THE JUDGEMENT DAY


But you, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased. Daniel 12:9 AKJV

And I saw a strong angel proclaiming with a loud voice, Who is worthy to open the book, and to loose the seals thereof? Revelation 5:2 AKJV

But I will show you that which is noted in the scripture of truth: and there is none that holds with me in these things, but Michael your prince. Daniel 10:21 AKJV

And Jesus answering said to him, See you these great buildings? there shall not be left one stone on another, that shall not be thrown down.

The Great Day of the Lord: Armageddon

And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

Pagtatayo ng Templo

Image from: http://www.artcyclopedia.com/masterscans/natoire-the-expulsion-from-paradise.html


Juan 8:32
32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

Exodo- Ang Exodo sa panahong ito ay inihambing ko sa pag-alis ng Israel sa Egipto. Pero sa kasalukuyan, ay ang pag-alis sa Babilonia (Great Harlot) sa aklat ng Apocalipsis. Sa pagbagsak ng Dakilang Patutot, ang magiging kasunod nito ay ang kalayaan. Ang isang halimbawa ng hula ng paglaya sa Babilonia (Great Harlot) ay nasa Jeremias 30:7-10,18.

Jeremias 30:7-10,18
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
8 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
10 Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
18 Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.

Ang ating binasa ay ang pangako ng Dios sa bayang Israel noong sila ay nasa pagkaalipin at dinalang bihag sa Babilonia. Ang Babilonia ay ang nangangahulugang Dakilang Patutot sa aklat ng Apocalipsis at ito ang sinaysay ng mga propeta noong unang panahon.

Anghel (Exodo 23:20-22) kumakatawan bilang Ciro na nagpalaya sa Israel mula sa Babilonia. Ang anghel ay kumakatawan bilang pastol. Sa Apocalipsis, siya ay ang Cordero. Apocalipsis 7:16,17

Isaias 44:28
28 Na nagsasabi tungkol kay Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

Exodo 23:20-22
20 Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo.
21 Magingat kayo sa kaniya, at dinggin ninyo ang kaniyang tinig; huwag ninyong mungkahiin siya: sapagka't hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang; sapagka't ang aking pangalan ay nasa kaniya.
22 Datapuwa't kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig, at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita; ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway, kaalit ng iyong mga kaalit.

Apocalipsis 7:16,17
16 Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:
17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.

Ang kaparusahan para sa Babilon ay matatagpuan sa Apocalipsis 6 (apat na mga tatak) bilang hula ng Panginoong Jesus para sa Jerusalem sa Mateo 24, Marcos 13 at Lucas 21 tungkol sa kasuklamsuklam na paninira. Dadalhin o papastulin ng Cordero ang mga tao tungo sa pananampalataya sa Dios bilang ating tahanan at templo sa pamamagitan ng kanyang Anak (ika-7 seal). At pagbabalik tungo sa (Bagong) Jerusalem mula sa pagkakatapon sa Babilonia. (Matapos ang pagbagsak ng Dakilang Patutot sa Apocalipsis kapitulo 17 at 18)

Sa Israel pa rin uuwi ang mga nabihag ng Babilonia (Great Harlot sa aklat ng Apocalipsis) na katulad ng nangyari sa panahon ni Zorobabel. Ito ay ang tinatawag na Bagong Jerusalem sa aklat ng Apocalipsis na siyang uuwian ng mga nabihag ng Babilonia (Great Harlot sa aklat ng Apocalipsis). Bagong Jerusalem sapagkat muling itatayo.

Ezekiel 40:2
2 Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya ako sa lupain ng Israel, at inilagay ako sa totoong mataas na bundok, na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan.

Ganito rin ang nakita ni Juan sa kanyang pangitain. Sa Ezekiel 40:2, ito rin ay ang sinukat ng anghel at ito ay mababasa  kung itutuloy ang pagbabasa sa Ezekiel 40:5 (basahin sa inyong biblia) at sa Apocalipsis 21:15 (basahin sa inyong biblia) ating basahin ang nasa Apocalipsis 21:10

Apocalipsis 21:10
10 At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,

Ito rin ang sinukat ng anghel na mababasa naman sa aklat ni Zacarias.

Zacarias 2:1,2
1 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.
2 Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.

Mula sa pagkabihag sa Babilonia (Apocalipsis) babalik muli sa Israel. Walang Espiritual na bayan na uuwian kundi ang Church. Sapagkat ang Church ay extension ng Israel sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios.

Isaias 54:3
3 Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan.

Galacia 3:18,29
18 Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
29 At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.

