapuwa't nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat:

30 Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.

31 Sa araw na yaon, ang mapapasa bubungan, at nasa bahay ng kaniyang mga pag-aari, ay huwag silang manaog upang kunin: at ang nasa bukid ay gayon din, huwag siyang umuwi.
32 Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot.
33 Sinomang nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon.
34 Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
35 Magkasamang gigiling ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan.
36 Mapapasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin at ang isa'y iiwan.
37 At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa kanila, Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak.

Ang mga talata ay tungkol sa pagdating ng kaharian ng Dios at pagdating ni pagdating ni Cristo.

Ang mga talata (verse 23-29 at 34) ay kagaya ng nasa Mateo 24:36-41

Mateo 24:36-41
36 Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.  
37 At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.  
38 Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,  
39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.  
40 Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan:  
41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

Kaya ang pagdating ng kaharian ng Dios ay sa pagdating ni Cristo. Ang nasa Mateo 24 ay pareho din sa mga pahayag ng mga propeta na sa panahong iyon ay magdidilim ang araw, pupula ang buwan at malalaglag ang mga bituin.

Joel chapter 1, 2 at 3
Isaias chapter 13 (malinaw iyan ang kaarawan ng Panginoon at panahon ng kaniyang paghatol, gagawing kagibaan ang lupa at parurusahan ang mga makasalanan)

Pareho din sa ikaanim na tatak, na ang kaarawang iyon ay dakila at kakilakilabot, ang araw at buwan ay nagdidilim, at nangalalaglag ang mga bituin, ang mga bundok at pulo ay naalis sa kinatatayuan. Joel 3 at Isaias 13 ay ito ang panahong yayanigin ng Panginoon ang langit at ang lupa, kaya mababasa sa ikaanim na tatak na ang langit ay nabalumbom, ang mga bundok na naalis sa kinatatayuan ay ang mga masasasama at mapagmataas na tao. Ang malakas na lindol sa ikaanim na tatak ay ang pagyanig sa langit at lupa.

Malinaw na malinaw ang mga pahayag ng mga propeta. Lahat ng mga hula mula kay Moises at hanggang sa aklat ng Apocalipsis ay magkakatugma.

Isang Oras at ang 10 Hari

Revelation 17:5,12,16
5 At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
12 At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.
16 At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy.

ayon sa talata, verse 12, ang sangpung hari ay magsisitanggap ng kapamahalaang paghahari na ISANG ORAS, aalamin natin kung ano ang mangyayari sa loob ng isang oras na iyan.

Ang babae ay ang Dakilang Babilonia. Ayon sa verse 16, ang sangpung sungay at ang hayop ay nangapopoot sa patutot, ang babae (patutot) ayon sa verse 16, "siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy."   ituloy natin sa chapter 18

Revelation 18:1,2
1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian. 2 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. 3 Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.

Ayon sa verse 2 ng Revelation 18, ang Dakilang Babilonia ay naguho, at heto ang mangyayari sa loob ng isang oras:

Revelation 18:10,17,19
10 At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
17 Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
19 At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.

Basahin natin ang mula sa wikipedia
  • American Airlines Flight 11: Left Boston’s Logan Airport at 7:59 a.m. enroute to Los Angeles with a crew of 11 and 76 passengers, not including five hijackers. The hijackers flew the plane into the North Tower of the World Trade Center at 8:46 a.m.
  • United Airlines Flight 175: Left Logan Airport at 8:14 a.m. enroute to Los Angeles with a crew of nine and 51 passengers, not including five hijackers. The hijackers flew the plane into the South Tower of the World Trade Center at 9:03 a.m.
http://en.wikipedia.org/wiki/September_11_attacks#Attacks

2] The South Tower collapsed at 9:59 a.m., less than an hour after being hit by the hijacked airliner, and at 10:28 a.m. the North Tower collapsed.
http://en.wikipedia.org/wiki/Collapse_of_the_World_Trade_Center

At 8:46 a.m., five hijackers crashed American Airlines Flight 11 into the World Trade Center's North Tower (1 WTC), and at 9:03 a.m., another five hijackers crashed United Airlines Flight 175 into the South Tower (2 WTC).[6][7]
http://en.wikipedia.org/wiki/September_11_attacks#Events

The South Tower collapsed at 9:59 a.m., and at 10:28 a.m. the North Tower collapsed (29 minutes - maaaring ito ang kalahating oras sa Rev 8:1)

Revelation 9:14 Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos sa malaking ilog ng Eufrates. 15 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.

Jeremiah 46:10 Sapagka't ang araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.

Ang apat na anghel ay inihanda sa oras at araw at buwan at taon, upang patayin ang 1/3 na bahagi ng mga tao. Kung ganyang karami ang mamamatay, samakatuwid, ay sa paghuhukom ng Dios itinakda ang apat na anghel.

Ang ilog Eufrates ay sa tabi ng Babilonia o Iraq sa ngayon.

Sa Revelation 18:10 At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.

Maliwanag na sa loob ng isang oras ay dumating ang hatol sa Dakilang Babilonia, at ang Dakilang Babilonia ay naghahari sa mga hari sa lupa. Samakatuwid, ito ang paghatol sa sanlibutan, sapagkat ang Dakilang Babilonia ay naghahari sa mga hari sa lupa o lahat ng mga pinaghaharian niya ay hahatulan. Tugma ito sa Isaias chapter 13.

At ang magpapabagsak naman sa Dakilang Babilonia ay ang hayop at 10 hari Revelation 17:16,17