THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Gunaw???

Image from: http://iamthewordthecomforter.blogspot.com/2008/12/end-times-day-of-lord-new-testament.html

Ayon sa mga ibang hindi nakakaunawa ng mga sinasabi ng Panginoon, ang pagyanig sa langit at lupa ay nangangahulugan ng pagkagunaw ng mundo. Ang sinasabi ba nila ay totoo?

Hebreo 12:26
26 Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.

Bakit daw yayanigin? Upang ang hindi nayayanig ay maalis.

Hebreo 12:27
27 At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig.

Ano po ba ang ibig sabihin ng pagyanig? Balikan natin ang nasa Hebreo 12:26

Hebreo 12:26
26Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.

Itaas ang pagbasa sa Hebreo 12:19-21

Hebreo 12:19-21
19 At tunog ng pakakak, at tinig ng mga salita; na ang nakarinig ng tinig na ito ay nagsipamanhik na huwag nang sa kanila'y salitain pa ang anomang salita;
20 Sapagka't hindi matiis ang iniuutos, Kahit ang isang hayop kung tumungtong sa bundok ay babatuhin;
21 At totoong kakilakilabot ang napanood, ano pa't sinabi ni Moises, Ako'y totoong nasisindak at nanginginig:

Kaya sila nayayanig at nanginginig ay natatakot sa tinig ng Dios (verse 26) at nasisindak at nangingilabot sa nakita.

Jeremias 2:12
12 Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.

Minsan pang yayanigin ng Dios ang langit at ang lupa, ito ay ang takot ng mga masamang tao na parurusahan. At ang langit naman na mayayanig ay mga diosdiosan, sapagkat sinasamba ng mga tao ay ang araw, buwan at mga bituin na siyang diosdiosan ayon sa mga propeta. Pero alamin natin kung totoo ba ang sinabi ko na kaya mayayanig at manginginig ang langit at ang lupa ay dahil parurusahan ng Dios ang mga masasama. "Minsan pa" ay nangangahulugang "isang beses" at hindi na mauulit. (Hebreo 12:27)

Ang pagkakaintindi ko na mayayanig ay ang masasama

Isaiah 33:14 Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?

Ang masasama na nanginginig ba ay mawawala?

Psalm 37:9,10
9 Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain.
10 Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.

Kailan naman mayayanig ang langit at ang lupa at mawawala ang masasama?

Isaiah 13:9,10,11,12,13,14
9 Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.
10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
11 At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.
12 At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.
13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

Joel 3:14,15,16
14 Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya.
15 Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.
16 At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.

Nangangahulugang aalisin ng Dios ang masasama na mga nayayanig at nanginginig sa takot.

Hindi ba kasama ito sa: lahat ng bagay na nangasusulat? (Lucas 21:22) Alam mo ba ang ibig sabihin ng lahat? Tandaan na ang nasa Isaias 13:9-13 ay pareho sa sinasabi ng Panginoon sa Lucas 21, at basahin din po ang nasa Marcos 13 at Mateo 24.

Lucas 21:22,25,26
22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;
26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

Lucas 21:31
31 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios.

Kapag lang pala naganap na ang sinasabi ng Panginoon sa Lucas 21 ay saka matatalastas na malapit na ang kaharian ng Dios. Sino ang makararanas ng sinasabi ng Panginoon sa Lucas 21?

Lucas 21:32
32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

Hindi  lilipas ang lahing ito hanggang maganap ang lahat ng mga bagay.

Daniel 2:44
44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man

Kasama ba ito sa lahat? Oo.

Ngayon, ang isa pang pinagbabatayan nila ng pagkagunaw ng mundo ay ang sinabi ni Pedro sa 2 Peter 3. Basahin natin.

2 Pedro 3:7-10
7 Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
8 Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.
9 Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.
10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

Ito ay pareho din sa sinasabi sa Isaias 13:9-13. Paano ba nangaral si Pedro?

1 Pedro 1:10-12
10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:
11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.
12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.

Si  Pedro ay nangaral ng evangelio ayon sa mga napag-aralan ng mga propeta na nagsikap at nagsiyasat. At ano naman ang turo ni Pablo tungkol sa mga aral ng mga propeta?

1 Mga Taga Corinto 14:32,33
32 At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta;
33 Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal,

Kaya dapat, kung magpapaliwanag ng biblia, dapat naaayon sa mga propeta.

