THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Isaias 9:6 Laban sa Paniniwalang Oneness

image from: http://www.dunamai.com/bible_resources/bible_study_charts.htm

Ito ay isang pakikipagtalakayan sa naniniwala sa 'oneness theory' Ang oneness doctrine ay ang paniniwalan na si Jesus din ay ang Ama. Isa sa mga talata na kanilang pinagbabatayan ay ang nasa Isaias 9:6. Sinabi ko sa kanya na magsisimula ako sa Isaias 9:6 at pagtutugmain ang mga sinabi ng mga propeta at magtatapos sa Daniel 12:1 Tandaan na sa Isaias 9:6 ay sinasabi na ipanganganak ang isang bata na nangangahulugang pagbangon, pagsupling at pagtayo ng pinahirang prinsipe ng Dios.

Isaias 9:6,7
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

Pero itaas natin ang pagbasa sa verse 2 hanggang 5

2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.
3 Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.
4 Sapagka't ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian.
5 Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.

Bakit nakakita ng dakilang liwanag ang bayan na lumalakad sa kadiliman sa verse 2? Basahin ang dahilang "Sapagka't"

Verse 4: Kailan sisirain ang pamatok na pasan at pingga sa balikat ng bayang Israel? Mababasa ito sa Jeremias 30:8

Jeremias 30:7,8,9,21
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
8 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
10 Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Kanino magmumula ang prinsipe, si David? Mula sa mga nabihag ng Babilonia. Anong Babilonia? Ang nasa Apocalipsis. May bumangon bang David noong panahon ng Babilonia (Iraq)? Wala. Mga simbulo lang gaya nina Ciro at Zorobabel. Naganap ba ang dakilang araw (verse 7) na panahon ng kabagabagan na walang katulad?

Kapag ba dumating na ang dakilang araw ng Panginoon ay mauulit pa ito?

Joel 2:1,2
1 Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;
2 Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.

Hindi na pala mauulit. Balikan lang ang Jeremias 30:7

Marcos 13:19
19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Ano naman itong sinabi ng Panginoon tungkol sa kapighatian na hindi pa nangyayari buhat ng pasimula at hindi na mauulit? Tandaan: hindi pa nangyayari kailan man at hindi na mangyayari kailan man o hindi na mauulit. Balikan ulit ang Jeremias 30:7,8,9,10,21

Daniel 12:1
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

Nang ito ay sinabi ni Gabriel kay Daniel, ang Israel noon ay nasa pagkakabihag ng Babilonia (Iraq)

Kung hindi pa nangyayari mula ng magkaroon ng bansa, ang panahon ng kabagabagan, tugma ito sa Marcos 13:19 at Joel 2:2, sapagkat kung ang isa ay nangyari na, hindi magiging tama ang sinasabing "hindi pa nangyari kailan man" at "hindi na mauulit"

Baka kanilang sabihin ay magic ang ginawa ko mula Isaias 9:6,7 medyo mabibigo yata ako na hindi ko matatapos sa Daniel 12:1 Basahin natin ang Isaias 10:,26,27

Isaias 10:26,27 (basahin sa simula para malaman kung anong panahon ang "sa araw na yaon")
26 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa Madian sa bato ng Oreb: at ang kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto.
27 At mangyayari sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran.

Ito (verse 26) ay tugma sa Isaias 9:4 kung kailan ang pagpapalaya sa mga naalipin ng "Babilonia" ay magaganap. Mula sa Isaias 10:26,27 ituloy sa chapter 11:1,2

Isaias 11:1,2
1 At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:
2 At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;

Ang pang-ugnay na "At" ay nangangahulugang pagpapatuloy ng nasa chapter 10 ang nasa Isaias 11:1,2. Sino po ang Sanga?

Jeremias 33:15,16
15 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran; at siya'y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain.
16 Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay; at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Ang Panginoon ay ating katuwiran.

Jeremias 23:5,6
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran.

Tugma naman ito sa Daniel 12:1

Daniel 12:1
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

Si Arkanghel Miguel ay ang tinutukoy ng mga propeta bilang matuwid na Sanga ayon sa ating mga binasa. Balikan natin ang Isaias 9:1-7 at basahin mula Isaias 8:22 sapagkat ito ay magkasamang pahayag ng Dios, ito ay pinaghihiwalay lang ng chapter. Kung pag-aaralang mabuti, magkasama at hindi hiwalay na pahayag ng Dios ang nasa Isaias 8 (verse 22) sa Isaias 9. Maraming ganitong klase ng pagkakahiwalay ng pahayag ng Dios sa pamamagitan ng paghahati ng chapter at mga pamagat. Sa pamilyar na sa sinasabi sa Isaias 8:22, nasa Zefanias 1:15 ang katulad na pahayag ng Panginoon na konektado naman sa Daniel 12:1

Isaias 8:22
22 At sila'y titingin sa lupa, at, narito, kahirapan at kadiliman, ulap ng kahapisan, at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila.

Zefanias 1:15
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,

Ang nasusulat sa aklat ni Zefanias (1:15) ay tumugma sa Daniel 12:1 at sa mga talata na ating binasa.

