THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Isang Sigaw, Tinig ng Arkanghel, at Pakakak ng Dios

http://s254.photobucket.com/user/jrpjazz/media/angeltrumpet.jpg.html
1 Thessalonians 4:16 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

Ang tinig ng arkanghel, isang sigaw at ang pakakak ng Dios ay maaaring iisa. Tingnan natin ang mga ebidensya na iisa lamang ang mga ito.

Revelation 1:10 Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang DAKILANG TINIG, na TULAD SA ISANG PAKAKAK.

Isaiah 58:1 HUMIYAW KA NG MALAKAS, huwag kang magpigil, ILAKAS MO ANG IYONG TINIG NA PARANG PAKAKAK, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.

Matthew 24:31 At susuguin ang kaniyang mga anghel NA MAY MATINDING PAKAKAK, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila. Joel 2:11 At PINATUTUNOG NG PANGINOON ANG KANIYANG TINIG sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't MALAKAS NA NAGSASAGAWA NG KANIYANG SALITA; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan?

Isaiah 66:6 Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan, ang tinig na mula sa templo, ang TINIG NG PANGINOON na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway. Psalm 29:8 *Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.

Amos 3:,6,7,8
6 Tutunog baga ang pakakak sa bayan, at ang bayan ay hindi manginginig? sasapit baga ang kasamaan sa bayan, at hindi ginawa ng Panginoon?
7 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
8 Ang leon ay umungal, *sinong di matatakot? Ang Panginoong Dios ay nagsalita; sinong hindi manghuhula?

Zechariah 9:14 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang PANGINOONG DIOS AY HIHIHIP NG PAKAKAK, at yayaon na kasama ng mga ipoipo sa timugan.

Isaiah 30:30,31 30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo, 31 Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang taga Asiria, na nananakit ng pamalo. 32 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at *sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,

Isaiah 11:4 Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.

Rev 19:15 At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat

Isaiah 42:13 Ang Panginoon ay lalabas na parang makapangyarihang lalake; siya'y pupukaw ng paninibugho na parang lalaking mangdidigma: siya'y hihiyaw, oo, SIYA'Y HIHIYAW NG MALAKAS; siya'y gagawang makapangyarihan laban sa kaniyang mga kaaway.

Jeremiah 25:30 Kaya't ihula mo laban sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon ay uungol mula sa itaas, at ilalakas ang kaniyang tinig mula sa kaniyang banal na tahanan; siya'y uungol ng malakas laban sa kaniyang kulungan; SIYA'Y HHIHIYAW, gaya nila na magsisiyapak ng ubas, laban sa lahat na nananahan sa lupa.

Joel 3:16 At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at *ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel. Heb 12:26 Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, *Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.

Ang pakakak o trumpeta ay ginagamit sa pagtawag, paghudyat, pagbibigay ng babala atbp, pero sa 1 Thessalonians 4:16 ay para gisingin ang mga natutulog na mga patay.

John 5:25,28,29 25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na MARIRINIG NG MGA PATAY ANG TINIG NG ANAK NG DIOS; AT ANG MANGAKARINIG AY MANGABUBUHAY. 28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, 29 At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.

1 Corithians 15:52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: SAPAGKAT TUTUNOG ANG PAKAKAK, AT ANG MGA PATAY AY MANGABUBUHAY NA MAGULI na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.

So, ang konklusyon, ang tinig ng arkanghel, isang sigaw at ang pakakak ng Dios ay nangangahulugang iisa lamang upang mangabuhay ang mga patay.

1 Thessalonians 4:16 Sino naman ang arkanghel na naroon na darating sa pagkabuhay ng mga patay?
1 Thessalonians 4:16 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, MAY TINIG NG ARKANGHEL, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

Daniel 12:1,2 1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat. 2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Wala nang iba pang buhat sa langit ang sinabi sa biblia na darating sa panahong iyan kundi si Miguel, at lahat ng mga pangyayari na inihula sa biblia ay nakaugnay lahat sa hula ng Panginoong Jesus sa Matthew 24 na iniugnay naman niya sa aklat ni Daniel Matthew 24:15 Mula sa mga hula ni Moises hanggang sa Revelation ay magkakatugma at tumutukoy sa iisang araw, sa isang araw ng paghuhukom ng Dios. Kahit basahin pa ninyo ng paulit-ulit. Pero doon sa talagang matigas ang puso at pati ang pagmumukha, hindi sila makakaunawa At doon sa mga pilosopo, gaya ng hinihiling ko, kumuha ka ng talata sa aklat ni Daniel at patunayan na (Cristo mo yon na) sinasabi mo na hindi si Miguel, pero malinaw naman sa aklat ni Daniel na walang darating kundi ang arkanghel na si Miguel. At ang aklat ni Daniel ay natatakan o nakalihim, kaya doon pa lang sa pagiging "ang aklat ni Daniel ay may tatak" ay mag-isip ka na kung bakit may tatak at bakit nakalihim. At muli, ang nasa Revelation na aklat na may tatak ay hindi ang aklat ng buhay dahil nang binuksan o inalis ang mga tatak ay hindi ang mga pangalan ng mga maliligtas ang nahayag kundi ang mga hula ng mga propeta. Isang tanong ang iiwan ko, kanino bang tinig ang maririnig sa pagkabuhay ng mga patay? Sa Anak ng Dios? John 5:25 o sa Arkanghel? 1 Thessalonians 4:16

No comments:

Post a Comment