Malinaw sa statistic na ang mga Pilipinong mga Saksi ni Jehova ay umabot sa kinakailangang bilang para masabi na sila ang 144,000 na mga pinili ng Panginoon. Sila ay mula sa isang lahi, isang lipi, liping Pilipino. Malinaw na ito ang kalooban ng Panginoon para sa akin, ang maging isang Jehova's Witness at itinakwil ko na ang pananampalatayang Katoliko. Revelation 14:1 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at
ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. 2 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: 3 At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. 4 Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao,
na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. 5 At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis.
Naroon sila sa bundok ng Sion.
John 12:26
Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.
Salamat Panginoon at ipinaunawa mo sa akin ang iyong kalooban.
No comments:
Post a Comment