THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Sino ang Tinutukoy sa Isaias 9:6,7 a.k.a. Emmanuel?

Alamin natin kung sino ang Emmanuel. Tandaan ang bold letters.

Isaias 9:6,7
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

Image from: http://www.1st-art-gallery.com/Bartolome-Esteban-Murillo/The-Two-Trinities-1675-82.html

Jeremias 33:15,16
15 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran; at siya'y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain.
16 Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay; at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Ang Panginoon ay ating katuwiran.

Tandaan: pasusuplingin pa lang ang isang Sanga.

Jeremias 23:5,6
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran.

Tandaan: magbabangon pa lang kay David ng Matuwid na Sanga. Kailan pasusuplingin o magbabangon ng matuwid na Sanga?

Jeremias 30:7,8,9,21
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob;nguni't siya'y maliligtas doon.
8 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Sinong sugo ng Diyos ang darating sa dakilang araw na panahon ng kabagabagan na anopa't walang gaya niyaon?

Daniel 12:1,2
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Daniel 10:21
21 Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si Miguel na inyong prinsipe.

Isaias 4:2,3
2 Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
3 At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:

Hindi pa nangyayari ang great tribulation o trouble kaya si Jesus ay hindi si Miguel. Basahin natin ang sinabi ni Jesus.

Mateo 24:21
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Jeremias 30:7 (walang gaya niyaon), Daniel 12:1 (hindi nangyari kailan man) at Mateo 24:21 (hindi nangyari buhat sa pasimula)

Ang great tribulation na ito ay hindi pangkaraniwan kaya't sinabing HINDI PA NANGYAYARI buhat sa pasimula ng sanlibutan. Pareho lang ito sa Daniel 12:1, ang kabagabagan na hindi pa nangyari kailanman.

Sinasabi sa Daniel 12:1 na si Miguel ay "tatayo" ay katumbas ng ibabangon, meaning, hindi pa niya nagaganap ang mga hula sa kanya, samantalang si Jesus ay nagsabing "naganap na" Kaya si Miguel ay hindi si Jesus.

Tandaan na sinasabi sa Jeremias 30:7-9,21 na sa panahon ng kabagabagan ibabangon si David (Miguel) kaya ang sinasabi sa Daniel 12:1 na pagtayo ni Miguel ay siyang pagbangon ni David sa panahon ng kabagabagan.

Kung ang batang lalake sa Isaias 9:6,7 ay si Miguel at kung hindi si Miguel si Jesus, sino si Jesus?

Ezekiel 34:11-13
11 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila.
12 Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya'y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na araw.
13 At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain.


Si Jesus ang Panginoong Diyos. Siya ang Ama. Napatunayan na!

Jesus is God

Batay sa tanong ng silvertoes couple.

John 1:1  Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. 14At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

Revelation 19:13 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. 

Walang mahabang paliwanag,

The word of God is God, Jesus is the Word of God, therefore, Jesus is God.

Tapos!

Pilosopo kung may magsabing magiging dalawa ang Dios.

John 10:30 Ako at ang Ama ay iisa.

meaning:
Ako at ang Dios ay iisa.

Ilan?

Sa pilosopo, dalawa. Kay Jesus, iisa.

...

http://www.examineiglesianicristo.com/jesus2.html

So, si Jesus (The Word of God) ay same nature as God? Oo ang sagot ng otoridad nila.

Pasugo, April 1975, page 10

sila rin ang nagpatunay na mali ang paniniwala nila.

apply natin ang logic:
The word of God is of the same nature as God, Jesus is the Word of God, therefore, Jesus is of the same nature as God.

For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one. 1 John 5:7 akjv

Muling Pagkabuhay

Lahat tayo ay nag-aasam ng pagkabuhay muli. Sino ba ang hindi naghahangad na ibangon siyang muli? Pero sino ba ang unang bubuhaying muli? At anong klaseng pagkabuhay muli ang tatamasahin sa pagparito ng Anak ng Diyos?

