THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Pangalan ng Dios, Nasa Anghel ng Panginoon

http://danieldupre.deviantart.com/art/Archangel-Michael-328341240
Ang YHWH ay pangalan ng Dios, binanggit sa Jeremiah 16:21 at Psalm 83:18, ang anghel ng Panginoon ay tinawag na YHWH, Zech 3:2 http://biblos.com/zechariah/3-2.htm so, malinaw na ang pangalan ng Dios ay nasa Anghel ng Panginoon Ex 23:20,21

Yhvh: the proper name of the God of Israel
Original Word: יְהֹוָה
Part of Speech: Proper Name
Transliteration: Yhvh
Phonetic Spelling: (yeh-ho-vaw')
Short Definition: LORD
http://concordances.org/hebrew/3068.htm

Mga talata:
Jeremias 16:21 Kaya't, narito, ipakikilala ko sa kanila, na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan; at kanilang makikilala na ang aking pangalan ay Jehova. (Jehova ay YHWH sa wikang Hebreo na ang kahulugan ay LORD)

Psalm 83:18 Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.

Zacarias 3:2 At sinabi ng Panginoon (YHWH sa wikang Hebreo) kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang dupong na naagaw sa apoy?

Exodo 23:20,21 20 Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo. 21 Magingat kayo sa kaniya, at dinggin ninyo ang kaniyang tinig; huwag ninyong mungkahiin siya: sapagka't hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang; sapagka't ang aking pangalan ay nasa kaniya.

Sabi ng iba, dalawa daw ang binanggit sa biblia na arkanghel, si Miguel daw ang isa at si Gabriel daw ang isa. Sabi ko, hindi tinawag na arkanghel si Gabriel sa biblia, hindi rin siya tinawag na Panginoon at ang binanggit tungkol sa kaniya ay "isang" anghel ng Panginoon, kaya hindi rin siya ang Anghel ng Panginoon. Malilito ka nyan kung may dalawang arkanghel na binanggit sa biblia, katulad ng nasa Rev 18:1,2, may DAKILANG KAPANGYARIHAN ang anghel, kaya samakatuwid ay ARKANGHEL siya. Sino ba ang may DAKILANG KAPANGYARIHAN na bababa mula sa langit na magpapaliwanag sa daigdig? Kung dumating na si Jesus bago siya, bakit liliwanag pa? Kung dumating na ang anghel bago si Jesus ay maliwanag na ang daigdig dahil sa anghel na nauna sa kanya. Si Jesus ay may DAKILANG KAPANGYARIHAN na bababa mula sa langit, Mark 13:26

mga talata:
Revelation 18:1,2 1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian. 2 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.

Marcos 13:26 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.

Kailan ba ang pagdating ni Jesus? Sagot: Batay ayon sa Mateo 24, Mark 13 at Lucas 21, sa panahon ng paghuhukom ng Dios, na iniugnay niya sa aklat ni Daniel. Sino naman ang darating ayon sa panahong iyon na sinabi ni Jesus batay naman sa aklat ni Daniel? Sagot: Ang arkanghel na si Miguel. Kailan naman darating ang anghel sa Rev 18:1,2? Sagot, sa panahon ng pagbagsak ng Dakilang Babilonia. Ayon naman sa Isaiah 13 at 14 magaganap ang pagbagsak ng Babilonia sa panahon ng paghuhukom ng Dios. At ayon sa Panginoon sa panahon ng paghuhukom sa sanlibutan ay palalayasin si Satanas, John 12:31 na tugma sa Rev 12 at ang pagkahulog ni Satanas ay tugma sa Isaiah 14.

mga talata:
Isaias 13:13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit, (Basahin ang buong chapter)

Isaias 14:12 Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! (Basahin ang buong chapter, ang tinutukoy ay Babilonia)

John 12:31 Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.

Revelation 12:7,8,9 7 At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; 8 At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. 9 At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya

Isang tanong, sa mga anghel, kanino ipagkakatiwala ng Dios ang kaniyang pangalan? Kaninong anghel niya ibibigay ang kaniyang pangalan? Hindi ba dapat ay sa pinaka pinagkakatiwalaan niya ng lubos? Sa arkanghel!!!

Sa mga sinabi kong yan, may mabubuo kang konklusyon

Di ba napakadali lang maintindihan ng biblia?

Isa pang tanong, sino ang mas mataas na katungkulan, ang Arkanghel o ang Anghel ng Panginoon?

Anghel lamang di ba? So, kung si Jesus (nyo) ay ang Anghel ng Panginoon, Arkanghel ba siya? Saan mababasa na tinukoy ang Jesus nyo bilang Arkanghel?

Note: Ang paniniwala ko ay si Jesus ang Ama at si Miguel na arkanghel ang Anak, baka malito ang mga makakabasa. Tinututulan ito ng mga Protesta at mga Katoliko at sinasabi nilang hindi si Miguel ang Anak ng Dios. (Michael the Archangel is Jesus in spirit) Gusto kong patunayan na ang Arkanghel ang Anak ng Dios.

Judges 13:21,22 21 Nguni't hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa. Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon. 22 At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios.

Tanong, nang nakita ni Manoa ang anghel ng Panginoon, sinabi niya na nakita ko ang Dios, ganon din ang sinabi ni Jacob nang makipagbuno siya sa isang lalaki, bakit tinawag na Dios ang anghel ng Panginoon?

Genesis 32:30 At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel; sapagka't aniya'y nakita ko ang Dios ng mukhaan, at naligtas ang aking buhay. 

At ang isa pa ay ang nangako kay Abraham na magkakaanak siya, sinabi sa mga talata na Dios ang nangako sa kaniya

Kay Abraham

Genesis 18:14 May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake.

Dios ba ang nangako kay Abraham at Sara?

Genesis 21:1,2
1 At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita. 2 At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan, sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya.

Ang mga pahayag ng Panginoong Jesus.

John 8:19 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama. 

John 12:45 At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.

John 14:9 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?

Nang nakita ng mga lingkod ng Dios ang anghel ng Panginoon ay sinabi nilang nakita nila ang Dios. So, malinaw na ang Anak ng Dios ay ang anghel ng Panginoon sapagkat kapag nakikita nila ang anghel ng Panginoon ay sinasabi nilang "nakita ko ang Dios." Malinaw na iyan ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus.

Ayon sa kinikilalang paniniwala ng mga Kristyano, ang pagkakakita ng anghel ng Panginoon ay tinatawag na theopany.

Theophany, from the Ancient Greek (ἡ) θεοφάνεια (theophaneia,[1] meaning "appearance of God"),[2] refers to the appearance of a deity to a human or other being, or to a divine disclosure.[3]

This term has been used to refer to appearances of the gods in the ancient Greek and Near Eastern religions. While the Iliad is the earliest source for descriptions of theophanies in the Classical tradition (and they occur throughout Greek mythology), probably the earliest description of a theophany is in the Epic of Gilgamesh.
http://en.wikipedia.org/wiki/Theophany

Walang theopany na nangyari nang magpakita ang anghel ng Panginoon bilang Dios, dahil Dios mismo ang nakita nila at yun nga ay ang Anak ng Dios na Dios. Lumalabas na si Jesus ay theopany dahil sinabi niya na ang nakakita sa kanya ay nakakita sa Ama. Ang theopany daw ay maaaring magpakita ang Dios sa pamamagitan ng ibang nilalang. At ang paniniwalang ito ay mula sa paniniwalang pagano ng mga Griyego batay sa source.

No comments:

Post a Comment