Si Cristo at ang Church ay magiging isa. Siya ay nananahan sa atin at tayo sa kanya, samakatuwid, tayo ay magiging iisa, at kapag pinag-isa... ikinasal? Tama. Kaya nga ang Cordero at ang Bagong Jerusalem ay ikakasal at magiging isa. Ayon sa Panginoong Jesus: "Ako at ang Ama ay iisa." Juan 10:30 "At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;" Juan 17:22 At magiging isa sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios.

Juan 17:20,21
20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita
21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.


Zorobabel

Zacarias 4:9
9 Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.

Si Zorobabel ay kumakatawan sa Mesias bilang tagapagtayo ng templo ng Panginoong Dios. Si Zorobabel ay gobernador sa Juda at kasamang umalis sa pagkakabihag mula sa Babilonia.

Zacarias 6:16
12 At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;

Si Zorobabel ay kumakatawan bilang Sanga sa panahong uugain ng Panginoon ang langit at lupa.

Hagai 2:21,22,23
21 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa;
22 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.,
23 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang pagtatatag ng kahariang hindi magigiba ay sa panahong ito ba? Malamang! Balikan ang Hagai 2:21,22,23. Pagkatapos ay basahin ang Hebreo 12:26,27,28.

Hebreo 12:26,27,28
26 Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.
27 At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig.
28 Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios:

Sinabi ng Panginoong Dios na sa panahong uugain o yayanigin niya ang langit at ang lupa ay kukunin niya si Zorobabel na nagtayo ng templo sa Jerusalem matapos ang pagkabihag mula sa Babilonia. Samakatuwid, si Zorobabel ay kumakatawan bilang Mesias na magtatatag kahariang hindi magigiba, na simbulo ng pagtatayong muli ng templo na ginawa ni Zorobabel. Ang Church ay nagiba at muling itatayo at hindi na magigiba. Ang pagyanig ng Panginoon sa langit at sa lupa ay sa panahong ito ba? Malamang! Si Cristo at ang kanyang bayan ay magiging isang templo para sa Panginoong Dios at gagawin ito ng Dios.

Daniel 2:44,45
44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.
45 Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat.

Ang bakal, tanso, putik pilak at ginto ay nangangahulugang larawan ng diosdiosan. Anong panahon ang sinasabi sa Daniel 2:44,45?

1 Mga Taga Corinto 15:24
24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.

Daniel 12:7
7 At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.

Ito ay hindi tumutukoy sa pisikal na Jerusalem, kundi sa Church. Church na nagiba (espiritual), ngunit muling itatayo tulad ng Jerusalem at ilalagay ang batong panulok. Ang pagkagiba ng Church ay tapos na, baka ma-misinterpet ng iba. Nagiba dahil sa mga diosdiosan. Mula 9/11 terror attack sa New York hanggang April 8 2005 nang araw ng libing ni Pope John Paul II. Ito ay ang hinulaan ng Panginoong Jesus na ang magiging resulta ay  walang maiiwang bato sa ibabaw ng kapwa bato na pagkagiba ng templo sa Jerusalem at ayon sa aklat ni Daniel chapter 12 verse 7 ay magaganap ito sa loob ng 1290 mga araw.

Apocalipsis 9:15
15 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.

Ang ikatlong bahagi ng mga tao ay ang kristianismo. Basahin ang ibang detalye sa Pagkamatay ng 1/3 ng Sangkatauhan  Natupad Ang Hula  Ang oras at araw at buwan at taon ay noong September 11, 2001 at ayon muli sa aklat ni Daniel sa chapter 12 verse 7 ay ganito "pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos." at verse 9 ay ganito: "At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw."

Ang magiging simula ng pagbilang 1290 days ay mula sa panahon ng palaging handog na susunugin ay aalisin at matatayo ang kasuklamsuklam na paninira at ito ay ang hinulaan ng Panginoong Jesus sa Mateo 24, Marcos 13 at Lucas 21 at ayon sa Daniel 12:7 pagkatapos na mapagputolputol ang kapangyarihan ng banal na bayan na siyang Church o Kristianismo.

Apocalipsis 12:4
4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.

Ang ikatlong bahagi ng mga bituin ay tumutukoy rin sa kristianismo. Ito rin ay nangangahulugan ng kasuklamsuklam na paninira at kung paano ito nauugnay sa digmaan sa langit? basahin ang may pamagat na: Digmaan sa Langit (Magkakapareho ba ang Kasuklamsuklam na Paninira Digmaan sa Langit at Armagedon)

Hindi ba ang kasuklamsuklam na paninira ay propesiya para Jerusalem ngunit bakit ito ay naging kapareho ng katuparan sa propesiya para sa Babilonia? Sapagkat ang propesiya ay pareho!