Basahin natin ang ilang mga pahayag tungkol sa pagkabuhay na muli sa 1 Tesalonica 4:14-17

1 Tesalonica 4:14-17
14 Sapagkat kung tayo’y magsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Diyos na kasama niya.
15 Sapagkat ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon na tayong nangabubuhay na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
16 Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel at may pakakak ng Dios at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na mag-uli.
17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay na nangatitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

Ang pagkabuhay bang ito ay espiritual o litiral? Pero alamin muna natin kung ang arkanghel bang ito ay darating at kung sino siya. May nagsasabi na hindi raw darating ang arkanghel na ito kundi maririnig lang ang sigaw niya mula sa langit. Tama ba sila? Basahin natin sa Daniel 12:1,2

Daniel 12:1,2
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan na hindi nangyari kailan man mula ng magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawat isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Si Miguel na arkanghel ay darating. Hindi naman maaaring magkaibang arkanghel ang nasa 1 Tesalonica 4:16 at Daniel 12:1,2 dahil dalawang beses lang magaganap ang pagbuhay muli sa mga patay na gaya ng sinasabi sa biblia. Apocalipsis 20:5

Espiritual o litiral ba na pagkabuhay muli ang magaganap pagdating ni Miguel at sino-sino ang mga unang bubuhayin?

Ang sagot ay espritual na pagkabuhay. At ang unang mga bubuhayin ay ang bayang Israel. Ang katibayan ay basahin natin sa Roma 11:7-8,15

Roma 11:7-8,12,15
7 Ano nga ang hinahanap ng Israel na hindi niya kinamtan, datapuwa’t ito’y kinamtam ng pagkahirang at ang mga iba’y pinapagmatigas:
8 Ayon sa nasusulat, Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, ng mga matang hindi nangakikita at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig hanggang sa mga araw na ito.
12 Ngayon, kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa kaya ang kapunuan nila?
15 Sapagkat kung ang pagkakatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay.

Sinasabi sa talata 8 na binigyan sila ng Espiritu ng pagkakatulog, na ibig sabihin ay hanggang hindi nila nakikita at naririnig ang katotohanan ay mananatili silang nangatutulog o patay. At ang muling pagtanggap sa kanila (v15) ay katumbas ng pagbibigay buhay sa mga patay.

Samakatuwid ay ang mga unang bubuhayin o pangunahing bunga ay ang bayang Israel.

Pahayag 7:4-8
4 At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:
5 Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
6 Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
7 Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
8 Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.

Pahayag 14:1-5
1 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.
2 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa:
3 At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.
4 Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.
5 At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis.

Roma 13:11
11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.

Efeso 5:14
14 Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.

1 Corinto 15:23,34,46
23 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.
34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan.
46 Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu.

Baka isipin ng ilan na ayon sa laman o litiral o pisikal na pagkabuhay ang unang pagkabuhay muli. Pero totoo bang namatay ang mga sumusunod sa Panginoong Jesus? Basahin natin sa Juan 8:51 at Juan 11:25,26

Juan 8:51
51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan.

Juan 11:25,26
25 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;
26 At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?

Pero alamin pa rin natin kung litiral at pisikal na pagkabuhay ang mangyayari sa pagdating ng arkanghel. Balikan natin ang mga naunang talata.

1 Tesalonica 4:14-17
14 Sapagkat kung tayo’y magsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Diyos na kasama niya.
15 Sapagkat ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon na tayong nangabubuhay na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
16 Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel at may pakakak ng Dios at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na mag-uli.
17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay na nangatitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

Kung ang mga nananampalataya sa Panginoon ay hindi mamamatay, sino ang mga namatay kay Cristo ang unang mangabubuhay? Balikan natin ang Daniel 12:1,2

Daniel 12:1,2
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan na hindi nangyari kailan man mula ng magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawat isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Alamin natin kung sinu-sino ang mga nakasulat sa aklat. Sila ba ay mga patay o mga buhay? Ang sagot ay mga buhay. Basahin basahin natin sa Isaias 4:2,3

Isaias 4:2,3
2 Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
3 At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:

Sino ba ang sanga ng Panginoon?

Jeremias 23:5,6
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran.

Kailan ba maliligtas ang Juda at Israel? At ano ang pangalan ng sugo ng Diyos na darating? Balikan natin ang Daniel 12:1,2

Daniel 12:1
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Kung ganon, si Miguel ang matuwid na Sanga.

Bautismo sa pagkapako sa krus ay bautismo sa Espiritu.

Lucas 12:50
50 Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking kagipitan hanggang sa ito'y maganap?