Gagamitin ko ang verse na ito, dahil baka sakaling gamitin mo ang Revelation 5:5 at Revelation 22:16

New International Version (©1984)
While I was with them, I protected them and kept them safe by that name you gave me. None has been lost except the one doomed to destruction so that Scripture would be fulfilled. John 17:12

Ngayon, kung ayaw mong gamitin ang Apocalipsis 5:5 ay ako ang gagamit laban sa iyo (sa aking kausap sa forum). Basahin muna natin ang Apocalipsis 5:6,7

Apocalipsis 5:6,7
6 At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.
7 At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

Hindi ba ikaw ay naniniwala na si Jesus din ang Ama, ngayon, sino ang nakaupo sa luklukan na nilapitan ng Cordero? Mas mataas kaysa Ama?

Ang katulad na propesiya na ito ay mababasa sa aklat ni Daniel.

Daniel 7:13,14
13 Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya.
14 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.

Sa Apocalipsis, inabot ang kasulatang may tatak. Sa Daniel, tinanggap ang kapangyarihan. Therefore, ang pagtanggap ng kasulatang natatatakan ay nangangahulugang pagtanggap ng kapangyarihan.

Sa katulad na tanong, sino ang nakaluklok sa luklukan na nilapitan ng kagaya ng anak ng tao? Ating basahin ang Apocalipsis 5:5, ay sino ba ang Ugat ni David?

Apocalipsis 5:5
5 At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.

Apocalipsis 22:16
16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

Paano naging si Jesus din ay ang Ama at siya rin ay ang Anak? Kaya paano ang aral ng oneness ay naging tama? Ang paniniwala nila ay mali. Pero ako man ay naniniwala na si Jesus din ay ang Ama, ngunit si Miguel ay ang Anak. Ngayon, kung merong aral na nagsasabing si Jesus ay si Miguel, magkatuwiranan po tayo. Sinasabi ko naman ngayon, si Miguel ay hindi si Jesus. Gaya ng sinabi ko na, si Jesus ay hindi talaga si Jesus at si David ay hindi talaga si David. Basahin po natin ang katunayan na magkapareho ang pangitain ni Daniel sa Daniel chapter 7 at Juan sa Apocalipsis 5

Daniel 7:10
10 Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.

Apocalipsis 5:11
11 At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo;

Kapangyarihan ba ang tinanggap ng Cordero?

Apocalipsis 5:12
12 Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.

Daniel 7:14
14 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.

Bakit ang kaharian ay hindi magigiba? Dahil bulag ang mga kaaway.
Ako ay may mga paliwanag tungkol sa aklat ni Daniel. Review lang po ninyo.

Review ninyo din ito:
Sa ibang salin sa ingles ang pagkabanggit ay "commander" of host Daniel 8:11 pero sa mga salin na gumamit ng pantukoy na commander ay gumamit ng prince of princes pagdating sa verse 25 (paliwanag ni Gabriel). Ibig sabihin, ang commander of host/army ay prince of princes. Pareho naman ang nasa Daniel 8:10 sa Apocalipsis 12:4 at nagdigmaan sa langit at magkapareho sila ng panahon ng kaganapan. Samakatuwid, si Miguel ang commander of army at prince of princes na lalabanan ng ika-apat na hayop sa Daniel 8 na siyang diablo naman sa Apocalipsis 12.

Ngayon kung ang gagamiting salin ay God's Word ay dapat basahin sa Daniel 11:22 ang tinutukoy ay "prince." Alamin ang panahon, sa panahong ito ay ang pagdating ni Miguel. Pareho ang panahon ng kaganapan ng nasusulat sa Daniel 11 (verse 22) at sa Daniel 8.

Ayon sa pangangatuwiran ng isang naniniwala sa "oneness" sa akin, hindi daw sinabi ni Arkanghel Miguel na siya ay babalik. Kailangan pa bang magsalita ni Miguel? nasa biblia na ang mga salita ng Anak ng Dios.

Juan 17:8
8 Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.

Juan 14:3
3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

Dito ay malalaman natin kung bakit ang Ama at Anak ay iisa.

Juan 17:20,21
20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita
21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.

Ang Ama ay nakipag-isa sa Anak at ang Anak ay nakipag-isa sa Ama. Ang Ama bilang ang Anak at ang Anak bilang ang Ama, samakatuwid baga'y ang Panginoong Jesus bilang ang Arkanghel Miguel at ang Arkanghel Miguel bilang ang Panginoong Jesus. Kaya sa "digmaan sa langit" na nasusulat sa aklat ng Apocalipsis ay hindi talaga pakikipaglaban ni Miguel kundi ng Dios. Para higit ninyong maunawaan ang sinasabi ko. Tandaan ninyo ito: Ang Arkanghel Miguel ay ang katuparan ng muling pagbabalik ng Panginoong Jesus. Si Jesus ay hindi si Miguel ngunit si Miguel ay ang katuparan bilang si Jesus sa kanyang pagdating. Mayroon tayong pattern na ang pagdating ng Panginoong Dios ay matutupad sa pagparito ng kanyang Anak.

Isaias 40:10
10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

Apocalipsis 22:12,13,16
12 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.
13 Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.
16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

Mateo 16:27
27 Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.

Juan 6:19
19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.
Maaari po ninyong basahin ang mga sumusunod upang malaman kung sino ang Anak ng tao na darating. Ang tinutukoy ba sa aklat ni Daniel sa chapter 7 na tumanggap ng kapangyarihan ay ang Arkanghel Miguel?

Prinsipe ng Hukbo
Ang Babae at Ang Sanggol
Digmaan sa Langit...
Pagtatayo ng Templo

P.S.
Ayon sa aking pag-aaral, ang nasa Apocalipsis chapter 4 at 5 ay ang sinasabi ng mga bulaang propeta na "great white throne judgement." Ito rin po ang nasa Daniel 7.

No comments:

Post a Comment