THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Ano ang Una Hanggang Ika 5 Tatak?

Tanong ng isang kaibigan sa fb.

"ano nman michael ung unang tatak hanggang sa ika limang tatak?...ask ko lang bro" (Revelation 6:1-11)

Sagot:
Dahil ang aklat na may tatak sa aklat ng Apocalipsis (Revelation/Pahayag) ay ang aklat ni Daniel (12:4) nangangahulugan na ang mga paliwanag sa aklat na may tatak (sa Apocalipsis 5:1-4) ay mababasa sa aklat ni Daniel.

Ang panahon na kinuha ng Cordero ay mababasa sa Daniel chapter 7, iyan ang panahon ng ikaapat na hayop, iyan din ang panahon ng paghuhukom ng Dios batay sa paliwanag Daniel 7:19-22. At ayon sa Panginoong Jesus, nang ipinaliwanag niya ang nasa aklat ni Daniel, ang kaparusahan ay ang Kasuklamsuklam na Paninira, Abomination of Desolation sa ingles.

 Lucas 21:22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

Malinaw naman ang sinabi ng Panginoon na upang maganap ang lahat ng nasusulat. Pero mag-ingat tayo sa mga bulaan, baka sabihin nila ay ito ang panahon na dapat maganap ang lahat ng nasusulat, at pipili ng talata at isasakatuparan, kaya mag-ingat.

Iyan ang nasa Revelation 11:2,3 na bahagi pa rin ng aklat na may tatak, sa pitong trumpeta sa ikapitong tatak. Panahon na yuyurakan ang "Jerusalem" (hindi literal) batay na rin sa Lucas 21. Daniel 9:24-27 Mateo 24:15

Ang una hanggang ikaapat na tatak ay apat na mangangabayo ang lumabas nang sirain ang mga tatak. Basahin natin ang isang bahagi.

Pahayag 6:8 At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Ang pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa ay hindi lang ang ikaapat na mangangabayo, kundi ang lahat ng apat na mangangabayo. Ang tabak, at gutom at salot at mga ganid na hayop sa lupa ay ang APAT NA KAHATULAN ng Dios sa "Jerusalem" (hindi literal na Jerusalem)

Ezekiel 14:21  Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem, ang tabak, at ang kagutom, at ang mabangis na hayop, at ang salot, upang ihiwalay roon ang tao at hayop?

Ilalapat ng Dios ang kaniyang apat na kahatulan, kailan? Basahin natin sa Ezekiel 5

8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay laban sa iyo; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa gitna mo sa paningin ng mga bansa. 9 At aking gagawin sa iyo ang hindi ko ginawa, at hindi ko na gagawin pa ang kaparis, dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam.
16 Pagka ako'y magpapasapit sa kanila ng mga masamang pana ng kagutom na ikasisira nila, na siyang aking pasasapitin upang sirain kayo. At aking palalalain ang kagutom sa inyo, at aking babaliin ang inyong tungkod ng tinapay; 17 At ako'y magpapasapit sa inyo ng kagutom at mga masamang hayop, at kanilang aalisan ka ng anak; at salot at dugo ay daraan sa iyo; at aking pararatingin ang tabak sa iyo; ako ang Panginoon na nagsalita.

Iyan ang panahon ng paghuhukom ng Dios, iyan sa sa panahon ng pagkubkob sa Jerusalem, basahin natin ang nasa verse 2

2 Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at susugatan mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin, at ako'y magbubunot ng tabak sa likuran nila.

Ang pagbabahagi sa tatlo ay mababasa sa pitong (o anim na) trumpeta  na bahagi pa rin ng aklat na may tatak.

Ano ang mangyayari sa panahon ng pagkubkob sa Jerusalem? (hindi literal na Jerusalem)

Lucas 19:42-44
42 Na sinasabi, Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana, sa iyong sarili, ang mga bagay na nauukol sa iyong kapayapaan! datapuwa't ngayo'y pawang nangatatago sa iyong mga mata. 43 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila, 44 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.

Hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa mata nila ang nauukol sa kanilang kapayapaan.

Tungkol sa ikalimang tatak, ang mga tao ay dumadaing sa Panginoon tungkol sa dugo ng mga pinatay sa lupa. Ang ibig sabihin nito, ay iyon din ang panahon ng paghihiganti ng Dios para sa kaniyang mga banal.

Mateo 23:37,38
37 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo! 38 Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.

Sinalita ng Panginoon ang tungkol sa kanilang kahatulan.

At tungkol sa ikaanim na tatak ay tungkol pa rin sa nasa aklat ni Daniel, tungkol sa Mateo 24, ang apat na hangin ay ang UNOS NG PANGINOON o MALAKAS NA BAGYO upang gumiba. At ito rin ang APAT NA HANGIN sa ikaanim na tatak, gaya ng sinabi sa Zacarias 6:1-8

Jeremias 25
31Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa, siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao; tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak, sabi ng Panginoon.
32Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, kasamaan ay mangyayari sa bansa at bansa, at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi ng lupa.
33 At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa.

Sa araw ng patayan magaganap iyan, nasa ikaanim na trumpet sinabi ang tungkol dyan. 1/3 nang sangkatauhan ang mapapatay ng Panginoon, hindi tataghuyan o ililibing dahil hindi naman literal na mapapatay. Iba ang 1/4 bahagi ng lupa na nasa kapangyarihan ng apat na mangangabayo na tumutukoy sa bahagi ng lupa sa 1/3 ng sangkatauhan ng mga tao na mapapatay na tumutukoy sa mga tao.

Nasa Isaias 13 din ang tungkol sa nasa ikaanim na tatak, tandaan na malinaw naman ang sinabi ng Panginoon na lahat ng bagay na nasusulat ay magaganap.

At tungkol sa anghel na magtatatak ay nasa nasa Ezekiel 9 ang paliwanag dyan, at iyon pa rin ang panahon ng paghatol ng Dios sa Jerusalem. At kung itatanong nyo ay tungkol sa pitong lalake, hindi ko alam ang kahulugan, maaaring ito ay pitong pastor na sinasabi sa biblia, o kumakatawan sa mga trumpeta.

Tungkol sa mga trumpeta, sa araw pa rin ng paghuhukom ng Dios yan, ang tawag dyan ay kaarawan ng pakakak at hudyatan. Pakakak para sa digmaan.

Zefanias 1:14-16
14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,
16 Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.

Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay mababasa rin  sa ikaanim na tatak.

Revelation 6
16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: 17 Sapagka't dumating na ang DAKILANG ARAW ng kanilang
kagalitan; at sino ang makatatayo?

Kailan naman magpapatabon ang mga tao sa mga bundok?

Lucas 23
28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak. 29 Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso. 30 Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

Bakit darating ang mga araw na kanilang sasabihin na mapalad ang mga baog???

Dahil magiging kawawa sila sa araw na iyon, sinalita ito ng Panginoon upang ipaalam ang magiging ganti sa kanila.

Lucas 21
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat. 23 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

Malinaw na ang mga nagdadalangtao at mga nagpapasuso ay magiging aba sa mga araw na yaon. At ang panahong iyon ay tungkol sa magaganap sa Jerusalem (hindi literal na Jerusalem).

Ang lahat ng nasusulat ay doon lang nauuwi sa Mateo 24, Lucas 21 at Marcos 13. At ang aklat ng Apocalipsis naman ay mga rebelasyon ng mga ng Panginoon tungkol sa hula niya sa Mateo 24, Lucas 21 at Marcos 13, mga rebelasyon niya ito tungkol sa lahat ng mga nasusulat, sa aklat ng mga propeta.

No comments:

Post a Comment