THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Sino ang Anghel sa Revelation 18:1,2?

Sino ang anghel sa Revelation 18:1,2? Basahin natin.

Revelation 18:1,2 1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, NA MAY DAKILANG KAPAMAHALAAN; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian. 2 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.

Malinaw na ang anghel ay may dakilang kapamahalaan, samakatuwid, ISA SIYANG ARKANGHEL.
Ahttp://files.abovetopsecret.com/files/img/pe4f7fdb3f.jpg

Sino ba ang arkanghel na darating ayon sa biblia at aalamin natin kung anong kaganapan ang mangyayari sa panahon ng kanyang pagdating. Ang sinabi sa Revelation chapter 17 hanggang 18 ay ang pagbagsak ng Dakilang Babilonia. Bumasa tayo sa nasa aklat ng propeta upang malaman natin kung sino ang darating na arkanghel at sa anong panahon.

Daniel 12:1,2 1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat. 2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Ang sinabi na darating ay si Miguel na arkanghel. Ano bang pangyayari ang magaganap sa kaniyang pagdating na katugma ng nasa Revelation 17 at 18? Ang magaganap ay ang pagkawasak ng Jerusalem. Ito rin ang sinabi ng Panginoong Jesus sa Mateo 24, Marcos 13 at Lucas 21 na sa panahong iyon din ay magkakaroon ng malaking kapighatian (mateo 24:15) na tugma sa sinabi sa aklat ni Daniel na "magkakaroon ng panahon ng kabagabagan" Kaya ang pagkawasak ng Dakilang Babilonia samakatuwid ay ang pagkagiba ng Jerusalem ay iisa at pareho.

Tugma naman ang nasa Daniel 12:2 na sa pagdating ng arkanghel ay mangabubuhay ang mga namatay sa 1 Mga Taga Tesalonica 4:16.

fb wall apr 28, 2012

No comments:

Post a Comment