Marcos 10:38
38 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin?

Kung paanong ang bautismo sa Anak ng Diyos ay ganoon ang bautismo na ating tinanggap.


Roma 6:4-6
4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.
5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;
6 Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;

Colosas 2:13
13 At nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan:

Colosas 3:1,2,3,9,10
1 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.
2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.
3 Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.
9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,
10 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya:

Efeso 2:5
5 Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),

Sa kabuuan, ang pagkabuhay muli ay espiritual. At ang mga unang bubuhayin ay ang sambahayan ng Diyos na katumbas ng bayan ng Diyos na siyang Israel. Sa katulad na pagkabuhay na tinanggap ni Miguel ang muling pagkabuhay dahil siya ay namatay at ipinako kasama ng Panginoon.


1 Pedro 4:17
17 Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?

Roma 2:9,10
9 Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, ng Judio una-una, at gayon din ng Griego;
10 Datapuwa't kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa't taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego:

Alamin natin kung ang 144,000 at ang hindi mabilang na tao sa Apocalipsis 7 ay mga espiritu (litiral na namatay) o mga taong may laman at dugo.

Ano ba ang katangian nila?

Apocalipsis 7:16,17
16 Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:
17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.

Mga espiritu (litiral na namatay) ba ang hindi na magugutom o mauuhaw? At mga espiritu ba ang papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay?

Juan 6:35,54,55
35 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw.
54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.
55 Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.

Natitiyak natin na ang hindi na magugutom at hindi na mauuhaw ay mga taong may laman at dugo dahil ang sinasabihan ng Panginoon ay mga taong buhay, may laman at dugo. Kung sila'y mga patay na litiral (pisikal,material, sa laman) na binuhay bakit paiinumin pa sila sa bukal ng tubig ng buhay kung mga walang kamatayan na sila? Kung ganon ay lalabas na ang bukal ng tubig ng buhay (litiral na bukal) ang nagbibigay ng buhay at hindi ang dugo at laman na sasalungat sa turo ng biblia.

Ano ba ang bukal ng tubig ng buhay?

Jeremias 17:13
13 Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, na bukal ng buhay na tubig.

Juan 7:37-39
37 Nang huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom.
38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.
39 (Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: sapagka't hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.)

Ang ibig sabihin ng papatnugutan sa mga tubig ng bukal ng buhay ay dadalhin ng Cordero sa pananampalataya ang mga tao. At ganoon din, hindi na sila magugutom o mauuhaw dahil dadalhin niya sa pananampalataya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang laman at dugo.

Hindi na sila magugutom o mauuhaw dahil papastulin sila.

Awit 23:2
1 Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan,

Ezekiel 34:14
14 Aking pakakanin sila sa mabuting pastulan; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan: doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel.

Natural na kapag pinastol sila ay hindi sila magugutom at mauuhaw at hindi sila mabibilad sa init ng araw dahil dadalhin sila ng pastol sa siping ng mga tubig kung saan malilim sa katanghaliang tapat. Awit 23:2

Ano ba ang kalagayan ng sugo ng Diyos sa panahong ang mga tao ay hindi na sila tatamaan ng araw o anumang init? (Tandaan ang naka-bold)

Isaias 49:8-10
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;
9 Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.
10 Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.

Isaias 42:6,7
6 Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, na pinakaliwanag sa mga bansa;
7 Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.

Isaias 61:1,2
1 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
2 Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;

Isaias 11:1,2
1 At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:
2 At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;

Jeremias 23:5,6
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran.

Jeremias 30:7,8,9,21
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
8 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Daniel 12:1,2
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Samakatuwid, ay nasa kalagayang tao ang sugo ng Diyos dahil sabi sa Jeremias 23:5 at Jeremias 30:9 ay "ibabangon" ang sugong ito. Ngunit hindi basta tao lang, dahil siya si Miguel na arkanghel.

Ang arkanghel ang gagabay sa kanila upang hindi na sila magugutom at mauuhaw sa salita ng Diyos. Dati, ang mga tao ay binigyan ng Diyos ng pagkagutom sa salita ng Diyos.

Amos 8:11
11 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.

Kung ang masamang pastol ninyo ay hindi kayo dadalhin sa bukal ng tubig kung saan malilim, masusunog talaga kayo sa init ng araw.