Jeremias 50:40-44,46
40 Kung paanong sinira ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mga kalapit bayan ng mga yaon, sabi ng Panginoon, gayon hindi tatahan doon ang sinoman, o tatahan man doon ang sinomang anak ng tao.
41 Narito, isang bayan ay dumarating na mula sa hilagaan; at isang malaking bansa, at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.
42 Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat; sila'y mababagsik, at walang awa; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo, Oh anak na babae ng Babilonia.
43 Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina: pagdadalamhati ay humawak sa kaniya, at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

Jeremias 6:22-24
22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ang isang bayan ay nagmumula sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.
23 Sila'y nagsisihawak ng busog at ng sibat; sila'y mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion.
24 Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

Ang Bagong Jerusalem ay hindi literal na bayan na bababa mula sa langit. Ang tahanang mula sa langit ay si Cristo, siya ang magiging templo at tahanan natin.

2 Mga Taga Corinto 5:2,3
2 Sapagka't tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:
3 Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.

Galacia 3:27
27 Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.

Apocalipsis 21:22
22 At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.

1 Juan 3:24
24 At ang tumutupad ng kaniyang mga utos ay mananahan sa kaniya, at siya ay sa kaniya. At dito'y nakikilala natin na siya'y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin.

1 Juan 4:15
15 Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.

Colosas 2:9
9 Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,

Apocalipsis 21:3
3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:

Tungkol sa lupang tatahanan, basahin natin sa Roma 4:13

Roma 4:13
13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.

Roma 8:17
17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.

Mga Awit 2:8
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.

Hebreo 1:2
2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

Isaias 60:20,21,22
20 Ang iyong araw ay hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.
21 Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, ang sanga ng aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin.
22 Ang munti ay magiging isang libo, at ang maliit ay magiging matibay na bansa: akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.

Amos 9:11-14
11 Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una;
12 Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa na mga tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito,
13 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw.
14 At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila'y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon.
15 At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios.

Apocalipsis 11:15
15 At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

Sa kalagayan ba ni Miguel bilang (anghel? o) anyong Dios ay pasusukuin ang lahat ng mga bagay?

Hebreo 2:5-8
5 Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.
6 Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi, Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin? O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin?
7 Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel; Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan, At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:
8 Inilagay mo ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa. Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.

Ngayon, ang lupang mamanahin upang tahanan ay natukoy na ang lupa o ang daigdig na ito. Basahin natin muli ang Amos 9:11

Amos 9:11
11 Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una;

Kailangan lang ay ayusin muli. Wala naman ibang lupa na ibinibigay ng Diyos kundi ang mundong ito.

Mga Awit 132:13,14
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan; sapagka't aking ninasa.

Hindi po tayo ang tatahan sa tahanan ng Dios sa langit kundi ang Dios ang maninirahan sa piling natin. Siya ang magpapakababa. Kung tayo naman ang gustong manirahan sa tahanan ng Dios ay nagpapakataas tayo.

Zacarias 1:3,16
3 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem.

Ano ba ang pising panukat?

Isaias 28:17
17 At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran, at pinakapabato ang kabanalan: at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan, at aapawan ng tubig ang taguang dako.

Jeremias 23:5,6
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran.
 
Magaganap ba ang lahat ng mga ito? Hindi pa natin alam sa ngayon, ngunit may sinabi ang mga propeta na sisirain ng mga tao ang walang hanggang tipan. Ano ang kaparusahan? Nasa mga propeta tulad ni Isaias, Jeremias, Ezekiel, Daniel at iba pa (hindi sa mga bagong litaw) nasa biblia ang sagot.

Isaias 24:5
5 Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan.

Sa simula pa lang, ang mga interpretasyon ay mali, malamang, mga maling interpretasyon pa rin ang sisira ng tipan. Kung nasira ang tipan, ano ang mangyayari? Ang kasunduan ba ay masisira kalakip ng mga pangako? Pero may pangako ang Dios na hindi niya sisirain ang kanyang tipan at pangako kay David.

Awit 89:34,35,36
34 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
35 Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David;
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko.

Better luck next time, walang hanggang tipan naman iyan. See you!

Tandaan: Si David ay may tatlong pung taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing apat na pung taon. 2 Samuel 5:4 at ang Israel ay apat na pung taon naglakbay sa ilang. Deuteronomio 8:2,3