THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Araw ng Pagtubos

Linggo unang araw...

Exodo 12:2,5,6,7,13,23 Ang buwang ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo.
5 Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing:
6 At inyong aalagaan hanggang sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel, sa paglubog ng araw.
7 At kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan.
13 At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto.
23 Sapagka't ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto, ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon, at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo.
http://religioushistoricalfiction.files.wordpress.com/2013/03/passover-first.jpg

Tungkol sa hula ng Panginoon sa Lucas 21, ang kasunod nito sa chapter 22 ay tungkol sa Pista ng mga Tinapay pagkatapos ng pagpatay sa mga kordero (Nissan 14 sa Hebrew calendar). Sinasabi ko na nangyari ang hula ng Panginoon (sa Lucas 21) tungkol sa kasuklamsuklam na Paninira noong September 11, 2001 terror attack sa New York at nagtapos noong April 2-8, 2005, At ang Nissan 14 (bago ang Pista ng Tinapay na walang lebadura) ay pumatak sa April 23, 2005 at ang pagpatay sa mga tupa ay sa paglubog ng araw sa araw na iyan, na unang ginawa bago ang Exodo, kung saan ipinahid nila ang dugo ng cordero sa hamba ng mga pintuan upang lagpasan ng anghel na mamumuksa. Ngayon, kung sinabi ko, na tayo ay nasa Exodo, eksakto, dahil iyon ay araw ng paglaya at pagtubos (simbulo) ngunit mula na sa Dakilang Patutot (Babilonia) sa aklat ng Apocalipsis na ito nga ay nangyari noong September 11, 2001 hanggang April 2-8, 2005. Kaya ang kalayaan, malamang ay nangyari noong April 23 or 24 year 2005. Ang Panginoon naman ay pinatay (Nissan 15 33 AD ayon sa inaakala) ilang araw pagkatapos niyang isalaysay ang tungkol sa mangyayari sa Jerusalem at pagkawasak ng templo.

Eksakto ang year 2005 sa taon ng pagtubos, pero saan ba natin ito kinuha? Ito ay nasa aklat ni Daniel na 490 years.

Daniel 9:25-27 25 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag. 26At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na. 27At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

62 weeks = 434 years
7 weeks = 49 years
1 week = 7 years

Ang 490 years ay nagsimula noong 1521, nang dalhin ni Ferdinand Magellan ang Kristiyanismo sa bansang Pilipinas. At dahil sa Pilipinas natupad ang tungkol sa 490 years na nasa aklat ni Daniel, samakatuwid, sa Pilinas naganap ang pagtubos.

Sa Levitico 25:9,10 ay ganito ang sinasabi:

9 Kung magkagayo'y maguutos ka na lumibot sa bayan ang pakakak na matunog sa ikasangpung araw ng ika pitong buwan; sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak sa buong lupain ninyo.
10 At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pag-aari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan.

1948 - ito ang ika-50 taon ng kalayaan ng Pilipinas (mula sa bansang Espanya noong 1898) at ito rin ang taon ng ihayag ang kalayaan (1948) ng bansang Israel.

Balikan natin ang Daniel 9 tungkol sa 490 taon. Mapapansin na hinati ang 490 taon (434,49 at 7) sa tatlo. Para saan ang 49 na taon? Ito na nga ang sinasabi sa Levitico 25:9,10.

Nagsimula ang 490 taon simula 1521 ng dalhin ni Magellan ang Kristianismo sa ating bansa.

1521 + 434 = 1955
1955 + 49 = 2004

Kaya ang ika-50 taon mula 1955 (7 taon mula sa kalayaan ng Israel) ay sa 2005 na taon ng pagtubos. Basahin natin ang nakasulat tungkol sa taon ng pagtubos na ipinahayag ng Dios kay Isaias.

Isaias 63:4 Sapagka't ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating.

Leviticus 16:30 Sapagka't sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo; sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon. (Ito ay sa ika 7 buwan sa ika 10 araw ng kalendaryong hebreo na sa atin ay November. Pero ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus ay sa buwan ng Nissan (March/April) upang linisin tayo sa ating mga kasalanan)

Pagtatatak
Mababasa sa aklat ni Jeremias na pareho ang hula sa Babilonia at Sion (Jerusalem) kaya magkatulad ang katuparan.