Halimbawa ay tungkol sa Armagedon, sinabi ni Jesus sa Lucas 21 ang ganito: "upang maganap ang lahat ng bagay na nangasusulat" ang tungkol sa Armagedon ay mababasa rin sa aklat ni Ezekiel. Kaya ang Armagedon ay kasama sa: "lahat ng bagay na nangasusulat". At dahil ang aklat ng Apocalipsis ay sinulat ni Juan bilang propeta, ang kanyang sinulat ay nasasakop ng mga propeta. Ibig sabihin, dapat ay umaayon sa mga sinasabi ng mga propeta ang mga ipinangaral at inihula nina Pablo at Pedro bilang propeta. Hindi ang mga propetang bagong litaw, ngunit mula kina Isaias, Jeremias, Ezekiel, Zacarias, Zefanias atbp. Kaya ang Armagedon ay naganap na ba?

Ngayon, tungkol sa apoy, sa propesiya ni Pedro, dapat ay naaayon at nasasakupan ng mga propeta. Kaya basahin natin sa mga propesiya ng mga propeta tungkol sa apoy.

Isaias 34:4,8,9
4 At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
8 Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.
9 At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.

Ang ating binasa ay may kaugnayan pa rin sa Lucas 21 at sa iba pa nating binasa. Sapagkat ang bawat propeta tulad nina Isaias, Jeremias, Ezekiel, Zefanias atbp ay nagpapatotoo sa bawat isa. At ang kanilang patotoo ay hindi kontra sa sinasabi ng bawat isa.

Isaias 30:30,31,32
30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,
31 Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang taga Asiria, na nananakit ng pamalo.
32 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,

Zefanias 1:14,15,18
14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,
18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.

Joel 2:10,11
10 Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:
11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan?

Haggai 2:6,7,21,22,23 6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Minsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa; 7 At aking uugain ang lahat na bansa; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa; 22 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid. 23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Isaiah 33:14 Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?

Nahum 1:5 Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito.

Isaiah 24:20-23
20 Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.
21 At mangyayari, sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.
22 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.
23 Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.

 Joel 3:16 At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.

Amos 3:8 Ang leon ay umungal, sinong di matatakot? Ang Panginoong Dios ay nagsalita; sinong hindi manghuhula?

Malinaw na ang Panginoon ang sinasabing "umungal" batay sa konteksto.

Malinaw na ang tinig ng Panginoon ang magpapayanig sa langit at sa lupa, at ayon sa Heb 12:26, nayanig na ng tinig ng Panginoon ang lupa, pero nagunaw ba? Magugunaw daw ang mundo sabi ng mga pilosopo, kapag niyanig na ng Panginoon ang langit at lupa batay sa Hebreo 12:26,27

Psalm 29:8 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.

Isaiah 30:30,31,32
30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,
31 Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang taga Asiria, na nananakit ng pamalo.
32 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,

Isaiah 11:4 Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.

Ang pamalo ng kaniyang bibig ay ang salita ng Dios, ito rin ang tabak na lumalabas sa kaniyang bibig.

Rev 19:15 At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

Ezekiel 26:18 Ang mga pulo nga ay mayayanig sa kaarawan ng iyong pagbagsak; oo, ang mga pulo na nangasa dagat ay manganglulupaypay sa iyong pagyaon.

Jeremiah 50:46 Sa ingay ng pagsakop sa Babilonia, ay nayayanig ang lupa, at ang hiyaw ay naririnig sa mga bansa. 

Sa pagbagsak ng Dakilang Babilonia ay "mayayanig" ang mga pulo, ito ba ang sinasabing "minsan"? Malinaw naman na sa pagbagsak ng Dakilang Babilonia mangyayari ang "minsan" na yayanigin ng Dios ang langit at ang lupa

Ang mga propesiya ng mga propeta ay parang ilog na ang tungo ay sa dagat, sapagkat ang kanilang mga hula at patungo sa hula ng Panginoong Jesus sa Lucas 21, Marcos 13 at Mateo 24. Hahaba lang at magpapatuloy sa cycle tulad ng pagpatak ng ulan at pabalik muli sa dagat at mag-evaporate hanggang sa maging ulan muli at patungo muli sa dagat. Kung mayroon mang literal na apoy na isusugo ang Dios, ito ay ang apoy noong September 11, 2001 terror attack sa New York. Bilang apoy na bumaba upang tupukin ang Babilonia tulad ng paggunaw sa Sodoma at Gomora. Kaya ang paniniwala tungkol sa gunaw ay isang malaking pagkakamali. At kung ang isang mangangaral ay nagsasabi sa mga tao na itong mundo ay magugunaw, huwag kayong maniniwala sapagkat nililinlang nila kayo. Sila ay mga bulaang mangangaral, na ginagamit ni Satanas upang maghasik ng takot upang lalo kayong humawak nang mahigpit sa kanilang panlilinlang na hindi ninyo napapansin.

No comments:

Post a Comment