THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Ang Digmaang Pandaigdig Ba ay ang Apat na Hangin sa Revelation 7:1?

Basahin natin ang talata.

1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy. 2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, 3 Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

Ang aral na ang apat na hangin ay digmaan pandaigdig ay nagmula sa Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo. Anila, ito daw ang nakasulat sa Mateo 24, basahin natin.

Mateo 24:4-8 4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. 5 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. 6 At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. 7 Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. 8 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

Ang itinatanong ng mga alagad ay kung ano ang magiging tanda ng katapusan ng sanlibutan at ang tanda ng pagparito ni Cristo. Sa kaparehong senario, mababasa sa aklat ni Lucas at Marcos na itinatanong ng mga alagad kung "ano ang magiging tanda bago maganap" ang inihula ni Cristo na "walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato."

Mateo 24:1 At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. 2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.

Basahin natin mula sa aklat ni Lucas at Marcos kung ano ang itinatanong ng mga alagad.

Lucas 21:6 Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak. 7 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito? 

Marcos 13:3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres, 4 Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?

At sinagot sila ng Panginoon tungkol sa tanong nila, na kung ano ang magiging tanda bago maganap ang inihula ng Panginoon tungkol sa templo na walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Kaya sinagot sila ayon sa tanong, magkakaroon ng digma, lindol, salot at kagutom na mga pasimula ng kahirapan.

Kaya malinaw na ang digmaang pandaigdig ay tanda bago maganap ang inuhula ng Panginoon tungkol sa templo. Ngayon, kung ang digmaang pandaigdig ay tanda bago maganap ang mangyayari sa templo, hindi digmaang pandaigdig ang apat na hangin sa Revelation 7:1, bakit? Dahil ang apat na hangin ay nasa ika-6 na tatak. At ang aklat na natatatakan ay ang aklat ni Daniel. Daniel 12:4 Sinabi ng Panginoon sa Mateo 24:15 na magaganap ang hula ni Daniel. So, ang digmaang pandaigdig ay tanda bago maganap ang nasa aklat ni Daniel, bago maganap ang kasuklamsuklam na paninira. Kaya hindi nasasakop ng aklat ni Daniel ang tungkol sa digmaang pandaigdig, na apat na hangin ayon sa mga ministro ni Felix Manalo, dahil ang digmaan ay tanda lamang bago maganap ang nasusulat sa aklat ni Daniel. At ang aklat ni Daniel ay ang aklat na natatatakan kung saan nakasulat ang tungkol sa apat na hangin (ika-6 na tatak). Ngayon, kung ang aklat ni Daniel ang aklat na natatakan, saan nandoon ang tungkol sa kasuklamsuklam na paninira? Ang sagot: Ito ang gagawin ng apat na hangin, sila ang apat na mangangabayo (una hanggang ikaapat na tatak). At ang anghel na may dalang pantatak ng Dios ay ang Panginoong Jesus na tanging tagapagligtas mula sa galit ng Dios. At ang mga tinatakan ay maliligtas. Rev 9:4 Basahin ang tungkol sa pagdating ng Anak ng tao sa mateo 24, lucas 21 at marcos 13 at itugma sa sinabi sa Revelation 6 at 7. Nakita ang anghel matapos ang tanda sa araw, buwan at mga bituin, ito ang mga tanda bago dumating ang Anak ng tao, sa mga araw na yaon, sa isang salinlahi.

At ayon sa Panginoong Jesus, kapag naganap ang kasuklamsuklam na paninira, magaganap ang lahat ng nasusulat sa isang salinlahi.

Lucas 21:22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

Tandaan na ang tungkol sa anghel sa Rev 7:2,3 ay nasa aklat na natatatakan, at ang aklat na natatakan ay ang aklat ni Daniel, walang mababasa sa aklat ni Daniel na tungkol kay Felix Manalo.

At ipinaliwanag ng Panginoon ang tungkol sa nasa aklat ni Daniel sa Mateo 24, kaya ang paliwanag sa aklat na may tatak sa revelation ay mababasa rin sa Mateo 24.

Ang isa sa pinagbabatayang talata ng mga Manalista ay ang nasa aklat ni Jeremias, mainit na hangin, anila ito daw ay digmaan.

Walang mababasa sa biblia na ang ibig sabihin ng apat na hangin ay digmaang pandaigdig, haka-haka lamang ito ng mga ministro ni Felix Manalo.

Jeremias 4:11,12 11 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, ### Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man: 12 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila
Ang mainit na hangin sa Jeremias ay tumutukoy sa Babilonia na sasakop sa Jerusalem, hindi digmaan. Kaya may digmaan ay dahil sa mainit na hangin, ito ang manglilipol, ang Babilonia. Makikipagdigma ang Israel sa Babilonia, at ang Babilonia ang mainit na hangin, sila ang manglilipol. basahin ninyo ng buo ang buong chapter 4 sa aklat ni Jeremias. Ang hinuhulaan doon ay ang Jerusalem at natupad ito nang wasakin ng Babilonia ang Jerusalem.
Jeremias 4:6,7 6 *** Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa * hilagaan, at ng malaking paglipol. 7 Ang isang leon ay sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ** ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na walang mananahan.
Jeremias 4:19-21 19 Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.
20 Kagibaan at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali. 21 *** Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?
Sinabi dito ang naganap o magaganap sa Israel na sasakupin sila ng isang bansa sa Hilaga, ang Babilonia.
Basahin natin kung manglilipol ba talaga ang "mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang" sa Jeremias 12:12
Jeremias 12:12 Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.
Malinaw na manglilipol ang dumating mula sa luwal na kaitasan sa ilang. Malakas na hangin ang itinawag ng Panginoon sapagkat gigibain ng Babilonia ang Jerusalem.
Pansinin kung paano ikinumpara ng Panginoon ang isang sugo sa malakas na bagyo.
Isaias 28:2 Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at MALAKAS NA SUGO PARANG BAGYO ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.
At ang malakas na bagyo ay malakas na hangin upang gumiba. Balikan ang Jeremias 4:12.

No comments:

Post a Comment