Ito ba ang lahing matigas ang ulo kaya sa kanila ginanap ang araw ng pagpaparusa? Sa Exodo ay naroroon ang matitigas ang ulo. Pinalalapit ni Jesus sa kanya ang maliliit na bata, dahil nasa kanila ang paghahari ng Dios. Kaya sasabihin sa susunod na henerasyon: Huwag ninyong pagmatigasin ang inyong ulo na gaya ng ginawa ng inyong mga magulang sa ilang na doon ay tinukso nila ang Panginoon.

Ang nangyari sa Exodo ay mababasa rin natin sa mga isinulat ng mga propeta. Ano ang ibig kong sabihin? Ang pagtatatak ng anghel ay katulad ng pagpapahid ng dugo ng cordero sa mga hamba ng pintuan upang lampasan ng pagpaparusa. Basahin natin ang isinulat ni Ezekiel.

Ezekiel 9:3-8
3 At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan, hanggang sa pintuan ng bahay: at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran.
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.
5 At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag;
6 Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.
7 At sinabi niya sa kanila, Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo. At sila'y nagsilabas, at nanakit sa bayan.
8 At nangyari, habang sila'y nananakit, at ako'y naiwan, na ako'y nasubasob, at sumigaw ako, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel, sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem?

very froward thing, perverse thing

From tavah; a mark; by implication, a signature -- desire, mark.

see HEBREW tavah

In Judaism
Tav is the last letter of the Hebrew word emet, which means truth. The midrash explains that emet is made up of the first, middle, and last letters of the Hebrew alphabet (Aleph, Mem, and Tav: אמת). Sheqer(falsehood), on the other hand, is made up of the 19th, 20th, and 21st (and penultimate) letters. http://en.wikipedia.org/wiki/Taw

Greek Numbers (X is 1000)

For all of those who know that "Christ" is an English derivative of a Greek translation: Χριστός, or "khristos," of the Hebraic word "mashiah," meaning "anointed." The gospels, being written in Greek, use "khristos" as a title for Jesus of Nazareth, as in "Jesus, who is the Christ" (e.g.: Mark 8:29; Luke 9:20).
The use of the Greek "Chi," which is written as "X," was a shorthand way of writing "khristos," which began in the XVIth century. It was certainly not, by any means, a secularization of the celebration, but an easily grasped letter for those familiar with the Greek and Latin terms, as they were used by the church in most of Europe. You can still see the iconographic "Chi-Rho" used in many Christian denominations, such as Roman and Orthodox Catholicism, among others.
Please inform your well-meaning, but thoroughly uninformed, X-ian friends that "X" is not the English letter, but a Greek one, and further, one that would be easily recognized by many an early X-ian. The practice was started by X-ians, and anyone who might use it to "leave Christ out of X-mas" is simply uninformed as well.
On a more general note, study language and its history! Look up the history of words and why them came into being and how they are used. Language is empowerment, and it reveals intelligence as well as ignorance. http://www.facebook.com/group.php?gid=46958579921&v=wall

Apocalipsis 22:13 Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas. (Ang Alpha at Omega ay ang una at huling letra sa alpabetong Griego)

Ang katulad na propesiya ni Ezekiel ay mababasa natin sa Apocalipsis.

Apocalipsis 7:1,2,3
1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.
2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,
3 Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

(Ang apat na anghel ay kumakatawan at simbulo bilang mga anghel na susuguin ni Cristo sa apat na sulok ng lupa Mateo 24:31)

Apocalipsis 9:4 At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo.

Ang pahayag sa Ezekiel 9:4 ay pareho sa Apocalipsis 7:2 na ang anghel ay magtatatak at ang pahayag sa Ezekiel 9:6 ay pareho sa Apocalipsis 9:4 at Exodo 9:13,23 na ang mga may tatak ay lalampasan. At kung aalamin kung anong panahon magaganap ang nasa Ezekiel 9:3-8 at Apocalipsis 7:1,2,3 at Apocalipsis 9:4 ay sa panahon ng kasuklamsuklam na paninira. Balikan natin ang Ezekiel 9:7 na sinasabi: Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo.

At kung ating babasahin ng buo mula chapter 4 hanggang chapter 9 ng aklat ni Ezekiel, ang "bahay" na tinutukoy ay ang templo na nasa Jerusalem. Ang mga Apat Na Hangin (Apocalipsis 7:1) ay ang magsasagawa ng kasuklamsuklam na paninira. Ang kasuklamsuklam na paninira ay naganap noong September 11, 2001 at ang pagtubos ay nangyari noong 2005. Ayon sa Panginoon, kailan ang panahon ng pagtubos?

Lucas 21:28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.

