Ayon sa iglesia ni Felix Manalo, ang tatlong anghel sa Revelation 14:6-12 ay si Pablo (una) at si Martin Luther (pangalawa) at ang pangatlo, ayon sa kanila ay si Felix Manalo. Kaya alamin natin kung tama ba ang kanilang interpretasyon, basahin natin ang mga talata.
Rev 14:6,7
6 At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan;
7 At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.
Malinaw na hindi si Pablo ang unang anghel, sapagkat ang anghel ay magbabalita sa bawat bansa at angkan at wika at bayan, o sa buong sanlibutan.
Balikan natin ang nakita ni Juan bago niya nakita ang tatlong anghel. Nakita ni Juan ang 144,000 at ang Cordero na nakatayo sa bundok ng Sion. Kaya malinaw na ang panahong tinutukoy ay sa panahon ng pagdating ni Cristo. Ang tatlong anghel ay nakita matapos na makita ang Cordero na nakatayo sa bundok ng Sion.
Ayon sa Rev 14:6,7, ang unang anghel ay mabuting balita upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at ang sinasabi ...DUMATING ANG PANAHON NG KANIYANG PAGHATOL... kaya malinaw na ang ibinabalita ng unang anghel ay tungkol sa pagdating ng paghatol ng Dios. Kaya ang anghel ay hindi si Pablo, sapagkat ang anghel ay nakita matapos makita ang Cordero na nakatayo sa bundok ng Sion, at ang ibinabalita ng unang anghel ay tungkol sa panahon ng paghatol ng Dios.
At ang ibinabalita ng unang anghel ay tugma sa ibinabalita ng pangalawang anghel, basahin natin.
Rev 14:8
8 At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.
Ang panahon ng paghatol ng Dios, sa sanlibutan, ayon sa aklat ni Isaias ay sa panahon hahatulan niya ang dakilang Babilonia. Nasa Isaias chapter 13 at aklat ni Joel chapter 1 hanggang 3 mababasa yan.
At ang panahon ng paghatol ng Dios ay sa panahong ang araw, buwan at bituin ay nagdidilim. Nasa Revelation 6 din yan, ayon sa Rev 6, "dumating na ang dakilang araw... araw ng mabangis na galit ng Dios at ng Cordero..." kaya ang mga tao ay nagtatago sa mga bato at bundok. At nasa Rev 7 ang tungkol sa pagtatatak sa 144,000, na ang mga tinatakan, ayon sa Rev 9:4, nilampasan ng parusa ang mga may tatak ng Dios, na pareho din sa Ezekiel 9.
Malinaw na hindi si Martin Luther ang ikalawang anghel, sapagkat ang paghatol sa dakilang Babilonia ay hindi nangyari sa panahon ni Martin Luther.
Rev 14:9-12
9 At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, 10 Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: 11 At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. 12 Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.
Ang ipinahahayag naman ng ikatlong anghel ay tungkol sa kahatulan, kung ano ang sentensya sa mga nahatulan.
Malinaw na hindi si Felix Manalo ang ikatlong anghel, sapagkat ang naunang dalawang anghel ay nagpapahayag ng tungkol sa panahon ng paghatol ng Dios sa sanlibutan at sa panahon niya (ni Felix Manalo) ay wala pa ang anticristo na magtatatak ng bilang 666. Ang may bilang 666, ito ang "son of perdition" na ang pamumuno ay aabutan ni Cristo sa kaniyang pagdating.
At kung itutuloy sa Rev 14:14-20, binabanggit doon ang tungkol sa pag-aani, ang tungkol sa pag-aani ay ipinahayag din sa aklat ni Joel.
13 Gamitin ninyo ang karit; sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.
14 Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya.
15 Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.
Malinaw na ang panahon ng pag-aani ay sa kaarawan ng Panginoon, na sa panahong iyon, ang araw, buwan at mga bituin ay nagdidilim.
Kung hindi si Pablo at si Martin Luther at si Felix Manalo ang tatlong anghel, sino sila?
Mahirap alamin kung ano ang kahulugan ng tatlong anghel, ang tatlong anghel ay nagpapatotoo o tatlong nagpapatotoo.
Walang binabanggit sa aklat ng mga propeta na tungkol sa tatlong anghel na yan, pero ang mga pahayag nila ay mababasa sa aklat ng mga propeta.
May apat pang anghel na kasunod, naroon sa pag-aani, bale pitong anghel, maaaring pitong espiritu ng Cordero, o siya din, dahil ang credit ay sa kaniya.
Ang panahon na lang ang unawain nating mabuti

No comments:
Post a Comment