Pagbibihis ng walang kasiraan.

1 Corinto 15:53
53 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.

Anong walang kamatayan ang ibibihis?

Efeso 4:14
24 At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Ano ang bagong pagkatao ang walang kasiraan?

Galacia 3:27
27 Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.

Paano binautismuhan kay Cristo?

Roma 6:3,4
3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.

Dinala na ba ni Cristo ang walang pagkasira?

1 Timoteo 1:10
10 Nguni't ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,

Ano ang mangyayari kapag magkakasala muli ang tao matapos tumanggap ng katotohanan?

Hebreo 10:26,27
26 Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

Hahatulan ba ang sumasampalaya sa Anak ng Diyos?

Juan 3:18
18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.

Mamamatay ba sila?

Juan 8:51
51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan.

Ang mga binautismuhan ba kay Jesus ay ipinanganak muli at makikita ba nila ang kaharian ng Diyos?

Juan 3:3,11,12
3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
11 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ang nalalaman namin ay sinasalita namin, at ang aming nakita ay pinatototohanan namin; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo.
12 Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit?

1 Pedro 1:3,23
3 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,
23 Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi.

1 Pedro 3:21
21 Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

Meron bang mga buhay pa ay itinuturing nang patay?

1 Timoteo 5:6
6 Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama't buhay ay patay.

Kapag nabihisan ka na ng walang kasiraan (1 Corinto 15:53,54) dapat ay huwag ka nang magkakasala dahil...

1 Corinto 15:55,56
55 Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:

Basahin natin ang katulad na diwa ng 1 Corinto 15:53-56

Roma 6:13,14
13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.
14 Sapagka't ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka't wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.

Sa unang pagkabuhay ay darating ang isang anghel at igagapos si Satanas.

Pahayag 20:1,2,5
1 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.
2 At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
5 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
Ang anghel ay simbulo ni Miguel.

Natitiyak natin na espiritual na pagkabuhay ang magaganap dahil sa unang pagkabuhay ay ang arkanghel ang darating. Dahil kung ang unang pagkabuhay ay litiral na pagkabuhay ay papatak sa ikalawang pagkabuhay muli ang sinasabi sa Daniel 12:1. Dahil ang mga unang bubuhayin (Pahayag 20:5) ay mga mapapalad at ito yung mga sinasabi rin sa Daniel 12:12 na mapapalad na umabot sa 1335 na araw. Basahin natin.

Daniel 12:12
12 Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.

Kaya ang nasa 1 Tesalonica 4:16 at Daniel 12:1 at Apocalipsis 20:5 ay natitiyak natin na espiritual na pagkabuhay muli.

Pahayag 20:3
3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.

Si Satanas ay ibinilanggo sa loob ng isang libong taon. Pero ano ba ang katumbas ng isang libong taon ayon kay Pedro?

2 Pedro 3:8
8 Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.

Ang isang libong taon ay katumbas ng isang araw. Ano ba ang mangyayari sa loob ng isang araw na ito?

Zacarias 3:9
9 Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may pitong mata: narito, aking iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon sa isang araw.

Zacarias 14:7
7 Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag.
8 At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.
9 At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

 Hebreo 4:7
7 Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit ni David (ayon sa sinabi na ng una), Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.

Kaya ang dapat gawin ay magkaroon ng isang araw upang talunin ang diablo. Ngunit ang isang araw na ito ay nangangahulugang magpakailan man sa ating mga puso.

Ngayon, ang ikalawang pagkabuhay muli ba ay tumutugma sa Daniel 12:1? Tugma din po ito. Dahil ang mga hindi nakinig sa panawagan ng Diyos, sa kanyang tinig ay bubuhayin muli sa paghatol dahil hindi nila pinahalagahan ang isang araw na itinakda ng Diyos upang dinggin ang kanyang tinig. Sa unang pagkabuhay muli, ang mga nakinig sa tinig ng Anak ng Diyos ay kailan man ay hindi na mamamatay magpakailanman sapagkat pinahalagahan nila ang "isang araw" upang dinggin ang tinig ng Diyos mula sa kanilang libingan.

Natitiyak natin na espiritual at hindi litiral na pagkabuhay ang pangalawang pagkabuhay dahil sinasabi sa 1 Pedro 4:5 at Gawa 10:42 na ang mga huhukuman ay mga buhay at patay na katumbas ng mabuti at masama.