Ang sagot ng Panginoon ay kapag nagsimula na ang mga bagay na kaniyang hinuhulaan, sa Mateo 24, Marcos 13 at Lucas 21. Saan sila maliligtas? Sa kahatulan.

Juan 3:17-20
17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.
19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.
20 Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.

Gaano tatagal ang kasuklamsuklam na paninira o ang pagyurak sa Jerusalem?

Revelation 11:2 At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

At walang makapagliligtas sa kahatulan ng Dios kundi ang dugo ni Cristo. Hebrews 9:22 At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.

Tatlo ang nagpapatotoo, Ang Espiritu, tubig at ang dugo.

1 John 5:7,8 7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan. 8 Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.

Ang patotoo ni Cristo ay ang kaniyang dugo bilang tanda ng kaniyang pagmamayari sa atin dahil binili niya tayo sa pamamagitan nito at sa Dios Ama ay ang Espiritu Santo tanda ng patotoo at ng pagmamayari din. At ang Iglesia ay nagpapatotoo rin sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. At ang lahat ng nasa Iglesia ay pag-aari ng Dios. Ang tatak o pantatak ay tanda ng pagmamay-ari.

May tatatakan pa bukod 144,000 na mga pinili sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay.

Revelation 22:4 At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.

Maliligtas ang mga natatakan mula sa kahatulan ng Dios. Ang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw ay ang Panginoon Jesus, na siyang Anak ng Dios na nagtatak sa pamamagitan ng kaniyang dugo. Dugo ng Panginoong Jesus bilang pantatak. Sino ang mga tinatakan?

Apocalipsis 7:4 At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:

Ano ang itinatak ng Cristo sa 144,00 sa mga pinili?

Apocalipsis 14:1,3 1 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.

3 At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.
Sino ang maglalagay ng pangalan ng Ama at ng Cristo sa noo ng 144,000 na mga pinili? Ang Cristo ba?

Apocalipsis 3:12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

................................................................................
I will set your captives free from the waterless pit because of the blood that sealed my promise to you. Zechariah 9:11 GOD'S WORD® Translation (©1995)

He did the same with the cup after supper, saying, "This cup is the new covenant sealed by my blood, which is being poured out for you. Luke 22:20 International Standard Version (©2008)

Ano ang ginamit na tinta ng anghel (siya si Cristo) Ezekiel 9:3-4 na may tintero ng manunulat sa tagiliran upang itatak o isulat kaniyang pangalan sa noo bilang SIGNATURE Revelation 3:12 ng mga tao na lalampasan ng parusa? Revelation 9:4 at Ezekiel 9:6

Nilagdaan ng Panginoon ang mga maliligtas. Isinulat niya ang kaniyang pangalan sa noo ng mga maliligtas sa pamamagitan ng kaniyang dugo. Ang pantatak na dala ng anghel ay ginagamit sa paglagda, bilang patotoo ng kasunduan o tipan. Sapagkat ang dugo ng Panginoon ay nagpatibay ng bagong tipan bilang lagda. At ang 144,000 ay tinubos sa pamamagitan ng dugo ng ating Panginoong Jesucristo. Apocalipsis 14:3

Apocalipsis 5:9 At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
Original Word: σφραγίζω
Part of Speech: Verb
Transliteration: sphragizó
Phonetic Spelling: (sfrag-id'-zo)
Short Definition: I set a seal upon
Definition: I seal, set a seal upon.

4972 sphragízō (from 4973 /sphragís, "a seal") – properly, to seal (affix) with a signet ring or other instrument to stamp (a roller or seal), i.e. to attest ownership, authorizing (validating) what is sealed.

4972 /sphragízō ("to seal") signifies ownership and the full security carried by the backing (full authority) of the owner. "Sealing" in the ancient world served as a "legal signature" which guaranteed the promise (contents) of what was sealed.
[Sealing was sometimes done in antiquity by the use of religious tattoos – again signifying "belonging to."].

http://strongsnumbers.com/greek/4972.htm

Original Word: σφραγίς, ῖδος, ἡ
Part of Speech: Noun, Feminine
Transliteration: sphragis
Phonetic Spelling: (sfrag-ece')
Short Definition: a signet-ring, impression of a seal, the proof
Definition: a seal, signet ring, the impression of a seal, that which the seal attests, the proof.

http://strongsnumbers.com/greek/4973.htm

http://biblos.com/ezekiel/9-4.htm
http://strongsnumbers.com/hebrew/8420.htm
http://biblos.com/revelation/7-2.htm