1 Pedro 4:5
5 Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang humukom sa mga buhay at sa mga patay.

Gawa 10:42
42 At sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.

Paano natin natitiyak na espiritual at hindi litiral na pagkabuhay ang magaganap?

Juan 8:51
51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan.

Malinaw na sinasabi ng Panginoon na hindi makakakita kailan man ng kamatayan ang tutupad ng kanyang salita at magiging mali ang sinabi ng Panginoon kung mayroong namatay na tumupad ng kanyang salita di ba?
Daniel 12:1,2
1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

Ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa parusahang walang hanggang pagkapahamak?

2 Tesalonica 1:7,8,9
7 At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,
8 Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
9 Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.

Ano naman ang sinabi ni Pedro tungkol sa nagniningas na apoy? Ito ba ay sa araw ng paghuhukom?

2 Pedro 3:7,8,10
7 Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
8 Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.
10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

Ano naman ang sinabi ni Juan sa aklat ng Apocalipsis tungkol sa araw ng paghuhukom, sa isang libong taon, sa apoy at sa pagkaparam ng langit at lupa?

Pahayag 20:6,7,11,12,14
6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,
11 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.
12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

Ano naman ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol dito?

Mateo 25:46
46 At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.

Juan 5:28,29
28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,
29 At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.

At babalik lang tayo sa  1 Tesalonica 4:16 at Daniel 12: 1,2

Hebreo 10:26,27
26 Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

Pagkatapos na matanggap ang katotohanan at nagkasala muli, inihanda na ang apoy sa kanila.

Ang paghatol sa mga patay ay magaganap pagkatapos ng paghihip sa ika 7 trumpeta.

Apocalipsis 11:18 
18 At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.

Para malaman kung ano ang kahulugan ng apoy ay basahin ang may pamagat na "Apoy."

Ako at ang Ama ay Iisa

Juan 10:30
30 Ako at ang Ama ay iisa.


Ngayon ay alam na natin na ang David na susuguin ay si Miguel na arkanghel at si Miguel ay hindi si Jesus. Kaya si Jesus ay walang iba kundi ang Ama. At ito ang ibig sabihin ni Jesus sa sinabi niyang: "ako at ang Ama ay iisa" na sila'y naging iisa sa pagiging Jesus. Basahin natin ang Juan 10:38 at Juan 14:10,11

Juan 10:38
38 Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama.

Juan 14:10,11
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
11 Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.

Sa panahon ni Jesus, ang Anak ay sumasa Diyos o nasa Ama. Ang Espiritu, pangalan at katauhan bilang Jesus ng Ama ay ibinigay kay Miguel. Sinalita ni Jesus ang mga dapat sabihin ni Miguel upang marinig o makilala maging ng mga namatay ang tinig ng Anak ng Diyos. Kaysa sa kay Miguel mo marinig ay mabuti pang sa Ama mo na marinig. Kaya ang Ama ay nagpapatotoo. Bukod sa dito, ipinakikita ng Ama kung paano ang maging isang mabuting Anak ng Diyos. Di ba mahirap namang ilarawan ang Diyos dahil iba ang pagiging tao at pagiging Diyos. Ang pagiging tao ni Jesus ang tinutularan ni Miguel. At walang batas ng biblia ang malalabag kahit sabihin pa na si Miguel ang Anak at si Jesus ang Ama. Basta umaayon sa katotohanan na may Anak ng Diyos ang naparito sa sanlibutan.Ang hindi kayang gawin ni Miguel na hinihingi ng kasulatan ay ginawa na ng Panginoon.

Hebreo 1:4
4 Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.
Filipos 2:9,10
9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,

Gawa 4:12
12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.

Maiintindihan ninyo ang talatang ito batay sa sinabi ko:

Juan 5:19
19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.

Juan 12:49,50
49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.

Tandaan:

Lucas 10:20
22 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at walang nakakakilala kung sino ang Anak, kundi ang Ama; at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.

Mateo 16:27
27 Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.

Basahin natin ito:

Mateo 20:26,27
25 Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
26 Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
27 At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:

Naitanong mo na ba sa sarili mo kung ginawa na ba ng ating Ama na maging alipin ng lahat?

Amen.